CHAPTER SEVEN
HABANG naghahapunan, muli na namang pinagmasdan ni Drake ang nobyang tila naging estranghera sa kanyang pakiramdam.
Maikling panahon pa lamang niyang nakasama si Janine Del Praño ngunit may natandaan na siyang mga katangian at kapintasan ang bagong girlfriend.
Ang mga nagustuhan niya ay ang pagiging malambing, karinyosa, sensuwal, at intelihente.
Ang mga kapintasan naman ay pihikan sa pagkain, matapobre, mapaghanap, at masyadong mahilig sa alak.
Handa siyang i-overlook ang mga kapintasan, basta't makapasa lang ang babae sa pihikang panlasa ni Lola Dorothy--at sa ilang personal na pagsubok niya.
Ngunit paano nga kung isang impostor naman ang dumadaan ngayon sa kanilang mga pagsubok?
Nakapasa na ito sa kanyang lola. Baka makalusot rin sa kanya.
Pakakasalan ba niya ang isang pekeng nobya?
'I could feel it down to my bones that you're a complete stranger, Miss Incognita! But who are you? Bakit nagpapanggap kang si Janine?'
Na-intriga pa nang husto si Drake dahil nakuha agad ang loob ng kanyang Lola Dorothy.
Hinalikan niya ang impostor kanina dahil nais patunayang tama ang kanyang hinalang hindi si Janine ang babae.
Ngunit nang magdaop ang kanilang mga labi, biglang naglagablab ang kanyang pagnanasa.
Parang kilalang-kilala na ng katawan niya ang malambot na kabuuan ng babae. Mas maalab pa nga ang pagkasabik kaysa sa nadarama niya para sa tunay na kasintahan.
Iyon ang dahilan ng pag-aalinlangan ni Drake.
Paano siya makakasiguradong hindi nga si Janine ang babaeng biglang nagkaroon ng maraming pagbabago kaya parang naging estranghera?
Paano kung umaarte lamang ang nobya upang makuha ang loob ni Lola Dorothy?
Isang paraan lang ang nalalaman niya upang makatiyak--kapag nagsiping sila ng nakaka-intrigang babae!
"Bakit tahimik na tahimik ka d'yan, iho?" Inusig ni Lola Dorothy ang binatang apo.
"I'm sorry, Lola. May iniisip lang ako." Dinampot niya ang linen napkin at idinampi sa bibig.
Wala siyang gaanong ganang kumain. Halos pulos alak lamang ang kanyang nainom.
Napuna niyang gayundin ang babae. Halos hindi nito nagalaw ang pagkaing nakahain sa sariling pinggan.
Pulos tubig naman ang iniinom nito. Ni hindi pa nito tinitikman ang red wine na isinalin niya sa kopita, bilang katerno ng tenderloin steak.
"Is there something wrong with the wine, Janine... honey?" Ginaya ni Drake ang pautal na pagsambit nito sa pangalan niya at sa endearment na idinugtong ni Janine.
"Oh, n-nothing." Tarantang umiling ang babae.
Dinampot nito ang kopita at inilapit sa bibig. Ginawa ang tamang ritwal ng paglanghap bago ang marahang pagsimsim.
Katulad ni Janine, hindi ignorante sa alak ang impostor.
Napuna rin ni Drake ang pamumula ng mga pisngi nito. Isa pa iyon sa mga nakaka-intrigang katangian. Ngayon pa lamang siya nakatagpo ng isang babaeng may kakayahan pang mag-blush.
'I want to know what makes you tick, stranger,' bulong ni Drake sa sarili. Nakapagdesisyon na siya.
"Lola, maaga pa naman. Ipapasyal ko muna si Janine sa ilang bahagi ng plantasyon. Okey lang ba sa 'yong maiwan dito?"
"Of course naman, iho. Sanay akong mag-isa dito. Isa pa, maaga ang curfew ko ngayon, remember?"
"Salamat, Lola." Bahagyang namumutla ang babae ngunit hindi na niya pinuna. Ayaw niyang ipahalatang bistado na niya ito.
"Kumuha ka ng kahit anong maibabalabal, Janine... honey. Medyo malamig ang mga gabi namin dito kumpara sa Maynila."
