Home / Romance / The Elusive Billionaire Has Fallen / Chapter 2 : Ang Muling Pagtatagpo

Share

Chapter 2 : Ang Muling Pagtatagpo

Si Lyndon ay kasalukuyang naglalaro ng kanyang kamay na may hawak na sigarilyo, nakatingin sa mukha ng babaeng lumapit sa kinaroroonan niya. Mayroon itong natatangong katangian  at napakaganda sa lahat ng dako.

"Gwapo siya, totoo naman."  Bulong ng isip isip ni Anika.

May isang taong yumuko upang magsindi ng sigarilyo para kay Lyndon at inilagay nito ang kanyang kamay sa kanyang binti.

"Ikaw ang magsindi Anika bilis," dali-daling ibinigay ni Jino ang lighter sa kamay ng dalaga.

 

"Anika, ano ang ginagawa mo? Sindihan mo na ang sigarilyo?." Kinuha ni Anika ang lighter dahil sa patuloy na paghihikayat ni Jino.

"Si Sir Lyndon ay tiyak na makakatulong sa atin ngayon at sigurado ako na maliligtas niya ang iyong kapatid."

Ang pangungusap na ito ay matagumpay na nagtulak kay Anika sa para lumapit sa harap ni Lyndon. Yumuko siya at inilagay sa bibig ni Lyndon ni ang sigarilyo.Kinagat naman ito ng ng binata ang dulo gamit ang kanyang mga ngipin.

 Sa sandaling ang lighter ay malapit nang maabot ang dulo ng sigarilyo, kinuha ito ni Lyndon.

 

"Anong gamot ang gusto mo?" sabi nito na may matigas na mukha. Halos masunog ang kamay ni Anika dahil ang apoy sa kighter ay hindi niya mahipan.

"BAOXIN Pill" sambit ni Anika.

Ang Baoxin Pill isang mamahaling uri ng tableta na gamot na napapabalitang mabisang gamot para sa mga may komplikasyun sa puso.

Si Lyndon ay biglang tumingin sa babaeng kaharap, malamig ang expresyun ng mukha.Sinulyapan ni Lyndon ang lalaking nasa likuran ng babae.

"Jino, sabihin mo sa kasama mo na ang gamot na iyon ay wala pa sa merkado. Hindi ko pa ito maaaring ibigay sa kanya.Hindi pa maaari sa ngayon" prangkang sabi ni Lyndon.

Kumindat si Jino kay Anika  na tila nagsasabiljng huwag mamgalala saka ito hinarap si Lyndon.

"Boss, ang aking kasintahan ay nandito upang makita ka ngayon.Huwag mo naman akong ipahiya Bosing" pabulong na hirit nito kay Lyndon.

Samantalang si Anika ay nanatili sa posisyun nito at hindi kumilos habang nakayuko. Bagamat nangaagam agam dahil sa lalaki ay nagdasal na lamang si Anika.

Si Lyndon ay sumandal sa sofa, ang kanyang itaas na katawan ay natatakpan ni Anika, kaya hindi sila makita sa paningin ng iba. Ang mukha ni Lyndon ay kasinglamig ng yelo, habang nakatitig kay Anika. Samantalang si Anikay ay halos matuod at hindi malaman kung saan titingin ng sandaling iyon.

 "Wala akong koneksiyon sa kanya, ni hindi ko siya kamag anak o kaibigan ko na kasama niya, malinaw na hindi ko siya kilala. Bakit ko siya tutulungan?" Nakataas ang sulok ng bibig ni Lyndon habang nagsasalita.

 

Ang kamay ni Anika na may hawak na lighter ay lumapit dahil  inilapit ni Jino. Ganun din ay inilapit ng konti ang kanyang mukha sa mukha ng lalaki.

"Eh di isipin mo na lang na magkaibigan kayo, o simpleng tinutulungan mo siya dahil may mabuti kang puso Sir. Boss  kapag nagtagumpay ako ang bagay na ito ngayon, papayag na siyang maging kasintahan ko Boss. Kaya please Pagbigyan mo na siya" sabi ni Jino.

 

Kumunot ang noon ng binatang si Lyndon. Saka malalim na nagisip. Tiningnan niito ang babae nang walang pag-aalinlangan, na parang ang momentum sa paligid nila ay puno ng panganib nang pagsalakay.

Nakaramdam naman ng pagaalala si Anika, wala ng ibang paraan, Ang gamutan ng kapatid niya ay hindi na maaaring patagalin pa.

Ang sabi ni Doctor Charlie ay lubha na raw nakakaawa at malala ang kapatid niya at tanging ang gamot na binanggit nito ang makakapgligtas sa kapatid niya. Ngunit sa kasamang palad, ang gamot na iyon ay wala pa sa merkado.

Sinabihan siya na ang isang bilyonaryong lalaki na mayroong  may-ari ng isang kompanya ng parmasyutikal na nagaaral ng mga gamot at  kasalukuyang gumagawa ng gamot na makakatulong sa sakit sa puso.

Ngunit ang problema lamang ay hindi pa inilalabas sa merkado ang gamit pero sng balita ay tapos na at nasa kamay na ni Lyndon ito ngayon.Kaya naman lahat ng paraan ay gonawa at hinanap niAnika para lang ma meet si Lyndon Buenavidez.

