Share

Chapter One

“ Please Belle sumama kana samin sa Club mamayang gabi. Lets hangout naman masyado kanang mukmok dyan sa pag aaral.” Pangungulit ng kaibigan ni Belle na si Yana. Malapit na kasing matapos ang 2nd semester nila ngayong 3rd year college na sya sa kursong BS Psychology.

“ Yana naman ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi nga pwede dahil magagalit ang asawa ko at may anak ako na kailangan nang atensyon ko.”

Alam ng lahat na asawa sya ng isang multi billionaire dahil nag aaral lang naman sya sa isa sa mga kilalang University sa bansa. At agaw pansin din ang limousine na araw araw nanunundo sakanya pagtapos ng klase. 

Nahihiya na nga sya minsan sa mga taong nakakakita sa kanya. Sinabi na rin nya ito sa asawa pero hindi ito pumayag dahil wala daw silang ibang sasakyan na available. 

 “ Mag hahang out lang naman tayo. Your husband will surely understand it. Your stressing your self every fucking day to study. Don’t you get bored?” tanong sa kanya ng kaibigan.

 “ Alam mo Yana. Pag may anak kana rin tulad ko maiintindihan mo ko. Ge uwi na ko andyan na sundo ko.”

Iniwan na nya ang kaibigan at pumasok sa kotse na sumusundo sa kanya araw araw. 

Napabuntong hiniga sya ng maalala ang tanong na kaibigan kung hindi ba sya na bobored na mag aral. Actually napapagod na rin sya. Nada-draine na rin ang utak nya. Hindi naman kasi biro ang kursong pinasok nya. Psychology student sya pero mukang sa sarili nya hindi nya ma-apply ang mga pinag aaralan.

 Pero sa tuwing iniisip nyang sumuko ay naiisip nya din ang anak nya. Isang taon nalang at ma a annulled na ang kasal nila ng asawa nya. Kaya hindi sya pwedeng sumuko. Ayaw nyang matapos to ng nga nga nalang sya. Hindi nya sasayangin ang oportonidad na meron sya. Dahil ito na talaga ang huling alas na meron sya para umayos ang buhay nilang mag ina. 

Habang malalim ang isip ay biglang tumunog ang cellphone nya at nakitang ang asawa nya ang nagtext.

"Prepare yourself when you get home Ill pick you up. We will attend a business party.” 

Nalukot ang muka nya sa na basa at napasandal nalang nya ang katawan sa kinauupuan at ipinikit ng bahagya ang mga mata. Party na naman hindi na lumilipas ang buwan na walang party. Matapos ang pirmahang naganap noon sa restaurant at maikasal sila nagbago na ang takbo ng buhay nya at ng anak nya. Sa murang edad ng anak nyang si Faith ay ipinasok ito ng asawang si William Santiago sa isang nursery school. Hindi nya naman pinag sisihan ang pag payag nya dahil sa paglipas ng magtatatlong taon. Nakita nya ang talino ng anak nya na hindi nya inakala.

Sa murang edad nito ay marami na itong alam. 

“ Maam nandito na ho tayo.”

 Sa lalim ng iniisip nya hindi nya namalayan na nasa bahay na pala sila. Dahan dahan nyang binuksan ang mata at napabuntong hining nang makita ang bahay na tatlong taon na nilang tinitirhan ng anak nya. Naalala nya pa nung unang araw na dumating sila dito. Halos malaglag ang panga nya dahil sa napaka gandang bahay na nasa harapan nya. At halos araw araw maingat syang gumagalaw noon dahil sa takot na makabasag sya. Ngunit sa paglipas ng taon nasanay na sya sa bahay.

“ Nanay!” bumaling sya sa matinis na boses na nagmumula sa anak nya at ginawaraan ito ng isang halik sa noo at niyakap.

“ How’s school baby?” tanong nya sa anak nya maaga itong umuuwi kesa sakanya. 

