Handa na ang kwintas, at tumawag si Elder Shear para tanungin si Leon kung ano ang address nito upang ipadala niya ang kwintas.Nakita ni Leon na oras na para umalis sa trabaho, kaya ayaw niyang abalahin si Elder Shear. Gumawa siya ng appointment kay Elder Shear, at naghanda siya na pumunta mismo doon para kunin niya ito pagkatapos ng trabaho. Pasasalamatan niya rin si Elder Shear.Ang mga Shear ang isa sa four major families sa Springfield City, at sila ang may pinaka low-profile sa kanilang apat.Ang mansyon nila ay nasa paa ng isang malago at berdeng burol. Ang tanawin ay napakaganda. Mukhang isa itong paraiso. Mukhang isang magandang lugar ito para magtago at magpainga.Sa courtyard, si Elder Shear ay nasa gitna ng hardin at naglalaro ng chess.Ang lalaking nasa harap niya ay isang lalaking nasa tatlumpung taong gulang ang edad.Ang lalaki ay matalas ang mga mata, at mukhang marangal siya. Siya ay si Harvey Shear, ang apo ni Elder Shear at ang pinakamahusay na lalaki sa hener
Gayunpaman, ang disenyo ng kwintas ay komplikado, kaya mas matagal itong gawin. Natapos na ni Master Summers ang kanyang masterpiece.“Lolo, si Master Summers ang pinakasikat na jewelsmith sa Springfield City. Nabalitaan ko na nagretiro na siya ng halos sampung taon. Kung wala kayong koneksyon dati, hindi siya lalabas sa pagka retiro para dito!” Ang sabi ni Harvey ng nakangiti.“Tama. Para tulungan niya ako, nagmakaawa ako sa harap niya bago siya nagdesisyon na sumuko,” Tumawa si Elder Shear.“Lolo, maganda po ang dalawang kwintas na ito, pero ang gitna po ng mga imperial green ang may pinakamagandang kinang. Hindi po siguro mura ito. Isa itong masterpiece na ginawa ni Master Summers pagkatapos ng sampung taon ng hindi nagtatrabaho. May pambihirang kahalagahan po dito.”“Ipapamigay niyo lang po ito para sa wala?” Ngumuso si Cynthia at tila ayaw niya ito.Ang imperial green ay bihira at mahal. Sa merkado, ang dalawang kwintas na gawa sa imperial green ay magkakaroon ng halaga na at
“Nangako na ako kay Leon. Paano ako aatras sa salita ko?! Ako ang head of the family ng mga Shear. Kapag umatras ako sa salita ko, magiging isang katatawanan ako!” Seryoso si Elder Shear.Mahal niya ang apo niya. Hindi niya hahayaang madismaya ang apo niya pagdating sa ibang bagay, ngunit tungkol ito sa reputasyon ng pamilya niya. Hindi siya pwedeng mga biro tungkol dito.“Pero…” May gustong sabihin si Cynthia, ngunit sumingit si Elder Shear.“Walang pero. Kung gusto mo, pumili ka ng isa. Kung hindi, ibibigay ko ito pareho kay Leon para hindi maghiwalay ang kambal,” Ang sabi ni Elder Shear.“Syempre, gusto ko ng isa!! Isa na lang pala ang kukunin ko. Mas mabuti na ito kaysa sa wala!” Napilitan si Cynthia na tanggapin ito, pinili niya ang Red Star of the Sea at hinawakan niya ito ng buong pagmamahal.Hindi nagtagal, dumating si Leon sa bahay ng mga Shear. Dinala siya ng isang guard sa hardin, at nakipagkita si Leon sa grupo.“Elder Shear, matagal din po tayong hindi nagkita,” Ngum
Ngumiti lang si Benedict.Ang mga Shear ay isa sa four major families ng Springfield. Marami silang kapangyarihan. Paano mangyayari na kailangan niya ang tulong ni Leon?Kung may problema talaga siya na hindi kayang ayusin ng mga Shear, imposible na makakatulong si Leon sa kahit anong bagay.“Leon, malapit na ang hapunan. Bakit hindi ka muna manatili at sumama sa hapunan?” Ang sabi ni Phoebe ng nakangiti.“Hindi po, ayaw kong makaabala…”Naghanda nang umalis si Leon nang bigla siyang tumingin sa mukha ni Phoebe. Tila nakikita niya ng konti ang dark energy mula sa kilay ni Phoebe.Malabo ang dark energy. Kung hindi siya marunong sa medisina, hindi niya ito mapapansin.“Leon, ano ‘yun?”Nang makita na huminto si Leon, nagtaka si Benedict at ang pamilya niya.“Elder Shear, pagbigyan niyo ako sa pagiging direkta ko. Pero may dark aura si Madam Shear sa kilay niya. Isa itong masamang pangitain. Baka konti na lang ang natitira sa buhay niya…” Ang sabi ni Leon pagkatapos magdalawang
