CHAPTER THREE:
KINABUKASAN, nakasakay na naman sa eroplano si Caitlyn. Patungong Zamboanga naman.
"May malawak na pineapple at durian plantation ang Familia Mendrez ng Zamboanga. Nandoon ang ancestral house na tinitirhan ng lola ni Drake," ang mabilisang pagkukuwento ni Janine habang nakasakay sila sa taxing patungong domestic airport.
"Sabi ni Drake, may sarili din daw kapilya ang plantasyon. Malamang na doon kami ikasal dahil napaka-tradisyunal ng kanyang lola."
"Er, ano ba ang pangalan ng lola?" Parang na-attached na si Caitlyn sa agwela ng kasintahan ng kapatid dahil siya ay sabik na makilala ang sariling lolo at lola. Hindi pa rin siya itinuturing na apo dahil sa loyalty niya sa kanyang Inay.
"Ewan ko. Bahala ka nang tumuklas," pagwawalambahala ni Janine. "Siyanga pala, heto ang numero at kumpletong address ng plantasyon. Tumawag na ako kanina bago tayo umalis sa condo unit. Ulitin mo na lang ang pagtawag kapag wala pa ang sundo mo sa airport. Okey?"
"Okey, ate." Ibinulsa ni Caitlyn ang kapirasong papel na iniabot.
"Buweno, aalis na ako. May flight din ako mamayang hapon. Dadaan pa ako sa favorite salon ko kaya iiwan na kita ngayon. Bye! Pagbutihin mo, ha?" Binesu-beso ni Janine ang kakambal bilang paalam.
Naiwan si Caitlyn na napapamaang na naman. Paano'y ni hindi man lang siya sinamahan ng kapatid sa pagbili ng tiket sa eroplano!
Wala namang aberya ang maikling biyahe sa himpapawid na patungo sa ikatlong pulo ng bansang sinilangan. Eksaktong oras ng pananghalian nang lumapag ang eroplano sa tarmac ng airport.
Nagpatuloy ang pagkalibang ni Caitlyn sa mga nakikita sa paligid. Ngayon lang uli siya napalibutan ng mga kapwa-Pilipino. Masarap talaga sa pakiramdam ang nasa sariling bayan.
Unang-una'y hindi nakakangalay sa leeg dahil hindi kailangang tumingala nang tumingala. Halos singtaas lang niya ang mga taong nasa palibot.
'Siguradong hindi ako agrabyado sa basketbol dito,' bulong ni Caitlyn sa sarili.
Basketball ang paborito niyang sports sa San Jose kapag may libreng oras tuwing Linggo. Jogging at weightlifting naman sa gym sa gabi tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
"Ma'am, nandoon po ang baggage counter," ang magalang na pahayag ng airport security na napagtanungan. "Doon po lalabas ang inyong bagahe."
"Salamat po, sir." Ginantihan ng magalang na tono at matamis na ngiti ni Caitlyn ang courtesy ng kausap. Walang kamalay-malay na lalong tumingkad ang angking kariktan.
Namula nang husto ang lalaki. Tila napahiya pero halatang natuwa rin. Napakamot ito sa ulo nang pabulong na kinantiyawan ng kasamahan sa trabaho.
Bahagyang nagtataka si Caitlyn nang tumalikod at lumakad patungo sa baggage section.
Nang mamataan ang maletang ipinahiram ni Janine, biglang nakaramdam ng panic ang dalaga. Parang gusto niyang hablutin iyon at tumalilis pabalik sa Maynila. Naho-homesick na siya.
Nais na niyang umuwi sa San Jose. Ngunit kapag nagpatalo siya sa kahinaan, baka tuluyan nang lumayo sa kanila ang kapatid...
"Janine honey."
Nagtayuan ang maninipis na balahibo ni Caitlyn sa batok nang marinig ang baritonong tinig. Nakakakiliti ang bahagyang pagkapaos.
Si Drake darling? Nasa Japan si Drake, hindi ba?
