"Para sa akin ho ito? Sigurado po ba kayo? Paano nyo po siya nakumbinsi?" manghang tanong ng dalaga.Ang mga mata ni Anika ay halos hindi makapaniwala na parang sa isang iglap ay ganun na lamang iyon, iaabot na lamang sa kanya ang gamot ng ganun ganun lamang matapos ang lahat ng paghihirap niya at matapos na halos isugal niya ang lahat lahat pati kaluluwa niya.Wala siyang idea na ganun lamang kabilis mahihingi ng assistant nito ang gamot. Kung alam lamang niya ay ang assistant pala dapat ang una pa lang ay kinulit na niya noon pa."Wala naman akong ginawa miss. Pag akyat ko ay agad akong inutusang ng amo ko na ibigay sayo ang box ng gamot na ito para subukan" Lalong nagliwanag at sumigla ang mukha ni Anika. Bagamat takang taka na si Lyndon ang kusang nagutos at nagbigay. Mas lalong niyakap ni Anika ang box at isiniksik sa kanyang damit."Salamat ho, pakisabi po sa kanya salamat" sabi ni Anika at nagmamadali ng lumabas, naglakad palayo habang nanginginig sa tuwa at kaligayahan.Haba
Sinulyapan ni Anika si Jino saka tinitigan ang mukha nito.Sabay nasabi niya na tama lang, tama nga na may mga bagay nga na dapat ay maliwanag.Kailangan nga rin naman niyang alagaan ang kanyang sarili dahil mahabang pakikipagsapalaran pa nga pala ang gagawin niya para sa kapatid. Kaya naman pinagbigyan na lamang ni Anika ang lalaki.Pero habang nasa daan ay walang tigil ng kakasalita si Jino at panay ang pagyayabang nito sa sakripisyong nagawa nito para lamang sa kapatid."Dahil sa karamdaman ni Angela paliramdam ko ang mga paa ko ay parang mababali na pero ang lalaking nangangalang Lyndon ay talaga namang walang puso at kaluluwa" reklamo pa nito."Tingnan mo nga naman, ang dami ko na palang nasabi" Sabi ni Jino sabay tumawa ng pagak.Pagkatapos ay lumapit ito kay Anika nang masyadong malapit na para bang gusto na siyang halikan.Ibinaling ni Anika ang kanyang mukha at tumingin sa ibang direksyon."Talaga ba?Talaga bang ginawa mo at hinanap mo ang lalaking iyon para makumbinsi sya?"
"Oh hi.Teka parang pamilyar sakin tong babaeng to?" Sabi bigla ng isang babaeng dumating, Walang iba kundi si Wendy. Pinakatitigan nitong maigi si Anika."Talaga?Saan mo siya nakita?Tanong ni Lyndon. Muling tinitigan ni Wendy si Anika. Pagkatapos ay tumingin kay Lyndon at pagkatapos ay ngumiti na parang makahulugan.Nang gabing yun isang taon na nakakaraan si Anika ay kasama ni Wendy na pumasok sa isang mamahaling bar na yun. Ang mga sandaling ngayon ay pano nga ba makakalimutan ni Anika. Para kay Anik ang mga sandling ito ay parang isang pagpapatiwakal. Parang pagtalon sa isang balon ng kumukulong apoy.Hindi mapakali si Anika, bumilis ang tibok ng kanyang puso at parang naka naninikip ang kanyang paghinga.Samantalang ang mukha naman ni Jino ay hindi maipinta at hindi na natutuwa sa garapal na bisita.Pakiramdam kase niya ay minamaliit ni Wendy ang kanyang kasama."Pwede bang huwag kang magsalita ng walang katuturan dyan. Matino ang girlfriend ko okay" pikon na sabi ni Jino. Sinulyap
"Bakit hindi mo ito subukan? Alam mo ang halaga ng gamot na iyan kay Anika hindi ba?" Sabi pa ni Lyndon na muling inabot ang gamot sa lalaking kausap.Pagkatapos ay sumulyap s a teleponong naka on na hawak niya sa ilalim ng mesa.Sinadya niyang tawagan si Anika at ipagpatuloy ang tawag na iyon upang marinig ng dalaga ang ang usapan."Ayokong makipagsapalaran. Hindi ko kayang may mamatay dahil lamang sa kapangahasan ko.Tulad nga ng sinabi mo.Hindi tayo sigurado sa gamot kung mabubuhay nito ang kapatid nya. O posibleng mapatay din" sabi nito. Itinapon ni Jino pabalik sa harap ni Lyndon ang gamot."Panindigan mo na lang ang sinabi mong hindi pa tapos ang gamot. Huwag mo na lang siyang bigyan ng hilaw na pag asa" sabi pa ni Jino.Nakaramdam ng poot si Anika kay Lyndon at pati na rin kay Jino. Nakita nito na hindi siya sumusuko sa kapatid at sa ginawa nito ay ipinaalam nito ang pagsuko ng iba.Parang sinaksak ng ilang ulit ang dibdib ni Anika.Ibinaba ni Anika ng kusa ang telepono pagkatap
Matatag ang plano ni Anika na puntahan si Lyndon kahit sa ganung oras. Sa totoo lang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ang pag abot sa kanya ni Lyndol ng box ng gamot noon para sa kanyang kapatid ay isang himala o awa.Pero para kay Anika, sa mga sandaling iyon mas nanaisin pa niyang lumuhod na lang ulit sa harapan ng binata at magmakaawa kesa ang maghintay sa bahay at panooring lumala ulit ang kanyang kapatid.Bumaba si Anika sa mahabang hagdan. Walang elevator sa buoldong na inuupahan nila.Isa iyong parang resettlement na lumang condo na pinauupahan kada pinto.Mura doon kaya kahit palpak ang mga security luma na ang building ay tinatiyaga na nila.Pababa na si Anika ng hagdan ng isang lalaking nakayuko at may bitibt na timba na tila mabigat ang nakasalubong niya. Mabilis itong naglalakad paakyat sa ikalawang palapag at nilapagpasan siya na hindi man lang bumati sa kapitbahay nito."Anong ginagawa ng lalaki sa ganun oras? takang puna ni Anika pero ipinagkibit balikat niy
"Anong ibig niyong sabihin? Hindi na maisasalba pa ang kapatid ko? Wala lang siyang malay.Pero may pulso pa ang kapatid ko. Buhay pa ang kapatid ko kaya iligtas nyo ang kapatid ko.Please, doktor" pakiusap ni Anika. Pagkatapos ay tiningnan ng kanyang kapatid na nakahigang mag isa.Pero nilayasan lamang siya ng doktor.Hinabol ni Anika ang doktor at muling pinakiusapan ang paulit ulit pero itinulak lamang siya ng doktor At sinabing abala ito."Iuwi mo na lamang ang kapatid mo miss.Hindi na rin naman magtatagal ang kapatid mo. Nakita mo naman ang itsura niyan di ba?Bukod pa doon puno ang emergency room.Marami ring nakapila sa labas kaya kung ako sayo iuwi mo na lang yung kapatid mo alagaan mo na lang ng maigi at pagkatapos gawin masaya ang mga huling araw niya sa mundo" Sabi ng doktor.Hindi halos mapaniwalaan ni Anika na sa isang doktor niya naririnig ang mga sinasabi nito.Wala ang doktor sa paningin ni Anika nang maisipan niyang tawagan ang kanyang ina dahil sa mga sandaling iyon ta
Naninigas na si Anika sa labas ng mabuhaulyan siya ng loob ng makarinig ng ugong ng sasakyan na parang mabilis na nag preno. Malakas ang ugong ng makina na parang tila isang malaking sasakyan.Naramdaman ni Anika ang malakas na tunog nang pagbukas ng pinto ng sasakyan mula sa kanyang likuran. Paglingon ni Anika ay nakita niya ang mga nakabukas na itim na payong na parang bubong na nakatakip sa ulo ng isang pares na payat ngunit mahabang binti na unang bumaba ng sasakyan. Mabilis na naglakad ang mga paang iyon palapit sa linaroeoonan ni Anika. Habang patuloy itong pinapayungan ng mga payong na kulay itim.Samantala..ikinagulat naman ni Lyndon ng biglang magpreno ang kanyang driver.Tinanong niya si Dong, ang driver bodyguard niya kung anong problema. Itinuro sa kanyan ng kanyang assistant na sa tabi ng driver seat ang eksina sa harap ng bahay niya.Nakita nga ni Lyndon ang eksena sa harap ng kanyang gate kaya pala hidi makaderetso sng kanilang sasakayan.Saktong paghinto ng kanyang Lam
