Umatras si Ariel at tumingin siya ng gulat kay Leon.Ang period ng isang babae ay umaabot ng anim hanggang pitong araw sa bawat buwan, ngunit may period na siya ng sampung araw. Ang period niya ay hindi pa tumitigil. Hindi ito pangkaraniwan.Hindi ito ang punto. Ang punto ay pribadong problema niya ito. Hindi niya maintindihan kung paano nalaman ni Leon ang ganitong detalye!Mahirap itong paniwalaan!“Hindi ba’t sinabi ko na sayo noon? May alam ako tungkol sa medisina. Nalaman ko ito base sa complexion mo…” Ang simpleng sinabi ni Leon.“Seryoso ka ba? Nagsisinungaling ka ba sa akin?!” Nagdududa na tumingin si Ariel kay Leon.Sa unang beses na sinabi ito ni Leon, akala niya ay tinutukso lang siya ni Leon.Ngunit ngayon, mukhang alam ni Leon na may problema sa katawan ni Ariel. Nabigla si Ariel. Hindi kaya’t may alam talaga si Leon sa medisina?“Bakit naman ako magsisinungaling sayo?! ‘Wag kang mag alala, ang gamot sa prescription na binigay ko sayo noon ay gumagana. Basta’t inum
Hirap itong sinabi ni Ariel bago siya kumuha ng pad mula sa bag niya at tumayo siya para umalis. Ngunit, muling sumakit ang tiyan niya, at nawalan siya ng balanse at natumba siya.Mabuti na lang at kumilos ng mabilis si Leon. Humawak siya sa baywang ni Ariel at papunta sa braso niya.“Sinusumpong ba ulit ang sakit mo?” Kumunot ang noo ni Leon, mabilis niyang nahulaan ang nangyari.“Ayos lang ako, kailangan ko lang itong tiisin…”“Bitawan mo ako…” Pumasok sa ilong niya ang amoy ng isang lalaki, at namula ang mukha ni Ariel. Pagkatapos nito, medyo sinubukan niyang kumawala, ngunit hindi siya makatakas kay Leon.“Kalokohan! Paano mo ito titiisin? Dapat kang gamutin!” Dumilim ang ekspresyon ni Leon habang binuhat niya si Ariel. Nabigla si Ariel habang pumunta sila sa sofa.“A-Ano ang ginagawa mo? B-Bitawan mo ako!” Namula ang mukha ni Ariel, at bumilis ang tibok ng kanyang puso.Hindi niya alam kung bakit, ito siguro ay dahil gusto niya sa mga malakas na lalaki, ngunit hindi siya tu
Handa na ang kwintas, at tumawag si Elder Shear para tanungin si Leon kung ano ang address nito upang ipadala niya ang kwintas.Nakita ni Leon na oras na para umalis sa trabaho, kaya ayaw niyang abalahin si Elder Shear. Gumawa siya ng appointment kay Elder Shear, at naghanda siya na pumunta mismo doon para kunin niya ito pagkatapos ng trabaho. Pasasalamatan niya rin si Elder Shear.Ang mga Shear ang isa sa four major families sa Springfield City, at sila ang may pinaka low-profile sa kanilang apat.Ang mansyon nila ay nasa paa ng isang malago at berdeng burol. Ang tanawin ay napakaganda. Mukhang isa itong paraiso. Mukhang isang magandang lugar ito para magtago at magpainga.Sa courtyard, si Elder Shear ay nasa gitna ng hardin at naglalaro ng chess.Ang lalaking nasa harap niya ay isang lalaking nasa tatlumpung taong gulang ang edad.Ang lalaki ay matalas ang mga mata, at mukhang marangal siya. Siya ay si Harvey Shear, ang apo ni Elder Shear at ang pinakamahusay na lalaki sa hener
Gayunpaman, ang disenyo ng kwintas ay komplikado, kaya mas matagal itong gawin. Natapos na ni Master Summers ang kanyang masterpiece.“Lolo, si Master Summers ang pinakasikat na jewelsmith sa Springfield City. Nabalitaan ko na nagretiro na siya ng halos sampung taon. Kung wala kayong koneksyon dati, hindi siya lalabas sa pagka retiro para dito!” Ang sabi ni Harvey ng nakangiti.“Tama. Para tulungan niya ako, nagmakaawa ako sa harap niya bago siya nagdesisyon na sumuko,” Tumawa si Elder Shear.“Lolo, maganda po ang dalawang kwintas na ito, pero ang gitna po ng mga imperial green ang may pinakamagandang kinang. Hindi po siguro mura ito. Isa itong masterpiece na ginawa ni Master Summers pagkatapos ng sampung taon ng hindi nagtatrabaho. May pambihirang kahalagahan po dito.”“Ipapamigay niyo lang po ito para sa wala?” Ngumuso si Cynthia at tila ayaw niya ito.Ang imperial green ay bihira at mahal. Sa merkado, ang dalawang kwintas na gawa sa imperial green ay magkakaroon ng halaga na at
