Sabi ni Liam ay hindi daw ito nasiyahan kanina. Panay naman ang ungol. Nakadalawang round pa nga sila. Kailangan niyang galingan sa kama. Nanonood naman siya ng video ng art of making love. May inhibisyon pa siyang nararamdaman. Nabasa niya na dapat ay alisin ang anumang hiya sa katawan. Mahilig talaga sa sex ang mga lalaki at kahit ang mga babae. Determinado siyang pagbutihin ang performance. Upang mapaligaya si Liam at hindi ito maghanap ng iba.Hinalikan siya sa labi ng binata na parang walang ng bukas. Halos madurog ang kanyang mga labi. It excites her. Tila baga ang mga kamay nitong humaplos sa kanyang buong katawan.Inawat niya ang binata. Kumuha siya ng panty sa drawer at itinakip sa mga mata nito upang gawing blindfold.“Wow, gusto ko ‘yan,” anito.Mas magiging malaya siyang gawin ang gusto sa katawan ng nobyo kapag hindi siya nito nakikita. At mas mararamdaman nito ang tindi ng sensasyon ng bawat halik at haplos niya dahil nakatakip ang mga mata nito. This time she will be in
Pinamulahan si Nessa ng mukha. Parehas silang tila naengkanto at hindi makagalaw. Sinapo ni Andrei ang kanyang ulo at ito ang pumatong sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata. Excited siya at mukhang may magaganap na honeymoon. Wala namang masama dahil mag-asawa sila. At gusto niya din naman ng makatikim.“Ang bigat mo! Ang laki niyang --.” Hindi nito maituloy ang sasabihin ngunit nakatingin sa dibdib niya.Natauhan siya at pinaghahampas ang binata. “Bastos!” Agad niyang dinampot ang tuwalya upang itakip sa hubad na katawan.Tumayo ito at dahil naka-boxers lang kaya kitang kita niya ang naghuhumindig nitong pagkalalaki na malaki. Napaatras siya. “Bakit ganyan ‘yan?”Tinakpan nito ang ari. “Talagang ganito ang ari ng lalaki kapag umaga!”“Alas dos pa lang ng madaling araw. Ang sabihin mo, tinitigasan ka sa akin. Hoy! Kung may balak kang hindi maganda, willing naman ako. Ano, gusto mo bang mag-honeymoon tayo?”“Asa ka pa! Kahit ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo hindi kita papatula
“Nababaliw ka na ba? Ikaw? Papayag maging kabit? Magiging isa kang duktor, bakit hahayaan mong maging kabit ka ng gagong katulad ko? Gusto mo bang pagtawanan ka ng mga tao? Ha?”“Sabi mo hindi mo siya mahal. Kung kailangan lang talaga ng kasal para matupad ang kasunduan ng pamilya ninyo. Uunawain ko ang sitwasyon mo. Basta huwag mo lang akong iwan. Basta ako pa din ang mahal mo.”Nakaawang ang labi ng binata. Tila hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. “Mika, itatakwil ka ng mga magulang mo. At hindi ba nakapaimportante para sa’yo ng sasabihin ng ibang tao? Madaming tsismosa sa paligid.”“Mas importante ka. Mahal na mahal kita, Liam.” Nakatitig siya sa mga mata ng nobyo. Pilit niyang binabasa ang nasa loob ng puso nito. Gusto niyang maniwala sa pag-ibig na ipinangako nito.“Mika, magulo ang utak ko, ang puso ko. Magulo ang buong buhay ko. Ayaw na kitang idamay pa.”“Tutulungan kitang payapain ang kalooban mo. Ako ang magiging katahimikan mo sa mga sandaling magulo ang lahat. Hindi kita
