Nagimbal siya sa nadinig. Hindi niya nais na tanggapin ang sinabi ni Marco Saavedra. Hindi siya anak ng kriminal.“Umupo ito sa mesa, hindi natin napipili kung sino ang magiging magulang natin. Pero napakawalang utang na loob mo naman. Ako ang dahilan kung bakit lumabas ka sa mundo.”“Hindi kita ama! Hindi ako anak ng taong kasing sama mo!”“Huwag kang mag-alala, hindi din naman kita gustong maging anak. Manang mana ka sa ina mo na matigas ang ulo at napakagaling magtago. Akala ko ay kapag nabuntis ko siya ay mapapasaakin ang kayamanang iniingatan ng White Web Mob dahil anak ka ng reyna. Pero bigla siyang naglaho at ang gagong si Diego ay ibinigay sa’yo ang lahat!”Sinugod niya ang nagpakilalang ama at sinuntok sa mukha. Dumugo ang ilong nito. Inawat siya ng mga tauhan nitong pawang malalaki ang katawan.“Matalino ang gagong si Diego kaya hindi kita mapatay dahil anak kita! Pero nauubos na ang pasensya ko sa’yo.”“Hindi kita ama, wala akong tatay na demonyo!”Sinuntok siya ng lalaki a
“Kaninong anak iyon? Apo siguro ni Ms. Castro,” sabi ni Nessa.“Dalaga si Ms. Castro. Ngayon ay magkasama na sila ni Dr. Ramirez sa isang bahay.”“Teka hindi kaya sugar daddy ni Ms. Castro ‘yun kausap niya? Baka nagtataksil ito kay Dr. Ramirez.”“Grabe nag imahinasyon mo, ano? Anyway, tigilan na natin ang pagma-marites,” nailing na sabi ni Andrei.“Yung bata, grabe ang iyak. Karga naman. Baka kaya nagugutom na. Lapitan ko kaya.”“Naku Nessa. Huwag kang makialam, hindi mo kilala si Ms. Castro, dragon ‘yan at nagbubuga ng apoy.”Nagbukas na ang gate kaya pumasok na sila sa loob. Kaibigan ng daddy ni Nessa ang kukuhanin nilang ninong sa kasal.Nakauwi na sila sa bahay ay hindi pa din mawala sa isip niya si Ms. Castro at ang hawak nitong sanggol na matinis ang iyak na para bang naghihingi ng tulong.“Oh, bakit nakatulala ka diyan?” untag ni Andrei na nakapag-shower na galing sa banyo.“Naiisip ko lang ang baby kanina na umiiyak.”“Tara, gumawa tayo ng sarili nating baby!’ Niyakap siya ni
Nadinig niya ang halakhak ng lolo ni Liam sa kabilang linya ng telepono. “Syempre naman marunong akong tumupad sa pangako. Layuan mo ang apo ko. Makakasama mo na ang anak mo. Ipapadala ko ang address.”Nagpasalamat siya kay Isaac sa malaking tulong nito. Agad siyang nagpunta sa address na ibinigay ni Lolo Artemio. Karga nito ang isang sanggol. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa pananabik na mahawakan ang kanyang anak.Mahimbing na natutulog ang bata. Umagos ang luha sa kanyang mga mata. Hinalikan niya ito sa ulo at noo. Buhay ang anak niya! Iyon lamang ang pinakaimportante sa ngayon. Tsaka na niya aayusin ang relasyon kay Liam. Kailangan niyang sumunod sa lolo nito upang makapiling ang anak. Bilang isang ina ay wala siyang hindi kayang gawin para kay baby Enzo.Gumalaw ang bata at dumilat ang mata. Titig na titig ito sa kanya. “Hello, baby Enzo. Si mommy ito.” Pinaliguan niya ng halik ang mukha ng bata.Tila nakaunawa ang sanggol at ngumiti sa kanya. Nalusaw ang puso niya sa s
Kumandong siya kay Liam. Sumubsob siya sa leeg nito upang magsalita at madinig nitong mabuti ang kanyang sasabihin. Kaso ay sobrang lasing na ito at hindi na yata naiintindihan ang mga sinabi niya. Nag-isip siya ng paraan para makausap ito dahil bantay sarado din siya ni Lolo Artemio. Kapag nakatunog ang bantay niya na nawawala siya ay tiyak na isusumbong siya. Kailangan niyang magmadali.Plano niyang dalahin sa banyo si Liam at buhusan ng tubig para mahimasmasan. Ang bigat ng binata. Ngayon lang niya nakita itong sobrang lasing. Hindi niya ito mabuhat o maiangat man lang sa sofa. Sumuko na siya. Kumuha siya ng tissue paper at nagsulat ng note kung saan sila pwedeng magkita. Binigyan niya ito ng instructions. Ipinasok niya sa bulsa ng jacket nito ang tissue. Sana ay mabasa nito.Kinuha ni Lolo Artemio ang sim card niya at pinalitan ng bago. Nasa pangalan nito ang sim na ipinagamit sa kanya kaya malalaman nito ang lahat ng messages at calls niya. Hiningi din nito pati passwords ng soci
Hinila si Mika ng kamay ng isang lalaki sa madilim na sulok at dinala siya sa storage room. Tinakpan nito ang kanyang bibig kaya hindi siya makasigaw. Nahintakutan siya. Hinarap siya ng lalaki. Si Liam!“Anong ginagawa mo dito? Baka mahuli ka ng security,” bulong niya na puno ng pag-aalala.“Siyempre dinadalaw ka. Akong bahala. May kasalanan ka sa akin na dapat mong pagbayaran.”Isinandal siya nito sa wall ng storage room. Siniil siya ng halik ng binata. Halos madurog ang labi niya. Ramdam niya ang pananabik ng asawa. Gumanti siya ng halik. Halik na walang kasing tamis. Naramdaman niyang gumagapang ang kamay ni Liam sa kanyang katawan. Pinigil niya ito.“Baka makita tayo ni Lolo Artemio. May CCTV ang bawat sulok ng bahay,” aniya sa pinakamahinang boses.“Huwag kang mag-alalala. Kontrolado ni Zion ang CCTV monitoring ng bahay na ito,” bulong nito sa kanyang tenga na bahagyang kinagat.Dumampi ang halik nito sa kanyang leeg at balikat. Pinisil ng binata ng dalawang kamay ang kanyang puw
“Sigurado akong hindi mo ipuputok ‘yan. Maraming impormasyon at kayamanang mababaon kapag pinatay mo ako ngayon,” ani Liam kay Marco.Ibinaba ng matanda ang baril. “Tama ka, hahanap ako ng perfect timing para burahin ka sa mundong ito kasama ng ganid mong lolo.”“Tsaka kaya mo bang patayin ang sarili mong anak?”“Oo, naman. Kaya kitang itumba.”“Kung mamamatay tao ka, ikaw nga ang totoong pumatay kay tatay Diego? Tama ba?”Humahangos ang tatlong tao ni Marco. “Sir, may gulo sa casino. May mga nagdatingang pulis.”Agad na tumayo si Marco at sumunod sa mga tauhan nito.“Sampung araw, hihintayin kita sa PLCC,” habol niya.Lumakad na siya palabas ng opisina nito at lihim na nangiti. Siya ang nagsumbong ng iligal na casino nito sa San Marcelino.Nasa sasakyan na sila ni Zion. “Boss, nakita mo ba mga armas nila? Parang naghahanda sa World War III. Nakakatakot. Kailangan nating magdagdag ng armas.”“Lalaban tayo ng hindi gumagamit ng dahas. Walang dapat madamay na inosenteng tao.”“Mainam la
Nadinig niya ang sinabi ni Lolo Artemio. Maliwanag na ang kausap nito ay nagtatrabaho sa ospital. Kaya ba madalas ang matanda doon kahit mukha naman itong walang sakit? Kailangan niyang alamin kung sino ang kasabwat nito. Hindi naman siguro ang daddy niya. Biglang kumabog ang kanyang dibdib.Napansin ni Liam ang pagkatulala niya. “Mika, huwag mong alalahanin ang nadinig mo. Kami na ang bahala ni Zion. May mga suspect na kami.”“Sino? Sino ang mga suspect ninyo? Bakit hindi ninyo man lang sinabi sa akin.”“Kami na ang bahala. Sabi naman sa’yo. Alagaan mo na lang si Enzo. Huwag ka munang pumasok sa ospital. Huwag matigas ang ulo mo.”Tumango na lamang siya. Ngunit hindi siya mapakali. Iniisip niya kung sino ang posibleng suspect.Niyakap siya ni Liam. Inalis niya ang mga kamay nito. “Eto na naman tayo, hindi mo na naman sinasabi sa akin,” aniya. May tampo ang kanyang tinig.“Mahal ko, ayoko lang na mag-alala ka.”“At sa tingin mo ngayon ay hindi ako nag-aalala?”“Mika. Huwag na tayong m
Binuksan ni Liam ang loud speaker upang madinig din niya ang usapan.“Si Ernesto Dimagiba. Naalala mo ang isa sa kinuhanan mo ng paternity test?”“Oo, naalala ko siya. Anong nangyari?”“Car accident din, may bumanggang truck. Pero hindi ito nakaligtas. Sumabog ang kotse nito kaya hindi na umabot ng buhay sa ospital. Lasing din ang driver ng truck at kusang sumuko sa pulis.”“Sige, salamat. Paki-check kung sino ang may-ari ng mga truck company na dawit sa mga aksidenteng kinasangkutan ng miyembro ng White Web Mob. Makibalita ka sa issue na ‘yan. Baka may kinalaman si Marco. Kailangan nating makaipon ng mabigat na ebidensya laban sa kanya. Ang video ng pagpatay kay Noli dela Torre ay hindi matibay na ebidensya. Itinali niya sa railing pero putol na ang video. Posible pa siyang makalusot.”“Sige. Hindi tumitigil ang mga tao natin sa paghahanap ng ebidensya.”“Kumusta na nga pala kayo diyan sa bahay? Si baby Enzo?”“Okay naman kami. Tulog na si baby Enzo. Panay ang tawanan namin kanina. B