Home / All / The Desirable Impostor / The Desirable Impostor - Chapter 1

Share

The Desirable Impostor
The Desirable Impostor
Author: FilipinoWriter

The Desirable Impostor - Chapter 1

last update Last Updated: 2021-03-20 18:33:51

The Desirable Impostor

SYNOPSIS

Caitlyn was on a mission. An impossible mission. She would impersonate her twin sister, Janine. She must win over the grandmother of Drake.

It was easy with the grandmother but Drake was hard to hoodwink. He saw her as his beautiful impostor.

He decided to test her. But the testing got out of hand and onto the bed.

Caitlyn did not want to go on deceiving her twin but Drake wanted her like no other.

Where would their desire lead them?

*     *     *

The Desirable Impostor - Chapter 1

            NANG magpakasal sina Emilio at Cora, marami ang humatol na hindi magtatagal ang pagsasama ng dalawa. 

Nanggaling sa isang buena familia si Emilio Del Praño at si Cora Cruz naman ay anak sa pagkadalaga ng isang tindera ng isda sa palengke.

            Ang mga humatol--na walang iba kundi ang mga magulang at kamag-anak ni Emilio--ay siya ring gumawa ng mga paraan upang magkahiwalay ang mag-asawa. Matapos ang pakunwaring pagtanggap kay Cora, patago ring ginawang impiyerno ang buhay ng kawawang babae.

            Kaya nagkatutoo ang prediksiyon. Makalipas ang mahigit isang taon, lumayas si Cora sa bahay ni Emilio. Tinaglay ang isa sa kambal na sanggol.

            "Dear Emilio, patawarin mo ako sa aking pag-alis ngunit kailangan kong gawin ito upang matahimik na uli ang ating mga buhay. Dinala ko si Caitlyn upang magsilbing alaala ng pag-ibig natin sa isa't isa. Huwag mo na kaming hanapin. Alagaan mo na lamang si Janine. Huwag kang mag-alala kay Caitlyn. Mapapalaki at mapapag-aral ko siya nang maayos dahil sa tulong ng malaking halagang tinanggap ko mula sa iyong mga magulang. Maraming salamat sa ipinadama mong pag-ibig... Palaging magmamahal, Cora."

            Tinangka pa rin ni Emilio na hanapin ang mag-ina ngunit napakahusay ng ginawang pagtatago ni Cora. Walang iniwang bakas. Parang bulang naglaho sa hangin.

            "Kalimutan mo na ang babaeng iyon, Emilio. Mas gusto niyang bumalik sa mundong pinagmulan niya!" Ganito ang matigas na payo ng mga magulang na dominante. "Ibaling mo na sa iba ang iyong pag-ibig."

            Ngunit hindi na nag-asawang muli si Emilio Del Praño. Ibinuhos na lang ang buong panahon sa pagpapalago ng mga negosyo at ang pagpapalaki sa anak na si Janine ay ipinaubaya na lamang sa mga magulang.

            Makalipas ang labinsiyam na taon, isang liham ang natanggap ng matagumpay na negosyante. Nagmula sa isang dalagang nagngangalang Caitlyn Cruz.

            "Dear Itay, nais ko po sanang maging saksi rin kayo sa aking pagtatapos sa kolehiyo. Maaari po ba kayong magtungo dito sa Baryo Mabato sa katapusan ng buwan, sa ganap na alas nuwebe ng umaga? Pasensiya na kung apurahan ang imbitasyong ito. At maiintindihan ko po kung hindi kayo makakarating. Kumusta po pala sa aking kakambal na si Ate Janine? Nagmamahal, Caitlyn."

            Paulit-ulit na binasa ni Emilio ang maikling liham. Hindi na mabilang ngunit hindi pa rin makapaniwala. Nang medyo mahimasmasan, tumawag agad siya sa detective agency na patuloy na inuupahan sa paghahanap sa mag-inang Cora at Caitlyn.

            "May lead na tayo. Nasa Baryo Mabato sina Cora. Magpapunta ka agad ng mga tao doon. Gusto kong malaman ang eksaktong lugar ng tinitirhan nila." Ang tanging address na nakalagay sa labas ng sobre ay ang state college sa isang probinsiya na nasa Laguna lamang.

            Agad na nagtungo doon si Emilio, matapos makatanggap ng report mula sa mga inupahang detektib.

            Nang magkaharap muli ang dating mag-asawa, nandoon pa rin ang init ng pag-ibig.