“Mika, kanina ka pa?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Liam pagkakita sa kanya.“Kakadating ko lang, sapat para madinig na pinaglalaruan mo lang ako.”Ngunit hindi lumabas ang mga salitang ito sa kanyang bibig. Hindi maproseso ng utak niya na hindi siya mahal ni Liam. Kahit nadinig na niya sa mismong bibig nito ay ayaw niyang paniwalaan. Ganoon ba ang taong umiibig? Nagiging bulag at bingi? Tanga?Huminga siya ng malalim. Ikakasal na ito. Susulitin na niya ang pagkakataong makasama pa ito kahit ginagamit lang nito ang kanyang katawan. Sabi ng kanyang ina, ang pag-ibig ay hindi mapanakit. Pero bakit nasasaktan siya ng labis? Hindi ba ito pag-ibig? Kahibangan ba ang kanyang nararamdaman?“Mika, magpapaliwanag ako,” untag ng binata ng hindi pa din siya sumasagot. Mukha itong kabado.“Bakit kayo magkasama ni Ava? Nakita kong sinundo ka niya sa bahay kaya sumunod ako.”Tila ito nabunutan ng tinik. “Dinalaw lang namin si lolo.”“Kailan ang kasal ninyo?”Hinawakan nito ang kanyang kamay at in
“Excuse me, ano ang room number ni Mr. Artemio Vasquez? Kahit siya ay na-starstruck sa kagandahan ng ex-girlfriend ni Liam. Pati ang katawan nito ay talagang lilingunin ng kahit na sino. Hindi nakakapagtaka na mabighani ang binata dito.Si Gemma ang sumagot na hindi napansin ang pagkakahawig ng babae sa harapan at ng babae sa hawak na cellphone. Inagaw niya ang cellphone sa kaibigan. “Room 102 po. Deretso lang po tapos po kanan.”“Ang ganda niya,” aniya.Hinabol nila parehas ng tingin ang palayong babae. “Asus, mas maganda ka pa sa babaeng ‘yon. Makapal lang ang makeup niya. Kung ako nga ang kasingganda mo, mag-aartista ako. Sasali ako sa mga artista search.”“Salamat friend. O sige, huwag mo ng bayaran ang lunch natin ngayon,” natatawa niyang sabi.Bumalik na si Jasmin mula sa Italy at dumalaw kay lolo Artemio. Alam na kaya ito ni Liam? Wala siyang laban sa babae. Maganda ito at matagumpay sa career. At mahal ito ni Liam. Matapos ang limang taon, ganoon pa din ba ang damdamin ng bina
Nanginginig ang kanyang kamay. “Hello! Sino to?” tanong niya.Boses ng lalaki ang nasa kabilang linya. Agad niyang inabot kay Liam ang phone.“Liam, huwag mong sabihing, lalaki ang hanap mo? Hindi ko matatangap ‘yan.” Ang lakas ng iling niya. Madami siyang kaibigang gay at iginagalang niya ang mga ito. Pero huwag naman sana si Liam.Ini-loud speaker nito ang phone. “Babe, paki-explain kung bakit ganito ang pangalan mo sa phone ko. Magpapalit ka na ng pangalan. Muntik ka ng pagselosan ng girlfriend ko.”“Sino ba ang kasama mo ngayon?”“Gago, isa lang ang girlfriend ko. Si Mika, naalala mo? ‘Yun sinabi kong duktor.”“Hello, Mika. Si Babe ito. As in Ba-be, Bobby kasi dapat iyon, kaso mali ang spelling ng kumadrona na nagpaanak sa akin.”Gusto sana niyang matawa pero mas lamang ang sama ng loob na nararamdaman niya.“Ano bang sasabihin mo? Siguraduhin mo lang na importante 'yan. Abala ka.”“Tinawagan ako si Jasmin. Hinahanap ka.”“Sige, huwag ka ng tumawag kahit kailan.” Ibinaba nito ang
“Si Liam na lang ang tanungin mo. Ngunit I doubt kung sasabihin niya sa’yo. Lihim ang organisasyon nila. Karamihan ay hindi alam kahit ng sarili nilang pamilya na kasapi pala ang asawa o ama nila. Mga makapangyarihan ang lahat ng miyembro na para sa kalalakihan lamang.”“Kung ganoon ay bakit alam mo ang tungkol dito.”“Ginamit ko ang katawan ko at nakipagrelasyon sa isang miyembro nila para kay Liam. Ngunit hanggang doon na lamang ang nakuha kong impormasyon.”“Uulitin ko ang tanong ko, hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para kay Liam?”Napuno ng pangamba ang kanyang puso. Hanggang saan siya dadalin ng pag-ibig para sa kasintahan?“Mahal ko si Liam at handa ko siyang ipaglaban. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.”“Goodluck. Sana ay magtagumpay ka. Liam needs someone who will believe in him. At posibleng ikaw ang babeng matagal na niyang hinahanap. Wala kong hiling kundi ang maging masaya siya sa piling ko man o sa piling ng iba.”Lumabas na si Jasmin. Sumakit ang ulo niya sa mga
