Hindi nirerespeto ni Walter si Leon. Ano man ang mangyari, hindi it tatanggapin ni Leopard!“Leopard, nakakahanga ka kanina! Naliwanagan talaga ako!” Ngumisi si Leon, halata ang paghamak sa mga mata niya.Nanginig si Leopard habang mabilis siyang lumuhod sa harap ni Leon, “Mister Wolf, hindi ko alam na nandito kayo. Kung may nagawa akong mali, pagbigyan niyo ako.”Habang nakatingin sa eksena, natulala sina Bowden at Walter.Nabigla sina Anthony at Duncan.Kahit sina Lily, Rizzy, at ang iba ay nabigla sa nangyari!Walang umaasa na si Leopard, na siyang pinakamakapangyarihan sa lugar, ay luluhod kay Leon!A-Ano ang nangyari?Hindi kaya’t si Leon ay mas magaling pa kaysa kay Leopard?!Nabigla ang lahat habang nagkatinginan sila. Nakita nila na nabigla ang lahat.Si Rizzy ang pinaka nabigla sa lahat!Noong nakaraang isang buwan, si Leon ay maituturing na isang walang kwentang tao sa kumpanya ng mga Manson. Mababa ang tingin ng lahat kay Leon!Isang buwan lang ang lumipas, nagin
“Dalhin niyo na sila!” Ang malamig na sinabi ni Leopard. Pagkatapos nito, hinila ng mga tauhan niya ina Walter at Bowden na parang mga aso.Pagkatapos nito, lumuhod ulit si Leopard sa harap ni Leon habang nagmamakaawa siya, “Mister Wolf, marami akong mga tauhan, at hindi ko sila naturuan ng maayos, patawad…”“Pero, nangangako ako sa buhay ko na tumutupad ako sa patakaran. Sinisigurado ko na ang lahat ng ginagawa ko ay base sa konsensya ko…”“Patawad, maawa kayo. Bigyan niyo ako ng pagkakataon para magbago…”“Sigurado ka na tapat ka sa sinasabi mo sa akin?” Malamig ang tingin ni Leon kay Leopard.Mas lalong napressure si Leopard, ngunit tumingin pa rin siya sa mga mata ni Leon. Hindi siya umiwas ng tingin.Nang makita na tapat ang ekspresyon ni Leopard, tila hindi siya nagsisinungaling. Medyo nawala ang galit ni Leon, “Dahil tapat ka, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon!”“Pero, wala nang susunod!”“Mister Wolf, salamat. Salamat…”“Sisiguraduhin ko na kapag bumalik ako, tutur
“Salamat. Salamat po, Mister Wolf…” Nakaligtas ang mga Leonard. Mukhang emosyonal talaga sila habang nagpapasalamat ng paulit ulit kay Leon.Kung hindi dahil kay Leon, siguradong hindi sila makakatakas sa pagputol ni Leopard ng mga binti nila. Tinulungan talaga sila ni Leon!Pagkatapos nito, nagpaalam silang dalawa pati na rin si Leopard. Lahat sila ay umalis ng mabilis.Habang pinapanood silang umalis, sina Lily, Rizzy, at ang iba ay nagising na mula sa pagkatulala.“Leon, s-sino ka ba?” Tumingin ng gulat si Rizzy kay Leon. Ito ay parang nakatingin siya sa isang estranghero.“Ako ang sarili ko. Sino pa ba?” Nagkibit balikat si Leon.“Pero, sa loob lang ng isang buwan, paano ka nagkaroon ng ganitong kakayahan?!” Hindi makapaniwala si Rizzy.“Hindi mo malalaman kung ano ang nangyayari sa loob ng isang buwan. Hindi ba?” Ang sabi ni Leon ng nakangiti.Namula ang mukha ni Rizzy habang naisip niya ang tungkol sa pagiging bastos niya kay Leon kanina. Kinagat niya ang labi niya at sin
Kalmadong sinabi ni Ariel.“Sige,” Tumango si Leon, nagligpit siya ng gamit niya bago siya umalis kasama si Ariel.Habang nakatingin sa dalawang paalis, ang mga magkatrabaho sa president’s office ay nagkatinginan dahil sa pagkabigla.Alam nila na si Leon ay isang presidential secretary. Kadalasan, nagtatrabaho si Leon sa opisina kasama sina Gracie at Lily.Gayunpaman, gustong ilipat ni Ariel si Leon sa opisina niya. Hindi ba’t kakaiba para maiwan silang dalawa ng walang kasama>Gayunpaman, habang iniisip ang tsismis sa loob ng kumpanya na magkasintahan sina Leon at Ariel, ang lahat ay may napagtanto. Walang nagsalita sa kanila, ngunit tahimik nilang naisip na si Leon ay isang maswerteng lalaki!…Sa director’s office ng sales department, mabilis na nabalitaan ni Michael ang tungkol sa paglipat ni Leon para magtrabaho kasama si Ariel. Naging masama ang ekspresyon niya.“Walang hiya! Laging sinasabi ni Ariel na wala siyang kinalaman kay Leon!”“Ngayon tingnan mo. Pareho silang p
