Home / Romance / The Elusive Billionaire Has Fallen / Chapter 6 : Simpleng Tulong

Share

Chapter 6 : Simpleng Tulong

Naiyak na lamang si Anika.Hindi pa ito nangyari sa kapatid niya kaya takot na takot rin marahil si Angela.Naghagilap ng taong mahihingian ng tulong, nakita niya ang waiter na nakamasid lang sa gilid niya.

"Pakiusap, tumawag ka ng ambulansiya..Sige na tumawag ka ng tulong, bilis..!" pakiusap ng dalaga. Isang babae at isang lalaki ang dumaan. At nakitang halos mangisay at tumirik ang mga mata nii Angela.At mas naging mas matindi ang pagwawala nito.At halos naglalaway pa nga ang bibig.

Nandiri ang babaeng kasama ng dumaan.Kaya tinakpan nito ang kanyang bibig.At ilong. At saka nagsalita ng hindi kanais nais.

"Ano ba naman yang itsura na yan. Nakakadiri. Nakakawalang gana kayang kumain dito. Bakit hindi niyo ilabas yan dito?Nakakagambala eh nakakawalang gana" sabi ng babae. Pagkarinig niyon ay nagmamadali naman si Anika na hinubad ang kanyang suot na blazer At itinakip sa ulo ng kanyang kapatid para hindi na ito makagambala pa sa mga nakakakita.

Nang mga sandaling iyon, isang boses ng lalaki ang narinig niya mula sa kanyang likuran.

"Ingatan hindi  niya makagat  ang kanyang mga dila. Delikado yun" Sabi ng boses sa likuran nya. Matapos magsalita ang lalaki na walang iba kundi si Lyndon ay agad namang tiningnan ni Anika ang kapatid.

Mukha ngang malapit na nitong makagat ang dila nIya kung kaya naman hindi na nagisip pa ay agad Ipinasok ni Anika ang kanyang daliri sa bibig ng kanyang kapatid upang ang daliri na lamang niya ang makagat nito imbis na ang kanyang dila.

Nakagat nga ni Angela ang daliri ni Anika.Halos mapamura ang dalaga sa sobrang sakit.Labis ang sakit na nararamdaman ni Anika dahil parang hanggang buto na ang tagos ng ipin ng kapatid niya na halos mangitim na ang daliri niya pero tiniis ni Anika ang sakit at niyakap ang kapatid ng buong higpit.

"Angela, huwag kang matakot. Matapos na rin yan konting tiis na lang kaya mo yan. Parating na ang tulong konting tiis na lang" at nagyakapap na lamang ang magkapatid habang nanghihintay ng tulong o himala.

Hindi naman na halos magawang makakain ng tahimik si Lyndon dahil sa nagaganap sa gilid niya.Nanigas ang kanyang  buong sistema. Ang kanyang buong pigura niya ay tila napako sa isang makamundong ilaw at kidlat at doon ay biglang nanlamig si Lyndon sa mga nakikita.

Pagkatapos ay bigla na lamang nawalan ng gana si Lyndon kumain tumayo siya  para umalis

Nakita ni Anika na tumayo si Lyndon at nakatakdang umalis sa lugar na yon kaya naman agad siyang humugot ng lakas ng loob at iniipon ang lakas at kapal ng mukha para tawagin si Lindon ng sandaling iyon.

"Sir Lyndon, pakiusap ho, tulungan mo kami ng kapatid ko, kailangan namin ng gamot , kailangan namin yung gamot mo. Maawa ka..."  nakaluhod na sabi ni Anika.

Umaasa siyang dahil nakita ng lalaki ang kaluno-lunos na kalagayan ng kapatid niya ay baka maawa na ito. Pero mula sa kanyang anggulo, ay nakita niya ang paglamig ng itsura ng lalaki. Nakita rin ni Anika na halos hindi man lang siya sulyapan ng lalaki.Nakita rin niya ang kawalang puso sa mga mata nito.

"Miss Anika, hindi porket kayo ang mahina ay kayo ang tama" sabi nito.

"Awa, kung yan ang salita na pupuwede na lamang sabihin kung saan kung kanino at kung sa anong paraan, maraming mga tao malamang ang palagi na lang nakaluhod at nagmamakaawa sa labas ng aming pabrika hindi ba?" Dagdag pa ni Lyndon sa  sinabi.

