CHAPTER EIGHT
'ANO'NG gagawin ko?' bulalas ni Caitlyn sa sarili.
Wala sa script ni Janine ang isang love scene.
O rape scene.
Lalaban ba siya?
O magpapaubaya?
Alinman sa dalawa ang kanyang gawin, agrabyado pa rin si Caitlyn.
Kahit hutok sa ehersisyo ang mga biyas, mas superyor pa din ang lakas ni Drake. Tiyak na matatalo lang siya kapag nagpambuno sila.
Kapag nagpaubaya naman siya, tiyak na hindi lang ang katawan niya ang maaangkin ni Drake. Pati siguro ang kaluluwa ay maibibigay na niya!
Higit sa lahat, iyon ang ikinatatakot ni Caitlyn. Ang mawalan ng
CHAPTER NINE NANG magkamalay si Caitlyn, nakahiga na siya sa mahabang sopa at nakatunghay ang nag-aalalang mukha ng makisig na lalaki. Maliksi nitong inalalayan ang kanyang pagbangon. "You're so cold." Ginagap ni Drake ang mga kamay na nagyeyelo. "Drink this." Isang baso ang maliksing inilapit sa bibig niya. Kusang nilunok ng dalaga ang likidong nasa baso. Napaubo siya nang manghapdi ang naninikip na lalamunan. Alak pala ang nalagok niya. "Are you okey?" Pinilit tumango ni Caitlyn matapos ibaling ang ulo palayo sa baso. Lalong nangapos ang kanyang hininga.&nb
CHAPTER TEN NAGMISTULANG kidnap victim nga si Caitlyn sa Mendrez Plantation. Naging anino niya si Drake. Sa loob lang ng banyo hindi nakabuntot.Tila wala nang paraan upang makalaya. Makakaalis lang siguro siya doon kung makukumbinsi niya ang tagabihag! Ang tanging pampalubag-lubag sa imposibleng sitwasyon ay ang di-matatawarang kaligayahan ni Lola Dorothy, bilang reaksiyon sa ibinalita ng binatang apo tungkol sa pagpapakasal nila sa isang buwan. "Hay, salamat sa Panginoon! Natupad na ang aking pangarap!" Magkasalikop pa ang mga palad, habang pausal na sinasambit ang pasasalamat. Matamis ang ngiti sa kulubot na bibig ngunit may luha sa mga mata. “Napakagandang regalo ang ibinigay n’yo sa akin, mga apo!”&nbs
CHAPTER ELEVEN:Marahang bumangon si Drake. Nakadapa si Caitlyn, paharap sa kanya. Maamo ang mukha. Parang inosenteng anghel na natutulog.Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. God, uhaw na uhaw siya!Tinawagan niya si Lola Dorothy. Nagpaalam na dito lang sila ni Caitlyn sa homestead.At doon nga lang silang dalawa. Hanggang sa gumabi, hindi siya nagsasawa sa paulit-ulit na pag-angkin kay Caitlyn.Hanggang sa makatulog ito dahil sa pagod.Dahil ba tutol pa rin ito na makasal sila? Gayong nagpapaubaya naman?Hindi niya maintindihan ang babaeng ito. Kakaiba kay Janine. Kakaiba sa sinumang babaeng nakilala.O dahil ito lang ang pumukaw sa kanyang pagnanasa. Ibinintang niya sa babae na addict ito sa kanya gayong siya ang higit na addict.Masamyo lang niya ang natural na amoy ng balat nito, nababaliw na siya. Parang gusto niyang ikulong sa kuwarto ang babae kasama niya.Na ginawa niya ngayon…
CHAPTER TWELVELUMIPAS ang dalawang araw. Walang tawag na natanggap si Caitlyn kay Drake.Pero sigurado siyang tumatawag ito sa agwela. Kaya imbes na pag-aalala ang nadama, naghihinanakit siya.Pagkatapos ng mga pinagsaluhan nila, itatapon siya na parang basahan.Alam niyang exaggerated ang iniisip niya. Alagang-alaga siya ni Lola Dorothy. Tunay na apo na ang turing nito sa kanya.Ngunit si Drake, ni-ha ni-ho ay wala.Nangulila na agad siya kapag nakahiga sa kama. Hinahanap-hanap na niya ito.“Iha, mamili ka sa mga ito.”Nabuglawan niya si Lola Dorothy sa hardin. Nakalatag sa harapan nito ang ilang pares ng rubber shoes. Luma na pero malinis at tila size ni Caitlyn.“Magkasukat po yata tayo ng paa, Lola Dorothy.” Nahawa siya. Nakatawa rin nang lumapit.“Narito rin ang ilang uniporme ko sa pagiging player.” Parang batang tuwang-tuwa si Lola Dorothy.
The Fake WifeSYNOPSISUlila na si Catherine at ang mga nakababatang kapatid ay mga responsibilidad niya. Dahil sa pagnanais na magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya, pumayag siyang magpanggap na asawa ng isang mayamang pintor.Anong klaseng parusa ang nararapat sa isang manlolokong katulad niya? Hindi pa ba sapat ang paghihirap ng puso niyang natutong umibig sa isang lalaking hindi na malaya?* * *CHAPTER ONE Magulo. Mabaho. Maingay.Ang mga katagang iyon ang eksaktong maglalarawan sa lugar na inuuwian ni Catherine. Isang squatters’ area na nakakalumpon sa magkabilang panig ng isang malawak sanang estero kundi nabubulunan sa dami ng sari-saring basura.Nakatambak rin ang nangangalingasaw na basura sa isang panig ng makipot na eskinita patungo sa tinutuluyang bahay.Ang istilo ni Catherine ay huminga nang malalim upang hindi niya masinghot ang lahat ng
CHAPTER TWODahil si Catherine lang ang okupante sa ilalim ng waiting shed, nagulat siya. "Hindi po ako si Arminda, ma'am," tanggi niya habang umiiling. Kusang umaatras palayo ang mga paa niya habang nakatitig sa estranghera.Kumurap-kurap ang ginang na halatang maykaya sa buhay. Makapal ang meyk-ap nito kaya naitago ang karamihan sa mga wrinkles sa mukha. May kulay na ash blonde ang maikling buhok. Ang bestido at ilang mga alahas na suot sa medyo bilugang katawan ay pulos mamahalin."H-hindi ikaw si Arminda?" Unti-unting nabura ang matinding excitement sa mukha nito. Parang nanlulumo."Misis? Napap'ano po kayo?" Napansin ni Catherine na tila mawawalan ito ng malay-tao dahil sumuray sa pagkakatayo. Agad niyang nahawakan ito sa isang braso bago tuluyang matumba."Ooh! Ang akala ko'y tapos na ang paghahanap ko!" ang pa-daing na sambit ng ginang habang sinasapo ng isang kamay ang noo."Dito po muna kayo maupo," ani Catherine habang marahang igi
CHAPTER THREE ANG unang ginawa ni Auntie Mina ay ang paglilipat nito sa kanilang lahat sa isang condominium unit. Wala silang dinalang gamit, maliban sa mga librong pag-aari ng public school na pinapasukan ng mga kapatid. "Bibili kayo ng lahat ng mga kailangan n'yo," wika ng matandang dalaga. "Ma-mi-missed ko kayo," ani Marita sa kanila, maluha-luha. "Hmm, ikaw ba si Marie?" sabad ni Auntie Mina. "E, o-opo," ang tarantang tugon ni Marita. "Sasama ka sa kanila, Marie," pahayag nito. Nanlaki ang mga mata ni Marita. "E, hindi naman po ako kapatid ni Catherine," paliwanag nito, kandautal. "Pero gan'on ang turing nila sa 'yo, I'm sure," pakli nito. "Kaya sasama ka." Gulat na gulat ang kaibigan ni Catherine. "P-pati po ako?
CHAPTER FOUR BUONG pag-aalinlangan na kinuha ni Catherine ang mga sobre. "Buksan mo," udyok ng matandang dalaga. Nanginginig ang mga daliri niya nang tumalima. Isang libreta de bangko ang nasa loob ng una. At isang malutong na tseke naman ang nasa ikalawa. "Buwan-buwan, papasok sa account mo ang allowance para pantustos sa mga kapatid mo. Ang nasa tseke naman ay ang pabuya ko sa pagpayag mo. Ang condo unit na ito ay naipalipat ko na sa pangalan mo, Catherine," pahayag ni Auntie Mina, pa-kaswal. Para bang barya-barya lang ang ibinibigay sa kanya! Napatitig na lang siya sa hawak na tseke. Limang milyon! Napakurap ang dalaga. "S-sobra-sobra po ang ibinibigay n'yo," pahayag niya, kandautal. "Tinupad ko lang ang mga pangako ko, iha, kaya ikaw naman ang inaasahan kong tutupad
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya