Kausap ni Dr. Ramirez ang matandang pulubi na malinis ang katawan at nakabihis ng maayos. Halos hindi niya ito nakilala.“Roberto, hindi ako nanggugulo. Gusto ko lang masilip ang anak ko sa araw ng kasal niya.”“Anak? Sinong anak ang tinutukoy ninyo?” tanong ni Mika. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa. “Mika, mag-usap muna tayo saglit,” sabi ng kanyang ama.Magkakaharap silang tatlo sa mesa ng meeting room ng venue. Nakatayo si Liam sa likod niya. Nagtatanong ang kanyang mga mata sa dalawang matanda.“Panahon na para magkakilala kayo. Mika, si Aurora ang tunay mong ina.”“Paano po nangyari?”“Ampon siya ng mga Ramirez. Itinuturing ko siyang nakababatang kapatid ngunit naglayas siya kaya nawalan kami ng komunikasyon. Nakita kita sa tulay ay may kasamang sulat mula sa kanya. Inihabilin ka niya sa akin.”Napatitig siya sa babaeng nasa harapan. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon.“Mika,
Nais malaman ni Liam kung sino ang tunay niyang ama. At baka matulungan siya nito kung nasaan ang nanay niya na matagal ng nawawala o nagtatago.“George, mag-utos ka ng tao natin para makuhanan ng paternity sample ang dalawang lalaking ito,” utos niya sa secretary.“Kailangan ko ng mabilis na resulta. Anong balita sa kaso ni Ava?”“Okay sir. Bigyan ninyo ako ng dalawa hanggang tatlong araw para sa resulta ng paternity test. Kasalukuyang nag-iimbestiga pa ang dalawang tauhan natin tungkol sa nawawalang cellphone ng daddy ni Ms. Ava. Malaki ang chance na may laman itong malaking ebidensya laban sa grupo. Ibinigay ni Zion ang cellphone ng daddy niya at natignan namin ang call at message history sa cellphone na madalas nitong kausap ang daddy ni Ava noong buhay pa ito. Sa isang message ay sinabi nito na huwag burahin ang ebidensya. Maaring konektado ito.”Tumango siya. Gustong gusto na niyang matapos ang problema sa White Web Mob.“Sige, balitaan mo ako agad kapag may bago.”“Okay, sir. N
Nasa balita ang pagbagsak ng private plane ni Liam! Sabog ang buong eroplano. Nahilam ng luha ang kanyang mga mata. Para siyang inatake. Tumigil ang pagtibok ng kanyang puso sa isiping naaksidente ang asawa. Nagdilim ang kanyang paningin. Mabuti na lamang ay may mga bisig na sumalo sa kanya.Pagdilat niya ng mata ay nakahiga siya sa hospital bed. Nasa harap niya si Liam. Nag-iiyak siya pagkakita sa binata. “Liam, buhay ka!”“Oo Mika, salamat sa Diyos. Kaso hindi nakaligtas ang piloto at ang empleyadong inutusan kong mauna sa site ng bagong pagmiminahan.”“Sino ang may kagagawan ng plane crash? Tiyak na hindi ‘yun aksidente. Pinagtangkaan nila ang buhay mo. Ikaw ang target.”“Oo, dapat ay sasakay ako sa eroplano. Opening ng Power Land Mining Corporation, ang sister company ng PLCC sa San Jose kaso ay tumawag si George na may aksidente sa bagong railway na ginagawa. Kaya nagpunta ako sa site at dinala sa ospital ang mga taong nasaktan.”“Liam, nakakakilabot. Paano kung sumakay ka nga sa
Nag-aalangang sumagot si Zion kay Liam. “Hindi ako sigurado dahil walang ebidensya pero iisa lang ang naiisip ko na posibleng suspect.”“Sino ang naiisip mo?”“Si Dr. Roberto Ramirez.”Natigilan si Liam. “Siya din ang isa sa suspek ko noon pero pinaimbestigahan ko na siya dati. Malinis ang record niya.”“Kinikilala siyang tatay ni Mika. Pero miyembro din siya ng White Web Mob. May posibilidad ng alitan o sabwatan. Ngunit hindi nga ako sigurado.”“Pasundan natin ang bawat galaw ni Dr. Ramirez upang makatiyak. Sana ay hindi siya. Dahil tiyak na masasaktan si Mika.”“Sana nga. Magaling ang kriminal, pinatulog niya ang bantay at nabura niya agad ang CCTV na nagpapakita ng hallway sa kwarto ng daddy ko. Posibleng hindi lang nag-iisa ang kriminal na nasa ospital.”“May punto ang hinala mo. Tulungan mo akong lutasin ang kaso ng White Web Mob. Gusto ko ng mabuhay ng tahimik.”“Makakaasa ka sa tulong ko.” Tinapik nito ang kanyang balikat.“George, paki-background check ang lahat ng nagtatrabah