Kinabahan si Mika. Hindi naman siguro si Jasmin ang sinasabing magandang babae na nalunod.Dumaan sa kanilang harapan ang rescue. At nagimbal sila. Si Jasmin nga!Isusugod daw ang babae sa ospital. Hinarang niya ang rescue.Inilagay niya ang tenga sa ilong at bibig ng babae. Tinignan niya kung humihinga pa ito. Hindi ito aabot sa ospital kapag hindi nilapatan ng first aid. Mahina ang hangin na galing sa ilong nito.“Doctor po ako. Kailangang lapatan ng first aid. Baka hindi siya umabot sa ospital ng buhay.”Sinimulan niya ang CPR. Hinawakan niya ang baba nito. Pinisil niya ang ilong para masara at tsaka niya inilagay ang bibig sa bibig nito. Binugahan niya ng hangin ang bibig ng babaeng walang malay.Inilagay niya ang matigas na bahagi ng palad niya malapit sa pulso sa gitna ng dibdib nito. Ipinatong niya ang isa pang kamay sa itaas ng kanyang palad upang madagdagan ang pwersa sa pagdiin na gagawin.Sinimulan niya ang mabilis na pagdiin sa dibdib at tsaka aalisin ang pressure. Hindi p
Niyakap ni Mika si Liam upang pakalmahin ito sa matinding galit at sindak sa natuklasan nito tungkol sa amang matagal ng hinahanap. Dumating ang ambulansya at isinugod sa pinakamalapit na ospital si Karlo at ang ina nito. Nadakip naman ng mga pulis si Atty. Flores. Nag-uwian na ang mga bisita. Nananatiling nasa labas ng resthouse si Liam. Pinuntahan ni Mika ang asawa. Umiinom ito ng alak. Alam niyang nasasaktan ang kanyang asawa ngayon. Tinapik siya sa likod ng asawa. “Magiging okay din ang lahat.” “Akalain mo ‘yun si Atty. Flores pala ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.” Naalala niya ang mga pinagsamahan nila ng abogado. Totoong hindi nga ito nawala sa tabi niya. Palaging ito ang nagpupunta sa school events dahil busy ang kanyang tatay Diego. Masakit lang na itinago nito sa kanya ang lahat at pinagbalakan nitong gawan ng masama ang mga taong mahal niya. At hindi din niya mapapalagpas ang pananamantala nito sa kanyang nanay Lucinda noon. “Liam, gawin mo ang inaakala mong tama.
“Paano kita naging kapatid?” tanong ni Liam kay Karlo. Lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak niya sa baril.“Simple lang dahil parehas tayo ng ama.”Tuluyan na niyang ibinaba ang baril. Nanlambot ang kanyang tuhod sa natuklasan. May kapatid siya at kilala nito ang kanilang ama.“Sino ang tatay natin? Matagal ko na siyang hinahanap.”“Huwag mo ng alamin kung sino ang demonyong ama natin! Dahil pinagsisihan ko na nakilala ko siya!” tumatawang sabi nito.“Alam niya ang lahat ng nangyayari sa’yo at naghahanap lamang siya ng tiyempo upang magpakilala sa paborito niyang anak! Pero matutuwa ka kapag nalaman mong mahal na mahal ka ng tatay mo.”Pinitsarahan niya ito. “Sino ang tatay natin? Sabihin mo!” Dinuraan siya sa mukha ni Karlo.“Mahigpit ang bilin niya na siya daw ang magsasabi sa’yo. Kaya huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kapag patay ng lahat ang taong malalapit sa’yo ay lilitaw ang tatay mong matagal mo ng hinahanap.”Hindi niya alam kung maniniwala sa lalaki o hindi. Tila baliw na