 "Mister Lyndon, magkano ba? Magkano ang gamot na  iyon? Bibilhin ko ito sa iyo," sabi ni Anika na papalapit ulit sa  lalaki. Ang kanyang mga binti ay dumadampi na sa sofa, at itinaas niya ang sigarilyo para sa kanya.Kinuha muli ni Lyndon ang lighter at ang  kanyang mga mata ay nanlalabo dahil sa usok.

Katulad noong gabing iyon, isang taon na ang nakakaraan, ang kanyang katawan at mukha ay puno ng pagnanasa para sa babaeng kaharap.

"Uulitin ko, ang gamot na iyon ay hindi ko pa pwedeng ibenta" ang tono ni Lyndon ay medyo naiba.

 

"Miater Lyndon pakiusap, anumang presyo ang gusto mo ay ayos lang," sabi ni Anika.  Pinunasan ng lalaki ang gilid ng kanyang bibig.

"Limang daang libo ay  ayos  na." San ni Lyndon.Namutla si Anika.Habang

hinangaan naman niya ang agarang pagbawi ni Anika sa pagkapahiya. Ang numerong binanggit ni Lyndon ay medyo sensitibo  paksa para kay Anika  at alam niyang hindi niya ito makakalimutan.

"Ako na ang magbibigay," sabi ni Jino na bigksng sumingit saka  nagmamadaling sumukot ng  tskeke sa sa likid ng kanysng coat.

"Limang daang libo lang diba. Eto ibibigay ko na?" giit ni Jino.

Ang mukha ni Anika ay napuno ng kahihiyan. Ang sakit, trauma, at kawalan ng kakayahan na makabangon sa sitwasyun ay naging malaking tinik sa puso niya noon pa. Narinig ni Anika ang sinabi ng kaibigan.Lumingon siya at sinabi kay Jino.

"Wala kang kinalaman dito Jino. Ayokong gawin mo yan." Awat ng dalaga 

 "Bakit wala akong kinalaman? Kasintahan kita ah," sabi nito sa dalaga.Umatras ng ilang hakbang si Anika. Mas lalo siyang nakaramdam na parang isang biro ang lahat at wala siyang pagasa..

 

"Jino, kaya ko itong ayusin mag-isa.Hayaan mo na akong makipagusap" ang kanyang mga mata ay malinaw ang mensahe. Saka muling ibinalik ang tingin kay Lindon.

 

"Mr.Lyndon, nakikiusao ho ako,  kaawaan nyo sana ang kapatid ko.Kayo lamang ho ang pagasa namin." pakiusap ni Anika.

 

Si Lyndon ay nakaupo, nakayuko at mukhang kalmado. Hindi niya tinangkang tingnan si Anika  o  kinausap muli. Para niya itong itinuring na isang hangin lang.Nanatili ang ganung atmospera kaya ikinalugmok iyon ng dalaga.Ang kawalang pagasa ay dumaloy at tumagos sa kanyang mga buto.

 

Wala nang nagawa si Anika kundi yumuko ngunit itinuloy ang kapiranggot pang pagasa..

 

"Maaari ho ba kahit isang kahon lang.Kahit ilang piraso lang ay pagbilhan nyo ako Sir?" Hirit niAnika hababg nakakapit sa ga hiblang buhok na pagasa.

Kinuha ni Lyndon  ang kanyang sigarilyo.Tahimik na humitihit pagkatapos ay pinatay ang apoy gamit ang kanyang hintuturo. Gusto sana ni Anika na kunin ang ashtray, ngunit huli na. Ang mainit na abo ng sigarilyo ay napunta sa kanyang dibdib at nagdulot ng kaunting paso, dumiretso siyang tumayo at kusang pinunasan ang kanyang dibdib gamit ang kanyang kamay.

 

"Anong nangyari?" tanong ni Jin nanakita siyang nagpapagpag kaya lumapit.

 "Ayos lang ako," sabi ni Anika na may ngiti. "May maliit na insekto lang  na dumapo, gusto ko lang itong tanggalin."

Ang mukha ni Jin ay masaya, dahil nakita nito ang nangyari ngunit hindi siya naglakas-loob na e-offend kay Lyndon.

 

"Ito ay gamot lang naman, hindi isang napakahalagang bagay, at hijdi mo naman ikalulugi ang kami ay tulungang Mr.Lyndon. Sana ay  magkaroon ka ng awa, " sabi Jino.

 

Ang boses ni Lyndon ay napipi at hindi nakasagot agad at ang kanyang mga mata ay bumalik kay Anika.

"Ang mga alituntunin ng aking kompanya ay maaaring masira ng isang babaeng ni hindi ko kilala," ang sinabi nito nagpapakita ng hindi magandang progreso. 

Hinila ni Jino si Anika palabas ng Bar na iyong pagkatapos ay inalalayan papasok ng sasakyan.  

"Pasensya ka na Anika, papolar talaga ang taong iyon bilang lalaking walang puso, at may damdamin katulad ng isang hayop. Si Lyndon ay walang konsensya at wala atang kaluluwa. Huwag mo nang masyadong isipin, ganoon lang talaga siya. May dugo ng hayop sa kanyang katawan. Huwag kang mag-alala, ako ng bahala." Pagpapalubag ni Jino sa dalaga.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status