Home / Romance / The Elusive Billionaire Has Fallen / Chapter 3 : Ang Susi ng Kagalingan

Share

Chapter 3 : Ang Susi ng Kagalingan

Habang nakatanaw sa labas ay tomonog ang telepono ni Anika sa kanyang bulsa. Dalawang beses niya itong kinuha at tiningnan, isang mensahe ang lumitaw.

"Magpunta ka rito." Nanlaki ang mga mata ni Anika habang tinitingnan ang pangalan ng taong nagpadala ng mensahe sabay sulyap sa taong nagmamaneho sa tabi niya.

"Guwapo si Jino at may magandang pinagmulan, ngunit hindi siya karapat-dapat kay dito. Kung malalaman ni Jino ang nakaraan na natulog  na siya sa kama ni  Lyndon ay tiyak na aayawan siya nito at magiging hul ina sng lahat para dito"sabi ni Anika sa sarili.

"Jino paki baba na lamang muna ako dyan sa tabi" Biglang nagsalita si Anika kaya nagulat ang katabing kaibigan.

"Bakit?"gulat na lingon sa kanya ni Jino.

"Gusto kong maglakad-lakad mag-isa sandali, " paliwanang niya.

 "Hindi pwede! Paano kung makaharap ka ng manyakis sa kalagitnaan ng gabi?"  

"Sige na, kailangan ko lamang magisip. Wala rin namang silbi ang pag-uwi agad. Kailangan kong makahanap  ng ibang paraan.Hindi ko kayang harapin ang kapatid ko.Hindi ko kayang makita siya sa ganoong kalagayan tapos wala akong magandang balita.Hindi ko kaya, ang hirap sa dibdib" sabi ng dalaga.

"Okay, pero mag-text ka sa akin kapag nakauwi ka na," sabi ni Jino na pinakatitigan siya na para bang nababahala.

"Okay salamat Jino.Ipinarada nga ni Jino ang kotse nito sa tabi ng kalsada at bumaba si Anika. Matapos panoorin ang pag-alis ni Jino ay nagpadala si Anika ng mensahe sa taong  kanina ay nagpadala ng mensahe. Muli itong nagpadala ng mesage at tinanong kung nasaan siya kaya sinagot niya ito at ibinigay ang eksakto niyang lokasyon.

Tumayo at naghintay  siya sa gilid ng kalsada sa lamig ng hangin nang gabi. Mahigit sampung minuto bago dumating ang sasakyan ni Lyndon. Binuksan ni Anika ang pinto ng sasakyan at nagulat na naroon sa loob ng kotse ang binata.

"Sir Lindon," ang hangin ay may kaunting dampi ng init mula sa gabing iyon nakadagdag sa kaban ni Anika. Si Lyndon, na may malapad na balikat at mahabang binti, ay nakaupo ng prente sa madilim na sasakyan.

Nang makita ni Lyndon si Anika, naalala niya ang hindi kapani-paniwalang lambing at pagiging malambot nito na hindi niya nakalimutan.

"Nakalimutan ko na ang pangalan mo. Sino ka nga ulit?." Tanong ng lalaki.

"A-Ako si Anika" sagot ng dalaga."

"Mukhang kilala mo naman na ako kaya  wala ng silbi pang magpakilala.

Katahimikan......

"Anika... Pasensya na pero...," ang mga salita ay nasa bibig ni Lyndon na parang gusto niyang lunukin ang babae ng buhay at naglabas ng mahinang panunuya.

"Ngunit ngayong gabi ay muli kang gagapang paakyat sa kama ko" bulong ni Lyndon. Sa kanyang balintataw ay nanariwa ang mga sandaling nagdaan may isang taon na ang nakalipas.

Nakaupo si Anika sa isang itim na Bentley  New Model Car, hindi nagsasalita, nakamasid lamang sa lahat ng dinaraanan ng sasakyan.Hindi nagtagal ay huminto ang sasaktsn sa harap ng isang magarang  bahay.

Napamulagat si Anika at saka napahawak sa dibdib inaamin niyang lunod siya ng pangamba.Ang gagawin niyang ngayon ay mamaaring mauwi sa hindi maganda at ibaon siya sa kapahamakan ngunit wala na siyang pakialam.

Habang nasa loob na ng isang pribado at malawak na silid ay naglakas nang loob magtanong si Anika.

"Mr.Lyndon, kelan ho maaaring mabili ang gamot na iyong sa merkado?"  Pinagsalikop ni Anika ang mga daliri sa pagaasam. Ngunit parang walang narinig ang lalaki at naglakad papasok nang kabahayan.

Sinundan ni Anika si Lyndon ng pumasok ito sa isa pang silid. Nagulat pa si Anika dahil sa pribadong silid  pala ng lalaki sila dederetso at pamilyar sa kanya iyon.