Sinipa ni Mika si Karlo sa maselang parte ng katawan nito sa harapan. Mainam at nagamit niya ang pinag-aralang self-defense. Namilipit ang lalaki sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakataong makatakas. Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa loob ng bar. May mga nag-iinuman na sa loob at may maingay na tugtog. Nakita niyang nakasunod si Karlo at hinahabol siya. Hindi niya alintana ang mga nababanggang tao.Nang may humawak sa kamay niya. Si Isaac! Parang siyang nabunutan ng punyal sa dibdib. Nayakap niya ito. Hindi sila magkaintindihan sa loob at malakas ang tugtog.“Girl, ayoko ng sumama sa trip mo, last time nabugbog ako ng sobra ng jowa mo.”“Tulungan mo ako, may humahabol sa akin.” Inilapit niya ang bibig sa tenga nito.“Ha? Hindi kita madinig. Saan tayo pupunta? Mag-uumpisa na ang show.” Hinila niya ito sa labas.“Isaac, pahiram ng phone mo, nanganganganib ang buhay ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko.”Kukuhanin na ng kaibigan ang cellphone sa loob ng bag kaso ay kumaripas ito
Ilang minuto ng umaandar ang sasakyan. Huminto ito. Binuksan ni Karlo ang trunk sa likod. Binulungan siya nito. “Mika, magpapalit tayo ng sasakyan at kakain. Kapag ikaw ay nagtangkang tumakas. Babarilin kita. Sumunod ka lang sa gusto ko at hindi ka masasaktan.” Tumango siya habang tumutulo ang luha. Inalis nito ang plaster sa bibig at tinulungan siyang makalabas sa loob ng trunk. Pinunasan nito ang kanyang luha. Lumipat sila sa ibang sasakyan. Pumasok sila sa loob ng convenience store. Umorder ang lalaki ng pagkain. Gusto niyang humingi ng tulong sa babaeng kahera ngunit nakatutok sa tagiliran niya ang baril ni Karlo. Nadako ang tingin nilang dalawa sa telebisyon ng tindahan. Nakita nila ang balita sa TV ng pagkawala niya at ang patong na sampung milyon sa ulo ng kidnapper at ang larawan ni Karlo. Agad na hinablot ng lalaki ang pagkain sa cashier at nagmamadaling hinila siya palabas ng tindahan. Nanlaki ang mata ng kahera ng mamukhaan ang kakaalis lang na customer. Agad itong tumaw
Mabilis na naglahong parang bula ang anino bago pa makita ni Liam. Kumakabog ang dibdib ni Karlo ng makalayo sa kwarto nila Liam at Mika. Hindi niya dapat pairalin ang damdaming umaalipin sa kanya. Si Mika ang una sa listahan ng mga taong aalisin nila sa buhay ni Liam ayon sa kanyang ama. Kapag nawala si Mika sa buhay ng kapatid ay madaming tao ang mawawala kasabay nito, si Aurora, Dr. Ramirez, at Zion. Isusunod nila si Lucinda. Plano ng amang pagdanasin ng pighati si Liam at tsaka ito lalapit at magpapakilalang ama. Tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ama. “Karlo, nakakita ka na ba ng pagkakataon para patayin ang asawa ni Liam?” “Hindi pa, mahigpit ang security nila. Hindi basta basta ang ipinapagawa mo,” iritableng sabi niya. “Hindi ba at nasa resort kayo ngayon? Bilisan mo ang kilos. Makipaglapit ka. Gamitin mo ang charm mo sa babae. Madaming nagkakagusto sa’yo, hindi ba? Akitin mo ang asawa ng kapatid mo.” “Iba si Mika sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Nakik
Walang ibang magaling sa ama kundi si Liam at siya ay isang hamak na utusan lamang. Sarado ang mata nito sa mga kayang niyang gawin.“Basta, pagbutihan mo ang pinapagawa ko sa’yo. Unti-unti nating buburahin ang mga taong malapit sa kanya at tsaka tayo lalapit upang kilalanin niyang pamilya. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong magkasama kami ng anak ko at magbuhay hari. Siya lamang ang pag-asa kong yumaman,” sabi ng ama.Nakita ni Karlo ang tila demonyong ngiti nito. Tinalikuran na niya ito. Walang utos ang ama na hindi niya sinunod. Gusto niyang matuwa ito sa kanya ngunit tila hindi nito nakikita ang kanyang mga ginagawa. Sinundan niya sa kulungan si Liam dahil gusto nitong proteksyunan niya sa loob ang kapatid. Nakuha niyang sumangkot sa isang kunwaring aksidente upang makulong ng ilang linggo. Baligtad ang ginawa ng ama, nagbayad pa ito para lamang makapasok siya sa loob ng bilangguan. Napailing na lamang siya at umalis na sa madilim na eskinitang pinagtataguan nito.***Anibe
Nagtama ang paningin ni Liam at Mika. Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ang asawa. Labis ang kabog ng kanyang dibdib sa selos. Nakita niyang akmang may sasabihin si Liam. Sumenyas siya na huwag itong maingay. Tutulungan niya ito. Nakita niyang hindi ginalaw ni Lovely ang pagkain na may pampatulog ayon kay George.Binuksan niya ang bote ng wine at may inilagay siyang pampatulog sa loob ng bote. Abala ang babae sa asawa at nasa gawing likuran siya nito kaya hindi nito siya napapansin. Parang mas gusto niyang ihambalos na lang dito ang bote kaysa painumin ng pampatulog. Pinigil niya ang sarili.Hinahaplos ni Lovely ang mukha ni Liam. Sumandal pa ito sa dibdib ng asawa. Ang haliparot! Parang gusto niya itong ilampaso sa sahig. Halos madurog ang ngipin niya sa pagpipigil sa sarili.Dinampot ni Lovely ang baso ng alak at nakipag-cheers sa asawa. Ininom nito ng deretso ang alak. Ang tibay ng katawan nito, hindi pa bumabagsak. Sinalinan niya uli ang baso nito ng alak. Maya maya
Wala namang kakaiba sa impormasyong nakuha tungkol kay Karlo. Laki ito sa hirap at nakulong dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan. Halos sabay silang napasok ng kulungan, nauna lamang siya ng ilang araw. Sinadya niyang makulong ng panahon na iyon dahil gusto niyang makausap si Marco Saavedra. Nagnakaw sila sa ng bahay ng isang mayamang pulitiko. Sinadya niyang magpahuli sa mga pulis upang makapasok sa kulungan. Naalala niya na iniligtas niya si Karlo sa riot. Kaedad ni Mika ang lalaki, mas matanda siya ng dalawang taon.Malaki ang utang na loob niya kay Karlo dahil sa pagkakaligtas nito sa kanila ni Mika kaya tutulungan niya ito. Gayundin si Benjie na naging kasangga niya sa loob ng kulungan. Lahat ng tao kahit pa nabilanggo at nakagawa ng pagkakamali basta nagsisi at nagbagong buhay ay may karapatang muling bumangon at mamuhay ng marangal.Inalis na niya ang anumang masamang hinala kay Karlo. Baka naman nadala lang siya ng selos.Hanggat maaari ay hindi siya nag-oovertime sa opisi
Sinagot ni Lovely ang tawag at nagmamadaling bumalik sa loob ng opisina. Sumunod din siya. At bakit tinatawagan ni Liam si Lovely? Malilintikan sa kanya ang asawa!Halos sabay silang iniluwa ng pinto papasok sa opisina ni Liam. Si George ang bumungad at tila nakaabang na. “Ms. Lovely, naiwan po ninyo ang microphone at flask drive ng hinihingi ninyong kopya ng videos ng bagong branch. Sige po, salamat.” Magalang nitong itinaboy ang babae na hindi na nakapagsalita.Binunggo niya ito ng bahagya upang makapasok at makalapit sa asawang nakatalikod at kumakain na ng lunch na dala niya kanina. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman pala nagtataksil ang asawa. Paranoid lang siya.Tinakpan niya ng kamay ang mata ng binata. Nagulat ito ng bumalik siya. “Mabuti at bumalik ka tara at kumain ka na din, sabay na tayo.”Kumuha ito ng isa pang plato at kutsara at tinidor sa maliit na kitchen sa loob ng opisina. Sabay silang kumain. Pinagmasdan niya ang asawa. Mas lalo itong naging gwapo at matipuno s