“Okay lang. Ang importante ay ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Tatandaan namin ang iyong kabaitan sa aming buong bahay kahit ano man ang maging resulta!” seryosong sinabi ni Benedict.Kahit na sobra ang kanyang pagaalala sa kondisyon ng kanyang asawa. Sinigurado ni Leon na kumpiyansa siya ng 60-70 percent. Pagdating sa medikal na bagay, ang ganito kataas na antas ng kumpiyansa ay ibig sabihin walang masamang mangyayari.“Kung saan may buhay, may kamatayan. Mabuhay man ako o hindi lahat ng ito ay sa tadhana na. Pakiusap wag mo isipin na kailangan mong dalhin ang isang mabigat na pasanin. Mister Wolf” mabait na ngumiti si Phoebe, Matanda na siya at ang kanyang edad ay ibig sabihin na nakita niya na ang pagikot ng buhay ng paulit ulit sa kanyang paligid.Kung hindi na siya magagamot, kuntento na siya sa kanyang buhay.“Sige, huwag na kayong magalalang lahat. Bibigay ko ang lahat ng aking makakaya!” ngumiti si Leon, at sumenyas siya kay Phoebe na iabot niya ang kanyang wrist para k
“Paano…” natumba paatras si Benedict na parang tinamaan ng kidlat, pakiramdam niya na ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng arctic sea.“Bastardo! Isa kang manloloko! Pinatay mo ang aking lola! Papatayin kita…” nagising si Cynthia sa kanyang kalungkutan at inatake si Leon.“Cynthia, tumigil ka! Huwag kang magpadalos-dalos!” malakas na sumigaw si Benedict para pigilan si Cynthia.“Pero Grandpa! Pinatay niya si Grandma! Hindi ko siya mapapatawad…” umiyak si Cynthia at napasigaw sa kalungkutan.“Hindi niya kasalanan… ibinigay na ng lola mo sa tadhana ang kanyang buhay at kamatayan...” Napaluha si Benedict. Ang kanyang mata ay puno ng kalungkutan at lumbay na humahawa sa lahat.Sa lahat ng nandoon ay makikita na siya ang pinakanahihirapan sa lahat, higit pa kay Cynthia.“Anong… ginagawa niyo… Si Madam Shear… Okay lang siya. Ma… Malapit na siyang gumaling ng tuluyan…” hindi alam ni Leon kung tatawa siya o iiyak. Mahina ang kanyang boses at kahit paano ay nagawa niyang magsalita.A
“Kailangan ko lang linawin ang isang bagay. Ang kondisyon ni Madam Shear ay halos gumaling na, pero hindi pa siya lubusang magaling.” mapait na ngumiti si Leon.Dahil siya ay 60-70 percent lamang na sigurado sa pagkakataon na iyon, at wala siyang kontrol sa sitwasyon, at may mga hindi magagandang pangyayari habang ginagamot niya.“Hindi tuluyang magaling? Ginamot mo lamang ba ang mga sintomas at hindi ang sanhi nito, na magiiwan ng posibilidad na bumalik ito sa hinaharap?” nabigla si Benedict, at ang kasiyahan sa kanyang puso ay humina.Pareho ang pakiramdam ni Harvey at Cynthia at hindi mapalagay sa buong sitwasyon.“Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Nagamot ko na ng tuluyan ang brain infection kanina, at walang tyansa na mangyari pa ulit ito sa hinaharap. Ngunit, iilan lang ang kaya kong gawin. Hindi ako makakatulong na maayos ang mga damaged na nerves, at mamumuhay siya na gumagamit ng wheelchair o ng crutches…” nahihiyang sinabi ni Leon.Ayon sa koleksyon ng mga medical record
“Maaring mahirap ito para sa ibang mga pamilya, pero napakadali lang nito sa kanila!” sabi ni Graham.“Ahh, kaya pala.” nagulat si Leon at tyaka niya naintindihan.“Sa totoo lang, Mister Wolf, mayroon kaming true Panax ginseng na higit pa sa three-hundred-and-sixty years ang edad! Para sa ibang mahahalagang medicinal materials, pakiusap sabihin mo lang kung ano ang kailangan mo at kukuha ako ng taong maghahanda agad nito ” sabi ni Benedict ng nakangiti.“Sige, isusulat ko ang lahat para sa iyo.” tumango si Leon. Nakakita siya ng papel at ng panulat bago isulat ang prescription at inabot ito kay Benedict.At tyaka, inutusan niya si Benedict na humanap ng earthenware pot para sa pagpapakulo ng gamot, kasama na ang uling at iba pa.Mayamaya, dumating si Harvey at ilang guards na may dalang mga gamit at medicinal ingredients na kailangan ni Leon. kasama dito ang wild Panax ginseng na higit pa sa three centuries ang tanda.Bago pakuluan ang samut-saring herbs para kay Phoebe, inilagay
“Ah! Ito ang tinatawag nilang alchemy na mayroon noong unang panahon? Nagkaroon ako ng pambihirang karanasan ngayon!” tumawa si Benedict at tumingin kay Leon ng may paghanga. Si Harvey at Cynthia ay pareho ang reaksyon. Ito ang unang beses sa kasaysayan na nakita nila ang misteryosong alchemy technique, kaya napakadaling isipin kung gaano kalaki ang gulat na naramdaman nila sa kanilang mga puso!“Masyado mo akong pinupuri, hindi siya ganun kalaking gawain na karapatdapat bigyan ng pagkilala…” namula ang mukha ni Leon at nahiya siya sa mga papuri.Tulad ng hula ng lahat, ang ginawa niya kanina ay hindi simpleng pagpapakulo ng medicine, kung hindi ay alchemy. Kumpara sa pagpapakulo ng medicine ng karaniwang paraan, ang alchemy ay ilang beses na mas maganda kaysa dito. Dahil ang medicinal properties ng herbs ay mas mabuting makukuha. Pero iyon ang unang karanasan ni Leon sa alchemy. Ang kakulangan niya sa karanasan, kasama ng mahinang kontrol sa apoy, ang dahilan para sumabog ang pot.