“ It was fun. Very very fun Nanay. You know what nanay our teacher discuss about family and I am proud to tell them that I have a very happy family.” Napangiti sya sa sinabi ng anak dahil kahit na ganun ang naging set up nila ng asawa nararamdaman pa rin ng anak nya na nasa isang masayang pamilya ito.

 “ That’s very good, kiddo.” Napaigtad sya sa boses na nag mumula sa pinto at sigurado syang ang asawa nya ito.

“ Tatay!”

Masayang tawag ng anak nya at tumakbo ito palapit sa asawa. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi sya nagsisisi na pinasok nya ang gantong set up. Ang akala nya noon na magiging miserable ang buhay nya ay hindi pala. Malayo sa negatibobg iniisip nya.

Nang mabuhat ng asawa ang anak nya ay saka sya nilapitan at hinalikan sa pisngi. Hindi na bago iyon sa kanya lalo na sa tuwing kaharap ang anak nya. Tango lang ang tinugon nya habang nakaguhit pa rin ang ng I sa mga labi. 

“ Baby, Nanay will go upstair na ha. May pupuntahan pa kasi kami ng Tatay.” Masaya naman syang nginitian ng anak at bumaba sa pagkakabuhat ng asawa nya at dumiretso ito sa kusina. Nang makapasok sya sa kwarto nilang mag asawa ay doon nya lang naramdaman ang pagod ng katawan nya. Dahil sa sabay sabay na defense na ginawa nila kanina.

“O bat nakahiga ka pa dyan? Bat di ka pa nag aayos. Malaate na tayo.” Kahit hirap at ayaw ng katawan nya pinilit nyang bumangon at tinungo ang banyo ng kwarto. Naligo sya at namili ng damit na susuotin doon nya lang naalala na hindi nya naitanong kung anong klase ng party ang pupuntahan nila. 

“ William mag foformal dress ba ko?” tanong nya sa asawa dahil alam nyang maririnig sya nito kahit nasa loob sya ng walk in closet ng kwarto. 

“ Ofcores that’s a business party.” Napairap sya sa sagot ng asawa. Hindi nalang sya nagsalita at namili na ng susuotin. Napili nya ang isang black na backless long gown na regalo ng Mommy ng asawa noong nakaraang linggo. Dahil sa tuwing uuwi ito ay may dala itong dress para sa kanya lalo na pag may bago itong collection dahil kilalang fashion designer ang mommy nito sa buong asia. 

Lumabas na sya ng walk in closet ng maiayos nya ang damit. At humarap sa vanity mirror nya upang maayos naman ang muka nya. Habang nag aayos sya ay lumabas naman mula sa banyo ang asawa nya na nag deretso sa walk in closet. Ng matapos nyang ayusin ang sarili ay nahiga sya sa kama habang hinihintay na lumabas ang asawa sa walk in closet.

NANG makalabas si William sa walk in closet nakita nya ang asawa na nakahiga ulit sa kama. Halata sa muka nito ang pagod. Ayaw man nyang isama ito dahil nababakas sa muka ng asawa ang pagod ay kailangan. Dahil magtataka ang lahat ng nasa party kung mag isa lang syang dadalo doon. Nilapitan nya ang asawa habang hawak ang isang longsleeve black dress gusto nyang pag palitin ang asawa dahil nilamon sya ng iritasyon kanina ng lumabas sya at nasulyapan ang damit nito. Just the thought that other men might look at the pretty and flawless skin of the back of his wife makes him anger.

“Hey wake up.”  Bahagya nyang inalog ang balikat ng asawa.

“ Hmm. Lets go?” tanong nito na pupungas pungas pa.

 “ Yeah. But change first.” Pinakatitigan muna ng asawa nya ang damit na hawak nya at saka ito nagtanong.

“Bakit?” halata sa muka nito ang pagtataka. 

“ Magpalit ka nalang pwede ba? Baka makasuntok ako sa damit mo.”