“Ha? Mika, manganganak ka na?” Binalot ng pangamba sa kanyang puso. Matindi ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya malaman ang gagawin. Excited siya na may halong kaba.“Papunta na ako diyan.” Iniwan niya ng walang pasabi si Lolo Artemio.Siya ang nagdrive ng sasakyan. Nasa likod si Mika at si Mommy Aurora. Hindi maipinta ang mukha ng asawa sa sakit. Nakasapo ito sa tiyan. Nakatingin siya dito. Kung pwede nga lamang na kuhanin ang nararamdamin nitong sakit ay ginawa na niya.Humihiyaw na si Mika. Tila tinutusok ang puso niya sa bawat ingit nito. Hindi siya makapag-concentrate sa pagmamaneho. Ilang beses siyang binusinahan ng mga sasakyan dahil nawawala siya sa tamang lane.Nakarating na sila sa Miracle Hospital. Dinala siya paanakan. Sinalubong sila ni Dr. Ramirez.“Mika, makakaraos ka din. Lakasan mo ang loob mo.” Niyakap siya ng ama.Tumango ang dalaga. Hindi na siya makapagsalita ng maayos sa labis na kirot. Inalalayan siya ng mga ito sa paglakad papasok sa ospital.Ipinasok si M
Binabantayan ni Liam si Mika sa ospital na mahimbing na natutulog. Tulala pa din siya sa nangyari. Hindi niya matanggap ang pagkawala ng anak. Hanggang ngayon ay hindi pa naaapula ng bumbero ang sunog sa kabilang gusali. May panaka-naka pa ding pagsabog.Nilapitan ni Ms. Castro ang binata. “Kailangang linisin at gamutin ang mga sugat mo bago pa maimpeksyon,” anito na sinimulang pahiran ng bulak ang sugat na natamo. Ngayon lamang niya napansin ang ilang paso sa braso. May bahagi din ng kanyang buhok ang medyo nasunog.Walang sakit siyang nararamdaman sa mga sugat. Ang kirot ay nasa kanyang puso.Nagising na si Mika. Bumalikwas ito ng bangon. Ang anak ko! Liam, nasaan si baby Enzo?” Niyakap niya ang asawa. Nagpipilit itong tumayo.“Mika, huwag kang mabibigla, hindi nakaligtas ang anak natin sa sunog.” Hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang pagkawala ng kanilang anak ng hindi ito masasaktan.Nagwawala na ang asawa. “Liam, dalin mo sa akin ang anak natin. Gusto ko siyang makit
Wala talagang puso ang Lolo Artemio niya. Alam pala nito kung nasaan ang nanay niya ay hindi nito sinasabi. At nasaan ang matanda? Bakit parang may narinig siyang iyak ng bata. Muli siyang tumawag. Mabuti at nag-ring na matapos ang ilang ulit niyang pagtawag.Sinagot ng lolo niya ang telepono. “Hello, nawawalan ng signal. Nasa mall ako, madaming batang naglalaro at may mga nag-iiyakan pa nga.”“Lolo Artemio, nasaan ang nanay ko? Sabihin mo sa akin dahil madami akong gustong malaman.”“Hindi mo siya makikita kasi ayaw niyang magpakita. Ganoon kasimple. Huwag mo siyang alalahanin. Kaugali mo ang nanay mo na matigas ang ulo.”“Lolo Art---” Binabaan na siya nito ng telepono. Napailing na lamang siya. Kilala niya ito. Hindi niya ito mapipilit na sabihin kung saan matatagpuan ang nanay niya.Tinawag niya ang secretary. “George, pasundan mo si Lolo Artemio. Alamin mo ang mga lugar na kanyang pinupuntahan at kung sino ang palagi niyang kasama o kausap.”“Yes, sir.”***Nagpalagay si Liam ng g
Nagimbal siya sa nadinig. Hindi niya nais na tanggapin ang sinabi ni Marco Saavedra. Hindi siya anak ng kriminal.“Umupo ito sa mesa, hindi natin napipili kung sino ang magiging magulang natin. Pero napakawalang utang na loob mo naman. Ako ang dahilan kung bakit lumabas ka sa mundo.”“Hindi kita ama! Hindi ako anak ng taong kasing sama mo!”“Huwag kang mag-alala, hindi din naman kita gustong maging anak. Manang mana ka sa ina mo na matigas ang ulo at napakagaling magtago. Akala ko ay kapag nabuntis ko siya ay mapapasaakin ang kayamanang iniingatan ng White Web Mob dahil anak ka ng reyna. Pero bigla siyang naglaho at ang gagong si Diego ay ibinigay sa’yo ang lahat!”Sinugod niya ang nagpakilalang ama at sinuntok sa mukha. Dumugo ang ilong nito. Inawat siya ng mga tauhan nitong pawang malalaki ang katawan.“Matalino ang gagong si Diego kaya hindi kita mapatay dahil anak kita! Pero nauubos na ang pasensya ko sa’yo.”“Hindi kita ama, wala akong tatay na demonyo!”Sinuntok siya ng lalaki a