Home / Romance / The Elusive Billionaire Has Fallen / Chapter 4: Ang Muling Pagtatangka

Share

Chapter 4: Ang Muling Pagtatangka

Pinakatitigan ni Lyndon ang babaeng hindi napakali sa harap niya. Ang kanyang mga mata ay napako sa maamong mukhan nito. Nang magsawa ay naglakbay ang mga mata ni Lyndon mula sa kurba ng ilong nito hanggang sa linya ng mapupulang labi pababa sa kurba ng dibdib at kurba ng katawan.

Nakita na niya na ang ganda ng katawan nito maging ang kaakit akit na alindog. Ang babae ay ang tipo na kayang magpataob ng isang batalyon sa ngiti pa lamang nito. At ang ganda ng katawan nito ay ang klase na pinapangarap madalas ng mga lalaki sa kanilang kama

"Balasahin mo ang baraha." muling utos ni Lyndon saka kampanteng isinandal muli ang kanyang mga likod sa sofa.Natutuwa siya sa nakikita pero hindi maiwasang mayamot siya sa kilos ng babae. Si Anika ay nakasuot ng maiksing damit ay kinuha ang baraha ngunit sa kanyang pagkuha ay hindi inaasahan na mapataas ang kanyang damit kung kayat na expose ang bahaging tiyan ni Anika.

Nakita iyong ni Lyndon at pilyong hinawakan ang dalaga sa mismong parte ng bewang nito na exposed. Hinigpitan pa ni Lyndon ang pagkakahawak n at medyo kinabig ang dalaga.

"Napakalambot talaga ng katawan mo. Ang sarap pisilin" sabi ni Lyndon na binigyan siya ng malalagkit na tingin. Nagulat si Anika at biglang napatayo at pumigpiglas.

"Hindi mo ako gustong hawakan hindi ba?" biglang sabi ni Anika.

"Kung sabagay nakakawalang gana ang mamilit. Hindi ka karapat dapat. Sige na lumabas ka na" inis na sabi ni Lyndon.

"Ayoko! Hindi maari.!" Giit ni Anika.

"Umalis ka na..!"  Nauubos na ang pasensya ni Lyndon kaya tinitigan niya ito ng tila nag aapoy sa galit.

Pero hindi basta hahayaan ni Anika na palayasin siya ng ganoong lamang. Ang lalaki lamang ng tangi niyang pagasa. Naririto na siya, konting tiis na lang at matatanaw na niya ang pagasa. Gagawin niya ang lahat para mapakiusapan ito na bigyan siyan ng gamot.

"Mr. Lyndon ang pagsasaliksik at paggawa ng kompanya mo ng gamot na iyon ay para iligtas ang mga tao hindi ba? Ang kapatid ko ay halos walang pagasa at hindi na maoperahan at maaari  siyang bawian ng buhay anumang oras ngayon" paliwanag ni Anika.

"Sinasabi mo ba sa akin na kasalanan ko na malubha ang sakit ang kapatid mo?" nag aapoy sa galit ang mata ni Lyndon.

Tinitigan niyang maigi ang babae.a Napakalakas ng loob nito para siya'y sumbatan at para kinokonsensya pa siya. Hindi naman nakakibo si Anika. Marahil ay mali ang ginamit niyang salita. Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.

Dinampot ni Lyndon ng  baraha t muling isiningit sa kanyang mga daliri pagkatapos ay binali baliktad at nilaro. Lumapit  si Lyndon ng sobrang lapit kay Anika saka hinaplos ang mukha ng babae gamit ang baraha. Unti unting pinadaan ang dulo ng baraha sa gilid ng mukha ng babae pagkatapos ay dahan dahang inilapit sa guhit ng labi ni Anika.

"Gusto mo bang matuwa ako.Pwes  ibuka mo ang bibig mo" utos nito kay Anika.Walang kahit anong ekspresyon ng mukha at nakakatakot ang lamig na lumalabas sa kanyang mga mata.

Pero imbes na ibuka ang bibig ay tinapik ni Anika ang kamay ni Lyndon na may hawak ng baraha na pinadadausdos sa kanyang mukha. Kinilabutan si Anika. Ang ganun kasing sandali ay naging sensitibo para sa alaala niya. Para kay Anika, ang mga sandaling iyon at ang pakiramdam ng sandaling iyon ay nagbigay sa kanya ng panginginig ng mga tuhod.

