Sa kung anong kadahilanan, simula ng makilala niya si Leon, mas madalas na siyang ngumiti.Siguro ay dahil ito sa masayahing disposisyon ni Leon na unti-unting pumapawi sa kalungkutan ng kanyang puso.Posible din dahil sa tinuturing niya na mabuting kaibigan si Leon katulad ni Ariel. Sa harap ni Leon hindi niya kailangan magpanggap at pwede siyang kumilos ng malaya at totoo!Sobrang nakakapagod ang Hiking.Sa katotohanan, karamihan ng turista na nagpunta sa paa ng bundok. Iilan lang sa kanila ang may gustong maghike pataas.May mga ilang magkasintahan at mga grupo ng mga taong nasa hustong gulang. Ngunit iilan lang ang nasa hagdan. Mas tahimik dito kaysa sa paa ng bundok.Naghike pataas ng bundok si Leon at Iris, tumatawa habang naguusap. Hindi nila napansin ang apat na pigurang tahimik na sumusunod sa likod nila.Sa gitna ng bundok ay may open field, may mga ilang pavilion na nakatayo doon para sa mga turista bilang pahingahan at para makita ang magandang tanawin.Iyon ang han
Lumubog ang puso ni Iris. Alam niya na walang magandang intensyon ang grupo. Agad niyang hinatak ang braso ni Leon at tumakbo papunta sa taas.Ngunti, dahil nagpanik siya, dumulas ang kanyang paa sa hagdan at sumuray siya bago nahulog sa papunta sa mga hagdan.“Iris, Ingat!” nabigla si Leon. Buti na lang at mabilis niyang inabot ang malambot at manipis na baywang ni Iris at hinatak niya ito papunta sa kanyang mga braso.“Ang sakit…” napasigaw si Iris sa sakit. Napilipit ng pagkadulas niya ang kanyang ankle, at matalim na sakit ang naramdaman niya sa kanyang paa. Halos mapaiyak siya sa sobrang sakit.“Iris, okay ka lang? Saan ang masakit?” nagbago ang ekspresyon ni Leon habang hawak niya si Iris sa kanyang mga braso at nagaalalang tiningnan ang kanyang kondisyon.“Sa tingin ko na-sprain ang aking ankle…” namumutla ang mukha ni Iris. kinagat niya ang kanyang labi para tiisin ang sakit.“Nakaksuklam!” galit na galit si Leon. Bigla niyang tinignan ng matalim ang apat na lalaki.Kung
Binaba ni Iris ang kanyang ulo para tignan ang kanyang cellphone, malinaw na nakalagay dito na walang internet at walang signal.Labis siyang nabigla doon.Akala niya magagamit niya ang pulis para pagbantaan ang kabilang grupo, ngunit hindi niya inasahan na walang internet o signal dito. Paano siya tatawag sa pulis?“A-anong binabalak niyong gawin?” “Kung gusto niyo ng pera, kaya ko kayong bigyan ng pera. Basta bigyan niyo lang ako ng numero, gagawin ko lahat para mabigay sa inyo ang pera.” huminga ng malalim si Iris, at sinusubukang pakalmahin ang kanyang sarili.“Paanong magkakapera ang isang dalaga na katulad mo?!”“Wala kaming paki sa kung gaano kaliit na pera ang mayroon ka!”Nagpakawala ng mapanlait na tawa ang lalaking may hikaw. Nakita niya si Iris doon sa motorsiklo. Pareho silang mahirap na hindi kayang bumili ng sasakyan. Kahanga-hanga na kung ang kanilang asset ay umabot ng libo. Anong paki niya sa ganung kalaki na pera?“Ngunit, hindi naman sa hindi mo mapoprotekt
“Pwede bang huwag kang maging tanga?!”Tinignan ng masama ni Iris si Leon bago siya bumulong “Isipin mong mabuti, basta makatakas ka at makatawag sa mga pulis o sa aking pamilya, hindi sila maglalakas-loob na galawin ako!”Si Iris ay isang tao na dumaan na sa maraming peligro. Kahit nasa delikadong sitwasyon, kalmado pa rin siya at malinaw ang kanyang pagiisip.Alam niyang masama ang sitwasyon nila ni Leon, basta makatakas si Leon, hindi maglalakas-loob ang apat na lalaki na galawin siya maliban na lang kung ayaw na nilang mabuhay!“Sige, makikinig ako sayo. Bitawan mo muna ako…” Dahan-dahang kumalma si Leon pagkatapos siyang mapagalitan.Hindi siya kumalma dahil pinagiisipan niya kung paano siya makakatakas, kung hindi, nagiisip siya kung paano bibitawan ni Iris ang kanyang mga braso.Akala ni Iris ay seryoso siya, and ginamit niya ang isa niyang kamay para humawak sa puno naa katabi niya habang binibitawan niya ang braso ni Leon sa kabilang kamay.Na sprain na ang kanyang paa
Ang lahat ng buto sa katawan ng lalaki ay sumakit, na para bang nabali ang lahat ng ito, at bali na ang at least lima o anim na ribs niya.Maswerte siya at si Leon ay hindi umatake para pumatay, kung hindi ay patay na silang apat ngayon!“P-Paano nangyari ‘yun…” Natulala si Iris nang makita ang eksena sa harap niya. Kinuskos niya ang mga mata niya at hindi siya makapaniwala na totoo ang lahat ng nakita niya.Tinanggap niya na na mamamatay na siya, at akala niya ay mamamatay na rin si Leon. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na matatalo ni Leon ang apat na lalaking may patalim sa loob ng isang minuto!Nabigla siya dahil dito! Naintindihan niya na ngayon na hindi lang nagyayabang si Leon kanina—siya lang ang nagmaliit sa lakas ni Leon!“Leon, ang… Ang galing mo! Kailan ka naging malakas sa pakikipaglaban!” Medyo nabigla pa rin si Iris at tumingin siya kay Leon mula ulo hanggang paa at hindi siya makapaniwala.Inisip niya rin sa kanyang sarili: kung ang kakayahan ni Leon ay napakagali
Nang makita na hindi nagbabago ang desisyon ni Leon, naging desperado ang apat na mga lalaki. Tumingin sila kay Iris sa likod nial, at agad silang nagkaroon ng ideya para magmakaawa sa harap ni Iris.Nabigla si Leon sa mga kilos nila. Nag aalala siya na baka saktan nila si Iris, kaya mabilis siyang humarang kay Iris at tumitig siya sa apat na lalaki ng may mas malamig na ekspresyon!“Pakiusap, maawa kayo sa akin. Alam namin na mali ang mga ginawa namin. Patawad…”“Tama. Pakiusap, maawa kayo sa amin at hayaan niyo kaming mabuhay…”Agad na nagmamakaawa ang mga lalaki kay Iris.Naawa pa rin si Iris sa kanila kahit na alam niyang masasamang tao ang mga ito.“Kalimutan mo na, Leon! Nagkakamali naman ang lahat, at mahalaga na pagbigyan ang mga tao pagdating sa tamang oras. Hayaan mo na sila sa ngayon,” Ang payo ni Iris.“Pero Iris,” Nagreklamo si Leon, “Hindi mo sila pwedeng hayaan lang ng basta basta! Ang mga tao na tulad nila ay salot sa lipunan. Kapag hinayaan mo sila ngayon, hind
Magulo ang isip ni Leon kanina, dahil nag aalala siya sa pilay ni Iris at nakalimutan niya ang tungkol sa medical skills niya.Medyo naging awkward siya pagkatapos ng nangyari kanina.Pagkatapos, tumingin si Leon sa paligid at nakita niya ang isang malinis at malaking bato sa hindi nalalayo. Tinulungan niya si Iris at sumenyas siya na umupo si Iris sa bato.“Tanggalin mo ang sapatos mo, Iris. Susuriin ko ang paa mo para sayo,” Ang sabi ni Leon ng nakangiti.Tumango si Iris. Tinanggal niya ang kanyang maliit na leather boots at nakita ang makinis na paa niya na nakabalot ng stocking na kulay balat.Napakaganda nito!Tumibok ng mabilis ang puso niya at lumaki ang kanyang mga mata.Ang magandang mga paa ni Iris ay maliit, at kasya ito sa mga palad ni Leon. Ang limang daliri sa mga paa ni Iris ay nakakaakit sa loob ng stockings, at hindi nakakapag duda na isang magandang tanawin ito.Hindi mapigilan ni Leon na magkaroon ng apoy sa kanyang puso. Gusto niyang hawakan ang magandang pa
“Kamusta ang pakiramdam mo ngayon, Iris? Masakit ba?” Ang nag alala na tanong ni Leon.Pinagalaw ni Iris ang paa niya at nagulat siya! “Hindi na masakit tulad ng kanina!”“Mabuti naman.”“Ang joint ay narealign at gagaling ka pagkatapos ng ilang araw ng pahinga,” Ang sabi ni Leon.“Pagkatapos ng ilang araw?! Sinasabi mo ba na hindi pa gumagaling ng tuluyan ang paa ko?” Nabigla si Iris habang sinuot niya ang kanyang mga sapatos.“Magaling na ito, pero hindi mo dapat lagyan ito ng maraming pwersa sa ngayon. Mas mabuti kung iiwas ka sa pagkilos na makakapilay ulit sayo. Ang rekumenda ko sayo ay ‘wag ka muna maglakad ng isang buong araw…” Ang paliwanag ni Leon.“Ano?! Paano pala ako makakababa sa bundok?” Nabigla si Iris. Ang manatili siya sa bundok ng isang buong araw ay hindi makatotohanan at hindi ito pwede mangyari!“Madali lang. Kakargahin kita pababa ng bundok.” Nagbuntong hininga ng mahina si Leon, ngunit sa isip niya, tuwang tuwa siya at pinasalamatan niya ang Diyos at binig