Ngumiti lang si Benedict.Ang mga Shear ay isa sa four major families ng Springfield. Marami silang kapangyarihan. Paano mangyayari na kailangan niya ang tulong ni Leon?Kung may problema talaga siya na hindi kayang ayusin ng mga Shear, imposible na makakatulong si Leon sa kahit anong bagay.“Leon, malapit na ang hapunan. Bakit hindi ka muna manatili at sumama sa hapunan?” Ang sabi ni Phoebe ng nakangiti.“Hindi po, ayaw kong makaabala…”Naghanda nang umalis si Leon nang bigla siyang tumingin sa mukha ni Phoebe. Tila nakikita niya ng konti ang dark energy mula sa kilay ni Phoebe.Malabo ang dark energy. Kung hindi siya marunong sa medisina, hindi niya ito mapapansin.“Leon, ano ‘yun?”Nang makita na huminto si Leon, nagtaka si Benedict at ang pamilya niya.“Elder Shear, pagbigyan niyo ako sa pagiging direkta ko. Pero may dark aura si Madam Shear sa kilay niya. Isa itong masamang pangitain. Baka konti na lang ang natitira sa buhay niya…” Ang sabi ni Leon pagkatapos magdalawang
Malungkot na malungkot si Leon, ngunit dahil may utang na loob siya kay Benedict, nirikumenda niya pa rin si Graham sa kanila.Pagkatapos, nagpaalam na siya habang dala ang kwintas.“Hindi alam ng batang ‘yun ang lugar niya! Galit na galit ako!” Habang pinapanood na umali si Leon, hinampas ni Benedict ang kamay niya sa mesa. Lumaki ang mga mata niya sa galit. Ang magandang impresyon niya kay Leon ay nawala na ng tuluyan.“Benedict, ‘wag kang magalit. Ang lalaking ‘yun ay sinusubukan lang maging mabait. Baka wala siyang masamang intensyon,” Ang sabi ni Phoebe ng nakangiti.“Paano naman siya naging mabait? Halatang may masamang intensyon siya!”“Sa tingin ko ay akala niya ay paralisado si lol pagkatapos niyang makita ang wheelchair. Ito ang rason kung bakit gumawa siya ng istorya. Gusto niyang kumuha ng pagkakataon para maging malapit sa pamilya natin!”“Hindi niya alam na dahil lang ito sa joint pain at sinubukan niya tayong lokohin!” Ngumisi si Cynthia habang sinasabi ito.“Oo,
“Mali ka ng pagkakaintindi, Graham. Hindi kami naghanap ng ibang medical services sa kahit kanino, My isang binata na nag-ngangalang Leon ang umakto na alam niya kung anong nangyayari, at nagsabi ng kung ano-anong kalokohan!” agad na paliwanag ni Benedict.“Sinabi mo bang Leon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Graham at agad siyang napatayo sa kanyang inuupuan.“Oo, Leon ang pangalan niya. Anong nangyayari sayo Graham?” Gulat na napatingin si Benedict kay Graham at hindi niya naintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya.“Elder Shear, maaari bang sabihin mo sakin kung gaano katanda ang Leon na sinasabi mo at kung ano ang kanyang itsura…” malapit ng maghyperventilate si Graham at wala siyang ideya kung ang Leon na sinasabi nila ay ang parehong Leon na kanyang nakilala dati.“Matangkad siya at payat na binata na mid-twenties…” Inilarawan ni Benedict ang itsura ni Leon gamit ang mga simpleng salita.“Siya nga!” pakiramdam ni Graham ay tinamaan siya ng kidlat at walang magawa
“Maaari niyo ng tanungin siya para masubukan.” nagmamadaling sinabi ni Graham.“Tama! Paano ko siya nakalimutan? Sabi niya ay sixty hanggang seventy percent siya sigurado na magagamot niya ito! Ibig sabihin ay may paraan siya para gamutin ito!” Natuwa si Benedict at agad niyang nilabas ang kanyang cellphone para tawagan si Leon. Pero, agad na natigil ang kanyang ngiti ng maalala niya na pinaalis niya kanina si Leon.Nakita ni Cynthia kung gaano nahihirapan ang kanyang lolo kaya nauna niyang sinabi “Grandpa, kaaalis lang ni Leon, maaaring nasa malapit pa siya. Pupuntahan ko siya para pabalikin dito at pagalingin si Grandma!”“Okay. Bilisan mo at habulin mo siya! Pakiusap tandaan mo na ipakita mo ang iyong sinseridad kahit ibig sabihin nito ay magmakaawa ka…” utos ni Benedict. Pakiramdam niya na mas may sinseridad kung ang kanyang babaeng apo ang pupunta para hingin ang tulong ni Leon.“Naiintindihan ko…”Hindi na naghintay si Cynthia na magsabi ng iba pa si Benedict. Agad siyang um