Matapos marinig na sinabi iyon ang binata ay tumayo na si Anika.Pero bigla niyang narinig na nagsalita si Lyndon."Hindi mo ba gustong sumunod papasok.Tanong nito."Pero nag aalala ako sa kapatid ko sa hospital, sabi ni Anika"sagot niya."Miss Anika, Bakit ka nagpunta sa akin?Para lang sa walang dahilan? " Sabi ni Lyndon na nakatitig sa kanya. Napahiya si Anika at halos hindi malaman kung paano haharap sa lalaki."Alam ko naman yun.Alam kong may kapalit ang lahat.Babalik ako.Kapag nagising na ang kapatid ko" Sabi ni Anika sabay yuko."Well" sabi lamang nito at pumasok na si ang binata sa bahay. Pero huminto ito sa tapat pintuan. Nagbukas naman ang ilaw na nakatutok sa ulo nito.At nagbigay ito ng parang isang makapangyarihan na awra sa lalaki."May iba ka pa bang kilala na kakayanang gawin ang ganitong mga bagay na gusto mo? Kaya kong hayaan ang ospital na pabayaan lamang ang isang tao para mamatay. O di naman kaya ay mabuhay alam mo ba yun" Napabuntong hininga si Lyndon."Kapag nakial
Maraming bisita sa pasilyo at tinitingnan nila si Anika na parang isang kalonos lonos na anghel na nahulog sa lupa. Ikinaway si Anika ang kanyang mga kamay upang simpleng batiin ang mga naroroon lalo na ang ilang kalalakihan. Iyon ay upang makatawag ng pansin at ang mga mata ng mga ito ay mapunta sa kanila. Sa ganung paraan ay hindi makakakilos agad ng masama si Warren ngunit agad siyang nahawakan ni Warren at pinilipit muli ang braso niya."Wala ka bang kahihiyan!?" Paangil na sita nito sa kanya" Mabilis na kumilos ang dalaga habang ang mga estrangherong bisita sa ibang partido ay nag-unat ng kanilang mga kamay upang hatakin siya papasok sa loob. "Ano ang ginagawa mo? Sawa ka na ba sa buhay mo ha?" Muling sita ni Warren. at hinawakan ni Warren ang buhok ni Anika."Pinipilit mo akong gawin ito. Hinahamon mo akong babae ka, pwes makikita mo ngayon ang hinahanap mo" banta nito.Hindi alam ni Anika kung saan nanggaling ang lakas niya dahil itinulak pa rin niya si Warren palayo. S
Nang mga oras naman na yun ay nalilito ang binata, sa kanyang isipan ay paulit ulit na nagbababala ang usapan nila ni Gwen.Nangako si Lyndon na hindi na tutulungan pa si Anica at ayaw niyang masira ang pangakong iyon nang dahil lamang kay Anika.Hindi karapat dapat ang babae para makagawa siya ng ganung pagkakamali.Dahil sa nasilayan ni Anika sa mukhang iyon ni Lyndon na tila walang pakialam sa kanya.Unti unting nalusaw ang pag asa ni Anika.Ang kanyang kamay na nakahawak sa paa ng binata at umaasa pa saba ay unti unting nanghina at kumalas sa pagkakahawak sa paa ni Lyndon.Kaya naman madali na siyang nakakaladkad ni Warren palayo. Dahil sa walang pakundangang pagkaladkad na iyon ay tumama ang kamay ni Anika ng malakas sa paa ng lamesa at nangdulot iyon ng sakit na parang kinuryente ang buong kamay niya.Sa huling sandali ay kumapit pa rin si Anika sa ibaba ng paa ng lamesa dahilan para mapigilan ang paghatak sa kanya ni Warren.Bagamat makirot ang ogma kamay sa paharabas na pagtama
Pero bago pa man nakalabas ng silid na iyon si Anika ay nahablot na ni Warren ang kanyang buhok at agad sinakal si Anika at pinilipit ang kanyang kamay saka ito isinandal sa dingding.Pagkatapos ay kinuha muli nito ang baso at tinangkang ipainom kay Anika ang alak.Ngunit tumanggi ang dalagang ibuka ang kanyang mga bibig.Habang tumatanggi si Anika ay lalong pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Warren sa kanyang leeg kaya naman halos masakal ang dalaga at hindi na makahinga."Hindi! ayoko.Ayoko!" Palag ni Anika kahit hirap ng magsalita hanggang sa halos ungol na lang ang nagagawa ni Anika.Pero dahil halos hindi na siya makahinga, walang choice si Anika kundi ibuka na lang ang kanyang mga labi upang makasagap ng hangin at iyon ang sinamantala ni Warren.Nang bumuka ang kanyang bibig ay ibinuhos nito sa bibig ni Anika ang alak.Halos malunod ang dalaga.Pinilit niyang iluwa ngunit dahil sa nakatingala ay nakapasok ang alak at nainum niya ang iba.Pagkatapos mangyari iyon ay humalakhak na h
Pagkatapos ng kanyang trabaho ng araw na iyon ay hindi agad umuwi si Anika. Nag overtime sa sa trabaho para sana sa follow up issue na nakuha niya sa trabaho.Nang makita niya ang orasan ay hindi niya inaasahan na halos alas onse na pala ng gabi kaya naman nagmamadali siyang lumabas ng building ng kumpanya.Natatakot ka siya kasi baka mapag iwanan siya ng huling biyahe ng mga bus o di naman kaya ng mga tren.Kung saka sakali at nangyari iyon ay kinakailangan na naman ni annika ang magtaxi at gastos na naman iyon.Sa kamalasan, huli na nga si Anika kaya habang naghihintay ng Taxi ay doon na naramdaman ni Anika ang pagbigat ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay inaantok na siya pero pinupwersa niya pa ring ibukas ang kanyang mga mata.Nitong mga nakaraang araw at gabi kasi ay hindi mapayapa ang kanyang isipan kung kayat hindi rin siya nakakatulong.Pero alam niyang kailangan niyang maging alerto.Mas maigi na ang maging maingat.Napansin ni Anika na masyadong mabilis magmaneho ng driver
"Mister Lyndon isa kang mabuting tao, Kaya sana tanggapin mo ito" sabi ng kanyang ina.Sumulyap si Lyndon sa plastic bag na inaabot ng ina ni Anika. Pagkatapos ay napatingin sa kapatid ni Anika na si Angela na nakatayo hindi sa di kalayuan. Payat ito dahil sa mahabang pagkakasakit at pagkakaratay sa kama.Para itong isang batang hindi na develop ang katawan. Mahiyain ito at napakapula. Pero ngayon, magalak itong nakangiti at binati pa siya.Maayos na nga ang hitsura nito ngunit ang kanyang mga ngiti ay inosente At walang kalaban laban."Sige salamat po" Nagulat man si Lyndon sa sarili dahil sa unang pagkakataon ay, tinanggap niya ang regalong iyon.Matapos makitang tinanggap ni Lyndon ang bigay ng kanyang ina, mabilis na naglakad si Anika sa pinto at pinagbuksan ang bisita.Alam ni Anika na nananatiling naghihintay kay Lyndon si Gwen sa ibaba, kaya para kay Anika ay hindi na dapat niya pang ihatid si Lyndon pababa.Nang pababa na ng hagdan si Lyndon ay humabol pa ang ina ni Anika at na
Sa palagay naman ni Anika ay dapat niyang sabihin na masakit talaga,tutal naman ay kasalanan ng binata kung bakit siya nasaktan.At para sa kanya mas makakabuti sa mga panahon ngayon ang samantalahin ang sandali na ng makuha ang simpatya nito."Ang sakit..sobrang sakit" sabi ni Anika.Naalala bigla ng dalaga na meron silang Betadine sa silod nila.Kaya pa ika ikang nagpunta si Anika sa drawer sa gilid ng kama at hinanap ang gamot na iyon.Kinakailangan si Anika na yumuko para hanapin sa ilalim na drawer ang gamot at sa kanyang pagyuko, ang bukod sa umahat ang suot niyang blouse, Ng buhok di ni Anika ay nalaglag at naexpose ang maputing batok ng dalaga.Ang posisyun niyang nakatuwad at kita ang hubog ng maganda niyang balakang na bakat sa manipis niyang kasuotan ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam kay Lyndon.Sa liwanag ng ilaw ay naging mapanglaw katulad nng mga mata ni Lyndon. Ang kurba ng katawan ni Anika ay maganda at sa posisyun nito ay medyo hindi mapakali ang binata at medyo nan
"Ano ba?Tigil mo yang bibig mo!"Nay, si Mister Lyndon ang nagbigay ng gamot sa akin.Ang ganoong uri ng gamot ay hindi makukuha ay hiid kase nabibilo pa sa botika" Yun na lamang ang paliwanag nya.Pagkarinig niyon ay lalo namang naging masigasig ang ina ni Anika na asikasuhin ang bisita. Lalong nagkaroon ito ng pagpupursige na asikasuhin ang tagapagligtas ng anak niya.Hindi siya makapaniwalang ang mamanugangin nya ay ang kanila rin palang tagapagligtas sa ikalawang anak."Naku eh mas dapat pala natong siyang asikasuhin. Hindi ka pa ba kumakain? Bibili ako ng pagkain ng maraming pagkain.Teka at akoy lalabas at bibili ako ng mailulutong asarap" Sabi pa ng ina ni Anika na nagpakaabala na sa pag aasikaso.Hindi naman malaman ni Lyndon kung ano ang gagawin at napasulyap na lamang kay Anika na hindi mapakali ng sandaling iyon."Inay hindi na kailangan kumain na po sya" sabi ni Anika na nagmamadaling pinigilan ang kanyang ay ina na wag nang mag abala pa.Ikalawa, iniisip nya rin naman na an
Ngumiti naman si Gwen, ngumiti ng pagka lapad lapad, ngiting isang peke lamang."Hindi mo ba siya gustong ihatid?Yun ang nasa isip nito.Nagtagis ang bagng ni Lyndon at binuksan ang pinto ng sasakyan.Pagkatapos ay pinanood na ni Gwen si Lyndon nang itulak nito ang pinto at lumabas. Pagkatapos ay umikot pakabila para sundan si Anika na bumaba na rin.Natataranta pang lumabas ng sasakyan si Anika.Hindi na niya nagugustuhan ang kaplatikan ni Gwen. Alam niya may nais mangyari ang babae.Hindi makapaniwala si Anika na para siyang naipit sa gitna ng nagiiringang bato. Ramdam niyang merong hindi pagkakaintindihan ang dalawa pero naiinis siya dahil bakit dinamay pa siya. Dana ponayagan na lamang siyang mag taxi para hindi na sana siya laling psginitan ni Gwen.Nang paakyat na si Anika sa hagdan ng lumang apartemtn ay nakita niyang nakasunod pala sa kanya si Lyndon.Tigil siya sa paghakbang at hinarap ito"Narito na ako sa hagdan.Huwag mo na akong intindihin.Pwede ka nang bumalik sa kanya" sa
Lalabas na sana ang waiter ng mapansin nito si Anika.Nakita ng waiter na wlaang laman nag baso ng dalaga."Maam lagyan ko po ng laman ang baso ninyo" sabi nito.Gusto sanang sabihin ni Anika na huwag na pero nalagyan na ito ng waiter."Miss Anika, talagang hinahangaan kita sa katapangan mo" biglang nangsalita si Gwen."Ito ay isang bagay na hindi kayang gawin ng isang ordinaryo babae" dagdag pa nito.Kumunot naman ang noo ng dalaga kung ano ang ibig sabihin ni Gwen."Alam mo na, hibdi biro ang tumayo para sa iba, yung tumulong para sa kapanan ng iba" Sabi ni Gwen saka dumampot ng kapirasong isda at inilagay sa kanyang plato."Narinig ko kay Lyndon na nasagasaan mo si Warren dahil sa mga bagay na ginagawa mo tulad ng pagtulong mo sa ilang biktima nito" Sabi pa ng babae.Nanahimik si Anika.Kung tutuusin, rakot naman talsga ang dalaga na balikan talaga siya ni Warren kung sakali.Kaya naman kapag ginagawa niya ang report ay nagtatago lang siya sa isang penname o alyas at hindi siya nagpala