Derederetso ang lalaki sa malapad na tokador nito at kumuha ng isang pares na pantulog at inabot kay Anika.

"Ang mabuti pa ay maligo ka na muna at pagkatapos ay magpalit ng damit" utos sa kanya ng lalaki.

Inilagay ni Anika ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran at saka umikot ang mga mata at hindi mapaniwalaan ang ipinagagawa ng lalaki.

"Mister Lyndon, mukhang nagkakamali ka yata..?" napahinto sI Anika ng pagsasalita dahil biglang sumingit ang lalaki.

"Anong nagkakamali? anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Lyndon. Sinulyapan ni Lyndon ang  babae saka muling nagsalita.

"Bakit? nagkakaigihan na ba kayo ni Jino?" May pangungutya sa tono nito.

"Mali ka ng iniisip .Walang kinalaman sa akin si Jino.Wala pa siya sa ganung level" sabi ni Anika na nagtataka kung bakit ito nasabi ng lalaki.

"Oh nakakaawa naman pala siya kung  ganun" sabi naman nito.Ang ibig ipahiwatig si Lyndon ay wala siyang pinagsisisihan sa sinabi. Hinagis niya ang damit sa harapan ng babae pagkatapos ay inutusan ulit itong maligo at magpalit.

Nabasa niya ang kakaibang expression sa mukha ng babae at unti unting napipikon si Lyndon.

"Maligo ka st msmgpalit ng damit dahil amoy kulob at usok ka.Napapalibutan nang usok ng sigarilyo ang buong Bar"paliwanang nito.

Napag isip isip din ni Anika na totoo naman iton, lahat nga halos doon ay may hawak na sigarilyo at alam niyang amoy usok na siya kaya walang choice si Anika kundi sundin ang lalaki.

Bagamat labag sa kalooban ay pumasok nga si Anika sa banyo at nag shower at nagpalit ng damit. Ang damit na ibinigay ni Lyndon ng sandaling iyon ay masyadong maiksi para kay Anika.

Iniisip na lamang ng dalaga na baka isang maliit na babae ang may ari niyon medto mataas kase siya sa normal na babae kaya nga pwede daw siyang modelo sabi ni Jino.

Matapos ang mabilisang pagligo ay lumabass si Anika at nabungaran niya si Lyndon na nakaupo sa sofa habang nakasuot lamang ng kanyang puting robo.Hawak nito ang ilang card sa kanyang palad at medyo nilalaro-laro ang ilang baraha sa pagitan ng kanyang mga daliri.

Humakbang si Anika palapit sa lalaki habang hindi mapakali at hindi magkandaugaga sa paghatak ng kanyang damit dahil talaga namang na iiksian siya.

Nang nakarating sa tapat ng lalaki si Anika ay inutusan siya nito.

"Maupo ka dito sa tabi mo" dahil nga maiksi ang damit ni Anika, saktong pag upo ng dalaga ay medyo mas nalilis ang kanyang palda na halos kalahating hita ng dalaga ay na expose kaya ang ginawa ni Anika ay ipinatong ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dalawang hita para kahit papano ay matakpan ito.

Marunong ka bang maglaro ng baraha?"  tanong sa kanya ni Lyndon.

"Hindi masyado, unggoy ungguyan lang ang alam kong laro dyan" sabi ni Anika, hindi naman talaga siya marunong magsugal. Naging totoo lamang siya. Nagulat si Lyndon at napaangat sa pagkakasandal sa sofa at mas lumapit sa babae.

Itinapon ni Lyndon sa lamesa ang baraha na hawak sa harapan ng babae at tumingin kay Anika ng matagal na para bang inaral ang buong pagkatao ng babae.

"May malubhang sakit ba sa puso ang kapatid mo?" Bigla nitong tanong matapos ang katahimikan.

"Oo malubha ang kapatid ko?" Tumaas ang kilay ni Lyndon at nanatiling malamig ang malungkot na mukha

"Ako ang tipo ng lalaking walang awa, walang pakialam sa paligid at lalong hindi marunong ng salitang konsiderasyon" sabi nito.

"Ngunit humahanga ako sa katapangan mo na ako ang lapitan para hingian ng tulong"  nanunuya ang tingin ni Lyndon taliwas sa paghangang sinasabi nito. 

Sumimangot ang guwapong binata at mas lumapit pa ito kay Anika na patagong pinipilipit ang mga daliri sa gilid ng suot na damit.

Sobrang lapit kase ng lalaki sa kanya at halos hindi akalain ni Lyndon na matatangay siya ng mapupungay at nagmamakaawang mata ng babaeng kaharap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status