Balot ng iritasyon ang muka ni William ng lumabas sya ng kwarto at habang pababa ay nakita nya ang masayang muka ng prinsesa nya. Yes kahit hindi nya ito tunay na anak. Minahal at napamahal na sa kanya ang bata.

“ Faith Elizabeth.” mahina nyang banggit sa pangalan ng bata. Pagkatapos ng nangyaring kasal-kasalan nila ng asawa ay napagdesisyonan nya na palitan ang pangalan ng anak ni Belle. Para mas kapanipaniwala. Yun ang dahilan nya noon kay Belle na pumayag din naman sa huli matapos ang mahabang usapan. Ngunit hindi yun ang tunay nyang pakay.

“Tatttaayyy!” matinis na tawag sa kanya ng bata ng makita sya na pababa ng hagdan. Agad itong tumakbo sa kanya at nag pakalong.

“ Tatay you look handsome.” Sabay matamis na ngiti sa kanya at may pa beautiful eyes pa. 

“ I know that smile kiddo. What do you want?” Sa tatlong taon na kasama nya ang bata alam na nito pag naglalambing ito at kung may gusto ito.

“ I want make up kit. I saw that one of my classmate have it.” Akmang sasagot na sya ng ang ina na nito ang sumagot na nasa likod na pala nila.

“ Baby. What did I tell you? Wag maiingit sa kung anong meron ang iba. And I also told you if it’s not necessary don’t push it.” Napanguso lang ang anak nito. At tumingin kay William na humihingi ng tulong.

“ Yeah Nanays right, kiddo. You are too young for that. And also. You don’t need it because you are beautiful.” Pagkuwan ay sabi nito sabay pisil sa pisngi ng bata. Ibinigay na nito ang bata sa katulong at nilingon ang asawa. Sa pag lingon nito ay syang muling pag kairita nya dahil hindi ito nag palit.

“Didn’t I tell you to change?” irritable nyang tanong sa asawa.

 “ Don’t you know that its summer? Really? Longsleeve? ” sarcasm filled in her question. Sasagot pa sana sya ngunit nilagpasan na sya nito. At nag deretso na sa labas.

KUMPORTABLENG nakaupo na sa loob ng kotse si Belle habang hinihintay ang asawa na malamang ay naglilitanya pa sa loob ng bahay dahil sa dami nitong bilin sa mga kasambahay. Wala naman ng bago dahil kaligtasan lang naman ng anak nya ang iniisip nito. At nag papasalamat sya dahil doon. Ilang minuto lang ay pumasok na sa loob ng kotse ang asawa nito.

Pagkaupong pag kaupo nito ay tumagilid ito paharap sa kanya at kitang kita nya ang pag ka irita nito.

“ What?” inosente nyang tanong dito. Dahil hindi nya talaga maintindihan kung bakit ganun ito makatingin.

“ You’re so stubborn! I tell you to change. And—“ hindi na nito natapos ang sasabihin ng bumuntong hininga sya at pumikit. Naramdaman nyang binuhay na nito ang makina ng sasakyan nitong Audi. 

Hinihintay ni Belle ang pagandar ng kotse ngunit hindi ito gumagalaw. Nang imulat nya ang mata nya. Magagandang asul na mata ang bumungad sakanya. Nahigit nya ang hininga nya ng mapagtantong gagakarayom lang ang pagitan ng mga muka nila. Hindi sya makahinga ng maayos ngunit mabilis naman na tumitibok ang puso nya. Naramadaman nyang bumaba ang tingin ng asawa nya sa mga labi nya. Na mas kinabilis ng tibok ng puso nya. Dahil sa pagitan nila malabong hindi marinig ng asawa ang lakas ng tibok nito. 

Shemss ano ba. Itulak mo sya Belle. Gusto nyang gawin pero hindi kumikilos ang katawan nya. 

Nakahinga lang ng maluwag si Belle ng hinatak ng asawa nya ang seatbelt na nasa gilid nya at ito na ang nag lagay sa kanya. Ng makalayo ang katawan nila. Dahan dahan nyang pinakalma ang sarili dahil tila kinakapos pa rin sya ng hininga. Ano ba. Sinuot lang yung seat belt wag kang ganyan. Protesta nya sa sarili nya. 

