CHAPTER FIVE:
ISANG matandang babae ang parang reynang nakaupo sa isang silyang tila trono ang disenyo at yari. Regal ang hubog ng ulo at ang tuwid na mga balikat at likod. Diretso at nang-aarok ang paraan ng pagtitig.
Puno ng pangamba ang kalooban ni Caitlyn habang papalapit sila ni Drake sa naghihintay na agwela.
"Lola Dorothy," ang masiglang sambit ng lalaki. "Nainip ka ba?" Hinagkan nito ang isang kulubot at butuhang pisngi.
"Hindi naman. Puntahan mo si Seling at sabihing puwede na niyang ilabas ang mga pagkain dito." Nakangiti si Senyora Dorothy Mendrez habang nagbibigay ng instruksiyon sa apo.
Bahagyang nabawasan ang init nang bumaling sa gawi ni Caitlyn. "Iha, halika. Dito ka maupo sa tabi ko."
Pinuwersang ihakbang ni Caitlyn ang mga paa upang pagbigyan ang kahilingan ng matandang babae.
"Salamat po," sambit niya habang nauupo sa silyang tinapik ng isang kulubot na kamay.
"Ikaw si Janine Del Praño, ang modelo?"
Halos mag-alangan sa pagtango si Caitlyn. Para kasing alam ng kaharap na isa siyang impostor.
"O-opo."
"Hmm, hindi ka pa pala binibigyan ng singsing ng apo ko?" sambit nito habang nakatitig naman sa mga daliri niya.
Napadako rin doon ang paningin ni Caitlyn.
At gayon na lang ang pagkadismaya niya nang mapagtantong ang mga kamay pala nila ni Janine ay may napakalaking pagkakaiba. Worker's hands ang mga kamay ni Caitlyn.
Makalyo ang mga palad at medyo bukul-bukol ang hubog ng mga daliri.
Hindi katulad ng mga kamay ni Janine na malalambot at makikinis. Mahahaba at hubog-kandila ang mga daliri.
"Er, h-hindi pa po," ang alanganing tugon niya.
"Maaari mo bang isukat ito para sa akin?" Hinugot ng senyora ang wedding ring na yari sa lantay na ginto ngunit antigo na ang disenyo at anyo.
Nanginginig si Caitlyn nang isuot ang naturang singsing sa isang daliri.
"Aba, kasyang-kasya, a?" Tila siyang-siya ang matandang babae habang sinisipat ang perfect fit ng wedding ring sa daliring palasingsingan ni Caitlyn. "Pareho pala tayo ng ring size, iha."
"O-opo." Pilit ang ngiti ni Caitlyn habang marahang hinuhugot ang singsing.
Dapat ay natutuwa siya, hindi ba? Tila natanggap agad ni Senyora Dorothy si Janine bilang nobya ng apo.
Buong ingat na isinuot niya ang singsing sa daliri ng may-ari.
"Kumusta ang biyahe mo, iha?" Magiliw na ang tono ni Senyora Dorothy nang muling magsalita.
"Okey lang po."
"Nalayuan ka ba?"
"Hindi naman po."
"Kumusta naman ang impresyon mo sa plantasyon?"
"Maunlad po."
"At sa Villa Mendrez?"
"Very impressive po, Senyora." Tiyak na ang tono ni Caitlyn bagama't matipid pa rin.
Tumangu-tango si Senyora Dorothy. "Ang gusto kong itawag mo sa akin ay Lola Dorothy. Maaari ba?"
Nanlaki ang mga mata ni Caitlyn. Naumid ang kanyang dila dahil sa pagkabigla.
"Baduy ba? Sige na nga, papayag na akong magpatawag ng Grandma," dugtong ng matanda nang hindi kumibo ang dalaga.
"M-mas bagay po ang Lola Dorothy," agap niya, kahit pautal. "S-salamat po, Lola Dorothy," dagdag niya, sa tonong puno ng damdamin.