            "Cora, mahal na mahal pa rin kita. Sumama ka na sa akin. Magsama uli tayo." Hindi na nagpaliguy-ligoy si Emilio.

            "Nangako ako sa iyong mga magulang, Emilio. Hindi ako marunong sumira sa pangako."

            "Kung gayo'y bakit sinira mo ang pangako mo sa akin sa harap ng altar? Na mamahalin ako at makikisama sa akin sa hirap man at sa ginhawa?"

            Tuluyan nang nanghina ang naghihirap na kalooban ni Cora. 

"H-hindi tayo magkakaroon ng katahimikan, Emilio. Tutol pa rin ang iyong mga magulang." Ganito na lamang ang naikatwiran ng mapagparayang kabiyak. "Hindi pa rin ako nababagay sa 'yo," dagdag pa.

            "Lalayo tayo kanila, Cora. Hindi ka na makikisama sa kanila. Isasama natin ang ating mga anak. Magiging isang buong pamilya na tayo," pang-aamuki ni Emilio.

            "Inay, pumayag na kayo. Mahal na mahal n'yo pa rin naman ang Itay, a?" Sumabad na si Caitlyn, ang bunso sa kambal. Huli ng limang minuto sa paglabas mula sa sinapupunan ng ina.

            "P-paano si Janine?"

            "Of course, papayag 'yon," ang matatag na pahayag ni Emilio ngunit bahagyang nakatabing ang mga pilikmata. "Magsama na uli tayo, Cora. Napakalungkot ng buhay ko nung mawala ka. Ikaw lang ang aking kaligayahan."

            "S-sige na nga." Tuluyan nang napahinuhod si Cora. "Oh, Emilio, sana'y hindi ka magsisi!"

            Nagsama ngang muli ang mag-asawang nagkahiwalay ng labinsiyam na taon. Sa kabila ng pagtutol ng angkan ng mga Del Praño, nag-immigrant ang buong pamilya ni Emilio sa California.

            Ngunit hindi ang kambal na magkapatid. Dahil magkahiwalay at magkaiba ang mga mundong kinalakhan, magkabaligtad ang personalidad nina Caitlyn at Janine.

            Masunurin at responsable ang bunso. Spoiled at iresponsable si Janine. Kundi siguro mas malakas ang lukso ng dugo--at sa napakahabang pasensiya ni Caitlyn--baka hindi pa nagkasundo ang dalawa!

            "Patawarin mo ako, Cora. Sina Mama at Papa ang hinayaan kong magpalaki kay Janine kaya nagkulang siya sa disiplina."

            "'Wag mong sisihin ang iyong sarili, Emilio. Ako ang dapat sisihin. Dapat ay akong ina ang nagpalaki sa kanya."

            "Inay, Itay, 'wag n'yo na pong alalahanin si Ate Louie. Matututo rin siya. Bata pa naman siya, e," pang-aalo naman ni Caitlyn. Hindi man gaanong positibo sa sinabi pero ang hangad ay mapayapa ang kalooban ng mga magulang na nag-aalala.

            Dahil tinalikuran ang angkan, inalisan si Emilio ng karapatan sa mga negosyong pinalago sa Pilipinas.

            "May sariling pera ako, Cora. Magsisimula uli tayo."

            Nagtayo nga ng laundry business si Emilio. Lahat sila ay tumulong, maliban kay Janine.

            "Puwede pa akong umuwi kina Lola at Lolo, Papa," ang nagmamalaking pahayag ng dalagang sosyalera. "Hindi ako suwail kaya hindi ako dapat naghihirap na katulad n'yo!"

            "Ano'ng tawag mo sa sarili mo ngayon?" ang galit na sumbat ni Emilio.

            "Hayaan na lang natin si Janine, Emilio," ang maagap na pigil ni Cora. "Tama ang anak natin. Hindi siya dapat dumaranas ng paghihirap."

            "Sige! Tutal may sariling pag-iisip ka na, sumige ka na sa gusto mong gawin sa buhay mo!"

            "Talaga! Uuwi na ako!"

            Nalungkot si Caitlyn sa pag-a-alsa-balutan ng kakambal ngunit wala siyang magagawa. Hindi naman tumagal ang kanyang lungkot dahil naging matagumpay ang munting family business. Naging abala siya sa paglilingkod bilang bookkeeper at all-around helper.

            At panaka-naka ay tumatawag si Janine sa California kaya naiibsan na rin ang kanyang pangungulila sa kakambal.

            "Successful model na ako ngayon, Cat."

            "Natutuwa ako para sa 'yo, Ate Janine!"

            "Ikaw ba? Kailan ka ba mag-a-ambisyong kumita ng sarili mong pera?"

            "Ate, maayos ang pa-suweldo nina Itay at Inay sa akin. May bonus pa nga dahil libre ang board-and-lodging ko."

            "Ano? Nakikitira ka pa rin sa kanila, e, ang tanda-tanda mo na?"

            "Magsingtanda lang tayo, a?" ang pabirong salo ni Caitlyn.

            "Hay, saang planeta ka ba galing, Cat? What I mean to say is personal freedom. Ayaw mo bang maging malaya?"

            "Malaya naman ako kina Itay at Inay. Libre akong lumabas ng bahay kahit na anong oras ko gustuhin."

            "Basta't alam lang nila kung sino ang kasama mo at kung saan ka pupunta at kung anong oras ka uuwi!" sabad ni Janine. Ang isang inayawan nito sa poder ng mga magulang ay ang istriktong patakaran.

            "Walang masama d'on. Natural lang na mag-alala sina Itay sa kapakanan natin."

            "Hmp! Huli na! Kung kailan tumanda na ako? No way!"

            "'Wag ka nang magalit sa kanila, Ate Janine." Aaluin agad ni Caitlyn ang kapatid. "Ikuwento mo na lang sa akin ang trabaho mo."

            Anupa't sa paglipas ng mga buwan at taon, unti-unti pang naging close sa isa't isa ang kambal...

Related chapters

  • The Desirable Impostor   The Desirable Impostor - Chapter 2

    CHAPTER TWO: "MAGPAPANGGAP akong ikaw?!" Napabulalas si Caitlyn. "Hey, no need to shout!" ganting-bulalas ni Janine. Sumungit ang tono. "Kung ayaw mo akong tulungan, 'wag mo na akong ibisto kina Papa." "I'm sorry, Ate Janine. Nabigla kasi ako." Luminga-linga si Caitlyn sa paligid ng sala. "Don't worry, nasa kusina sina Itay at Inay." Magkatuwang na nagluluto ng hapunang barbeque steak ang mga magulang nila. "Bakit nabigla ka?" Nagbaba na rin ng tono si Janine. "Imposible kasing magkatutoo ang gusto mo. Magpapanggap akong ikaw?" Inulit na naman ni Caitlyn ang tanong. 

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Desirable Impostor   The Desirable Impostor - Chapter 3

    CHAPTER THREE: KINABUKASAN, nakasakay na naman sa eroplano si Caitlyn. Patungong Zamboanga naman. "May malawak na pineapple at durian plantation ang Familia Mendrez ng Zamboanga. Nandoon ang ancestral house na tinitirhan ng lola ni Drake," ang mabilisang pagkukuwento ni Janine habang nakasakay sila sa taxing patungong domestic airport."Sabi ni Drake, may sarili din daw kapilya ang plantasyon. Malamang na doon kami ikasal dahil napaka-tradisyunal ng kanyang lola." "Er, ano ba ang pangalan ng lola?" Parang na-attached na si Caitlyn sa agwela ng kasintahan ng kapatid dahil siya ay sabik na makilala ang sariling lolo at lola. Hindi pa rin siya itinuturing na apo dahil sa loyalty niya sa kanyang Inay.

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Desirable Impostor   The Desirable Impostor - Chapter 4

    CHAPTER FOUR: NAGING tahimik at payapa ang maikling biyahe patungo sa Villa Mendrez. Kapwa walang imik ang dalawang okupante ng dyip.Ang buong atensiyon ni Caitlyn ay ipinabihag niya sa mga tanawing nadaraanan. Nakakabighani ang walang katapusan at pantay-pantay na mga hilera ng mga pananim na pinya, mga puno ng durian at mahahabang greenhouses. "'Yan ang latest technology sa vegetable-raising, ang mga hydroponics. Soil-less kaya hindi kailangan ng lupa. Ang nutrients na kailangan ng mga halaman ay direktang nakukuha sa circulating water supply kaya napakabilis lumaki at magbunga." Tumangu-tango si Caitlyn. "Narinig ko na nga ang tungkol sa hydroponics. Mas malalaki at mas malasa ang hydroponics tomatoes na natikman ko."&nb

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Desirable Impostor   The Desirable Impostor - Chapter 5

    CHAPTER FIVE: ISANG matandang babae ang parang reynang nakaupo sa isang silyang tila trono ang disenyo at yari. Regal ang hubog ng ulo at ang tuwid na mga balikat at likod. Diretso at nang-aarok ang paraan ng pagtitig. Puno ng pangamba ang kalooban ni Caitlyn habang papalapit sila ni Drake sa naghihintay na agwela. "Lola Dorothy," ang masiglang sambit ng lalaki. "Nainip ka ba?" Hinagkan nito ang isang kulubot at butuhang pisngi. "Hindi naman. Puntahan mo si Seling at sabihing puwede na niyang ilabas ang mga pagkain dito." Nakangiti si Senyora Dorothy Mendrez habang nagbibigay ng instruksiyon sa apo.Bahagyang nabawasan ang init nang bumaling sa gawi ni Caitlyn. "Iha, halika. Dito

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Desirable Impostor   The Desirable Impostor - Chapter 6

    CHAPTER SIX GAMIT ang celfone, tinawagan ni Caitlyn si Janine sa condo unit, ngunit walang sumasagot. Baka nasa salon pa ang kakambal. O kaya'y nakalipad na patungong Paris. Gusto na sana niyang umalis sa plantasyon kaya tinatawagan ang kapatid. Ayaw na niyang magpatuloy sa pagpapanggap.Gusto na niyang bumalik sa San Jose, kungsaan ang buhay ay simple at walang kumplikasyon. 'Ayoko ring mahulog nang husto ang loob ko sa 'yo, Drake Mendrez!' bulalas niya habang yapus-yapos ang sarili. Hindi inasahan ni Caitlyn ang sumunod na ginawa ng lalaki matapos ibalitang bibigyan ng singsing si Janine bukas ng gabi.Bigla na lang siyang sinambitla ng mahigpit na yakap at ginawar

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Desirable Impostor   The Desirable Impostor - Chapter 7

    CHAPTER SEVEN HABANG naghahapunan, muli na namang pinagmasdan ni Drake ang nobyang tila naging estranghera sa kanyang pakiramdam. Maikling panahon pa lamang niyang nakasama si Janine Del Praño ngunit may natandaan na siyang mga katangian at kapintasan ang bagong girlfriend.Ang mga nagustuhan niya ay ang pagiging malambing, karinyosa, sensuwal, at intelihente.Ang mga kapintasan naman ay pihikan sa pagkain, matapobre, mapaghanap, at masyadong mahilig sa alak. Handa siyang i-overlook ang mga kapintasan, basta't makapasa lang ang babae sa pihikang panlasa ni Lola Dorothy--at sa ilang personal na pagsubok niya. Ngunit paano nga kung isang impostor naman ang dumad

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Desirable Impostor   The Desirable Impostor - Chapter 8

    CHAPTER EIGHT 'ANO'NG gagawin ko?' bulalas ni Caitlyn sa sarili.Wala sa script ni Janine ang isang love scene. O rape scene. Lalaban ba siya? O magpapaubaya? Alinman sa dalawa ang kanyang gawin, agrabyado pa rin si Caitlyn.Kahit hutok sa ehersisyo ang mga biyas, mas superyor pa din ang lakas ni Drake. Tiyak na matatalo lang siya kapag nagpambuno sila.Kapag nagpaubaya naman siya, tiyak na hindi lang ang katawan niya ang maaangkin ni Drake. Pati siguro ang kaluluwa ay maibibigay na niya! Higit sa lahat, iyon ang ikinatatakot ni Caitlyn. Ang mawalan ng

    Last Updated : 2021-03-20
  • The Desirable Impostor   The Desirable Impostor - Chapter 9

    CHAPTER NINE NANG magkamalay si Caitlyn, nakahiga na siya sa mahabang sopa at nakatunghay ang nag-aalalang mukha ng makisig na lalaki. Maliksi nitong inalalayan ang kanyang pagbangon. "You're so cold." Ginagap ni Drake ang mga kamay na nagyeyelo. "Drink this." Isang baso ang maliksing inilapit sa bibig niya. Kusang nilunok ng dalaga ang likidong nasa baso. Napaubo siya nang manghapdi ang naninikip na lalamunan. Alak pala ang nalagok niya. "Are you okey?" Pinilit tumango ni Caitlyn matapos ibaling ang ulo palayo sa baso. Lalong nangapos ang kanyang hininga.&nb

    Last Updated : 2021-03-20

Latest chapter

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 10

    The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 9

    The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 8

    The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 7

    The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 6

    The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 5

    The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 4

    The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 3

    The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 2

    The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status