Home / Romance / The Elusive Billionaire Has Fallen / Chapter 1: Ang Pilat ng Kahapon

Share

Chapter 1: Ang Pilat ng Kahapon

One year Ago...

Madilim ang buong paligid, tanging liwanang ng tila malamlam na ilaw sa sulok ng silid na iyon ang makikita. Habang ang isang dalaga ay nangiginig ang tuhod sa  kapalarang naghihintay sa kanya.

Bagamat hindi tiyak ng babae ang kapalaran at balot ng takot ang kanyang dibdib sa posibleng maganap nang gabing iyon, walang choice ang babae kundi gawin ang nararapat isinapuso na lamang niya na ang dahilan kung bakit siya naligaw sa bar na iyon ay napakahalaga.

Walang ibang hangad ang kanyang puso kundi ang magtagumpay nakasalalay nang gabing iyon ang kaligtasan ng kanyang kapatid.

Bago umapak ang kanyang mga paa sa mamahaling club na iyon ay ipinagpasa diyos na lamang ng babae ang kanyang kapalaran sinuman at kung ano man ang maganap sa sandaling iyon ang mahalaga ay makalikom siya ng sapat na salapi para makabayad sa ospital at mailabas ang kapatid na naratay doon ng halos isang buwan.

Para sa babae, hindi na mahalaga ang sarili niyang buhay at kaligayahan. Mas mahalaga sa kanya kanya ang pamilya at haharapin niya kahit  pa ang kapahamakan o kamatayan para lamang sa kanyang nakababatang kapatid.

At heto ng ilang sandali na lamang ay makakamtan na niya ang inaasam. Makababayad na sila sa hospital. Humugot ng malalim na hininga ang babae, sabay inihakbang ang mga paa pagpapasok sa silid na iyon  kung saan siya dinala ng isang lalaking pumayag sa pakikipag deal niya kapalit ang isang magdamag.

Tama! puri ang kapalit pero balewala ito sa babae mas ang kapatid ang inaalala niya. May makulimlim na mga ilaw sa silid, umupo ang babae sa kama na naghihintay sa kanilang dalawa.Nakita niya na pumasok ang lalaki  banyo sapat na yun para makakuha ng sapat na lakas ng loob ang babae para maisagawa ang lahat.

Kapalit ng malaking halaga, kapalit ng kaligtasan ng kanyang kapatid. Kaya niya..kakayanjn niya, isang gabi lang naman sa piling ng lalaking kasama niya ngayon. Mabilis lamang iyon.

Maya maya pa at muling nangatog ang tuhod ng babae, kinabahan ito dahil lumabas na sa banyo ang lalaking kasama. Nakasuot lamang ito ng puting tuwalyang nakapulupot sa ibabang bahagi ng katawan. Matipuno ang lalaki at masasabing sakto ang mga muscles nito at sadyang maganda sbg hubog.

Ganun din ang gwapo nitong mukha bagamat mukha itong matapang at masungit tingnan, hindi naman maipagkakailang perpekto ang mukha nito mula sa kilay, ilong at labi ganun din ang manipis nitong bigote at bagong shave na balbas, parang perpekto lahat.

Samantalang ang babae ay nakasuot ng makapal na make up at ang kanyang beret ay medyo tumatakip pa sa kanyang mga mata. Sinandya ng babae ang gumayak na ganoon para maitago ang tunay na edad para papasukin sa club. Hindi nagpatumpik tumpik ang lalaki palibhasa alam nito ang dahilan kung bakit sila naroon sa silid na yun. Lumapit ito sa babae at dahan dahang binuksan ang mga botones ng kanyang blusa pero maya maya ay tila nainip ito at naging agresibo.

Sa mga kilos pagkatapos ay agad siyang dinaganan ng lalaki at siniil ng malalalim na mga halik. Naaamoy ang mabangong hininga ng lalaki pero nalasahan niya ang mapait pait na laway nito na parang pinaghalong alak. Pero hindi maikakaila na nakakaliyo ang amoy ng hininga nito na tila ba nagdudulot ng komportableng pakiramdam para sa babae.

Dahil medyo nakainom ito ay hindi na ito nagpatumpik tumpik pa, ibinaba nito ang pang ibabang kasuotan ng babae at pagkatapos ay hinaklit ang kanyang hita at saka pumusisyon sa ibabaw ng babae. Walang babalang inangkin ng lalaki  babaeng ng gabing yun.

>

Kasalukuyan...

Halos mamilipit si Anika ng sandaling iyon, kaharap ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya. Paano nga ba niya makakalimutan ang gabing iyon. Dahil ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang lalaking gabi-gabing laman ng  mga panaginip niya pero araw araw din niyang ipinapanalangin na hindi na sana niya makita pa.

Pero heto,kailangang na naman niyang lunukin ang pride at takot pati na rin ang lahat ng kahihiyan dahil kailangan niya ang tulong ng lalaking pilit na sana niyang kinakalimutan.

sa Hindi inaasahan, pagpasok ni Anika sa madilim na bar. Bigla siyang hinablot ng isang lalaki ng papasok na siya ng cr.

"Aber, tingnan mo nga kung lumaki na ba ang mga bagay na dapat ay lumaki ngayon" sabi ng lalaking nasa harap niya. Si Anika ay itinulak ng lalaki pasandal sa matigas na pader gamit ng mga bisig nito.

"Bakit ganyang ang reaksiyon mo?nagkamali ka ba ng taong nilapitan ha? tanong ng lalaking may pigil na diin sa boses nito. Ang payat na mga balikat ni Anika na nanghihina kung kayat mahirap para sa kanya ang makipaglaban sa lalaking kaharap.

Sa hirap na sitwasyun, ipinikit na lamang ni Anika ang kanyang mga mata. At umasa ng isang himala.

Matapos ang isang taon na hindi nakita ang lalaking nasa harapan niya, naisip ni Anika na  baka naman hindi siya   makikilala ni Lyndon. Matagal na iyon bukod pa sa makapal naman ang make-up niya noon malayo sa hitsura niya ngayon.

"Sa kama ko,  isang taon na ang nakalipas, binilang ko kung gaano kadalas mong tinawag ang pangalan ko habang nagtatalik tayo. Animnapu't walong beses." sabi ni Lyndon na idinikit pa ang bibig sa tenga ni Anika.

"Ang mga ungol mo habang tinitiis ang sakit at habang nagmamakaawa ay ilang ulit kung naririnig" may gigil na sabi ni Lyndon.

Halos naramdaman ni Anika na para  siyang hinubaran damit ng isang tao. Dahil ang kahihiyan ng gabing iyon ay tumutusok sa kanyang puso at para sinang itinulak sa kumukulong tubig,  at halos ikamatay ni Anika ang sandaling iyon. Natitiyak  niya na hindi siya nito  nakilala.

"Anong sinasabi mo. Hindi ko pa kailanman nakita ang mukha mo, kahit isang beses."  sabi ni Anika na sinikap itago ang mukha sa malamlam na liwanag.

Lumapit si Lindon sa mukha ng babaeng hawak sa mga  kamay niya at ang kanyang matatalim na mata ay nakatotok sa mga bahaging ng mulha nito sinisikap tandaan at hanapan ng   tampok sa mukha.

Hindi napigilan ni Anika na mahulog at napatitig sa mga mata ng lalaking nangungusap sa kakaibang paraan. Ang mga mata ni Lyndon ay malamig at kahit ang pitong emosyon at anim na pagnanasa ay hindi makakapigil dito.

 

"Tama, hindi pa nga tayo nagkita Mukhang nagkamali ako"  sabi ni Lyndon. Tumango si Anika na medyo may inis at may pagkaimbyerna.

"Oo Sir, nagkakamali ka talaga" giit ni Anika.

Pinisil ni Lyndon ang kanyang manipis na beywang gamit ang isang kamay at ikinalawit ang kanyang mga daliri sa kanyang leeg ni Anika, ngunit hindi niya ito hinila ng tuluyan .Ang mahabang buhok ni Anika na nasa tabi ng kanyang tainga ay gumalaw. Sa wakas, binitawan siya ng lalaki.

Bumalik ang dalawa sa bar, nauna si Anika at kasunod si Lyndon. Lumapit si Jinocat agad hinila si Anika.

"Halikayo bilis may gusto akong ipakilala sa iyo.Ipakikilala ko nga pala si Anika ang aking kasintahan" pakilala ni Jin sa dalaga.

Umupo si Lyndon sa sofa, nakatuwid ang kanyang mahabang mga binti.Biglang napaangat ang tingin sa sinabi ng lalaki. Napailing na lamang si Anika sa kalokohan ni Jino.

 "Jino huwag kang mag-imbento ng mga kwento baka maniwala sila." Sita ni Anika.

 Ipinatong ni Jino ang kanyang mga braso sa balikat ni Anika at dinala siya kay Lyndon.

"Siya nga pala Anika ito si Sir Lyndon Buenavedez na sinabi ko sa iyo. Mayroon siyang gamot na maaaring magligtas sa  kapatid mo" sabi ni Jino.

 

Ang buong katawan ni Anika ay nanigas sa gulat. Tumingin siya kay Lyndon na may pagtataka. Bakit siya magkakaroon ng gamot? Si Lyndon ba ang may ari ng kompanyang iyon?" Parang hindi makahinga si Anika.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status