Isa siyang diborsyo na walang kamangha-mangha sa kanyang sarili. Hindi siya karapat-dapat sa isang diyosa na kasing ganda at kasing rangal ni Iris.Masaya na siya basta nasa tabi siya ni Iris araw-araw, basta mapalapit sa kanya kung mayroon siyang pagkakataon.Hindi siya nangahas mangarap ng kung ano pa!“Leon, berde na ang ilaw. Bilis at paandarin mo na ang motorsiklo, bakit ka ba natutulala?” narinig ni Leon ang magandang boses ni Iris.Agad na bumalik si Leon sa realidad at mabilis na nagpaandar.Sa una, walang napansin si Iris, ngunit ng paulit-ulit na itong nangyari, mabilis niyang napansin na parang may mali. Namula ang kanyang mga pisngi.“Leon, s-sinasadya mo ba ito?!” galit na sinabi ni Iris.“H-hindi…” namula din ang mukha ni Leon, at may pagsisisi sa kanyang puso.Aksidente lamang yung kay Lily.Gayunpaman, mahirap sabihin pagdating kay Iris. Sabi ng puso niya ay wag ito gawin, ngunit ang kanyang katawan ay iba ang ginagawa. Gusto nitong tapakan lagi ang preno kada
Si Iris ang kanyang kahinaan. Galit na galit siya na biniro ng lalaki si Iris!Nagpakita na siya ng matinding pagtitimpi ng hindi pagwawala.“Ano? Ang kapal mong pagsabihan ako ng ganyan?! Gusto mo bang mamatay?! Sabihin mo ulit kung matapang ka!” nagalit ang lalaki.Pagkatapos niyang sabihin iyon bumaba ang salamin ng sasakyan sa likod. Dalawang lalaking mukhang adik ang sumilip.Isa pang lalaki ang nakupo sa passenger seat sa harap. Apat na lalaki ang nakatingin ng masama kay Leon.“Kaya ko ulit sabihin iyon kung gusto mo, at sinabi ko sa iyo na umalis ka na…” kalmado si Leon at hindi takot, bago pa siya matapos magsalita, hinatak ni Iris ang kanyang braso at pinigilan siya.“Leon, kalimutan mo na. Wag mo silang pansinin. Wag natin sirain ang magandang araw ng dahil sa kanila” umiling si Iris.Kahit saan siya pumunta laging mayroong kakaiba tumingin dahil sa kagandahan niya. Sanay na siya dito…At saka, apat sila, magisa lang si Leon. Kapag nagkaroon ng away, siguradong hindi
“Oo na, Aaminin ko na mas malakas ka, sapat na ba iyon?” nakangiting sinabi ni Iris.Nakita niya na ang kakayahan ni Leon noon. Unang beses na nakilala niya si Leon, muntik na siya mapatay ng dalawang kidnapper malapit sa ilog para lang iligtas siya.Ang pangalawa beses, nabugbog siya ng mga bodyguard ni Brody at pinahiga sa sahig. Swerte si Leon at dumating siya sa tamang oras para iligtas siya.Pagkatapos mangyari ang dalawang karanasan na iyon, alam niya na ordinaryong tao lamang si Leon, sa labas ng kanyang katapangan at kalupitan. Mahihirapan siyang humarap sa apat na tayo, kaya paano niya magagawang kalabanin ang mga taong iyon?Ngunit, mahalaga sa mga lalaki ang kanilang dignidad. Kahit hindi siya naniniwala sa kanya, hindi niya ito binisto.“Kalimutan na natin iyon. Tara mag-hike na tayo sa taas ng bundok!” huminga ng malalim si Leon at pinakalma ang sarili bago umakyat ng bundok kasama si Iris.Ang paa ng bundok ang pinaka-pinalamutiang parte na magandang tanawin, at it
May masiglang ngiti si Jess sa kanyang mukha. Mabilis siyang naglakad sa harap ni Iris at binigyan siya nito ng masiyahing bati “Hello, ako nga pala si Jess. Isa akong travel streamer. Ang ganda mo. Pwede ba tayong magpicture dalawa?”“Yan...” Hindi gusto ni Iris na ang nakakasalimuha sa mga taong hindi niya kilala, ngunit mukha namang mabait yung babae at parang wala namang masamang intensyon.Nagdalawang-isip siya ng saglit bago napilitang tumango sa huli.Pagkatapos nilang magpicture dalawa, nagzoom in ang camera. Nagkaroon ng close-up na tingin ang mga fans at nakita nila na mas maganda si Iris sa close-up“Wow, sobrang ganda niya. Ang kanyang pigura at ugali ay mukhang perpekto rin. Para siyang isang diyosa!”“Tama, Isa siguro siya sa pinakamagandang babae na nakita ko!”“Jess, magpapadala muna ako ng pera. Pakitanong sa magandang babae kung ano ang pangalan niya. Kapag nakuha mo kung paano siya makontak. Bibigyan ulit kita!”“Ako rin. Kapag nakuha mo kontak niya. Papadalha
