Ang pagbibigay ni Leon ng regalo sa kanya sa sandaling ito ay perpekto para ayusin ang sitwasyon na ito para sa kanya.Basta’t tanggapin niya ang regalo, makaklaro ang maling pagkakaunawa sa sitwasyon.Nataranta si Ashwin nang mukhang sisirain na ni Leon ang araw niya.“Iris, tingnan mo! Walang kahit anong dungis sa kwintas na ‘yun. Isang kwintas lang ito na mass-produced ng mga makina. May halaga lang ito na ilang daang dolyar!”“Paano mo sisirain ang imahe mo sa pagsuot ng isang mumurahing kwintas?!” Ang sabi ni Ashwin, mabilis niyang tumingin kay Michael at sa ilang mga executive.“Oo, Miss Young, ang isang bagay na ganito ay magiging insulto sa sarili niyo!”“Halata na gusto lang kayong lokohin ni Mister Leon. Wala siyang kahit anong sinseridad. Hindi niyo ito pwedeng tanggapin…”Si Michael at ang ilang executive ay mabilis na sumang ayon kay Ashwin.“Leon, walang hiya ka!”“Kahit na gusto mong magbigay ng regalo kay Miss Young, dapat ay binigyan mo siya ng isang bagay na
Kahit na ang regalo na binigay ni Leon ay hindi mataas ang halaga, ang mahalaga lang kay Iris ay ang intensyon ni Leon. Wala nang ibang bagay na mahalaga.“‘Yun ay…” Nabigla si Leon.Hindi niya inaasahan na ang mahal na imperial green necklace na pinaghirapan niyang makuha ay magiging isang walang kwentang kwintas.Hindi niya kayang mangatwiran dito!“Iris, hindi lang nagyayabang si Leon!”“Totoo ang lahat ng sinabi niya. Ito ay ang isang tunay na imperial green necklace!” Biglang tumayo si Ariel. Tumingin siya sa kwintas bago siya tumingin kay Leon ng may kakaibang ekspresyon.Nabigla si Iris. Akala niya ay mali ang pagkakarinig niya, “Ariel, ano ang ginagawa mo? Isang bagay kung nagloloko lang si Leon, bakit ikaw rin?”“Hindi ako nagloloko! Kaya ko itong patunayan! Hindi lang sa sa top-grade na imperial green ang kwintas na ito, gawa pa ito ng ng master smith na si Magnus Summers!” Ang matatag na sinabi ni Ariel.“Ano? Gawa ni Master Summers? Isang biro ba ito?!”“Si Master
Tutal, pareho nilang alam ang tungkol sa background ni Leon. Alam nila na si Leon ay isang ulila, at pinalayas siya ng dating pamilya niya dahil sa pagiging walang kwenta!Hindi sila naniniwala na ang isang basura na tulad ni Leon ay kayang bumili ng isang imperial green!“Hindi ako nagkakamali!”“Ang imperial green sa necklace niya ay binigay sa lolo ko mula kay Elder Shear ng mga Shear. Gumawa siya ng dalawang kwintas gamit ito!”“Magkamukha silang pareho maliban sa ang isa ay pula at ang isa ay asul!”“Binigay ko ang pangalan na Twin Stars of the Sea sa dalawang kwintas. Ang pula ay ang Red Star of the Sea at ang asul ay ang Blue Star of the Sea!” Ang sabi ni Ariel.Siya ang nagpangalan sa dalawang kwintas, kaya paano siya magkakamali?!“Sinabi ni Elder Shear kay Master Summers na ukitin ito?”“P-Paano nangyari ito?!” Nabigla sina Michael at Ashwin!Ang dalawang kwintas ay pagmamay ari ni Benedict, ngunit ang isa sa mga ito ay napunta sa mga kamay ni Leon. Hindi ba’t ibig s
Tumingin silang lahat ng gulat kay Leon!Ang kwintas na ginawa ni Ashwin ay mahal na para sa kanila.Ngunit, kumpara sa Blue Star of the Sea ni Leon, ang diamond necklace ni Ashwin ay tila walang kwenta!Biglang inagaw ni Leon ang spotlight. Siya ang naging pokus ng atensyon, at nabigla ang lahat!Si Ashwin at ang diamond necklace niya ay naging isang munting pamuti na lang!“Lintik!” Humigpit ang kamao ni Ashwin at dumilim ang kanyang ekspresyon.Itinuring niya na isang walang kwentang tao si Leon, at nakisama siya kay Michael sa pang iinsulto kay Leon!Hindi niya inaasahan na ang isang walang kwentang lalaki ay kayang lumaban sa kanya. Hindi lang sa sinira ni Leon ang inihandang sorpresa ni Ashwin, natalo niya pa ito.Halata ang galit sa puso ni Ashwin!“Leon, masyadong mahal ang regalong ito, hindi ko ito matatanggap…”Tumingin si Iris sa Blue Star of the Sea, at nagdadalawang isip siya.Dahil malapit siya kay Leon sa ngayon, tatanggapin niya ang isang regalo na may halag