“Cynthia, maghanda ka na ng hapunan!”“Leon, gabi na! Bakit hindi ka muna manatili para kumain ng hapunan?” Sinabi ni Benedict habang nakangiti.“Ah, oo nga! Pasensya na sa abala.” Tumango at ngumiti si Leon. Medyo gutom siya pagkatapos maging busy ng buong araw.“Graham, bakit hindi ka muna sumama sa hapunan?” Inimbita din ni Benedict si Graham.“Hindi na kailangan, medyo busy ako, kaya kailangan ko nang umalis ngayon.”“Elder Shear, Mister Wolf, sa susunod ulit,” Nagpaalam si Graham bago siya umalis kasama ang assistant niya.Nang mawala na si Graham, tila may naisip si Harvey bago niya sinabi, “Lolo, tungkol kay Mister Wolf, may ideya ako.”“Ano ang ideya mo?” Ang tanong ni Benedict.“Ang mga Shear ay may business sa mga medical ingredients, at ang medical skills ni Mister Wolf ay pambihira. Kapag nakipag tulungan tayo sa medical field, makakatulong ito sa isa’t isa,” May matalinong kinang sa mga mata ni Harvey.Napaisip si Elder Shear at mabilis siyang naintindihan kung an
Tutal, hindi siya isang mahalagang tao para kay Iris. Kung bigla siyang nagbigay ng mamahaling kwintas kay Iris, nag aalala siya na baka kakaiba ang labas nito!Sa pagkakakilala niya kay Iris, hindi kaswal na tatanggap si Iris ng kahit anong regalo mula sa mga lalaki.Kapag binigay niya ang kwintas kay Iris, baka mapagkamalan ni Iris na ang isang tao na tulad niya ay may masamang intensyon. Pagkatapos, baka hindi na sila manatiling magkaibigan. Ito ay isang bagay na ayaw niyang mangyari.Gayunpaman, ang kwintas ay nasa kamay niya na. Hindi siya papayag na hindi ibigay kay Iris ang kwintas.“Leon, bakit ka nakatitig sa sahig?”“Tama, kumain ka na ba ng hapunan? Kung hindi pa, gagawa ako ng pagkain para sayo,” Bumalik sa sarili si Leon dahil sa boses ni Iris.“Hindi na kailangan, kumain na ako sa labas.”“Iris, gabi na. Maliligo na ako,” Tumawa ng ilang beses si Leon bago niya tinago ang kwintas at bumalik siya sa kwarto.“Ano ang problema ni Leon ngayon? Medyo kakaiba ang kilos
Namula ang mukha ni Ariel habang nagpasalamata siya ng tapat kay Leon.Nang umuwi si Ariel, sumunod si Leon sa prescription ni Leon. Ang period niya ay nawala nang gabing ‘yun at ang katawan niya ay naging mas relax kumpara sa dati.Humanga siya medical skills ni Leon dahil dito.“Kaya pala mukhang nasa good mood ka ngayon!” Tila may napagtanto si Leon, hindi niya mapigilan na tumawa.Sa loob ng vice principal’s office, tumawag si Ashwin kay Michael sa phone.“Mister Duvall, nakuha ko na ang mga detalye ni Leon!” Ang sabi ni Ashwin ng may kakaibang tono.Masayang sinabi ni Michael, “Mister Mercer, saan galing ang lalaking ‘yun? Ano ang background niya…”“Background?”“Wala siyang kahit anong background!” Tumawa ng malakas si Ashwin.“Ano? Hindi kaya’t isang ordinaryong tao lang siya na walang background?” Nabigla si Michael.Naalala niya na nakuha ni Leon ang partnership ng Wick Group noong nakaraang mga araw, at nabigla ang lahat.SI Leon ay may kakayahan dapat o may magand