Abut-abot ang pagkaba ng dibdib ni Caitlyn nang dahan-dahang luminga sa direksiyong pinagmulan ng boses na may puwersang nanghihigop.
"D-drake darling?!" Muntik na siyang pumiyak. "I--I'm surprised to see you." Ipinaliwanag niya ang pagkabigla dahil hindi magawang umarte nang natural.
"You should be, honey. This is a surprise."
Muntik nang mapatulala si Caitlyn nang sumilay ang mainit na ngiti ni Drake. Lalong tumindi ang sex appeal nito nang kumislap ang mga matang may bahid pa ng kapilyuhan at lumitaw ang mapuputing ngipin.
"S-so, hindi tutoong may tour ka sa Malaysia?" ang pautal na tanong niya.
"The trip was cancelled. Kahit ang biyahe ko sa Japan ay nakansela rin. Nagdumali akong bumalik dito nang tawagan ako ng nurse ni Lola Dorothy."
"Oh! Kumusta na si Lola Dorothy?" Natural ang simpatiyang bumahid sa tinig ni Caitlyn.
Ngunit tila naibahan si Drake Mendrez dahil napatitig pa muna ito sa kanya bago tumugon.
"Medyo okey na. Bawal ma-excite nang husto--kaya cancelled na rin ang malaking birthday party na pinlano namin para sa kanya." Dinampot ng lalaki ang luggage case na kulay peach nang makarating sa kanilang harapan. "Ito lang ba ang dala mo?"
Tumango si Caitlyn.
"I'm impressed. You're a quick learner, Janine honey."
Kahit hindi gaanong naintindihan kung tungkol saan ang papuri, nag-blush pa rin ang dalaga.
Muli tuloy napatitig si Drake sa kanya. "I've never seen you blushing before," wika nito bago kumibit ang isang malapad na balikat. "Must be the weather. Maalinsangan ang panahon namin ngayon dito sa Zamboanga. Tayo na. Nasa parking lot ang kotse." Nagpauna na ito sa paglalakad, bitbit ang malaking maleta.
Saka lang nakahinga nang maluwag si Caitlyn. Ngunit nangangatog pa rin ang mga tuhod niya nang magsimulang humakbang. Lalupang nanuyo ang lalamunan nang mapagmasdan ang matipunong katawan ni Drake Mendrez.
Nasa early thirties ang edad, maikli at medyo kulot ang buhok na itim na itim, malapad ang mga balikat, makitid ang beywang, pipis ang tiyan, maskulado ang mga bisig, mahahaba ang mga hita at binti.
Aristokratiko ang hubog ng mukha. Halatang may lahing mestizo dahil mamula-mula pa rin ang makinis na balat kahit sunog sa araw. Wala sa hitsura ng binata ang pagiging isang multi-millionaire dahil sa rugged attire.
Basa ng pawis ang likod at harapan ng asul na polong nakatiklop ang mahahabang manggas. Maputik ang gawing ibaba at puwitan ng kupasing maong na nakahakab sa matipunong balakang at mga biyas.
Isang maalikabok na owner-type jeep ang sasakyang nilapitan ng matangkad na lalaki. Nakakulapol ang makapal na putik sa mga gulong. Mayroon ding mga natuyong talsik sa mga upuan.
Bahagyang napangiwi si Caitlyn nang iitsa ni Drake ang maleta ni Janine sa likod ng dyip.
Pinukol siya ng sulyap ng binata. Tila nakikiramdam. Agad namang binura ng dalaga ang dismayadong ekspresyon. Walang nabanggit si Janine tungkol sa casual attitude ng nobyo kaya hindi niya alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon.
"How's your flight?"
"Tiring." Awtomatiko ang tugon ni Caitlyn. Ang nasa isipan ay ang mahabang biyahe mula sa San Jose. Huli na nang maalalang siya nga pala si Janine at sa Maynila lang siya dapat nanggaling.
Muling sumulyap sa kanya si Drake. Nakaupo na ito sa driver's seat. Naisuksok na ng isang kamay ang ignition key.
"I was only half-expecting your arrival," pagtatapat nito. "Alam kong mahalaga ang Paris trip."
Itinago ni Caitlyn ang pagkagulat. Alam pala ni Drake ang tungkol sa planong pagpunta ni Janine sa Paris?
"Thank you for coming here instead, Janine honey."
May gumapang na kilabot sa likod ni Caitlyn. Masuyo at paanas ang pagsasalita ni Drake Mendrez. Parang hinaplos ng mga daliri nito ang kanyang sensitibong balat.
"I--I'm glad I made you happy, Drake... darling." Muntik nang hindi matapos ni Caitlyn ang improvised dialogue na wala sa script na ibinigay ni Janine.
Ngunit itinuro ng kakambal ang pet name nito sa nobyo. Hindi kaya nagsinungaling lang ito nang sabihing wala sa plantasyon si Drake Mendrez?
Dahil kung sinabi ni Janine na daratnan niya ang leading man, tiyak na hindi papayag si Caitlyn na maging proxy sa leading lady, hindi ba?
A, wala nang buting idudulot ang mga ispekulasyon kaya dapat niyang ipunin--at panatilihing buo--ang kanyang wisyo!
Ngumiti ang lalaki bago pinaandar ang sasakyan. "Pasensiya ka na sa amoy-pawis ko. Maaga akong umalis kaninang umaga kaya nalaman ko ang tungkol sa long-distance call mo nung umuwi ako sa homestead para mag-lunch. Sa pagdudumaling masundo ka, hindi na ako nakapagbihis."
Homestead? Hindi ancestral house?
"O-okey lang." Sinarili ni Caitlyn ang mga katanungang nagsulputan sa isipan.
Gayundin ang mga personal impressions patungkol sa maskulinong kabuuan ng lalaki. Tila lalupang nakadagdag ang dishevelled appearance sa pagka-macho nito, sa raw sex appeal na parang gayumang bumibihag sa katinuan niya.
Ipinilig ng dalaga ang ulo bago ibinaling ang pansin sa labas ng bintana.
"Na kabaligtaran mo," patuloy ni Drake.
Dahil nagsalita ang lalaki, at siya ay nagpapanggap na kasintahan nito, napilitang luminga si Caitlyn.
"You look cool and interesting, Janine."
"Thank you." Pakunwari lang ang kalmang ipinamamalas niya. Gayundin ang ngiting nakaguhit sa mga labi. "Malayo ba dito ang homestead?"
"Hindi tayo sa homestead pupunta."
Napamaang si Caitlyn. "Saan?"
"Sa Villa Mendrez nakatira si Lola Dorothy," paliwanag ni Drake.
"Oh." Lihim na napahiya si Caitlyn. Meron naman pala talagang ancestral house.
"Pero hindi ako doon nakatira," dugtong ng lalaki, sa tonong patudyo.
"Oh? Saan ka nakatira?"
"Sa homestead."
Labag sa kalooban ni Caitlyn ang pagka-intrigang nadarama kaya pilit na nilunok bago maisatinig.
"Natuwa ka ba? O na-disappoint?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Hindi tayo makakapagsiping habang nandito sa plantasyon. Masyadong conservative si Lola Dorothy."
Naumid ang dila ni Caitlyn. At parang nag-apoy ang mga pisngi niya.
"You're blushing again!" bulalas ni Drake. Tila nasorpresa nang husto.
Walang maisip ikatwiran si Caitlyn. Sa katarantahan, sinapo ng mga palad ang magkabilang pisngi.
Tumawa nang mahina ang lalaki. Tila galak na galak sa dinaranas niyang pagkapahiya. Iyon ang pumukaw sa pride ng dalaga.
"Please, stop saying shocking things to me," ang pormal na utos niya, pero mabuway ang tono.
Kumurba pataas ang isang makapal na kilay at pinukol siya ng isang mapanudyong sulyap.
"Playing the innocent is a good approach. Tiyak na pasado ka na kay Lola Dorothy, Janine honey!"
"I hope so!" ang pigil na wika ni Caitlyn. "Hindi ba't 'yan ang dahilan ng pagpunta ko dito--ang makapasa sa mga pagsubok ng lola mo?"
"May ilang pagsubok rin ako para sa 'yo, Janine--bago ka maging karapat-dapat na Mrs. Drake Mendrez." Medyo sumeryoso na ang lalaki. "Kaya behave yourself habang nandito ka sa plantation."
"I know that, too," sambit niya.
Unti-unting umayos ang paghinga ng dalaga, nang makarating sa teritoryong itinuro ni Janine. Alam niyang susubukan ang karakter at kakayahan ng kakambal kung ito ay babagay na maging kabiyak ng isang plantation owner.
Kapag nakapasa si Janine, magiging bayaw niya si Drake Mendrez...
CHAPTER FOUR: NAGING tahimik at payapa ang maikling biyahe patungo sa Villa Mendrez. Kapwa walang imik ang dalawang okupante ng dyip.Ang buong atensiyon ni Caitlyn ay ipinabihag niya sa mga tanawing nadaraanan. Nakakabighani ang walang katapusan at pantay-pantay na mga hilera ng mga pananim na pinya, mga puno ng durian at mahahabang greenhouses. "'Yan ang latest technology sa vegetable-raising, ang mga hydroponics. Soil-less kaya hindi kailangan ng lupa. Ang nutrients na kailangan ng mga halaman ay direktang nakukuha sa circulating water supply kaya napakabilis lumaki at magbunga." Tumangu-tango si Caitlyn. "Narinig ko na nga ang tungkol sa hydroponics. Mas malalaki at mas malasa ang hydroponics tomatoes na natikman ko."&nb
CHAPTER FIVE: ISANG matandang babae ang parang reynang nakaupo sa isang silyang tila trono ang disenyo at yari. Regal ang hubog ng ulo at ang tuwid na mga balikat at likod. Diretso at nang-aarok ang paraan ng pagtitig. Puno ng pangamba ang kalooban ni Caitlyn habang papalapit sila ni Drake sa naghihintay na agwela. "Lola Dorothy," ang masiglang sambit ng lalaki. "Nainip ka ba?" Hinagkan nito ang isang kulubot at butuhang pisngi. "Hindi naman. Puntahan mo si Seling at sabihing puwede na niyang ilabas ang mga pagkain dito." Nakangiti si Senyora Dorothy Mendrez habang nagbibigay ng instruksiyon sa apo.Bahagyang nabawasan ang init nang bumaling sa gawi ni Caitlyn. "Iha, halika. Dito
CHAPTER SIX GAMIT ang celfone, tinawagan ni Caitlyn si Janine sa condo unit, ngunit walang sumasagot. Baka nasa salon pa ang kakambal. O kaya'y nakalipad na patungong Paris. Gusto na sana niyang umalis sa plantasyon kaya tinatawagan ang kapatid. Ayaw na niyang magpatuloy sa pagpapanggap.Gusto na niyang bumalik sa San Jose, kungsaan ang buhay ay simple at walang kumplikasyon. 'Ayoko ring mahulog nang husto ang loob ko sa 'yo, Drake Mendrez!' bulalas niya habang yapus-yapos ang sarili. Hindi inasahan ni Caitlyn ang sumunod na ginawa ng lalaki matapos ibalitang bibigyan ng singsing si Janine bukas ng gabi.Bigla na lang siyang sinambitla ng mahigpit na yakap at ginawar
