“Ah! Ito ang tinatawag nilang alchemy na mayroon noong unang panahon? Nagkaroon ako ng pambihirang karanasan ngayon!” tumawa si Benedict at tumingin kay Leon ng may paghanga. Si Harvey at Cynthia ay pareho ang reaksyon. Ito ang unang beses sa kasaysayan na nakita nila ang misteryosong alchemy technique, kaya napakadaling isipin kung gaano kalaki ang gulat na naramdaman nila sa kanilang mga puso!“Masyado mo akong pinupuri, hindi siya ganun kalaking gawain na karapatdapat bigyan ng pagkilala…” namula ang mukha ni Leon at nahiya siya sa mga papuri.Tulad ng hula ng lahat, ang ginawa niya kanina ay hindi simpleng pagpapakulo ng medicine, kung hindi ay alchemy. Kumpara sa pagpapakulo ng medicine ng karaniwang paraan, ang alchemy ay ilang beses na mas maganda kaysa dito. Dahil ang medicinal properties ng herbs ay mas mabuting makukuha. Pero iyon ang unang karanasan ni Leon sa alchemy. Ang kakulangan niya sa karanasan, kasama ng mahinang kontrol sa apoy, ang dahilan para sumabog ang pot.
“Cynthia, maghanda ka na ng hapunan!”“Leon, gabi na! Bakit hindi ka muna manatili para kumain ng hapunan?” Sinabi ni Benedict habang nakangiti.“Ah, oo nga! Pasensya na sa abala.” Tumango at ngumiti si Leon. Medyo gutom siya pagkatapos maging busy ng buong araw.“Graham, bakit hindi ka muna sumama sa hapunan?” Inimbita din ni Benedict si Graham.“Hindi na kailangan, medyo busy ako, kaya kailangan ko nang umalis ngayon.”“Elder Shear, Mister Wolf, sa susunod ulit,” Nagpaalam si Graham bago siya umalis kasama ang assistant niya.Nang mawala na si Graham, tila may naisip si Harvey bago niya sinabi, “Lolo, tungkol kay Mister Wolf, may ideya ako.”“Ano ang ideya mo?” Ang tanong ni Benedict.“Ang mga Shear ay may business sa mga medical ingredients, at ang medical skills ni Mister Wolf ay pambihira. Kapag nakipag tulungan tayo sa medical field, makakatulong ito sa isa’t isa,” May matalinong kinang sa mga mata ni Harvey.Napaisip si Elder Shear at mabilis siyang naintindihan kung an
Tutal, hindi siya isang mahalagang tao para kay Iris. Kung bigla siyang nagbigay ng mamahaling kwintas kay Iris, nag aalala siya na baka kakaiba ang labas nito!Sa pagkakakilala niya kay Iris, hindi kaswal na tatanggap si Iris ng kahit anong regalo mula sa mga lalaki.Kapag binigay niya ang kwintas kay Iris, baka mapagkamalan ni Iris na ang isang tao na tulad niya ay may masamang intensyon. Pagkatapos, baka hindi na sila manatiling magkaibigan. Ito ay isang bagay na ayaw niyang mangyari.Gayunpaman, ang kwintas ay nasa kamay niya na. Hindi siya papayag na hindi ibigay kay Iris ang kwintas.“Leon, bakit ka nakatitig sa sahig?”“Tama, kumain ka na ba ng hapunan? Kung hindi pa, gagawa ako ng pagkain para sayo,” Bumalik sa sarili si Leon dahil sa boses ni Iris.“Hindi na kailangan, kumain na ako sa labas.”“Iris, gabi na. Maliligo na ako,” Tumawa ng ilang beses si Leon bago niya tinago ang kwintas at bumalik siya sa kwarto.“Ano ang problema ni Leon ngayon? Medyo kakaiba ang kilos
Namula ang mukha ni Ariel habang nagpasalamata siya ng tapat kay Leon.Nang umuwi si Ariel, sumunod si Leon sa prescription ni Leon. Ang period niya ay nawala nang gabing ‘yun at ang katawan niya ay naging mas relax kumpara sa dati.Humanga siya medical skills ni Leon dahil dito.“Kaya pala mukhang nasa good mood ka ngayon!” Tila may napagtanto si Leon, hindi niya mapigilan na tumawa.Sa loob ng vice principal’s office, tumawag si Ashwin kay Michael sa phone.“Mister Duvall, nakuha ko na ang mga detalye ni Leon!” Ang sabi ni Ashwin ng may kakaibang tono.Masayang sinabi ni Michael, “Mister Mercer, saan galing ang lalaking ‘yun? Ano ang background niya…”“Background?”“Wala siyang kahit anong background!” Tumawa ng malakas si Ashwin.“Ano? Hindi kaya’t isang ordinaryong tao lang siya na walang background?” Nabigla si Michael.Naalala niya na nakuha ni Leon ang partnership ng Wick Group noong nakaraang mga araw, at nabigla ang lahat.SI Leon ay may kakayahan dapat o may magand
“Kung alam ni Ariel na walang kwenta si Leon, iiwanan niya si Leon!” Masigla na si Michael habang nakangiti. Ang lahat ng kalungkutan sa isip niya ay naglaho.Pagkatapos ng trabaho, sinabi ni Iris sa mga executive ng kumpanya at sa ibang mga empleyado na maghanda para sa celebration party.Si Leon ay may malaking parte sa Elegante Group dahil nakuha niya ang partnership sa Wick Group, at si Ariel ay tumulong sa kanya.Maliban sa kanilang dalawa, ang mga tao sa planning department na nagtatrabaho ng overtime para mag design ng plan ay hindi rin dapat kalimutan.Ang partnership ng Elegante Group at Wick Group ay sumusulong na.Naghanda ng selebrasyon si Iris para magreward kay Leon at Ariel, pati na rin sa planning department.…Ang Springbreak Villas ay isang high-end na lugar para magtipon.Isa itong tourist vacation spot. Mayroong mga hotel at catering services. Ang kapaligiran at tanawin ay napakaganda. Ito ang pinakamagandang lugar para magrelax ang mga mayaman.May ilang m
“Kahit na naging mahirap ang mga bagay para sayo, kahit na walang tulong ng iba, nagawa mong makuha ang partnership ng Wick Group. Mukhang talentado ka talaga!” Ang sabi ni Ashwin na tila humahanga.“Hindi naman, swerte lang ako…” Ngumiti ng awkward si Leon, medyo nalilito siya kung paano nalaman ni Ahwin na isa siyang ulila.Tila kakaiba rin ang pagsasalita ni Ashwin, ngunit hindi malaman ni Leon kung bakit.“Isang ulila si Mister Wolf!”“Hindi ako makapaniwala na may malungkot na nakaraan siya!”“Tama. Nakakaawa nga siya…”…Nagsalita ang mga executive sa paligid nila. Lahat sila ay tumingin kay Leon ng kakaiba. Ang ilan sa kanila ay may simpatya sa kanilang mga mata, habang ang iba ay tila naging mababa ang tingin sa kanya.“Nakalipas na ang lahat ng ito. Wala nang trahedya tungkol dito,” Ang kalmadong sinabi ni Leon.Sanay na siya na tingnan ng kakaiba ng ibang tao, at mas malakas na ang loob niya kumpara sa dati. Hindi siya naaapektuhan ng isang maliit na bagay.“May isa
“Ashwin, Michael, sumosobra na kayo!” Hinampas ni Iris ang kamay niya sa mesa at tumingin siya ng galit sa dalawa.Alam niya ang tungkol sa background ni Leon. Hindi niya inaasahan na ibubunyag nila Ashwin at Michael ang nakaraan ni Leon sa harap ng lahat, ipinahiya nila ng buo si Leon. Sumosobra na ito!“Miss Young, ‘wag kayong magalit, nakikipag biruan lang kami ni Mister Mercer kay Mister Wolf. Wala kaming masamang intensyon,” Mabilis na humingi ng tawad si Michael, ngunit tuwang tuwa siya sa sarili niya. Nalabas niya na ang galit niya!“Tama, Miss Young. Wala kaming masamang intensyon ni Mister Duvall. Si Mister Wolf ang mismong nagsabi nito, nakalipas na ang lahat ng ito. Isa siyang tao na bukas ang isipan. Sigurado ako na ayos lang sa kanya ang ganitong biro. Hindi ba, Mister Wolf?” Ngumiti si Ashwin habang tinanong niya si Leon.“Hindi nakakatawa ang biro na ito,” Pinilit ni Leon na ngumiti, ngunit tinandaan niya na maging maingat kay Ashwin sa susunod.Ilang mga salita lan
“Oo, Mister Mercer. Salamat sa pagiging mapag maalalahanin mo,” Kinagat ni Iris ang labi iya, at medyo namula ang mga mata niya. Napuno ng init ang kanyang puso.Dahil hindi maganda ang relasyon niya sa tatay at sa stepmom niya, wala siyang pagkakataon para ipagdiwang ang kaarawan niya simula noong tumira siya ng mag isa noong nakalipas na dalawang taon.Paminsan minsang naaalala ng lolo at tita niya ang kaarawan niya at tatawag sila para bumati o magbigay ng mga regalo.Maliban dito, tahimik niyang ipinagdiwang ang mga kaarawan niya sa nakalipas na dalawang taon. Malungkot ito.Hindi niya inaasahan na maaalala ni Ashwin ang kaarawan niya, at hindi niya rin inaasahan na maghanda ito ng sorpresa sa kanya. Natuwa siya sa sinseridad ni Ashwin.“Hindi ako makapaniwala na kaarawan ni Miss Young ngayon…”“Miss Young, lahat kami ay binabati ka ng happy birthday.”Ang lahat ng executive sa mesa ay mabilis na kumilos habang tumayo sila para batiin si Iris.Ang ibang mga mesa ay ganito d