Tumango ang babae. "Excuse me po, Lola Dorothy." Hindi peke ang paggalang nito sa matandang senyora.
"Sige, iha."
Nagsalita lang si Drake nang nakalayo na ang babae. "Bakit nagustuhan n'yo siya, Lola?" ang kuryosong tanong niya.
"Tunay na tao ang nobya mo, Drake."
Muntik nang mapangiti ang binata. Meron bang tunay na tao pero peke ang identidad?
"May panahon siya para sa isang matandang katulad ko at para sa isang alilang katulad ni Seling."
"Hindi alila ang turing natin kay Aling Seling," bawi ni Drake.
"Exactly, iho. Si Janine lamang ang nagpakita ng appreciation kay Seling."
"Well, masarap talagang magluto si Aling Seling."
"Ngayon ka rin lang nagdala ng nobyang mayroong gana sa pagkain, Drake."
"Hindi siya gaanong magana ngayon."
"Sino naman ang makakakain ng maayos kung palaging may nakatitig na nobyo?"
"Nakatitig ba ako?"
"Hay, iho, kulang na lang ay kainin mo na siya!"
Napahiya din si Drake sa kumento ng agwela. "I'm sorry, Lola. Hindi ko alam na halatang-halata na ako."
Humagikhik na parang tinedyer ang senyora. "Naalala ko tuloy ang iyong Lolo David nung nagliligawan pa lang kami. Magkatulad kayo ng istilo, iho."
Napakamot sa ulo ang binata. "Hindi ako marunong mangharana, Lola."
"Ang ibig kong sabihin ay pareho kayong simbilis ng kidlat," salo ng senyora. Nangingislap ang kapilyahan sa mga mata.
"Lola Dorothy, masyado kayong maraming nakikita." Napapatawa na rin si Drake.
Medyo sumeryoso na ang matandang babae. "Gusto ko na si Janine para sa 'yo, iho. Kung anuman ang magiging pagkukulang pa niya, I'm sure, madali na niyang matututuhan."
"We will see, Lola. Ako ang magpapakasal sa kanya, so, marami pa akong gustong malaman at matutuhan sa kanya."
"Pero payag ka nang maging engaged kayo?"
"May magagawa pa ba ako para baguhin ang announcement n'yo?" ang masuyong panunudyo ni Drake. "Just don't push your luck too much, grandmother dear. Don't put an exact wedding date yet. Sa amin pa rin ang desisyon tungkol sa bagay na 'yan."
"Okey. Igagalang ko ang kagustuhan mo, iho, pero 'wag mo sanang kalilimutang maikli na lang ang natitira sa buhay ko, ha?"
Tumindig ang matandang babae kaya maliksing tumayo ang binata. "Aakyat na kayo, Lola Dorothy?"
"Hindi. Pupuntahan ko si Seling sa kusina. 'Wag mo na akong samahan. Hintayin mo na lang ang nobya mo."
"Napasama ko ba ang loob mo, Lola?"
Ngumiti ang matanda bagamat medyo matamlay na kaysa dati. Nabawasan ang sigla nito dahil walang kasiguruhan ang relasyong Drake at Janine.
"Of course not, iho. Napagod lang siguro ako dahil sobrang maalinsangan ang panahon ngayong maghapon. Matutulog na lang ako nang maaga para bukas ay masigla na uli. So, I'll say goodnight to you now. 'Wag mong pupuyatin nang husto si Janine, ha?"
"Okey, Lola." Ginawaran ni Drake ng magaan na halik ang isang kulubot na pisngi ng agwela at inihatid ng tingin ang maingat na paghakbang patungo sa likurang bahagi ng villa.
Nag-iisip pa rin siya hanggang sa dumating si Janine. Iba na ang sumpong niya nang muling makaharap ang babae.
E, ano ba kung impostor lang ito? Ang mahalaga lang ngayon ay ang kasiyahan ni Lola Dorothy.
Bata pa naman siya. Maraming pera. Puwede niyang ipa-annul ang kasal kahit na anong oras, hindi ba?
"B-bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?" Napaatras ang pekeng Janine nang humakbang palapit si Drake.
"Sorry," bawi agad ng binata. "I didn't mean to frighten you."
"Uhm, n-nasaan si Lola Dorothy?"