Seryosong sinabi ni Leon. Nakita niya ang medical skills ni Graham noon sa mga Youngs at nakita niya ang kakayahan nito pagdating sa alternative medicine at conventional medicine. Ang pressure point skills ni Leon ay maaaring mas magaling kaysa kay Graham, pero isa lamang siyang normal na tao kung ikukumpara kay Graham pagdating sa karanasan sa medikal. Kaya mas mabuti sa mga Shears na humingi ng tulong kay Graham kaysa sa kanya!“Ikaw…” ilang segundo na lang bago sumabog sa galit si Cynthia.Hindi siya magmamadaling puntahan si Leon para hingin ang kanyang tulong kung kayang pagalingin ni Graham ang kanyang lola! Sa lahat ng kanyang pwedeng sabihin. Pinili niyang katwiran sa kanyang mga aksyon ay ang pagbanggit kay Graham bilang palusot! Malinaw sa kanya na niloloko lang siya nito!Ang isang mapagmataas na babae na tulad niya ay hindi kayang tanggapin ang ganitong ugali kahit kanino!“Kumilala ka ng utang na loob! Kailangan kong ipaalam sa iyo na isang karangalan para sa iyo na pa
Galit na sinabi ni Harvey.“Humingi ng tawad? Sino ba siya para makakuha ng tawad sa akin? Walang tiyansa!” hindi pumayag si Cynthia.“Ikaw...” halos maglabas ng usok ang ilong ni Harvey, at may sasabihin pa sana siya ng nagsalita si Leon.“Hindi ko kailangan ng tawad niya! Gusto ko lang umuwi ng maaga, at umaasa ako na hindi ako pahihirapan ng mga Shears!” malamig na suminghal si Leon bago tumalikod para umalis. Hindi niya na gustong makihalubilo sa kanila.“Huwag kang umalis, Mister Wolf!” nagulat si Harvey at agad na nagmadali para pigilan si Leon.“Ano naman ngayon, Mister Shear?” kalmadong tanong ni Leon.“Mister Wolf, humihingi kami ng paumanhin sa hindi pagkakaunawaan kanina. Hindi dapat namin pinagdudahan ang iyong medical skills, at higit sa lahat hindi ka namin dapat pinaalis. Kami ang nasa mali at gusto kong humingi ng tawad sa ngalan ng aking lolo. Sana ay mahanap mo sa iyong puso na mapatawad kami, at bumalik para pagalingin ang aming lola…” yumuko si Harvey sa harap
Alam ni Harvey sa kanyang puso na hindi tatanggi ng mahigpit si Leon kung hindi nagkaroon ng alitan ang kanyang kapatid at si Leon. Sa gusto man niya o hindi, ang may kasalanan ang dapat humingi ng tawad kay Leon, at kapag humingi na ng tawad si Cynthia ay tyaka sila magkakaroon ng lugar para maayos ang problema.“Sinasabi mo sa akin na lumuhod ako sa kanya? Hindi ko gagawin iyon! Malaya kang gawin itong mga kalokohan na ito kung gusto mo, pero huwag mo akong idamay!” kinagat ni Cynthia ang kanyang maputing ngipin.“Cynthia! Alam mo ba kung gaano kakritikal ang sitwasyon ni lola ngayon? Ang buhay niya ay nasa panganib, at hindi ko alam kung anong mangyayari kung hindi tutulong si Mister Wolf! Gusto mo bang mamatay si lola?” tinignan ng masama ni Harvey si Cynthia at halos sumabog sa galit sa kanyang katigasan ng ulo.“Ako…” pakiramdam ni Cynthia ay tinamaan siya ng kidlat. Nasanay siyang mamuhay ng mataas at laging pinapahalagahan ng lahat, kaya hindi maiiwasan ang kanyang katigasan
“Okay lang. Ang importante ay ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Tatandaan namin ang iyong kabaitan sa aming buong bahay kahit ano man ang maging resulta!” seryosong sinabi ni Benedict.Kahit na sobra ang kanyang pagaalala sa kondisyon ng kanyang asawa. Sinigurado ni Leon na kumpiyansa siya ng 60-70 percent. Pagdating sa medikal na bagay, ang ganito kataas na antas ng kumpiyansa ay ibig sabihin walang masamang mangyayari.“Kung saan may buhay, may kamatayan. Mabuhay man ako o hindi lahat ng ito ay sa tadhana na. Pakiusap wag mo isipin na kailangan mong dalhin ang isang mabigat na pasanin. Mister Wolf” mabait na ngumiti si Phoebe, Matanda na siya at ang kanyang edad ay ibig sabihin na nakita niya na ang pagikot ng buhay ng paulit ulit sa kanyang paligid.Kung hindi na siya magagamot, kuntento na siya sa kanyang buhay.“Sige, huwag na kayong magalalang lahat. Bibigay ko ang lahat ng aking makakaya!” ngumiti si Leon, at sumenyas siya kay Phoebe na iabot niya ang kanyang wrist para k