Kilala sina Iris at Ariel bilang ang dalawang pinakamagandang babae sa kumpanya. Maganda talaga sila, at maraming mga tao ang nanliligaw sa kanila.Samantala, sina Ashwin at Michael ang kilala bilang dalawang pinaka matagumpay ng mga lalaki sa kumpanya. Kilala sila.Laong mas kilala si Ashwin. Ang lolo niya ay isa sa shareholders ng Young Group, kaya galing siya sa isang mayaman na pamilya. Ang assets nila ay umaabot ng sampung milyon.Gwapo at elegante talaga siya. Mas sikat at gusto siya ng mga tao sa kumpanya kumpara kay Michael. Silang dalawa ang nagugustuhan ng mga babaeng empleyado!Hindi lang ‘yun, si Ashwin pa ang isa sa mga tapat na manliligaw ni Iris. Halos dalawang taon niya na itong ginagawa. Pumayag siya na sumunod kay Iris sa Elegante Group ng walang kondisyon upang magkaroon siya ng pagkakataon na mahuli ang puso ni Iris.Baka dahil best friends sina Iris at Ariel, sina Ashwin at Michael, na nanliligaw sa dalawa, ay naging malapit din sa isa’t isa. Talentado din sil
Hindi niya mapigilan na tumingin kay Ariel, at bumilis ang tibok ng puso niya.Si Ariel ay napakaganda. Masaya si Leon na kasama niya sa trabaho ang isang magandang babae habang malapit ito sa kanya.Napaka sexy ng katawan ni Ariel. Habang nakaupo siya sa harap ng mesa, ang katawan niya ay nasa perpektong hugis-S. Ang mga kurba sa katawan niya ay nakakaakit.Ang mas maganda pa dito ay tuwing kumikilos si Leon, at habang kumikilos si Ariel, paminsan-minsan niyang nakikita ang dibdib ni Ariel habang lumuluwag ang shirt nito.Nakakasabik at ginaganahan si Leon, at hindi siya kayang tumigil!“Leon, hindi pa ba sapat ang pagtingin mo?! Bakit patuloy ka sa pagtitig sa akin?!” Habang nararamdaman ang tingin ni Leon, namula ang mukha ni Ariel. Tumingin siya kay Leon ng nahihiya.“H-Hindi ako…”“Hindi ako tumititig sayo, may gusto lang akong itanong sayo…” Nahuli ang mga pag sulyap niya, at naging awkward si Leon.“Magtanong ka lang kung may tanong ka! Sabihin mo ang gusto mong sabihin…
Umatras si Ariel at tumingin siya ng gulat kay Leon.Ang period ng isang babae ay umaabot ng anim hanggang pitong araw sa bawat buwan, ngunit may period na siya ng sampung araw. Ang period niya ay hindi pa tumitigil. Hindi ito pangkaraniwan.Hindi ito ang punto. Ang punto ay pribadong problema niya ito. Hindi niya maintindihan kung paano nalaman ni Leon ang ganitong detalye!Mahirap itong paniwalaan!“Hindi ba’t sinabi ko na sayo noon? May alam ako tungkol sa medisina. Nalaman ko ito base sa complexion mo…” Ang simpleng sinabi ni Leon.“Seryoso ka ba? Nagsisinungaling ka ba sa akin?!” Nagdududa na tumingin si Ariel kay Leon.Sa unang beses na sinabi ito ni Leon, akala niya ay tinutukso lang siya ni Leon.Ngunit ngayon, mukhang alam ni Leon na may problema sa katawan ni Ariel. Nabigla si Ariel. Hindi kaya’t may alam talaga si Leon sa medisina?“Bakit naman ako magsisinungaling sayo?! ‘Wag kang mag alala, ang gamot sa prescription na binigay ko sayo noon ay gumagana. Basta’t inum
Hirap itong sinabi ni Ariel bago siya kumuha ng pad mula sa bag niya at tumayo siya para umalis. Ngunit, muling sumakit ang tiyan niya, at nawalan siya ng balanse at natumba siya.Mabuti na lang at kumilos ng mabilis si Leon. Humawak siya sa baywang ni Ariel at papunta sa braso niya.“Sinusumpong ba ulit ang sakit mo?” Kumunot ang noo ni Leon, mabilis niyang nahulaan ang nangyari.“Ayos lang ako, kailangan ko lang itong tiisin…”“Bitawan mo ako…” Pumasok sa ilong niya ang amoy ng isang lalaki, at namula ang mukha ni Ariel. Pagkatapos nito, medyo sinubukan niyang kumawala, ngunit hindi siya makatakas kay Leon.“Kalokohan! Paano mo ito titiisin? Dapat kang gamutin!” Dumilim ang ekspresyon ni Leon habang binuhat niya si Ariel. Nabigla si Ariel habang pumunta sila sa sofa.“A-Ano ang ginagawa mo? B-Bitawan mo ako!” Namula ang mukha ni Ariel, at bumilis ang tibok ng kanyang puso.Hindi niya alam kung bakit, ito siguro ay dahil gusto niya sa mga malakas na lalaki, ngunit hindi siya tu