Nawala ang ngiti sa mukha ni Ashwin. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang natitirang pag asa sa puso niya ay naglaho sa isang iglap!“Sige, simulan na natin ang party,” Sa utos ni Iris, bumalik ang lahat sa upuan nila. Ang mood ay naging masigla na ulit.Ito ang kaarawan ni Iris. Sinamantala ng ilang executive ang masayang okasyon para mag alok ng toast kay iris at bumati ng congratulations upang magiwan sila ng magandang impresyon kay Iris.Noong una, gusto ni Iris na magtoast ng tsaa sa halip na wine, ngunit hindi siya makatiis sa gusto ng lahat. Nasa magandang mood siya ngayon, kaya nagdesisyon siya na uminom na lang ng wine.Gayunpaman, masyadong maraming nag alok ng toast sa kanya. Pagkatapos ng ilang katagalan, kahit na hindi mabigat ang wine, nagsimula nang maging pula ang mukha niya. Medyo lasing na siya.Maliban kay Iris, hindi rin ito naiwasan ni Leon.Pinabagsak niya si Ashwin at nabigla ang lahat sa kanya. Nag iwan siya ng impresyon sa karamihan ng mga tao d
Tinulungan ni Leon si Iris papunta sa kwarto nito.Ito ang unang beses na pumasok siya sa kwarto ni Iris. Ang disenyo ng lugar ay kaswal at nakakarelax. May ilang mga cute na manika sa kama at shelf.Malinis ang kwarto, at kahit ang hangin ay may kakaibang bango.Maingat na tinulungan ni Leon si Iris papunta sa kama.Mabagal ang tama ng wine. Habang pauwi, tila mas lalong nalasing si Iris.Sa sandaling ito, ang mga mata niya ay pula at malayo ang tingin niya. Iba ang itsura niya kumpara sa malamig at proud na ugali niya. Parang ibang tao siya ngunit may pambihirang akit pa rin siya.Napakaganda!Mas lalong nakakabighani si Iris kapag lasing siya!Mabilis ang tibok ng puso ni Leon habang tumitig siya sa makinis na mukha ni Iris, medyo nabigla siya.“Nauuhaw ako, gusto ko ng tubig…” Ang bulong ni Iris sa sarili niya.“Kukuha ako ng tubig para sayo,” Tila bumalik sa sarili si Leon at mabilis siyang kumuha ng tubig para kay Iris.Pagkatapos nito, tinulungan niyang bumangon si Ir
Sinampal ni Leon ang sarili niya sa mukha.Kahit na gusto niya maging matapang at ayaw niyang umamin ng pagkatalo sa kapalaran, at least ay dapat niyang ligawan ng tama si Iris para makuha ang pagmamahal nito.Ngunit, sinamantala niya ang pagiging lasing ni Iris. Kung may ginawa siya na sumosobra na, ito ay kawalan ng galang kay Iris! Magiging isang insulto ito kay Iris!Kapag gumising si Iris, baka habang buhay na mawala sa kanya si Iris!Ito ang isang bagay na hindi pwedeng tanggapin ni Leon!“Iris, patawad,” Puno ng pagsisisi ang mukha ni Leon habang sinubukan niyang hilahin palayo ang kamay niya.Gayunpaman, niyakap ni Iris ang braso niya, tumanggi ito na bumitaw.“Leon, ‘wag mo akong iwan…”“Masaya ako ngayong araw. Hindi ka ba pwede manatili na kasama ko ng kahit konti?” Tumingin si Iris kay Leon gamit ang kanyang magandang mga mata.Mag isa lang siya nitong nakalipas mga taon at masaya siya ngayong araw. Nararamdaman niya pa rin ang mood ng selebrasyon, hindi niya napag
Umiling si Iris.“Sige pala, aalis na ako.”Kaswal na sinabi ni Leon. Pagkatapos, tumalikod siya at umalis.Pagkatapos umalis ng villa, dumating si Leon sa tuktok ng bundok sa likod.Simula noong sinet up niya ang Energy Convergence Circle, kailangan niya lang magsanay ng dalawa hanggang tatlong oras araw-araw sa tulong nito.Natutulog siya ng gabi at gigising siya ng mga alas kwatro o alas singko ng umaga para magsanay sa bundok. Ang schedule ng tulog at pagsasanay niya ay perpekto ang tugma sa isa’t isa!Sa gitna ng circle, umupo si Leon ng nakakrus ang paa bago sniya nilabas ang clear pendant na nagpagana sa circle.Nagsanay siya ng higit sa isang oras.Ang spiritual energy ng circle ay gumana na habang nagsama-sama ito sa isang lugar papunta sa katawan ni Leon.Pagkatapos ng katagalan, napatalon ang katawan ni Leon habang dumilat siya bigla. May kinang sa kanyang mga mata.“Umabot na ako sa breakthrough!” Tuwang tuwa si Leon habang nakangiti ng masaya.Pagkatapos magsana