“Pwede bang huwag kang maging tanga?!”Tinignan ng masama ni Iris si Leon bago siya bumulong “Isipin mong mabuti, basta makatakas ka at makatawag sa mga pulis o sa aking pamilya, hindi sila maglalakas-loob na galawin ako!”Si Iris ay isang tao na dumaan na sa maraming peligro. Kahit nasa delikadong sitwasyon, kalmado pa rin siya at malinaw ang kanyang pagiisip.Alam niyang masama ang sitwasyon nila ni Leon, basta makatakas si Leon, hindi maglalakas-loob ang apat na lalaki na galawin siya maliban na lang kung ayaw na nilang mabuhay!“Sige, makikinig ako sayo. Bitawan mo muna ako…” Dahan-dahang kumalma si Leon pagkatapos siyang mapagalitan.Hindi siya kumalma dahil pinagiisipan niya kung paano siya makakatakas, kung hindi, nagiisip siya kung paano bibitawan ni Iris ang kanyang mga braso.Akala ni Iris ay seryoso siya, and ginamit niya ang isa niyang kamay para humawak sa puno naa katabi niya habang binibitawan niya ang braso ni Leon sa kabilang kamay.Na sprain na ang kanyang paa
Ang lahat ng buto sa katawan ng lalaki ay sumakit, na para bang nabali ang lahat ng ito, at bali na ang at least lima o anim na ribs niya.Maswerte siya at si Leon ay hindi umatake para pumatay, kung hindi ay patay na silang apat ngayon!“P-Paano nangyari ‘yun…” Natulala si Iris nang makita ang eksena sa harap niya. Kinuskos niya ang mga mata niya at hindi siya makapaniwala na totoo ang lahat ng nakita niya.Tinanggap niya na na mamamatay na siya, at akala niya ay mamamatay na rin si Leon. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na matatalo ni Leon ang apat na lalaking may patalim sa loob ng isang minuto!Nabigla siya dahil dito! Naintindihan niya na ngayon na hindi lang nagyayabang si Leon kanina—siya lang ang nagmaliit sa lakas ni Leon!“Leon, ang… Ang galing mo! Kailan ka naging malakas sa pakikipaglaban!” Medyo nabigla pa rin si Iris at tumingin siya kay Leon mula ulo hanggang paa at hindi siya makapaniwala.Inisip niya rin sa kanyang sarili: kung ang kakayahan ni Leon ay napakagali
Nang makita na hindi nagbabago ang desisyon ni Leon, naging desperado ang apat na mga lalaki. Tumingin sila kay Iris sa likod nial, at agad silang nagkaroon ng ideya para magmakaawa sa harap ni Iris.Nabigla si Leon sa mga kilos nila. Nag aalala siya na baka saktan nila si Iris, kaya mabilis siyang humarang kay Iris at tumitig siya sa apat na lalaki ng may mas malamig na ekspresyon!“Pakiusap, maawa kayo sa akin. Alam namin na mali ang mga ginawa namin. Patawad…”“Tama. Pakiusap, maawa kayo sa amin at hayaan niyo kaming mabuhay…”Agad na nagmamakaawa ang mga lalaki kay Iris.Naawa pa rin si Iris sa kanila kahit na alam niyang masasamang tao ang mga ito.“Kalimutan mo na, Leon! Nagkakamali naman ang lahat, at mahalaga na pagbigyan ang mga tao pagdating sa tamang oras. Hayaan mo na sila sa ngayon,” Ang payo ni Iris.“Pero Iris,” Nagreklamo si Leon, “Hindi mo sila pwedeng hayaan lang ng basta basta! Ang mga tao na tulad nila ay salot sa lipunan. Kapag hinayaan mo sila ngayon, hind
Magulo ang isip ni Leon kanina, dahil nag aalala siya sa pilay ni Iris at nakalimutan niya ang tungkol sa medical skills niya.Medyo naging awkward siya pagkatapos ng nangyari kanina.Pagkatapos, tumingin si Leon sa paligid at nakita niya ang isang malinis at malaking bato sa hindi nalalayo. Tinulungan niya si Iris at sumenyas siya na umupo si Iris sa bato.“Tanggalin mo ang sapatos mo, Iris. Susuriin ko ang paa mo para sayo,” Ang sabi ni Leon ng nakangiti.Tumango si Iris. Tinanggal niya ang kanyang maliit na leather boots at nakita ang makinis na paa niya na nakabalot ng stocking na kulay balat.Napakaganda nito!Tumibok ng mabilis ang puso niya at lumaki ang kanyang mga mata.Ang magandang mga paa ni Iris ay maliit, at kasya ito sa mga palad ni Leon. Ang limang daliri sa mga paa ni Iris ay nakakaakit sa loob ng stockings, at hindi nakakapag duda na isang magandang tanawin ito.Hindi mapigilan ni Leon na magkaroon ng apoy sa kanyang puso. Gusto niyang hawakan ang magandang pa
“Kamusta ang pakiramdam mo ngayon, Iris? Masakit ba?” Ang nag alala na tanong ni Leon.Pinagalaw ni Iris ang paa niya at nagulat siya! “Hindi na masakit tulad ng kanina!”“Mabuti naman.”“Ang joint ay narealign at gagaling ka pagkatapos ng ilang araw ng pahinga,” Ang sabi ni Leon.“Pagkatapos ng ilang araw?! Sinasabi mo ba na hindi pa gumagaling ng tuluyan ang paa ko?” Nabigla si Iris habang sinuot niya ang kanyang mga sapatos.“Magaling na ito, pero hindi mo dapat lagyan ito ng maraming pwersa sa ngayon. Mas mabuti kung iiwas ka sa pagkilos na makakapilay ulit sayo. Ang rekumenda ko sayo ay ‘wag ka muna maglakad ng isang buong araw…” Ang paliwanag ni Leon.“Ano?! Paano pala ako makakababa sa bundok?” Nabigla si Iris. Ang manatili siya sa bundok ng isang buong araw ay hindi makatotohanan at hindi ito pwede mangyari!“Madali lang. Kakargahin kita pababa ng bundok.” Nagbuntong hininga ng mahina si Leon, ngunit sa isip niya, tuwang tuwa siya at pinasalamatan niya ang Diyos at binig
Ayaw ni Leon na mapunta sa panganib si Iris, ngunit hindi niya rin matiis na makitang dismayado si Iris.“‘Wag mo nang isipin ‘yun. Hindi dapat tayo sumuko ngayon at nandito na tayo! Tara na, dadalhin kita sa tuktok ng bundok at ipapakita ko sayo ang tanawin!”Kinagat ni Leon ang ngipin niya at nagdesisyon na siya.Ang energy refinement level niya ay umabot na ng mid-stage, ang lakas at bilis niya ay higit na ng sobra sa isang ordinaryong tao. Bukod pa dito, ang Mistcloud Mountain ay hindi isang mapanganib na bundok na puno ng talampas, at hindi siya magkakaroon ng problema basta’t mag ingat siya.“Sigurado ka ba?” Nag aalala pa rin si Iris.“‘Wala kang dapat ipag alala kung nandito ako. Pangako na magiging ligtas ka!” Ang sabi ni Leon. Ang boses niya ay nagbigay ng seguridad kay Iris.“Sige. Naniniwala ako sayo,” Tumango si Iris.Ibinaba ni Leon si Iris at kinarga niya ito na parang mag asawa sila.Sa ganun, ang bigat nila ay mapupunta sa harap, at mas magiging ligtas ang pag
Naglakad si Leon sa paligid ng tuktok ng bundok habang nasa likod niya si Iris at nakahanap siya ng lugar kung saan pwede sila umupo.Hindi nagtagal, ang sinag ng araw ay tumagos sa makapal na ulap habang lumulubog na ito sa kanluran.Ang mga ulap ay nanatili kahit na ang maliwanag na sinag ng araw ay tumagos. Ang reflection, refraction, at dispersion ng sinag ng araw ay naglabas ng makulay na ilaw, at nakakabighani ito para sa kahit sinong makakita nito.Nang lumubog na ang araw, silang dalawa ay nagising mula sa pagkamangha nila.“Gabi na, Leon. Umuwi na tayo,” Ang sabi ni Iris ng nakangiti.Kahit na may mga masamang nangyari ngayong araw, ang pagsama kay Leon ay masaya at nakuntento siya.Tumango si Leon, kinarga niya si Iris, at bumaba na si Leon.Mas madali ang bumaba kaysa sa umakyat, at mabilis si Leon na para bang lumilipad siya. Kinarga niya si Iris papunta sa paa ng bundok at palabas ng lugar.Ang karamihan sa mga turista ay umalis na, at may ilang mga tao na lang na
Sa puntong ito, naglakad si Leon palabas ng lugar habang bakay si iris sa likod. Masaya sila na nag uusap at tumatawa nang nakasalubong nila ang agresibo na pagharang ng 30 o 40 na lalaki sa entrance.“Boss! Ito ang batang nanakit sa amin! Dapat niyo siyang labanan para ipaghiganti kami!” Sa oras na makita nila na papalapit si Leon, ang isa sa mga lalaki ay agad na dumating habang nakaturo siya sa direksyon ni Leon ng may madilim na ekspresyon.“Hulihin niyo siya! ‘Wag niyo siyang patatakasin!” Ang malamig na sinabi ng leader at hinagis niya ang sigarilyo mula sa kamay niya.Sa kanyang utos, ang lahat ng lalaki ay naglabas ng kanilang sandata—kasama na dito ang mga machete at batuta—habang sumugod sila papunta kela Leon at Iris.Nakatayo sa likod ang boyfriend ni Jess, na siyang susugod na kay leon para magturo ng leksyon, at nabigla siya sa mga lalaking nakasuot ng itim na sumugod kay Leon. Natulala siya sa eksena, at agad siyang tumigil sa gagawin niya bago siya umatras dahil sa