"Nasa kusina. Ipinagpaalam na kita sa kanya. Halika na." Inilahad ni Drake ang isang kamay. Medyo natural na ang ngiti sa bibig niya ngayong may nabuo nang pasiya sa kanyang isipan.
Puno ng pag-aalinlangan ang pagtanggap ng babae sa kamay niya. Ikinayamot iyon ni Drake kaya sinadyang higpitan ang paghawak.
"Ouch!"
Narinig na naman niya ang kakatwang puntong panaka-nakang lumilitaw sa pagsasalita ng babae. Laluna kapag nag-i-Ingles. Para bang nanggaling sa ibang bansa.
"Sorry," sambit ni Drake pero hindi binitawan ang kamay.
"S-saan ba tayo pupunta?"
"Ipapasyal kita."
"M-may makikita pa ba tayo sa dilim?" Halatang gustong tumutol.
"Kabilugan ng buwan ngayon. Marami tayong makikita."
"Katulad ng mga kapre at tikbalang," salo ng babae pero may bahagyang ngiti na sa bibig.
"Naniniwala ka pa sa mga 'yon?"
"Nung maliliit na bata pa kami, ang mga 'yon ang ginagawang panakot sa baryo."
"Baryo?" ulit ni Drake.
Natigilan sandali ang babae bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Sa isang liblib na baryo ako lumaki," pagtatapat nito.
Hindi sa lolo't lolang mayaman, na katulad ng ikinukuwento ni Janine. Sino ka, babae?
"May mga baryo din dito sa loob ng plantasyon. Halos isang buong bayan ang sinakop ng mga lupain ng Familia Mendrez kaya bumuo na kami ng mga baranggay upang may mapagkilanlan ang mga lugar at mga tao."
"Nakakalula pala ang hinahawakan mong responsibilidad. Napakahirap din palang maging mayaman at makapangyarihan."
Napuna ni Drake ang pormalidad sa tono ng babae. Para bang idinidistansiya na ang sarili sa kanya.
No way, stranger.
"Hindi naman gaanong mabigat dahil ang bawat isa sa plantasyon ay ginagampanan ang tungkuling nakaatang. Ang kapangyarihang tinatamasa ko ay ang mga tauhan rin namin ang nagbigay dahil itinuturing nila akong pinuno," ang mahabang paliwanag ni Drake.
Ayaw niyang bitawan ang ligtas na paksa upang hindi matuksong usigin na agad ang impostor.
Hindi na kumibo ang babae nang nakasakay na sila sa owner-type jeep. Hinapit nito sa katawan ang manipis na cotton jacket.
Ang naturang dyip ang nagsimulang magbigay ng suspetsa kay Drake. Inasahan niyang magrereklamo si Janine sa gusgusing hitsura ng sasakyan.
Kaya gayon na lang pagtataka niya nang ni hindi man lang pumiyok ang babae kahit ibinalibag pa niya sa likod ang maleta nito.
Ang labis na pagkabigla nito sa paglitaw niya sa airport ay understandable pa dahil ang alam nga ay nasa Japan siya.
"May mga nagtatrabaho pa din kahit gabi na?" ang namanghang puna ng babae habang nagdaraan sila sa mga hilera ng mga greenhouses. Aninag sa labas ang mga hugis ng mga taong nasa loob.
"Mas maalwang magtrabaho sa gabi dahil maginhawa na ang klima," ang maikling paliwanag ni Drake.
Muling natahimik ang babae.
Malayu-layo na ang tinatakbo ng dyip nang magsalita uli ito. "Saan tayo pupunta?"
"Sa homestead."
"B-bakit--?" Hindi naikubli ang panic na biglang umalsa.
"Bakit nagtatanong ka pa, Janine... honey?" panunudyo ni Drake.
"Please, don't tease me," pakiusap ng babae. Medyo napaos na ang boses dahil sa takot ngunit lalong nagpaseksi sa pandinig ni Drake.
"I'm not teasing you, my dear fiancee. Bakit nagtatanong ka pa? Mahirap bang hulaan ang dahilan kung bakit gusto kitang solohin?"
Tila lalong humigpit ang pagkakayapos ng babae sa sarili. Pilit na itinatago ang pagkasindak.
Nakaramdam ng awa si Drake ngunit sumidhi rin ang alab ng pagkasabik.