Tinuon nalang nya ang mata sa daan at unti unti ay umayos na ang pakiramdam nya. Namutawi ang katahimikan sa pagitan nila nang tumugtog ang stereo ng kotse at muli dun ay narinig nya ang malamyos na tunog ng musika na syang muling nagpabigat sa mga talukap ng mga  mata nya.

Namalayan nalang ni Belle na bumukas ang pinto sa gilid nya at nakita ang asawa na nasa labas.

“We’re here.” Anunsyo nito. Pinakatitigan nya ang paligid at mukang nasa isang mansion sila dahil sa laki ng bahay na pinapasukan ng mga halatang mayayaman na tao.

Hindi na sya naninibago sa mga gantong okasyon. Sanay na sanay na sya. Dahil sa tuwing may gantong party na aattendan ang asawa ay lagi syang kasama. Hindi naman sya na bobored dahil kahit papaano ay may mga nakakausap sya. At nalilibang syang suriin ang mga taong nasa loob.

Bumuntong hininga sya bago bumaba at inabot ang kamay ng asawa. Nakayapos ang mga braso nya sa braso ng asawa habang papasok sila sa venue. Natuon ang atensyon ng karamihan sa pag pasok nilang mag asawa. Wala ng bago. Tila mg VIP sila ng asawa sa tuwing aattend ng gantong okasyon. Asawa nya ang nag iisang negosyante na walang kasosyo sa megosyo ngunit kilala sa halos kalahati ng mundo. 

May ilang kompanya din itong hawak na may mga kasyosyo ito ngunit ang negosyo nitong may patungkol sa Hotel and Restaurant ay wala ni isang kasosyo. Dahil sa patuloy na paglago ng kompanya nito ay sya ding pagdami ng mga gusto at nag pupumilit paring maging business partner ng asawa. Wala naman itong tinatanggihan ngunit inilalagay nya ang mga ito sa ibang kompanya nya.

“ Good evening Mr. and Mrs. Santiago.”

Masiglang bati sa kanila ng isang lalaki na medyo may edad na.  Ngiti lang ang tinugon nya at nakipagkamay naman ang asawa nya dito. Habang nag uusap ang dalawa pasimple nyang tinitigan ang lugar. Iba’t ibang palamuti ang nakasabit sa itaas. Ibat ibang mga kulay ng kurtina din ang meron. At sa pag tingin sa paligid. Iba’t ibang klase ng tao ang nakikita nya. May ilang mga grupo ng kababaihan at kalalakihan na nag uusap usap. 

Karamihan sa mga nakikita nya ay may mga pekeng ngiti. At ang ilan ay mukang napipilitang kausapin ang kaharap. Napapailing sya sa nakikita.

“ What a fake world” sambit nya sa sarili.

“Yeah right.” Napaigtad sya sa nag salita sa gilid nya na lalaki. Mukang narinig nito ang sinabi nya. Nilingon nya ang lalaki at makikita ang kakisigan ng katawan nito dahil sa mamahaling tuxedo na suot. Dumagdag pa ang mga mata nito na parang nag aakit at mas lalo syang napatanga ng nakangiti itong humarap sakanya. 

“ Im Klein Slever. Owner of Slever Company.” Pag papakilala nito sa kanya. Inabot nya ang kamay at nag pakilala rin. 

“ Belle Santiago. Wife of William Santiago.” 

“ Yeah I know.” Sambit nito. Habang sya ay binawi na ang kamay na hawak pa rin nito.

“ Your husband is one of a lucky man.” Salita nito. Habang nakatingin sakanya.

“ You are such a stunning woman.” Pinakatitigan sya nito at may emosyong hindi nya mabasa sa mga mata nito.

Nawala ang iniisip nya ng biglang may mga matitipunong braso ang pumalibot sa bewang sya at nakita ang asawa sa gilid nya. 

“Hey. You okay” malambing na tanong nito sa kanya at tango lang ang tinugon nya. Kapagkuwan ay nilingon ng asawa ang lalaking kaharap nila na si Klein.

“Hey man. How’s life?” tanong nito sa binata na mukang mag kakilala sila. 

“ Still fuck up. Nothing new.” Mahinang natawa ang asawa nya sa sinagot ng lalaki. 

“ BTW. She’s my wife.” May diin sa salitang wife sa pagkakasabi nito. 

“ Yeah. She’s beautiful” sagot ng lalaki sabay tingin sa kanya na kinailang nya naman dahil sa uri ng tingin nito.

Nawala lang ang tingin nya sa lalaki ng maramdamang bahagyang pinisil ng asawa ang bewang nya at tiningala nya ang asawa. NAkita nyang muli ang iritasyon sa mga mata nito.

“ Ofcores. Ako pa ba? “ may pagmamalaki sa boses ng asawa nya.

“ BTW. I have to go. May lakad pa pala ako. Sumaglit lang ako dito ng malaman kong pupunta ka.”

Hindi malaman ni Belle kung sino ang tinutukoy nito kung ang asawa ba o sya. Dahil sa kanya nakatingin ang lalaki. Tinapik ng lalaki ang balikat ang asawa at saka tumalima na ng alis.

Ng maka alis ang lalaki ay biglang ininom ang asawa nya ang lahat ng inuming nasa kopitang hawak nito.

“ Let's go home.” Sabi nito at walang sabi sabing iginiya sya palabas ng venue. 

“ Kararating lang natin. Uuwi na talaga tayo,” tanong nya sa asawa habang nag lalakad sila patungo sa kotse. HUminto ang asawa nya at humarap sa kanya. 

“Why? Ayaw mo pa bang umuwi? Para ano para makipaglandian pa sa ibang lalaki sa party?” tanong ng asawa nya sa kanya.

Biglang kumulo ang dugo nya ng marinig sa asawa na nakipaglandian sya sa party. 

“ What? Kanino ako nakipaglandian? Kanino? Saan?” naiinis nyang tanong sa sawa. 

“ Kay Klein. I saw you too. At may pahawak pa ng kamay talaga? Ano malambot ba kamay nya. Mukang ayaw mo pag binatawan ah. Gwapo ba? Kasi halos di mo maalis ang tingin mo kanina e kung hindi pa ko dumating.” Hindi makapaniwala si Belle sa mga narinig sa asawa na lalong kina kulo ng dugo nya. 

“ Really? Landian na yun sayo? You are unbelievable.” Pagkasabi nun ay syang alis nya at punta sa  kotse upang malamigin ang ulo.

SAMANTALANG si William naman ay napasabunot sa sarili dahil hindi nanaman nya napigilan ang bibig at nakapag salita nanaman sya ng hindi maganda. Hindi nya napigilan ang nararamdan dahil nakita nyang may ibang lalaki na humawak sa kamay ng asawa nya na hindi nya magawa. At dumagdag pa ng pakatitigan ng matagal ng asawa nya si Klein kanina na hindi din nagagawa sakanya ng asawa nya. Nabalot ng frustasyon ang buo nyang pag iisip. Ngunit alam din naman nyang nagkamali sya ng pag salitaan nya ang asawa. Dali dali nyang tinungo ang kotse at sumakay. Bago nya buhawin ang makina ay humarap sya sa asawa. 

“ Im sorry for—“ hindi na nya nagawang ituloy ang sasabihin ng bumuntong hininga ang asawa at pumikit. Kabisado na nya ito. Sa tuwing ayaw nitong makipag usap ay nag bubuntong hininga ito. Hung hindi sya lalayasan ay ipipkit naman nito ang mga mata  pag nasa kotse sila.

Wala ng nagawa si William kundi mag maneho nalang pauwi sa bahay nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status