Ayaw ni Leon na mapunta sa panganib si Iris, ngunit hindi niya rin matiis na makitang dismayado si Iris.“‘Wag mo nang isipin ‘yun. Hindi dapat tayo sumuko ngayon at nandito na tayo! Tara na, dadalhin kita sa tuktok ng bundok at ipapakita ko sayo ang tanawin!”Kinagat ni Leon ang ngipin niya at nagdesisyon na siya.Ang energy refinement level niya ay umabot na ng mid-stage, ang lakas at bilis niya ay higit na ng sobra sa isang ordinaryong tao. Bukod pa dito, ang Mistcloud Mountain ay hindi isang mapanganib na bundok na puno ng talampas, at hindi siya magkakaroon ng problema basta’t mag ingat siya.“Sigurado ka ba?” Nag aalala pa rin si Iris.“‘Wala kang dapat ipag alala kung nandito ako. Pangako na magiging ligtas ka!” Ang sabi ni Leon. Ang boses niya ay nagbigay ng seguridad kay Iris.“Sige. Naniniwala ako sayo,” Tumango si Iris.Ibinaba ni Leon si Iris at kinarga niya ito na parang mag asawa sila.Sa ganun, ang bigat nila ay mapupunta sa harap, at mas magiging ligtas ang pag
Naglakad si Leon sa paligid ng tuktok ng bundok habang nasa likod niya si Iris at nakahanap siya ng lugar kung saan pwede sila umupo.Hindi nagtagal, ang sinag ng araw ay tumagos sa makapal na ulap habang lumulubog na ito sa kanluran.Ang mga ulap ay nanatili kahit na ang maliwanag na sinag ng araw ay tumagos. Ang reflection, refraction, at dispersion ng sinag ng araw ay naglabas ng makulay na ilaw, at nakakabighani ito para sa kahit sinong makakita nito.Nang lumubog na ang araw, silang dalawa ay nagising mula sa pagkamangha nila.“Gabi na, Leon. Umuwi na tayo,” Ang sabi ni Iris ng nakangiti.Kahit na may mga masamang nangyari ngayong araw, ang pagsama kay Leon ay masaya at nakuntento siya.Tumango si Leon, kinarga niya si Iris, at bumaba na si Leon.Mas madali ang bumaba kaysa sa umakyat, at mabilis si Leon na para bang lumilipad siya. Kinarga niya si Iris papunta sa paa ng bundok at palabas ng lugar.Ang karamihan sa mga turista ay umalis na, at may ilang mga tao na lang na
Sa puntong ito, naglakad si Leon palabas ng lugar habang bakay si iris sa likod. Masaya sila na nag uusap at tumatawa nang nakasalubong nila ang agresibo na pagharang ng 30 o 40 na lalaki sa entrance.“Boss! Ito ang batang nanakit sa amin! Dapat niyo siyang labanan para ipaghiganti kami!” Sa oras na makita nila na papalapit si Leon, ang isa sa mga lalaki ay agad na dumating habang nakaturo siya sa direksyon ni Leon ng may madilim na ekspresyon.“Hulihin niyo siya! ‘Wag niyo siyang patatakasin!” Ang malamig na sinabi ng leader at hinagis niya ang sigarilyo mula sa kamay niya.Sa kanyang utos, ang lahat ng lalaki ay naglabas ng kanilang sandata—kasama na dito ang mga machete at batuta—habang sumugod sila papunta kela Leon at Iris.Nakatayo sa likod ang boyfriend ni Jess, na siyang susugod na kay leon para magturo ng leksyon, at nabigla siya sa mga lalaking nakasuot ng itim na sumugod kay Leon. Natulala siya sa eksena, at agad siyang tumigil sa gagawin niya bago siya umatras dahil sa
Sa kasamaang palad, sa huli niya na ito napagtanto.Ang leader ay lumapit at tumingin siya sa direksyon ni Leon. “Mula saan ka ba, bata? Ang lakas ng loob mo para saktan ang mga tauhan ko sa teritoryo ko!”Ibinaba ni leon si Iris at tumingin siya sa lalaki ng may kalmado at walang takot na ekspresyon. “Sino ka ba?”“Wala kang alam! Sasabihin ko sayo kung sino siya. Siya si Felix Leopard Moneta, ang boss na namumuno sa lugar sa paligid ng Mistcloud Mountain!” Ang sabi ng lalaking may suot na earring.Sa oras na ito, ang kaguluhan ay nag alerto na sa mga taong dumadaan. Ang ilan sa mga matatakutin ay agad na umalis, habang ang ibang matapang ay nanatili at pinanood ang sitwasyon mula sa malayo.Nang marinig nila marinig nila na sinabi ng lalaking may earring ang pangalan ng leader nila, ang bawat manonood ay nabigla at agad silang nagsimulang mag usap.“Siya ang tinatawag nila na si Leopard?!”“May sabi-sabi na si Leopard, na may machete lang, ay pumatay ng higit sa labing-limang
Magiging masama ang kahihinatnan kung nagtamo ng maraming galos at sugat si Leon!Bukod pa dito, wala lang kay Iris ang 700,000 dollars, at naisip niya na halaga na ito para sa kaligtasan ni Leon.“Seryoso ka ba?” Nabigla si Leopard at napanganga siya. Hindi niya inaasahan na papayag si Iris sa kagustuhan niya!Hindi maliit na bagay ang seven hundred thousand, at naakit siya dito dahil pareho ito sa kinikita niya ng isang buong taon!Kung pumayag si Iris na magbayad ng 700,000 dollars para sa medical expenses nila, ang kahit anong galit nila ay dapat mabubura! Ito ay isang solusyon na magugustuhan ng bawat partido.“‘Wag kang makinig sa kalokohan niya, Leopard! Dumating sila ng batang ‘yun sakay ang isang motorsiklo nitong umaga. Sa tingin ko ay hindi sila makakapag bayad ng kahit 700 dollars, paano pa ang 700,000!” Ang sabi ng lalaking may suot na earring.“P*TA! Niloloko niyo ba ako?” Galit na galit si Leopard.“Hindi. Totoo ang sinasabi ko. Kung hindi ka naniniwala sa akin, p
“Kapag umalis ka ng lugar na ito at tinawag mo agad sila, pangako na magiging ayos lang ako sa oras na dumating sila at sila na ang bahala sa mga lalaking ‘yun…” Simula nang kidnapin ng mga gangster si Iris noon, ang lolo niya ay nagpadala ng mas maraming staff para protektahan si Iris ng palihim.Gayunpaman, ayaw ni Iris na may nakikialam sa pribadong buhay niya, kaya sinabi niya sa mga taong ito na manatiling malayo mula sa kanya—sumunod sila at umiwas sila sa pagiging masyadong malapit.Dahil biglaan ang nangyari sa harap niya, naisip niya na ang mga taong nagpoprotekta sa kanya ay medyo malayo lang para mapansin agad ang masamang nangyayari.Kung umalis si Leon at sinabi niya ang balita sa kanla, hindi na magiging problema ang sitwasyon na ito!“Iris, wala akong pakialam kung pansamantala lang ito o hindi. Ang alam ko lang ay hindi kita iiwanan sa harap ng panganib, kahit na maliit lang ang panganib!” Ang desidido na sagot ni Leon.Alam niya na mas maganda ang paraan ni Iris,
“Sige! Ikaw ang may gusto nito! Sugurin niyo siya. Punitin niyo siya at ihagis niyo siya sa kalye para kainin ng mga aso!” Tumawa si Leopard kahit na galit siya at sumenyas siya para umatake.Kanina pa gusto sumugod ng mga tauhan niya, at tinaas nila ang armas nila habang sumugod sila kay Leon.“Sige, sugurin niyo ako!” Ang sigaw ni Leon. Para protektahan si Iris, hindi siya umalis sa tabi ni Iris at maingat siyang hindi umiwas sa atake ng kalaban kung sakaling tumama ito kay Iris kung umilag siya dito.‘Ilalabas ko na ang lahat ng makakaya ko!’ Kinagat ni Leon ang ngipin niya, inipon niya ang ilang spiritual energy sa likod niya, at tiniis niya angatake ng tatlong bakal na tubo bago siya umungol ng mahina sa sakit. Pagkatapos ay tumalon siya sa ere at sinipa niya ng maraming beses ang tatlong kalaban.Sa pagkakataon na ito, may dalawang kalaban na may machete ang sinubukan na pugutan ang ulo ni Leon. Nanatili na kalmado si Leon sa harap ng panganib at kumapit siya sa braso ng isan
Hiniwa ni Leopard ang likod ni Leon gamit ang machete, at tumalsik ang dugo sa lahat ng direksyon, ang ilan ay tumalsik sa mukha ni Iris.Natulala si Iris, at naging blanko ang isip niya habang humina ang kanyang pandinig!Naramdaman niya ang init ng dugo ni Leon, baliktad ito sa lamig sa puso niya. Ito ay para bang gumuho ang mundo niya. Nawala ang kulay sa mukha niya at halos bumagsak siya sa sahig.“Aray…” Ang sabi ni Leon, ngunit mabuti na lang ay nilagay niya ang spiritual energy sa likod niya pang depensa. Sa kabutihang palad, hindi malalim ang hiwa sa balat niya, kung hindi ay patay na siguro siya ngayon!“Mamatay ka!” Kinagat ni Leon ang ngipin niya, tiniis niya ang sakit sa likod niya, at tumalikod siya at sumuntok siya sa dibdib ni Leopard. Ang pwersa ng suntok ay sobrang lakas, kaya nitong bumasag ng isang bato!Nabigla si Leopard sa biglang atake, tinaas ni Leopard ang kabilang kamay niya at sinalubong niya ang atake ni Leon ng parehong suntok.Malakas ang pagtama nit