Ngayon pa lamang nadidiskubreng mas gusto pala niya ang isang babaeng medyo pakipot at pinipilit-pilit pa kaysa sa sobrang mapagbigay at masyadong palaban.
Nakakasiguro na siya ngayong hindi si Janine ang babaeng nagpakilalang nobya.
Ngunit ayaw nang huminto ni Drake.
'God, I want to be reckless tonight!'
Sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, ngayon lang siya mawawalan ng ingat. Gusto niyang makasiping ang isang estranghera ngayong gabi.
Bahala na bukas...
CHAPTER EIGHT 'ANO'NG gagawin ko?' bulalas ni Caitlyn sa sarili.Wala sa script ni Janine ang isang love scene. O rape scene. Lalaban ba siya? O magpapaubaya? Alinman sa dalawa ang kanyang gawin, agrabyado pa rin si Caitlyn.Kahit hutok sa ehersisyo ang mga biyas, mas superyor pa din ang lakas ni Drake. Tiyak na matatalo lang siya kapag nagpambuno sila.Kapag nagpaubaya naman siya, tiyak na hindi lang ang katawan niya ang maaangkin ni Drake. Pati siguro ang kaluluwa ay maibibigay na niya! Higit sa lahat, iyon ang ikinatatakot ni Caitlyn. Ang mawalan ng
CHAPTER NINE NANG magkamalay si Caitlyn, nakahiga na siya sa mahabang sopa at nakatunghay ang nag-aalalang mukha ng makisig na lalaki. Maliksi nitong inalalayan ang kanyang pagbangon. "You're so cold." Ginagap ni Drake ang mga kamay na nagyeyelo. "Drink this." Isang baso ang maliksing inilapit sa bibig niya. Kusang nilunok ng dalaga ang likidong nasa baso. Napaubo siya nang manghapdi ang naninikip na lalamunan. Alak pala ang nalagok niya. "Are you okey?" Pinilit tumango ni Caitlyn matapos ibaling ang ulo palayo sa baso. Lalong nangapos ang kanyang hininga.&nb
CHAPTER TEN NAGMISTULANG kidnap victim nga si Caitlyn sa Mendrez Plantation. Naging anino niya si Drake. Sa loob lang ng banyo hindi nakabuntot.Tila wala nang paraan upang makalaya. Makakaalis lang siguro siya doon kung makukumbinsi niya ang tagabihag! Ang tanging pampalubag-lubag sa imposibleng sitwasyon ay ang di-matatawarang kaligayahan ni Lola Dorothy, bilang reaksiyon sa ibinalita ng binatang apo tungkol sa pagpapakasal nila sa isang buwan. "Hay, salamat sa Panginoon! Natupad na ang aking pangarap!" Magkasalikop pa ang mga palad, habang pausal na sinasambit ang pasasalamat. Matamis ang ngiti sa kulubot na bibig ngunit may luha sa mga mata. “Napakagandang regalo ang ibinigay n’yo sa akin, mga apo!”&nbs
CHAPTER ELEVEN:Marahang bumangon si Drake. Nakadapa si Caitlyn, paharap sa kanya. Maamo ang mukha. Parang inosenteng anghel na natutulog.Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. God, uhaw na uhaw siya!Tinawagan niya si Lola Dorothy. Nagpaalam na dito lang sila ni Caitlyn sa homestead.At doon nga lang silang dalawa. Hanggang sa gumabi, hindi siya nagsasawa sa paulit-ulit na pag-angkin kay Caitlyn.Hanggang sa makatulog ito dahil sa pagod.Dahil ba tutol pa rin ito na makasal sila? Gayong nagpapaubaya naman?Hindi niya maintindihan ang babaeng ito. Kakaiba kay Janine. Kakaiba sa sinumang babaeng nakilala.O dahil ito lang ang pumukaw sa kanyang pagnanasa. Ibinintang niya sa babae na addict ito sa kanya gayong siya ang higit na addict.Masamyo lang niya ang natural na amoy ng balat nito, nababaliw na siya. Parang gusto niyang ikulong sa kuwarto ang babae kasama niya.Na ginawa niya ngayon…
CHAPTER TWELVELUMIPAS ang dalawang araw. Walang tawag na natanggap si Caitlyn kay Drake.Pero sigurado siyang tumatawag ito sa agwela. Kaya imbes na pag-aalala ang nadama, naghihinanakit siya.Pagkatapos ng mga pinagsaluhan nila, itatapon siya na parang basahan.Alam niyang exaggerated ang iniisip niya. Alagang-alaga siya ni Lola Dorothy. Tunay na apo na ang turing nito sa kanya.Ngunit si Drake, ni-ha ni-ho ay wala.Nangulila na agad siya kapag nakahiga sa kama. Hinahanap-hanap na niya ito.“Iha, mamili ka sa mga ito.”Nabuglawan niya si Lola Dorothy sa hardin. Nakalatag sa harapan nito ang ilang pares ng rubber shoes. Luma na pero malinis at tila size ni Caitlyn.“Magkasukat po yata tayo ng paa, Lola Dorothy.” Nahawa siya. Nakatawa rin nang lumapit.“Narito rin ang ilang uniporme ko sa pagiging player.” Parang batang tuwang-tuwa si Lola Dorothy.
The Fake WifeSYNOPSISUlila na si Catherine at ang mga nakababatang kapatid ay mga responsibilidad niya. Dahil sa pagnanais na magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya, pumayag siyang magpanggap na asawa ng isang mayamang pintor.Anong klaseng parusa ang nararapat sa isang manlolokong katulad niya? Hindi pa ba sapat ang paghihirap ng puso niyang natutong umibig sa isang lalaking hindi na malaya?* * *CHAPTER ONE Magulo. Mabaho. Maingay.Ang mga katagang iyon ang eksaktong maglalarawan sa lugar na inuuwian ni Catherine. Isang squatters’ area na nakakalumpon sa magkabilang panig ng isang malawak sanang estero kundi nabubulunan sa dami ng sari-saring basura.Nakatambak rin ang nangangalingasaw na basura sa isang panig ng makipot na eskinita patungo sa tinutuluyang bahay.Ang istilo ni Catherine ay huminga nang malalim upang hindi niya masinghot ang lahat ng
CHAPTER TWODahil si Catherine lang ang okupante sa ilalim ng waiting shed, nagulat siya. "Hindi po ako si Arminda, ma'am," tanggi niya habang umiiling. Kusang umaatras palayo ang mga paa niya habang nakatitig sa estranghera.Kumurap-kurap ang ginang na halatang maykaya sa buhay. Makapal ang meyk-ap nito kaya naitago ang karamihan sa mga wrinkles sa mukha. May kulay na ash blonde ang maikling buhok. Ang bestido at ilang mga alahas na suot sa medyo bilugang katawan ay pulos mamahalin."H-hindi ikaw si Arminda?" Unti-unting nabura ang matinding excitement sa mukha nito. Parang nanlulumo."Misis? Napap'ano po kayo?" Napansin ni Catherine na tila mawawalan ito ng malay-tao dahil sumuray sa pagkakatayo. Agad niyang nahawakan ito sa isang braso bago tuluyang matumba."Ooh! Ang akala ko'y tapos na ang paghahanap ko!" ang pa-daing na sambit ng ginang habang sinasapo ng isang kamay ang noo."Dito po muna kayo maupo," ani Catherine habang marahang igi
CHAPTER THREE ANG unang ginawa ni Auntie Mina ay ang paglilipat nito sa kanilang lahat sa isang condominium unit. Wala silang dinalang gamit, maliban sa mga librong pag-aari ng public school na pinapasukan ng mga kapatid. "Bibili kayo ng lahat ng mga kailangan n'yo," wika ng matandang dalaga. "Ma-mi-missed ko kayo," ani Marita sa kanila, maluha-luha. "Hmm, ikaw ba si Marie?" sabad ni Auntie Mina. "E, o-opo," ang tarantang tugon ni Marita. "Sasama ka sa kanila, Marie," pahayag nito. Nanlaki ang mga mata ni Marita. "E, hindi naman po ako kapatid ni Catherine," paliwanag nito, kandautal. "Pero gan'on ang turing nila sa 'yo, I'm sure," pakli nito. "Kaya sasama ka." Gulat na gulat ang kaibigan ni Catherine. "P-pati po ako?
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya