Sa puntong ito, naglakad si Leon palabas ng lugar habang bakay si iris sa likod. Masaya sila na nag uusap at tumatawa nang nakasalubong nila ang agresibo na pagharang ng 30 o 40 na lalaki sa entrance.“Boss! Ito ang batang nanakit sa amin! Dapat niyo siyang labanan para ipaghiganti kami!” Sa oras na makita nila na papalapit si Leon, ang isa sa mga lalaki ay agad na dumating habang nakaturo siya sa direksyon ni Leon ng may madilim na ekspresyon.“Hulihin niyo siya! ‘Wag niyo siyang patatakasin!” Ang malamig na sinabi ng leader at hinagis niya ang sigarilyo mula sa kamay niya.Sa kanyang utos, ang lahat ng lalaki ay naglabas ng kanilang sandata—kasama na dito ang mga machete at batuta—habang sumugod sila papunta kela Leon at Iris.Nakatayo sa likod ang boyfriend ni Jess, na siyang susugod na kay leon para magturo ng leksyon, at nabigla siya sa mga lalaking nakasuot ng itim na sumugod kay Leon. Natulala siya sa eksena, at agad siyang tumigil sa gagawin niya bago siya umatras dahil sa
Sa kasamaang palad, sa huli niya na ito napagtanto.Ang leader ay lumapit at tumingin siya sa direksyon ni Leon. “Mula saan ka ba, bata? Ang lakas ng loob mo para saktan ang mga tauhan ko sa teritoryo ko!”Ibinaba ni leon si Iris at tumingin siya sa lalaki ng may kalmado at walang takot na ekspresyon. “Sino ka ba?”“Wala kang alam! Sasabihin ko sayo kung sino siya. Siya si Felix Leopard Moneta, ang boss na namumuno sa lugar sa paligid ng Mistcloud Mountain!” Ang sabi ng lalaking may suot na earring.Sa oras na ito, ang kaguluhan ay nag alerto na sa mga taong dumadaan. Ang ilan sa mga matatakutin ay agad na umalis, habang ang ibang matapang ay nanatili at pinanood ang sitwasyon mula sa malayo.Nang marinig nila marinig nila na sinabi ng lalaking may earring ang pangalan ng leader nila, ang bawat manonood ay nabigla at agad silang nagsimulang mag usap.“Siya ang tinatawag nila na si Leopard?!”“May sabi-sabi na si Leopard, na may machete lang, ay pumatay ng higit sa labing-limang
Magiging masama ang kahihinatnan kung nagtamo ng maraming galos at sugat si Leon!Bukod pa dito, wala lang kay Iris ang 700,000 dollars, at naisip niya na halaga na ito para sa kaligtasan ni Leon.“Seryoso ka ba?” Nabigla si Leopard at napanganga siya. Hindi niya inaasahan na papayag si Iris sa kagustuhan niya!Hindi maliit na bagay ang seven hundred thousand, at naakit siya dito dahil pareho ito sa kinikita niya ng isang buong taon!Kung pumayag si Iris na magbayad ng 700,000 dollars para sa medical expenses nila, ang kahit anong galit nila ay dapat mabubura! Ito ay isang solusyon na magugustuhan ng bawat partido.“‘Wag kang makinig sa kalokohan niya, Leopard! Dumating sila ng batang ‘yun sakay ang isang motorsiklo nitong umaga. Sa tingin ko ay hindi sila makakapag bayad ng kahit 700 dollars, paano pa ang 700,000!” Ang sabi ng lalaking may suot na earring.“P*TA! Niloloko niyo ba ako?” Galit na galit si Leopard.“Hindi. Totoo ang sinasabi ko. Kung hindi ka naniniwala sa akin, p
“Kapag umalis ka ng lugar na ito at tinawag mo agad sila, pangako na magiging ayos lang ako sa oras na dumating sila at sila na ang bahala sa mga lalaking ‘yun…” Simula nang kidnapin ng mga gangster si Iris noon, ang lolo niya ay nagpadala ng mas maraming staff para protektahan si Iris ng palihim.Gayunpaman, ayaw ni Iris na may nakikialam sa pribadong buhay niya, kaya sinabi niya sa mga taong ito na manatiling malayo mula sa kanya—sumunod sila at umiwas sila sa pagiging masyadong malapit.Dahil biglaan ang nangyari sa harap niya, naisip niya na ang mga taong nagpoprotekta sa kanya ay medyo malayo lang para mapansin agad ang masamang nangyayari.Kung umalis si Leon at sinabi niya ang balita sa kanla, hindi na magiging problema ang sitwasyon na ito!“Iris, wala akong pakialam kung pansamantala lang ito o hindi. Ang alam ko lang ay hindi kita iiwanan sa harap ng panganib, kahit na maliit lang ang panganib!” Ang desidido na sagot ni Leon.Alam niya na mas maganda ang paraan ni Iris,
“Sige! Ikaw ang may gusto nito! Sugurin niyo siya. Punitin niyo siya at ihagis niyo siya sa kalye para kainin ng mga aso!” Tumawa si Leopard kahit na galit siya at sumenyas siya para umatake.Kanina pa gusto sumugod ng mga tauhan niya, at tinaas nila ang armas nila habang sumugod sila kay Leon.“Sige, sugurin niyo ako!” Ang sigaw ni Leon. Para protektahan si Iris, hindi siya umalis sa tabi ni Iris at maingat siyang hindi umiwas sa atake ng kalaban kung sakaling tumama ito kay Iris kung umilag siya dito.‘Ilalabas ko na ang lahat ng makakaya ko!’ Kinagat ni Leon ang ngipin niya, inipon niya ang ilang spiritual energy sa likod niya, at tiniis niya angatake ng tatlong bakal na tubo bago siya umungol ng mahina sa sakit. Pagkatapos ay tumalon siya sa ere at sinipa niya ng maraming beses ang tatlong kalaban.Sa pagkakataon na ito, may dalawang kalaban na may machete ang sinubukan na pugutan ang ulo ni Leon. Nanatili na kalmado si Leon sa harap ng panganib at kumapit siya sa braso ng isan
Hiniwa ni Leopard ang likod ni Leon gamit ang machete, at tumalsik ang dugo sa lahat ng direksyon, ang ilan ay tumalsik sa mukha ni Iris.Natulala si Iris, at naging blanko ang isip niya habang humina ang kanyang pandinig!Naramdaman niya ang init ng dugo ni Leon, baliktad ito sa lamig sa puso niya. Ito ay para bang gumuho ang mundo niya. Nawala ang kulay sa mukha niya at halos bumagsak siya sa sahig.“Aray…” Ang sabi ni Leon, ngunit mabuti na lang ay nilagay niya ang spiritual energy sa likod niya pang depensa. Sa kabutihang palad, hindi malalim ang hiwa sa balat niya, kung hindi ay patay na siguro siya ngayon!“Mamatay ka!” Kinagat ni Leon ang ngipin niya, tiniis niya ang sakit sa likod niya, at tumalikod siya at sumuntok siya sa dibdib ni Leopard. Ang pwersa ng suntok ay sobrang lakas, kaya nitong bumasag ng isang bato!Nabigla si Leopard sa biglang atake, tinaas ni Leopard ang kabilang kamay niya at sinalubong niya ang atake ni Leon ng parehong suntok.Malakas ang pagtama nit
Ang true energy at inner strength refinement ng mga martial artist ay gumagamit ng mga komplikado at iba’t ibang atake. Ang kapangyarihan ni Leon ay mas mataas lang ng konti kay Leopard, at kung umaasa lang si Leon sa lakas, siguradong wala siyang laban kay Leopard!Habang iniisip ito, nawala ang lahat ng takot ni Leopard. Tinaas niya ang machete niya at inatake niya si Leon.Gusto na itong tapusin ni Leon, kaya umatake siya at hindi siya umiwas sa atake ni Leopard.May malakas na tunog ng pagtama ng dalawang bakal habang tumama ang dalawang machete sa isa’t isa.“Oras na para paluhurin ka!” Ngumiti ng malamig si Leopard at naglagay siya ng true energy sa katawan niya. Sumugod siya kay Leon gamit ang machete sa kamay at sinubukan niyang gamitin ang true energy niya para umatake ng pangalawang beses kay Leon.Ang mga atake ni Leon ay naging madali nang basahin, at hindi kakayanin ni Leon ang pangalawang atake dahil hindi siya isang martial artist. Siguradong matatalo si Leon!“Ika
Ang isang tao na tulad ni Leon ay matatawag pa rin ba na isang tao?Minsang kinalaban ni Leopard ang 17 o 18 na tao ng mag isa, kaya nakilala siya sa laban na ‘yun at naging isa siyang makapangyarihang tao sa lugar! Gayunpaman, tinalo ni Leon ang 30 o 40 na tao ng mag isa lang, at si Leopard ay isa sa mga kalaban niya!Masasabing nakakatakot ang lakas ni Leon!Sa sandaling ito, natulala ang lahat sa katapangan at lakas ni leon!“Jess, nangyayari… ba talaga ito? H-h-h-h-hindi ako n-n-n-n-nananaginip, hindi ba…” Natakot at nanginig ang buong katawan ng boyfriend ni Jess sa nakita nito. Napagtanto niya na isa siyang tanga noong naalala niya ang plano niya na turuan ng leksyon si Leon! Mabuti na lang at mas mabagal siya sa mga tauhan ni Leopard, kung hindi ay siya ang unang hihiga ng walang malay sa lupa!“Babe, ma—masyado siyang bayolente! Dapat tayong lumayo para hindi niya tayo makita…” Namutla ang mukha ni Jess sa takot, at mabilis niyang hinila ang boyfriend niya sa isang tabi at