CHAPTER SEVEN HABANG naghahapunan, muli na namang pinagmasdan ni Drake ang nobyang tila naging estranghera sa kanyang pakiramdam. Maikling panahon pa lamang niyang nakasama si Janine Del Praño ngunit may natandaan na siyang mga katangian at kapintasan ang bagong girlfriend.Ang mga nagustuhan niya ay ang pagiging malambing, karinyosa, sensuwal, at intelihente.Ang mga kapintasan naman ay pihikan sa pagkain, matapobre, mapaghanap, at masyadong mahilig sa alak. Handa siyang i-overlook ang mga kapintasan, basta't makapasa lang ang babae sa pihikang panlasa ni Lola Dorothy--at sa ilang personal na pagsubok niya. Ngunit paano nga kung isang impostor naman ang dumad
CHAPTER EIGHT 'ANO'NG gagawin ko?' bulalas ni Caitlyn sa sarili.Wala sa script ni Janine ang isang love scene. O rape scene. Lalaban ba siya? O magpapaubaya? Alinman sa dalawa ang kanyang gawin, agrabyado pa rin si Caitlyn.Kahit hutok sa ehersisyo ang mga biyas, mas superyor pa din ang lakas ni Drake. Tiyak na matatalo lang siya kapag nagpambuno sila.Kapag nagpaubaya naman siya, tiyak na hindi lang ang katawan niya ang maaangkin ni Drake. Pati siguro ang kaluluwa ay maibibigay na niya! Higit sa lahat, iyon ang ikinatatakot ni Caitlyn. Ang mawalan ng
CHAPTER NINE NANG magkamalay si Caitlyn, nakahiga na siya sa mahabang sopa at nakatunghay ang nag-aalalang mukha ng makisig na lalaki. Maliksi nitong inalalayan ang kanyang pagbangon. "You're so cold." Ginagap ni Drake ang mga kamay na nagyeyelo. "Drink this." Isang baso ang maliksing inilapit sa bibig niya. Kusang nilunok ng dalaga ang likidong nasa baso. Napaubo siya nang manghapdi ang naninikip na lalamunan. Alak pala ang nalagok niya. "Are you okey?" Pinilit tumango ni Caitlyn matapos ibaling ang ulo palayo sa baso. Lalong nangapos ang kanyang hininga.&nb
CHAPTER TEN NAGMISTULANG kidnap victim nga si Caitlyn sa Mendrez Plantation. Naging anino niya si Drake. Sa loob lang ng banyo hindi nakabuntot.Tila wala nang paraan upang makalaya. Makakaalis lang siguro siya doon kung makukumbinsi niya ang tagabihag! Ang tanging pampalubag-lubag sa imposibleng sitwasyon ay ang di-matatawarang kaligayahan ni Lola Dorothy, bilang reaksiyon sa ibinalita ng binatang apo tungkol sa pagpapakasal nila sa isang buwan. "Hay, salamat sa Panginoon! Natupad na ang aking pangarap!" Magkasalikop pa ang mga palad, habang pausal na sinasambit ang pasasalamat. Matamis ang ngiti sa kulubot na bibig ngunit may luha sa mga mata. “Napakagandang regalo ang ibinigay n’yo sa akin, mga apo!”&nbs
CHAPTER ELEVEN:Marahang bumangon si Drake. Nakadapa si Caitlyn, paharap sa kanya. Maamo ang mukha. Parang inosenteng anghel na natutulog.Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. God, uhaw na uhaw siya!Tinawagan niya si Lola Dorothy. Nagpaalam na dito lang sila ni Caitlyn sa homestead.At doon nga lang silang dalawa. Hanggang sa gumabi, hindi siya nagsasawa sa paulit-ulit na pag-angkin kay Caitlyn.Hanggang sa makatulog ito dahil sa pagod.Dahil ba tutol pa rin ito na makasal sila? Gayong nagpapaubaya naman?Hindi niya maintindihan ang babaeng ito. Kakaiba kay Janine. Kakaiba sa sinumang babaeng nakilala.O dahil ito lang ang pumukaw sa kanyang pagnanasa. Ibinintang niya sa babae na addict ito sa kanya gayong siya ang higit na addict.Masamyo lang niya ang natural na amoy ng balat nito, nababaliw na siya. Parang gusto niyang ikulong sa kuwarto ang babae kasama niya.Na ginawa niya ngayon…
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya