“Excuse me, ano ang room number ni Mr. Artemio Vasquez? Kahit siya ay na-starstruck sa kagandahan ng ex-girlfriend ni Liam. Pati ang katawan nito ay talagang lilingunin ng kahit na sino. Hindi nakakapagtaka na mabighani ang binata dito.Si Gemma ang sumagot na hindi napansin ang pagkakahawig ng babae sa harapan at ng babae sa hawak na cellphone. Inagaw niya ang cellphone sa kaibigan. “Room 102 po. Deretso lang po tapos po kanan.”“Ang ganda niya,” aniya.Hinabol nila parehas ng tingin ang palayong babae. “Asus, mas maganda ka pa sa babaeng ‘yon. Makapal lang ang makeup niya. Kung ako nga ang kasingganda mo, mag-aartista ako. Sasali ako sa mga artista search.”“Salamat friend. O sige, huwag mo ng bayaran ang lunch natin ngayon,” natatawa niyang sabi.Bumalik na si Jasmin mula sa Italy at dumalaw kay lolo Artemio. Alam na kaya ito ni Liam? Wala siyang laban sa babae. Maganda ito at matagumpay sa career. At mahal ito ni Liam. Matapos ang limang taon, ganoon pa din ba ang damdamin ng bina
Nanginginig ang kanyang kamay. “Hello! Sino to?” tanong niya.Boses ng lalaki ang nasa kabilang linya. Agad niyang inabot kay Liam ang phone.“Liam, huwag mong sabihing, lalaki ang hanap mo? Hindi ko matatangap ‘yan.” Ang lakas ng iling niya. Madami siyang kaibigang gay at iginagalang niya ang mga ito. Pero huwag naman sana si Liam.Ini-loud speaker nito ang phone. “Babe, paki-explain kung bakit ganito ang pangalan mo sa phone ko. Magpapalit ka na ng pangalan. Muntik ka ng pagselosan ng girlfriend ko.”“Sino ba ang kasama mo ngayon?”“Gago, isa lang ang girlfriend ko. Si Mika, naalala mo? ‘Yun sinabi kong duktor.”“Hello, Mika. Si Babe ito. As in Ba-be, Bobby kasi dapat iyon, kaso mali ang spelling ng kumadrona na nagpaanak sa akin.”Gusto sana niyang matawa pero mas lamang ang sama ng loob na nararamdaman niya.“Ano bang sasabihin mo? Siguraduhin mo lang na importante 'yan. Abala ka.”“Tinawagan ako si Jasmin. Hinahanap ka.”“Sige, huwag ka ng tumawag kahit kailan.” Ibinaba nito ang
“Si Liam na lang ang tanungin mo. Ngunit I doubt kung sasabihin niya sa’yo. Lihim ang organisasyon nila. Karamihan ay hindi alam kahit ng sarili nilang pamilya na kasapi pala ang asawa o ama nila. Mga makapangyarihan ang lahat ng miyembro na para sa kalalakihan lamang.”“Kung ganoon ay bakit alam mo ang tungkol dito.”“Ginamit ko ang katawan ko at nakipagrelasyon sa isang miyembro nila para kay Liam. Ngunit hanggang doon na lamang ang nakuha kong impormasyon.”“Uulitin ko ang tanong ko, hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para kay Liam?”Napuno ng pangamba ang kanyang puso. Hanggang saan siya dadalin ng pag-ibig para sa kasintahan?“Mahal ko si Liam at handa ko siyang ipaglaban. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.”“Goodluck. Sana ay magtagumpay ka. Liam needs someone who will believe in him. At posibleng ikaw ang babeng matagal na niyang hinahanap. Wala kong hiling kundi ang maging masaya siya sa piling ko man o sa piling ng iba.”Lumabas na si Jasmin. Sumakit ang ulo niya sa mga
Kinabahan si Mika. Hindi naman siguro si Jasmin ang sinasabing magandang babae na nalunod.Dumaan sa kanilang harapan ang rescue. At nagimbal sila. Si Jasmin nga!Isusugod daw ang babae sa ospital. Hinarang niya ang rescue.Inilagay niya ang tenga sa ilong at bibig ng babae. Tinignan niya kung humihinga pa ito. Hindi ito aabot sa ospital kapag hindi nilapatan ng first aid. Mahina ang hangin na galing sa ilong nito.“Doctor po ako. Kailangang lapatan ng first aid. Baka hindi siya umabot sa ospital ng buhay.”Sinimulan niya ang CPR. Hinawakan niya ang baba nito. Pinisil niya ang ilong para masara at tsaka niya inilagay ang bibig sa bibig nito. Binugahan niya ng hangin ang bibig ng babaeng walang malay.Inilagay niya ang matigas na bahagi ng palad niya malapit sa pulso sa gitna ng dibdib nito. Ipinatong niya ang isa pang kamay sa itaas ng kanyang palad upang madagdagan ang pwersa sa pagdiin na gagawin.Sinimulan niya ang mabilis na pagdiin sa dibdib at tsaka aalisin ang pressure. Hindi p