"Salamat din, iha. Natutuwa ako dahil pinili mong pumunta dito kaysa sa Paris."
Parang mahihirinan si Caitlyn kapag nagsinungaling sa matandang babae kaya tumango at ngumiti na lamang siya.
"Mukhang nagkakasundo na kayong dalawa, a?" ang masuyong pambubuska ni Drake habang papalapit sa kinauupuan nina Lola Dorothy at Caitlyn.
"Gusto ko ang nobya mo, iho. Prangka at natural siya."
Prangka at natural? Si Janine? tanong ni Caitlyn sa sarili. Puro kasinungalingan ang sinasabi niya.
Tumawa ang lalaki. Para sa mga mata lang niya ang pagdududang nakabahid sa maluwang na ngiti.
"Thank you, Lola," sambit ni Drake. "Siyanga pala, kasunod ko na sina Aling Seling."
"Good. Maupo ka na, iho."
Lihim na natuwa si Caitlyn nang ang katapat na silya ang tinapik ng matanda. Tiyak na wala na siyang maikikilos na tama kung nagkatabi sila ni Drake!
Naging maayos naman ang naging takbo ng unang pananghaliang iyon. Masigla at magiliw si Lola Dorothy habang nagkukuwento tungkol sa kabataan ng binatang apo at tungkol sa sariling kabataan.
Medyo naging seryoso na ang tono nang tungkol na sa mga nagdaang henerasyon ng Familia Mendrez ang paksa.
"Treinta'y kuwatro na si Drake, pero wala pa rin ang susunod na salinlahi. Labis na akong nag-aalala dahil napakaikli na lang ng panahong ilalagi ko dito sa mundo. Gusto ko sanang makita ang mga susunod na tagapagmana ng Mendrez Plantation bago ako mamatay."
"Lola Dorothy, matutupad ang kagustuhan mo," ang tiyak na pahayag ni Drake.
"Sa sandaling matagpuan ko na ang babaeng nararapat na magdala ng apelyido natin--at ng sanggol ko sa sinapupunan niya." Mistulang balaraw na nang-aarok ang mga titig ng lalaki sa mga mata ni Caitlyn.
"Ano'ng masasabi mo, iha?" tanong ni Lola Dorothy makalipas ang sandali ngunit makapal na katahimikan.
"I-ikararangal ko po--kung magiging karapat-dapat po ako," ang mapagkumbabang tugon ng dalaga.
Parang batang pumalakpak ang senyora. "Mabuti, mabuti! Ay, iho! Napakagaling mong pumili ng nobya!" papuri pa sa apo.
"Salamat, Lola." Awtomatiko ang tugon ni Drake. Sarado ang ekspresyon. Tila hindi ito makapaniwala habang nakatitig pa rin kay Caitlyn.
"Bukas ng gabi, sa mismong kaarawan ko, gusto kong ipahayag mo ang petsa ng inyong kasal ni Janine."
Kumiling ang ulo ni Drake. "Malalaman natin 'yan bukas ng gabi, Lola Dorothy," wika nito. Walang commitment sa kaswal na tono. "Ano'ng dessert n'yo? Leche flan o buco pandan?"
"Er, buco pandan." Matagal na nawala sa Pilipinas si Caitlyn kaya hindi niya napigil ang pagkasabik.
"Ako rin, apo," gagad ni Lola Dorothy.
"You left your diet in Manila, hmm?" panunudyo ni Drake bago inilapag sa harapan ng dalaga ang isang glass bowl ng buko at berdeng gulaman na lumalangoy sa malapot na gatas.
Pinanood rin nito ang maganang pagkain niya ng chicken barbeque with acharang papaya, pork mechado at beef caldereta na iniulam sa isang pinggang umuusok at mabangong kanin.
Nagkibit-balikat lang si Caitlyn habang dinadampot ang kutsarita. Wala siyang problema sa timbang.
Kahit gaano karami pa ang kainin niya, natutunaw namang lahat kapag nagba-basketball at nag-gi-gym siya. Gayundin sa maghapong pagtatrabaho sa folding at ironing room ng laundry business nila sa San Jose.
"Tiyak na matutuwa si Seling kapag nalamang nagustuhan mo ang lahat ng mga inihanda niya, iha," ang tuwang-tuwang wika ni Lola Dorothy.
"Napakasarap po palang magluto ni Aling Seling," papuri ni Caitlyn. "Gusto kong magpaturo sa kanya." Ang nasa isip niya ay makapag-uwi ng ilang putahe ng katutubong ulam para ipasalubong sa mga magulang.
"Mahilig ka palang magluto?" tanong ni Drake.
Naalala ni Caitlyn ang pagka-disgusto ni Janine sa kusina at sa pagluluto kaya umiling siya.
Nabawasan rin ang enjoyment niya sa pagkain kaya hindi naubos ang laman ng dessert bowl.
"Mahilig akong mag-eksperimento," pagsisinungaling niya. "Wala kasing hilig ang pagluluto sa akin," dagdag pa niya.
"Marami kang panahong magpaturo kapag mag-asawa na kayo ni Drake," salo ni Lola Dorothy.
Bahagyang namula ang mga pisngi ni Caitlyn nang mapasulyap sa binata.
Nakatitig ito sa mayamang umbok ng dibdib niya na natatakpan ng manipis at hapit na tela ng puting blusa. Aninag rin ang suot niyang white lace brassiere.
Maya-maya'y humakab na rin ang kambal na koronang nagpahiwatig sa pagkapukaw ng katawan niya.
Dali-daling ipinagpag ng dalaga ang linen napkin na nakalatag sa kandungan upang matakpan ang dibdib.
Tumawa nang patudyo ang lalaki. Ginagad siya. Dinampot rin ang linen napkin at ipinagpag.
"Ipasyal mo sa paligid si Janine habang nagsi-siesta ako, Drake," utos ng matandang babae. Walang kamalay-malay sa sexual tension na umusbong sa pagitan ng dalawang kasalo sa hapag-kainan.
"Dadalhin ko siya sa homestead, Lola."
Kumabog ang dibdib ni Caitlyn nang marinig ang sinabi ni Drake. Nahulaan agad niyang may ibang binabalak gawin ang lalaki.
"Uhm, g-gusto ko sanang mag-siesta rin, katulad ni, er, Lola Dorothy, Drake... darling," ang lakas-loob na pahayag niya.
"Mas magandang ideya 'yan, iha. Pasensiya ka na, hindi ko naisip na baka pagod ka pa sa biyahe. Halika, magsabay na tayo sa pag-akyat sa itaas." Umabrisiyete ang matandang babae sa isang braso ni Caitlyn upang isabay sa paglakad patungo sa hagdanang marmol.
"Magkita-kita na lang tayo mamayang hapon, Drake."
Sumabay rin sa Drake sa kanila. "May sasabihin ako kay Janine, Lola," wika nito nang makarating na sila sa tapat ng kuwarto ni Caitlyn.
"Okey. See you later, iha." Kumaway pa sa dalaga ang senyora bago nagpatuloy sa paglakad, papunta sa isang kuwartong nasa gawing dulo ng koridor.
"Maaari bang tumuloy?" ang pormal na hiling ni Drake nang mapag-isa na sila.
Animo robot ang pagkilos ni Caitlyn dahil naninigas ang mga biyas niya, sanhi ng matinding tensiyon.
"Bakit parang natatakot ka?"
"P-pagod lang ako," bawi niya. "A-ano'ng gusto mong pag-usapan natin?"
Nagtapang-tapangan siya kahit namumutla ang mga pisngi at tuyung-tuyo ang loob ng lalamunan niya.
'Oh, God, bistado na ba ako?' usal niya sa sarili.
"Pumasok muna tayo."
Paatras na humakbang papasok sa loob ng silid si Caitlyn. Hindi inaalis ang mga mata kay Drake. Pilit na binabasa ang saradong ekspresyon.
"D-Drake..." Hindi makahinto sa pag-atras ang dalaga dahil patuloy sa paglapit ang matangkad na lalaki matapos itulak pasara ang dahon ng pinto. Nakatitig pa rin sa kanya ang mga matang nanunuri.
"Drake!" Napabulalas si Caitlyn nang masukol na siya sa isang panig ng maluwang na silid. Nakasandal na sa matigas na dingding ang likod niya.
Saka lang nagsalita ang lalaki. "Ano'ng klaseng gayuma ang ginamit mo kay Lola Dorothy?" pang-uusig nito.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo," tugon niya.
"Ano'ng sinabi mo sa kanya?"
Umiling si Caitlyn. "W-wala."
Binihag ng mahahabang daliri ang magkabilang pisngi niya upang hindi niya maiiwas ang mga mata.
"Pihikan si Lola Dorothy. Hindi basta-basta nahuhulog ang loob niya sa tao, lalo't bagong kakilala pa lang. Paano mo siya napaamo sa loob lang ng maikling panahon?"
Pinilit isipin ni Caitlyn ang naging tagpo nila ni Senyora Dorothy kanina.
"N-nagtanong lang siya tungkol sa biyahe. Itinanong rin niya ang impresyon ko sa plantasyon at sa Villa Mendrez."
"Gan'on lang?"
"O-oo."
"Wala kang sinabi tungkol sa relasyon nating dalawa?"
"A-alam niyang magnobyo tayo, hindi ba?"
"Hindi niya alam na mag-lovers na tayo."
"O-oh..." Agad na ibinaling ng dalaga ang mukha dahil nag-aapoy na ang mga pisngi.
"Oh, indeed," panunuya ni Drake. "Pangungunahan lang kita, Janine. Ayoko ng dinadaan ako sa bilis. Kapag nalaman kong nag-imply ka kay Lola na buntis ka na sa akin--simbilis ng kidlat ang pagtalsik mo palabas dito. Maliwanag ba?"
"M-maliwanag." Nanlalaki ang mga mata ni Caitlyn. "Hin-hindi ko ginawa 'yan, Drake," tanggi niya. Nanginginig ang tinig.
"Isa pa," dagdag ng lalaki, paasik. "Dumistansiya ka muna kay Lola. Ayokong mahulog nang husto ang loob niya sa 'yo."
"K-kung gusto mo, puwede akong lumipat sa isang hotel--"
"Papayag kang lumipat sa ibang lugar?" paniniguro ni Drake.
"P-para sa ikakatahimik ng isipan mo." Pinuwersa niya ang sariling makipagtitigan sa lalaki kahit parang napapaso na pati ang kaluluwa.
Naunang sumuko si Drake. Padaskol itong lumayo at tumalikod sa dalaga. Sinabunutan ang sarili habang matamang nag-iisip.
Nang muling humarap, bahagya nang nakangiti ang sensuwal na bibig. Naglaho na ang pagdududang nakabadha sa simpatikong hubog ng mukha.
"I'm sorry for that silly outburst, Janine honey." Malambing na ang baritonong tinig. "Nagseselos lang siguro ako. I didn't expect na magiging magkapalagayang-loob agad kayo ni Lola Dorothy. Can you forgive this very insecured fiance of yours?"
"F-fiance?"
Marahang tumango ang lalaki. Tila puno ng pag-ibig ang mga matang nakatitig sa mukha ni Caitlyn.
"We shall announce our formal engagement tomorrow night--katulad ng gusto ni Lola Dorothy. Bukas, bibigyan kita ng engagement ring, Janine honey."
Hindi nakadama ng kasiyahan si Caitlyn. Bagkus ay parang nagseselos na rin siya.
Paano'y para kay Janine lang ang kaligayahang idinulot ng desisyon ni Drake Mendrez.
A, kung puwede lang pabilisin ang pagtakbo ng mga oras! Sana'y matapos na agad ang tatlong araw!
CHAPTER SIX GAMIT ang celfone, tinawagan ni Caitlyn si Janine sa condo unit, ngunit walang sumasagot. Baka nasa salon pa ang kakambal. O kaya'y nakalipad na patungong Paris. Gusto na sana niyang umalis sa plantasyon kaya tinatawagan ang kapatid. Ayaw na niyang magpatuloy sa pagpapanggap.Gusto na niyang bumalik sa San Jose, kungsaan ang buhay ay simple at walang kumplikasyon. 'Ayoko ring mahulog nang husto ang loob ko sa 'yo, Drake Mendrez!' bulalas niya habang yapus-yapos ang sarili. Hindi inasahan ni Caitlyn ang sumunod na ginawa ng lalaki matapos ibalitang bibigyan ng singsing si Janine bukas ng gabi.Bigla na lang siyang sinambitla ng mahigpit na yakap at ginawar
CHAPTER SEVEN HABANG naghahapunan, muli na namang pinagmasdan ni Drake ang nobyang tila naging estranghera sa kanyang pakiramdam. Maikling panahon pa lamang niyang nakasama si Janine Del Praño ngunit may natandaan na siyang mga katangian at kapintasan ang bagong girlfriend.Ang mga nagustuhan niya ay ang pagiging malambing, karinyosa, sensuwal, at intelihente.Ang mga kapintasan naman ay pihikan sa pagkain, matapobre, mapaghanap, at masyadong mahilig sa alak. Handa siyang i-overlook ang mga kapintasan, basta't makapasa lang ang babae sa pihikang panlasa ni Lola Dorothy--at sa ilang personal na pagsubok niya. Ngunit paano nga kung isang impostor naman ang dumad
CHAPTER EIGHT 'ANO'NG gagawin ko?' bulalas ni Caitlyn sa sarili.Wala sa script ni Janine ang isang love scene. O rape scene. Lalaban ba siya? O magpapaubaya? Alinman sa dalawa ang kanyang gawin, agrabyado pa rin si Caitlyn.Kahit hutok sa ehersisyo ang mga biyas, mas superyor pa din ang lakas ni Drake. Tiyak na matatalo lang siya kapag nagpambuno sila.Kapag nagpaubaya naman siya, tiyak na hindi lang ang katawan niya ang maaangkin ni Drake. Pati siguro ang kaluluwa ay maibibigay na niya! Higit sa lahat, iyon ang ikinatatakot ni Caitlyn. Ang mawalan ng
CHAPTER NINE NANG magkamalay si Caitlyn, nakahiga na siya sa mahabang sopa at nakatunghay ang nag-aalalang mukha ng makisig na lalaki. Maliksi nitong inalalayan ang kanyang pagbangon. "You're so cold." Ginagap ni Drake ang mga kamay na nagyeyelo. "Drink this." Isang baso ang maliksing inilapit sa bibig niya. Kusang nilunok ng dalaga ang likidong nasa baso. Napaubo siya nang manghapdi ang naninikip na lalamunan. Alak pala ang nalagok niya. "Are you okey?" Pinilit tumango ni Caitlyn matapos ibaling ang ulo palayo sa baso. Lalong nangapos ang kanyang hininga.&nb
CHAPTER TEN NAGMISTULANG kidnap victim nga si Caitlyn sa Mendrez Plantation. Naging anino niya si Drake. Sa loob lang ng banyo hindi nakabuntot.Tila wala nang paraan upang makalaya. Makakaalis lang siguro siya doon kung makukumbinsi niya ang tagabihag! Ang tanging pampalubag-lubag sa imposibleng sitwasyon ay ang di-matatawarang kaligayahan ni Lola Dorothy, bilang reaksiyon sa ibinalita ng binatang apo tungkol sa pagpapakasal nila sa isang buwan. "Hay, salamat sa Panginoon! Natupad na ang aking pangarap!" Magkasalikop pa ang mga palad, habang pausal na sinasambit ang pasasalamat. Matamis ang ngiti sa kulubot na bibig ngunit may luha sa mga mata. “Napakagandang regalo ang ibinigay n’yo sa akin, mga apo!”&nbs
CHAPTER ELEVEN:Marahang bumangon si Drake. Nakadapa si Caitlyn, paharap sa kanya. Maamo ang mukha. Parang inosenteng anghel na natutulog.Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. God, uhaw na uhaw siya!Tinawagan niya si Lola Dorothy. Nagpaalam na dito lang sila ni Caitlyn sa homestead.At doon nga lang silang dalawa. Hanggang sa gumabi, hindi siya nagsasawa sa paulit-ulit na pag-angkin kay Caitlyn.Hanggang sa makatulog ito dahil sa pagod.Dahil ba tutol pa rin ito na makasal sila? Gayong nagpapaubaya naman?Hindi niya maintindihan ang babaeng ito. Kakaiba kay Janine. Kakaiba sa sinumang babaeng nakilala.O dahil ito lang ang pumukaw sa kanyang pagnanasa. Ibinintang niya sa babae na addict ito sa kanya gayong siya ang higit na addict.Masamyo lang niya ang natural na amoy ng balat nito, nababaliw na siya. Parang gusto niyang ikulong sa kuwarto ang babae kasama niya.Na ginawa niya ngayon…
CHAPTER TWELVELUMIPAS ang dalawang araw. Walang tawag na natanggap si Caitlyn kay Drake.Pero sigurado siyang tumatawag ito sa agwela. Kaya imbes na pag-aalala ang nadama, naghihinanakit siya.Pagkatapos ng mga pinagsaluhan nila, itatapon siya na parang basahan.Alam niyang exaggerated ang iniisip niya. Alagang-alaga siya ni Lola Dorothy. Tunay na apo na ang turing nito sa kanya.Ngunit si Drake, ni-ha ni-ho ay wala.Nangulila na agad siya kapag nakahiga sa kama. Hinahanap-hanap na niya ito.“Iha, mamili ka sa mga ito.”Nabuglawan niya si Lola Dorothy sa hardin. Nakalatag sa harapan nito ang ilang pares ng rubber shoes. Luma na pero malinis at tila size ni Caitlyn.“Magkasukat po yata tayo ng paa, Lola Dorothy.” Nahawa siya. Nakatawa rin nang lumapit.“Narito rin ang ilang uniporme ko sa pagiging player.” Parang batang tuwang-tuwa si Lola Dorothy.
The Fake WifeSYNOPSISUlila na si Catherine at ang mga nakababatang kapatid ay mga responsibilidad niya. Dahil sa pagnanais na magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya, pumayag siyang magpanggap na asawa ng isang mayamang pintor.Anong klaseng parusa ang nararapat sa isang manlolokong katulad niya? Hindi pa ba sapat ang paghihirap ng puso niyang natutong umibig sa isang lalaking hindi na malaya?* * *CHAPTER ONE Magulo. Mabaho. Maingay.Ang mga katagang iyon ang eksaktong maglalarawan sa lugar na inuuwian ni Catherine. Isang squatters’ area na nakakalumpon sa magkabilang panig ng isang malawak sanang estero kundi nabubulunan sa dami ng sari-saring basura.Nakatambak rin ang nangangalingasaw na basura sa isang panig ng makipot na eskinita patungo sa tinutuluyang bahay.Ang istilo ni Catherine ay huminga nang malalim upang hindi niya masinghot ang lahat ng
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya