“Ashwin, Michael, sumosobra na kayo!” Hinampas ni Iris ang kamay niya sa mesa at tumingin siya ng galit sa dalawa.Alam niya ang tungkol sa background ni Leon. Hindi niya inaasahan na ibubunyag nila Ashwin at Michael ang nakaraan ni Leon sa harap ng lahat, ipinahiya nila ng buo si Leon. Sumosobra na ito!“Miss Young, ‘wag kayong magalit, nakikipag biruan lang kami ni Mister Mercer kay Mister Wolf. Wala kaming masamang intensyon,” Mabilis na humingi ng tawad si Michael, ngunit tuwang tuwa siya sa sarili niya. Nalabas niya na ang galit niya!“Tama, Miss Young. Wala kaming masamang intensyon ni Mister Duvall. Si Mister Wolf ang mismong nagsabi nito, nakalipas na ang lahat ng ito. Isa siyang tao na bukas ang isipan. Sigurado ako na ayos lang sa kanya ang ganitong biro. Hindi ba, Mister Wolf?” Ngumiti si Ashwin habang tinanong niya si Leon.“Hindi nakakatawa ang biro na ito,” Pinilit ni Leon na ngumiti, ngunit tinandaan niya na maging maingat kay Ashwin sa susunod.Ilang mga salita lan
“Oo, Mister Mercer. Salamat sa pagiging mapag maalalahanin mo,” Kinagat ni Iris ang labi iya, at medyo namula ang mga mata niya. Napuno ng init ang kanyang puso.Dahil hindi maganda ang relasyon niya sa tatay at sa stepmom niya, wala siyang pagkakataon para ipagdiwang ang kaarawan niya simula noong tumira siya ng mag isa noong nakalipas na dalawang taon.Paminsan minsang naaalala ng lolo at tita niya ang kaarawan niya at tatawag sila para bumati o magbigay ng mga regalo.Maliban dito, tahimik niyang ipinagdiwang ang mga kaarawan niya sa nakalipas na dalawang taon. Malungkot ito.Hindi niya inaasahan na maaalala ni Ashwin ang kaarawan niya, at hindi niya rin inaasahan na maghanda ito ng sorpresa sa kanya. Natuwa siya sa sinseridad ni Ashwin.“Hindi ako makapaniwala na kaarawan ni Miss Young ngayon…”“Miss Young, lahat kami ay binabati ka ng happy birthday.”Ang lahat ng executive sa mesa ay mabilis na kumilos habang tumayo sila para batiin si Iris.Ang ibang mga mesa ay ganito d
Mapapahiya si Ashwin kapag tinanggihan niya ito sa harap ng lahat. Walang galang siya kung ginawa niya ito.Gayunpaman, malaki ang halaga ng kwintas. Hindi tama para tumanggap siya ng ganitong bagay.Nahirapan siya sa sitwasyon at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.“Miss Young, ito ang sinseridad ni Mister Mercer, dapat niyo itong tanggapin!”“Tama, mataas ang halaga at pambihira ang kwintas na ito. Bagay ito sa inyo. Kayo lang ang nararapat para dito.”Ang mga executive sa parehong mesa ay mabilis na tinulak si Iris nang tumingin sa kanila si Ashwin.Nakisama din ang ibang mga empleyado sa ibang mga mesa. Lahat sila ay pinuri si Ashwin, umaasa sila na tanggapin ni Iris ang kwintas.“Sige na. Tatanggapin ko ito!”“Mister Mercer, salamat,” Nagdalawang isip ng ilang sandali si Iris. Nang makita niya ang mood ng lahat, ayaw niya itong sirain, at ayaw niya rin na mapahiya si Ashwin. Sa huli, tinanggap niya ang kwintas.Gayunpaman, nagdesisyon niya na iremimburse si Ashwin
Hindi niya hahayaan na agawin ng ibang lalaki si Iris mula sa kanya!Isa itong matatag na paniniwala sa loob ng puso niya!Gayunpaman, napagtanto niya na tinanggap ni Iris ang regalo ni Ashwin, at tila natuwa pa ito kay Aswin.Bukod pa dito, si Ashwin ang pokus ng atensyon sa sandaling ito at nahihigitan niya si Leon sa maraming bagay.Paano lalaban si Leon kay Ashwin?“Ano? Papanoorin ko lang ba na agawin ang babaeng mahal ko?” Namula ang mga mata ni Leon sa pagkataranta.Biglang may naisip si Leon, ang Blue Star of the Sea.Iniisip niya kung kailan niya ito dapat ibigay kay Iris, ngunit ito na ang pagkakataon niya.Kaarawan ni Iris ngayon! Dahil hindi tumanggi si Iris sa regalo ni Ashwin, baka hindi rin tanggihan ang regalo niya!“Sandali lang!” Masaya si Leon habang tumayo siya.“Mister Wolf, ano ang ginagawa mo? May malaking ngiti ka sa mukha. Balak mo rin ba bumati ng congratulations sa amin ni Miss Young? Matalino ka para gawin ito!” Tumingin ng nanunuya si Ashwin kay L
Ang pagbibigay ni Leon ng regalo sa kanya sa sandaling ito ay perpekto para ayusin ang sitwasyon na ito para sa kanya.Basta’t tanggapin niya ang regalo, makaklaro ang maling pagkakaunawa sa sitwasyon.Nataranta si Ashwin nang mukhang sisirain na ni Leon ang araw niya.“Iris, tingnan mo! Walang kahit anong dungis sa kwintas na ‘yun. Isang kwintas lang ito na mass-produced ng mga makina. May halaga lang ito na ilang daang dolyar!”“Paano mo sisirain ang imahe mo sa pagsuot ng isang mumurahing kwintas?!” Ang sabi ni Ashwin, mabilis niyang tumingin kay Michael at sa ilang mga executive.“Oo, Miss Young, ang isang bagay na ganito ay magiging insulto sa sarili niyo!”“Halata na gusto lang kayong lokohin ni Mister Leon. Wala siyang kahit anong sinseridad. Hindi niyo ito pwedeng tanggapin…”Si Michael at ang ilang executive ay mabilis na sumang ayon kay Ashwin.“Leon, walang hiya ka!”“Kahit na gusto mong magbigay ng regalo kay Miss Young, dapat ay binigyan mo siya ng isang bagay na
Kahit na ang regalo na binigay ni Leon ay hindi mataas ang halaga, ang mahalaga lang kay Iris ay ang intensyon ni Leon. Wala nang ibang bagay na mahalaga.“‘Yun ay…” Nabigla si Leon.Hindi niya inaasahan na ang mahal na imperial green necklace na pinaghirapan niyang makuha ay magiging isang walang kwentang kwintas.Hindi niya kayang mangatwiran dito!“Iris, hindi lang nagyayabang si Leon!”“Totoo ang lahat ng sinabi niya. Ito ay ang isang tunay na imperial green necklace!” Biglang tumayo si Ariel. Tumingin siya sa kwintas bago siya tumingin kay Leon ng may kakaibang ekspresyon.Nabigla si Iris. Akala niya ay mali ang pagkakarinig niya, “Ariel, ano ang ginagawa mo? Isang bagay kung nagloloko lang si Leon, bakit ikaw rin?”“Hindi ako nagloloko! Kaya ko itong patunayan! Hindi lang sa sa top-grade na imperial green ang kwintas na ito, gawa pa ito ng ng master smith na si Magnus Summers!” Ang matatag na sinabi ni Ariel.“Ano? Gawa ni Master Summers? Isang biro ba ito?!”“Si Master
Tutal, pareho nilang alam ang tungkol sa background ni Leon. Alam nila na si Leon ay isang ulila, at pinalayas siya ng dating pamilya niya dahil sa pagiging walang kwenta!Hindi sila naniniwala na ang isang basura na tulad ni Leon ay kayang bumili ng isang imperial green!“Hindi ako nagkakamali!”“Ang imperial green sa necklace niya ay binigay sa lolo ko mula kay Elder Shear ng mga Shear. Gumawa siya ng dalawang kwintas gamit ito!”“Magkamukha silang pareho maliban sa ang isa ay pula at ang isa ay asul!”“Binigay ko ang pangalan na Twin Stars of the Sea sa dalawang kwintas. Ang pula ay ang Red Star of the Sea at ang asul ay ang Blue Star of the Sea!” Ang sabi ni Ariel.Siya ang nagpangalan sa dalawang kwintas, kaya paano siya magkakamali?!“Sinabi ni Elder Shear kay Master Summers na ukitin ito?”“P-Paano nangyari ito?!” Nabigla sina Michael at Ashwin!Ang dalawang kwintas ay pagmamay ari ni Benedict, ngunit ang isa sa mga ito ay napunta sa mga kamay ni Leon. Hindi ba’t ibig s
Tumingin silang lahat ng gulat kay Leon!Ang kwintas na ginawa ni Ashwin ay mahal na para sa kanila.Ngunit, kumpara sa Blue Star of the Sea ni Leon, ang diamond necklace ni Ashwin ay tila walang kwenta!Biglang inagaw ni Leon ang spotlight. Siya ang naging pokus ng atensyon, at nabigla ang lahat!Si Ashwin at ang diamond necklace niya ay naging isang munting pamuti na lang!“Lintik!” Humigpit ang kamao ni Ashwin at dumilim ang kanyang ekspresyon.Itinuring niya na isang walang kwentang tao si Leon, at nakisama siya kay Michael sa pang iinsulto kay Leon!Hindi niya inaasahan na ang isang walang kwentang lalaki ay kayang lumaban sa kanya. Hindi lang sa sinira ni Leon ang inihandang sorpresa ni Ashwin, natalo niya pa ito.Halata ang galit sa puso ni Ashwin!“Leon, masyadong mahal ang regalong ito, hindi ko ito matatanggap…”Tumingin si Iris sa Blue Star of the Sea, at nagdadalawang isip siya.Dahil malapit siya kay Leon sa ngayon, tatanggapin niya ang isang regalo na may halag