“Shit! Wala akong utos na patayin ang babaeng ‘yon.” Nadinig niyang sambit ng matanda.Bumulong ito sa kanya. “Hindi ako ang nagpapatay kay Jasmin. Tatakutin lang namin siya. May nakialam dito. Huwag na huwag kang magsusumbong sa pulis. Binabalaan kita!”Napatayo siya at lumayo sa matanda. Nanginginig ang kanyang katawan. Kahapon lang ay kausap pa niya si Jasmin. Dumating si Liam na napatingin din sa TV. Hinila siya nito palabas sa ospital.“Akala ko ba ay nasa mabuti siyang kalagayan? Sabi mo ay safe si Jasmin?” Umiiyak na siya. Niyakap siya ng binata.“Tatanungin ko ang taong inutusan ko kung ano ang nangyari. Hindi natin kontrolado ang mga pangyayari. Huminahon ka.” Hinihimas nito ang kanyang likod. Wala silang imikan sa byahe hanggang sa makauwi ng bahay.Natutulog na sa kanyang tabi si Liam. Ngunit hindi siya dalawin ng antok. Tila siya minumulto ni Jasmin. At hindi siya makapaniwala na parang wala lang kay Liam ang nangyari sa dating nobya. Ganoon ba ito kagaling magtago ng feel
Nagkatinginan silang dalawa ni Andrei. Goodbye limang milyon siya kapag nalaman ng nanay nito ang tungkol sa kasunduan nila. At hindi niya hahayaang mangyari ‘yon.“Hello po. Dumating na po pala kayo. Kontrata po sa business. Tama po. Opo. Nag-uusap po kami tungkol sa business partnership. At may kontrata po na limang milyon.”“Yes, Mommy. Pinag-iisipan pa po naming mabuti kung itutuloy namin.”Tumango ang matanda. “Pag-aralan ninyo muna. Mahirap mag-umpisa ng negosyo. May business consultants ang daddy mo. Kung sakaling kailangan ninyo ng tulong.”“Salamat po. Tara po sa sala. Kwentuhan po ninyo ako ng gala ninyo.” Inakay niya pababa ng hagdan ang byenan. Medyo paika ang lakad niya dahil nawasak ang kanyang puri kani-kanina lang.Nilingon niya ang asawa at binigyan ng fuck you sign. Magtutuos sila ni Andrei, kinuha ang kanyang pagkababae ng ganun ganun lang at hindi naman siya nasarapan.Pagpasok niya sa kwarto ay gising pa ito. Hindi niya ito pinansin. Kinuha niya ang kumot na nasa
Paano niya ipagtatanggol si Liam kung ang lahat ng ebidensya ay nagtuturo na ito ang pumaslang kay Jasmin? Inosente nga ba ang nobyo? Kahit sino ang makakita ng ebidensyang inilatag ng mga pulis ay maniniwalang siya ang salarin.Paano niya matutulungan si Liam? Posible siyang maging saksi sa resort kung saan naganap ang unang pagtatangka sa buhay ni Jasmin. Katabi niya ang binatang matulog. Kasama din niya ito sa araw na matagpuan ang bangkay ni Jasmin sa ilog. Sinundo siya nito sa ospital. Ngunit may time lapse sa mga oras na kasama niya ang binata at ng maganap na krimen. Naniniwala pa din siya na hindi magagawa ni Liam ang pumatay.Dinalaw niya ito at dinalahan ng gamit at pagkain. Labis ang kanyang pag-aalala. Ngunit wala siyang magawa para sa nobyo.“Liam, natatakot ako. Paano kapag nadiin ka sa kaso?”Inilabas ni Liam ang kamay sa kulungan upang mahawakan ang kanyang mukha. “Malinis ang kunsensya ko, Mika. Hindi ko magagawang patayin si Jasmin. Huwag kang mag-alala mapapatunayan
Luminga siya sa paligid. Parang normal ang lahat at pangkaraniwang araw lamang para sa iba. Ngunit nanginginig ang kanyang buong katawan. Ano ang kanyang gagawin? Totoo kayang may bomba sa loob ng korte? Totoo man o hindi, ang kaligtasan ng lahat ang dapat unahin.Madaming tao ang posibleng malagay sa panganib ngayon lalo ang mga mahal niya sa buhay. Kailangang magpakatatag siya at magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat.Mag-uumpisa na ang kanyang salaysay. Pumikit siya. Pilit inaawat ang luhang gustong pumatak. Muli niyang sinulyapan si Liam. May gusto siyang ipahatid dito ngunit nanatili itong nakayuko.Tinanong na siya ang kabilang kampo ngunit hindi niya maibuka ang bibig. Hindi niya kayang ilaglag si Liam at iwan sa ere. Si Liam ang kahuli-hulihang taong magagawa niyang saktan. Pero paano kung sumabog ang bombang sinasabi ng abogado? Naninikip ang kanyang dibdib. Hindi pa siya natatakot ng ganito katindi sa buong buhay niya.Inulit ng abogado ng kabilang kampo ang tanong. “Ayon s