Malungkot na malungkot si Leon, ngunit dahil may utang na loob siya kay Benedict, nirikumenda niya pa rin si Graham sa kanila.Pagkatapos, nagpaalam na siya habang dala ang kwintas.“Hindi alam ng batang ‘yun ang lugar niya! Galit na galit ako!” Habang pinapanood na umali si Leon, hinampas ni Benedict ang kamay niya sa mesa. Lumaki ang mga mata niya sa galit. Ang magandang impresyon niya kay Leon ay nawala na ng tuluyan.“Benedict, ‘wag kang magalit. Ang lalaking ‘yun ay sinusubukan lang maging mabait. Baka wala siyang masamang intensyon,” Ang sabi ni Phoebe ng nakangiti.“Paano naman siya naging mabait? Halatang may masamang intensyon siya!”“Sa tingin ko ay akala niya ay paralisado si lol pagkatapos niyang makita ang wheelchair. Ito ang rason kung bakit gumawa siya ng istorya. Gusto niyang kumuha ng pagkakataon para maging malapit sa pamilya natin!”“Hindi niya alam na dahil lang ito sa joint pain at sinubukan niya tayong lokohin!” Ngumisi si Cynthia habang sinasabi ito.“Oo,
“Mali ka ng pagkakaintindi, Graham. Hindi kami naghanap ng ibang medical services sa kahit kanino, My isang binata na nag-ngangalang Leon ang umakto na alam niya kung anong nangyayari, at nagsabi ng kung ano-anong kalokohan!” agad na paliwanag ni Benedict.“Sinabi mo bang Leon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Graham at agad siyang napatayo sa kanyang inuupuan.“Oo, Leon ang pangalan niya. Anong nangyayari sayo Graham?” Gulat na napatingin si Benedict kay Graham at hindi niya naintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya.“Elder Shear, maaari bang sabihin mo sakin kung gaano katanda ang Leon na sinasabi mo at kung ano ang kanyang itsura…” malapit ng maghyperventilate si Graham at wala siyang ideya kung ang Leon na sinasabi nila ay ang parehong Leon na kanyang nakilala dati.“Matangkad siya at payat na binata na mid-twenties…” Inilarawan ni Benedict ang itsura ni Leon gamit ang mga simpleng salita.“Siya nga!” pakiramdam ni Graham ay tinamaan siya ng kidlat at walang magawa
“Maaari niyo ng tanungin siya para masubukan.” nagmamadaling sinabi ni Graham.“Tama! Paano ko siya nakalimutan? Sabi niya ay sixty hanggang seventy percent siya sigurado na magagamot niya ito! Ibig sabihin ay may paraan siya para gamutin ito!” Natuwa si Benedict at agad niyang nilabas ang kanyang cellphone para tawagan si Leon. Pero, agad na natigil ang kanyang ngiti ng maalala niya na pinaalis niya kanina si Leon.Nakita ni Cynthia kung gaano nahihirapan ang kanyang lolo kaya nauna niyang sinabi “Grandpa, kaaalis lang ni Leon, maaaring nasa malapit pa siya. Pupuntahan ko siya para pabalikin dito at pagalingin si Grandma!”“Okay. Bilisan mo at habulin mo siya! Pakiusap tandaan mo na ipakita mo ang iyong sinseridad kahit ibig sabihin nito ay magmakaawa ka…” utos ni Benedict. Pakiramdam niya na mas may sinseridad kung ang kanyang babaeng apo ang pupunta para hingin ang tulong ni Leon.“Naiintindihan ko…”Hindi na naghintay si Cynthia na magsabi ng iba pa si Benedict. Agad siyang um
Seryosong sinabi ni Leon. Nakita niya ang medical skills ni Graham noon sa mga Youngs at nakita niya ang kakayahan nito pagdating sa alternative medicine at conventional medicine. Ang pressure point skills ni Leon ay maaaring mas magaling kaysa kay Graham, pero isa lamang siyang normal na tao kung ikukumpara kay Graham pagdating sa karanasan sa medikal. Kaya mas mabuti sa mga Shears na humingi ng tulong kay Graham kaysa sa kanya!“Ikaw…” ilang segundo na lang bago sumabog sa galit si Cynthia.Hindi siya magmamadaling puntahan si Leon para hingin ang kanyang tulong kung kayang pagalingin ni Graham ang kanyang lola! Sa lahat ng kanyang pwedeng sabihin. Pinili niyang katwiran sa kanyang mga aksyon ay ang pagbanggit kay Graham bilang palusot! Malinaw sa kanya na niloloko lang siya nito!Ang isang mapagmataas na babae na tulad niya ay hindi kayang tanggapin ang ganitong ugali kahit kanino!“Kumilala ka ng utang na loob! Kailangan kong ipaalam sa iyo na isang karangalan para sa iyo na pa