“Nangako na ako kay Leon. Paano ako aatras sa salita ko?! Ako ang head of the family ng mga Shear. Kapag umatras ako sa salita ko, magiging isang katatawanan ako!” Seryoso si Elder Shear.Mahal niya ang apo niya. Hindi niya hahayaang madismaya ang apo niya pagdating sa ibang bagay, ngunit tungkol ito sa reputasyon ng pamilya niya. Hindi siya pwedeng mga biro tungkol dito.“Pero…” May gustong sabihin si Cynthia, ngunit sumingit si Elder Shear.“Walang pero. Kung gusto mo, pumili ka ng isa. Kung hindi, ibibigay ko ito pareho kay Leon para hindi maghiwalay ang kambal,” Ang sabi ni Elder Shear.“Syempre, gusto ko ng isa!! Isa na lang pala ang kukunin ko. Mas mabuti na ito kaysa sa wala!” Napilitan si Cynthia na tanggapin ito, pinili niya ang Red Star of the Sea at hinawakan niya ito ng buong pagmamahal.Hindi nagtagal, dumating si Leon sa bahay ng mga Shear. Dinala siya ng isang guard sa hardin, at nakipagkita si Leon sa grupo.“Elder Shear, matagal din po tayong hindi nagkita,” Ngum
Ngumiti lang si Benedict.Ang mga Shear ay isa sa four major families ng Springfield. Marami silang kapangyarihan. Paano mangyayari na kailangan niya ang tulong ni Leon?Kung may problema talaga siya na hindi kayang ayusin ng mga Shear, imposible na makakatulong si Leon sa kahit anong bagay.“Leon, malapit na ang hapunan. Bakit hindi ka muna manatili at sumama sa hapunan?” Ang sabi ni Phoebe ng nakangiti.“Hindi po, ayaw kong makaabala…”Naghanda nang umalis si Leon nang bigla siyang tumingin sa mukha ni Phoebe. Tila nakikita niya ng konti ang dark energy mula sa kilay ni Phoebe.Malabo ang dark energy. Kung hindi siya marunong sa medisina, hindi niya ito mapapansin.“Leon, ano ‘yun?”Nang makita na huminto si Leon, nagtaka si Benedict at ang pamilya niya.“Elder Shear, pagbigyan niyo ako sa pagiging direkta ko. Pero may dark aura si Madam Shear sa kilay niya. Isa itong masamang pangitain. Baka konti na lang ang natitira sa buhay niya…” Ang sabi ni Leon pagkatapos magdalawang
Malungkot na malungkot si Leon, ngunit dahil may utang na loob siya kay Benedict, nirikumenda niya pa rin si Graham sa kanila.Pagkatapos, nagpaalam na siya habang dala ang kwintas.“Hindi alam ng batang ‘yun ang lugar niya! Galit na galit ako!” Habang pinapanood na umali si Leon, hinampas ni Benedict ang kamay niya sa mesa. Lumaki ang mga mata niya sa galit. Ang magandang impresyon niya kay Leon ay nawala na ng tuluyan.“Benedict, ‘wag kang magalit. Ang lalaking ‘yun ay sinusubukan lang maging mabait. Baka wala siyang masamang intensyon,” Ang sabi ni Phoebe ng nakangiti.“Paano naman siya naging mabait? Halatang may masamang intensyon siya!”“Sa tingin ko ay akala niya ay paralisado si lol pagkatapos niyang makita ang wheelchair. Ito ang rason kung bakit gumawa siya ng istorya. Gusto niyang kumuha ng pagkakataon para maging malapit sa pamilya natin!”“Hindi niya alam na dahil lang ito sa joint pain at sinubukan niya tayong lokohin!” Ngumisi si Cynthia habang sinasabi ito.“Oo,
“Mali ka ng pagkakaintindi, Graham. Hindi kami naghanap ng ibang medical services sa kahit kanino, My isang binata na nag-ngangalang Leon ang umakto na alam niya kung anong nangyayari, at nagsabi ng kung ano-anong kalokohan!” agad na paliwanag ni Benedict.“Sinabi mo bang Leon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Graham at agad siyang napatayo sa kanyang inuupuan.“Oo, Leon ang pangalan niya. Anong nangyayari sayo Graham?” Gulat na napatingin si Benedict kay Graham at hindi niya naintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya.“Elder Shear, maaari bang sabihin mo sakin kung gaano katanda ang Leon na sinasabi mo at kung ano ang kanyang itsura…” malapit ng maghyperventilate si Graham at wala siyang ideya kung ang Leon na sinasabi nila ay ang parehong Leon na kanyang nakilala dati.“Matangkad siya at payat na binata na mid-twenties…” Inilarawan ni Benedict ang itsura ni Leon gamit ang mga simpleng salita.“Siya nga!” pakiramdam ni Graham ay tinamaan siya ng kidlat at walang magawa