Sa wakas ay dumating na rin ang ambulansiya. Kinuha ng mga ito si Angela at binigyan ng first aid.Tanging si Anika lamang ang karamay nito at naroroon sa loob ng sasakyan.

Samantalang napasugod naman si Jino sa Hospital ng mabalitaan ang nangyari. Nakita niya si Anika  na nakaupo malapit sa pinto. Agad niya itong nilapitan. Mukhang tulala si Anika at parang wala sa sarili. Papasok sana si Jino para makita si Angela pero hinatak siya ni Anika palabas ulit.

"Teka titingnan ko lang ang mga mata niya!" Sabi no Jino.

"Para saan pa?Tumayo si Anika At humarang sa pinto.Nakita ni Jino na namumula ang mga mata ng dalaga at maga na, malamang ay umiyak ito ng umiyak.

"Ang sabi ng doktor ay sinumpong daw si Angela ng epilepsy na naging kanyang sakit sa puso. Hindi kami makakuha ng espesyal na gamot.At ang sitwasyon ni Angela ay hindi malaman ang sitwasyun sa daratjng na araw" sabi ni Anika

"Ano na ang mangyayari sa hinaharap?" Biglang hinawakan ni  Anika ang mga kamay ni Jino na para bang doon kumukuha ng lakas.

"Jino kilala mo siya, kaibigan mo siya diba? Sigurado ako makakakuha ka ng gamot....please tulungan mo kami"pakiusap Anika.

Nais niyang mamuhay ng normal at magkaroon ng normal na relasyun.Kapag may nakilal siyang nagufustuhan niya st sinusubikan niysngakasama ito ngunit palagi siyang biibigo ng masaklap na katotohanan.

Niyakap ni Jino si Anika ng mahigpit.Awang awa siya sa dalaga na halos hindi na maasikaso ang sarili kakahanap ng solusyun sa problema ng kapatid.

"Tama na huwag ka ng magalala, hahanap ako ng paraan"

"Pero hindi na makakapaghintay ang kapatid ko ng ganun katagal Jino, Kailanga ng makagawa ng paraan sa lalong madaling panahon. Napaatras naman at napatalikod si Bino na para bang medyo nairita.

Ginamit ko naman na ang lahat ng koneksyon ko,nilapitan ko na ang lahat ng mga kakilala ko pero sa pagkakataong to ibang klase talaga si Lyndon Buenavides. Hindi siya makatao wala siyang puso" sabe na Jino.

"Hindi bale, kapag hindi pa rin mapakiusapan at hindi pa rin umubra sa kanya ang pakiusapa at baka  gumamit na ako ng ibang teknik " sabi ni Jino

"Ano namang taktika yon?"  sabi ni Anika ng makita na si Jino ang pag aala sa mukha ni Anika ay  niyakap ulit inya ito at pinayapa ang kalooban.

"Huwag kang mag alala tungkol sa mga mangyayari,  sa amin lalaki, kami ng bahala don " sabi ni Jino.

Saglit lamang sina Anika sa hospital. Agad niyang inilabas si Angela.. Ang kapatid niya ay halos saglit lang sa ospital ng tumira. Kung mananatili sila sa hospital ay hindi nya kakayaning magbayad ng malaking bill sa kaliwa. Nag aalala siya na malaman ng kanilang ina na dinala niyo si Angela sa hospita kaya naman nang makauwi ay hindi binanggit ng dalawang magkapatid ang nangyari ng araw na yun.

Ngunit matapos ang isang linggo wala pa ring natatanggap na balita siya Anika tungkol sa gamot ng kapatid. Hindi rin naman siya kinokontak ni Jino para balitaan siya kung may positibo na bang balita sa nire request niya. Ang maliit na pag asa na kinakapitan pa sana niya ay unti unting nawala at nagdulot iyon kay Anika ng matinding kalungkutan at kawalan ng pag asa.

Samantala sa Lavender garden ay nagpunta si Anika at doon tumayo sa harap ng gate na halos may ilang oras na kahit ang mga body guard at security guard ng lugar na iyon ay ilang beses siyang nilapitan pero wala itong mga nagawa para paalisin siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status