Ang lalaki ay may ngiting humihingi ng pasensya.“Tama, wala naman kaming balak gawin sa kanya. Bakit ba ang bangis mo?!” suminghal ang lalaki, halatang hindi natakot.Kahit mas matangkad si Leon kaysa sa lalaki. Payat si Leon. Hindi malaki ang kanyang katawan na katulad ng sa lalaki.Kung gustong lumaban ni Leon, hindi niya matatalo yung lalaki.Kaya, walang dahilan para matakot siya!“Wala akong pakialam kung may balak kayo gawin o wala. Basta umalis na kayo!”“Kapag ginulo niyo pa ulit si Iris, wag niyo akong sisisihin kung magiging pisikal ako!” galit na sinabi ni Leon, hindi nagpapatinag.“Hayaan mo na Leon, wala naman silang masamang intensyon. Umalis na lang tayo” sabi ni Iris habang hinihila ang braso ni Leon.Sa oras na iyon, parang sobrang gwapo ni Leon habang pinoprotektahan siya. Lalaking lalaki ang kanyang dating. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa kanyang puso.Tumango si Leon, at tinignan niya ang dalawa ng may pagbabanta bago tumalikod at umalis kasama si Iris.“
Sa kung anong kadahilanan, simula ng makilala niya si Leon, mas madalas na siyang ngumiti.Siguro ay dahil ito sa masayahing disposisyon ni Leon na unti-unting pumapawi sa kalungkutan ng kanyang puso.Posible din dahil sa tinuturing niya na mabuting kaibigan si Leon katulad ni Ariel. Sa harap ni Leon hindi niya kailangan magpanggap at pwede siyang kumilos ng malaya at totoo!Sobrang nakakapagod ang Hiking.Sa katotohanan, karamihan ng turista na nagpunta sa paa ng bundok. Iilan lang sa kanila ang may gustong maghike pataas.May mga ilang magkasintahan at mga grupo ng mga taong nasa hustong gulang. Ngunit iilan lang ang nasa hagdan. Mas tahimik dito kaysa sa paa ng bundok.Naghike pataas ng bundok si Leon at Iris, tumatawa habang naguusap. Hindi nila napansin ang apat na pigurang tahimik na sumusunod sa likod nila.Sa gitna ng bundok ay may open field, may mga ilang pavilion na nakatayo doon para sa mga turista bilang pahingahan at para makita ang magandang tanawin.Iyon ang han
Lumubog ang puso ni Iris. Alam niya na walang magandang intensyon ang grupo. Agad niyang hinatak ang braso ni Leon at tumakbo papunta sa taas.Ngunti, dahil nagpanik siya, dumulas ang kanyang paa sa hagdan at sumuray siya bago nahulog sa papunta sa mga hagdan.“Iris, Ingat!” nabigla si Leon. Buti na lang at mabilis niyang inabot ang malambot at manipis na baywang ni Iris at hinatak niya ito papunta sa kanyang mga braso.“Ang sakit…” napasigaw si Iris sa sakit. Napilipit ng pagkadulas niya ang kanyang ankle, at matalim na sakit ang naramdaman niya sa kanyang paa. Halos mapaiyak siya sa sobrang sakit.“Iris, okay ka lang? Saan ang masakit?” nagbago ang ekspresyon ni Leon habang hawak niya si Iris sa kanyang mga braso at nagaalalang tiningnan ang kanyang kondisyon.“Sa tingin ko na-sprain ang aking ankle…” namumutla ang mukha ni Iris. kinagat niya ang kanyang labi para tiisin ang sakit.“Nakaksuklam!” galit na galit si Leon. Bigla niyang tinignan ng matalim ang apat na lalaki.Kung
Binaba ni Iris ang kanyang ulo para tignan ang kanyang cellphone, malinaw na nakalagay dito na walang internet at walang signal.Labis siyang nabigla doon.Akala niya magagamit niya ang pulis para pagbantaan ang kabilang grupo, ngunit hindi niya inasahan na walang internet o signal dito. Paano siya tatawag sa pulis?“A-anong binabalak niyong gawin?” “Kung gusto niyo ng pera, kaya ko kayong bigyan ng pera. Basta bigyan niyo lang ako ng numero, gagawin ko lahat para mabigay sa inyo ang pera.” huminga ng malalim si Iris, at sinusubukang pakalmahin ang kanyang sarili.“Paanong magkakapera ang isang dalaga na katulad mo?!”“Wala kaming paki sa kung gaano kaliit na pera ang mayroon ka!”Nagpakawala ng mapanlait na tawa ang lalaking may hikaw. Nakita niya si Iris doon sa motorsiklo. Pareho silang mahirap na hindi kayang bumili ng sasakyan. Kahanga-hanga na kung ang kanilang asset ay umabot ng libo. Anong paki niya sa ganung kalaki na pera?“Ngunit, hindi naman sa hindi mo mapoprotekt