Ang ginawa sa kanya ni Lyndon ngayong lamang ay nagpanumbalik ng kilalabot ng sa naganap noong gabing iyon isang taon na ang nakakaraan.

Wala karanasan si Anika, inosente at walang kaalam alam sa kamunduhan ngunit ang karanasan sa malupit na si Lyndon ay naging bangungot sa kanyan.

Nang matapos ang mainit na gabing iyon isang taon na ang nakakaraan, ang tanging naiwan kay Anika ay alaala ng dalawang katawan  habang magkaniig at pawisang  pinagsasaluhan ang tawag ng pagnanasa ng gabing iyon.

Katahimikan......

Magkasalubong ang kilay na muling inangat ni Lyndon ang kanyang kamay May makahulugang ngiti sa labi habang hawak ang baraha na muling nilaro sa daliri.

Itinutok ni Lyndon ang nilalarong baraha sa malaking kama kasabay ng isang mas makahulugang ngiti at tinitigan si Anika mula ulo hanggang paa.

"Alam mo madali naman akong kausap eh, hindi naman ako kasing demonyo tulad ng iniisip mo sa akin ngayon" sabi ni Lyndon na malagkit ang tingin kay Anika na may ibig ipahiwatig.

"Maaari kong iligtas ang kapatid mo para mapanatag na ang iyong kalooban pero natural may kapalit. Simple lang naman ang kapalit at madali na iyong para sayo. Siguro naman ay alam mo na ang nais ko" sabi ni Lyndon sabay inginuso ang malapad na kama.

Hindii naman tanga si Anika para hindi maintindihan ang ibig ipahiwatig ng lalaki. Alam niya ang kahulugan ng mga salitang iyon .Ngunit kahit minsan pa  ay hindi na kayang ulitin ni Anika ang pagkakamaling iyon isang taon na ang nakakaraan.

Tumayo ang dalag, pagkatapos ay umiling iling bilangg pagtanggi sa alok ni Lyndon.

"Sir Lyndon, paano mo naiisip yan.Hiindi ba magkaibigan kayo ni Jino?" 

Si Anika na rin ang pumigi sa sarili para magtanong pa.Hindi nga ba't si Lyndond ay isang uri ng lalaking walang awa.

Nababaliw na ba siya para isiping magkakaroon ito ng konsiderasyon sa kanya ng ganun ganun lang?

Matapos sabihin ni Anika ang mga bagay na iyon, namewang lamang si Lyndon at lumakad sabay sumandal sa isang bilyaran.

Tumawa si Lyndon ng malakas, tawang tila nakakainsulto at tumatagos sa buto at laman ni Anika.

"Alam mo wala ng kwenta tong usapan na ito. Inaaksaya mo na ang oras ko sa totoo lang miss Anika, dapat ay maging wais ka na din " sabi ni Lyndon.

"Nang sandaling sumakay ka sa kotse ko Miss Anika, dapat doon pa lamang ay alam mo na kung anong gusto ko talaga" pahiwatig ni Lyndon.

Pero narito ka at tila nakikipaglaro lang. Iniisip mo ba na pupuwersahin kita o ako ang magmamakaawa sayo?" Halos buga ng apoy sng mata ni Lyndon.

"ikaw ang may kailangan sa akin Miss Anika hindi ako.Wala nang kwenta ang usapan na ito sinasayang mo ang oras ko"  sabi ni Lyndol.

"Teka lang Mister sumakay ako kasi akala ko nagbago ang isip mo, akala ko na naawa ka na at pagbibigyan mo na ang hiling ni Anika "

"Bakit ko gagawin yun?? sabi Lyndon. Napahawak si Anika sa dulo ng kanyang damit at pinilipit ito sa sobrang nerbiyos at kaba pero kailangan niyang lakasan ang kanyang loob dahil si Lyndon lamang ang kanyang pag asa .At ang bagong diskubre nitong gamot ay ang makakapagligtas lamang sa kapatid niya bukod pa roon ay marami rin itong ililigtas na buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status