Chapter 2
"Napaka-hayop mo talaga! Papatayin kitang hayop ka!" Nanliliyab ang mga mata, ni Reynard sa labis na galit, malakas nitong sinuntok sa mukha si Mark.Nagpapalitan ng suntok ang dalawa at walang gustong mag paawat. Pareho ang dalawa na may sugat at pasa sa kanilang mga mukha. Kanina pa kasi itong nagaaway at sinubokan na ring patigilin ng mga tao sa paligid pero ayaw pa rin magpaawat at tuloy pa rin sa pagsusuntokan."Go on! Patayin mo na ako, ngayon na!" Hamon ni Mark at mukha pang desidido na mamatay. Sinugod ni Mark si Reynard at mabilis naman itong naka-ilag.Umigting ang panga ni Reynard at hinawakan ang gilid ng labi na may bakas ng dugo, dahil na rin sa lakas ng suntok ni Mark sa kaniya. Sumugod si Reynard at binigyan ng marahas at malakas na suntok si Mark. Sa kasamaang palad ay hindi ito nakailag at napuruhan. Hinawakan ni Reynard ang kwelyo ni Mark at bahagyang inangat palapit sa kaniya. "Fuck you! Anong ginawa mo sa kapatid ko, hayop ka! Anong ginawa mo?!" Nanlilisik ang mga mata ni Reynard at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Mark.Matapang na hinarap ni Mark ang umaapoy na mga mata ni Reynard na may nakakalokong ngiti na animo'y nang-iinsulto pa ito. "Ginawa? Wala akong ginawa sa kaniya Reynard!" Napa-iling na tinig nito."Huwag kang magsinungaling sa'kin hayop ka! Binuntis mo ang kapatid ko! Tapos ngayon sinabi mo na wala kang ginawa sa kaniya? Ako ba'y niloloko mo, ha?!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tinig ni Reynard. Sa mga oras na ito ay gustong-gusto ni Reynard na patayin ang hayop na si Mark. Ang lalaking gumawa nito sa kaniyang kapatid."K-Kuya Reynard, Kuya." Patakbong tinig ni Lea nang makita ang kapatid na ngayon ay hawak si Mark sa kuwelyo. Bakas ang takot at pangamba sa tinig nito habang nakikita na umiinit ang panig sa kanilang dalawa. "K-Kuya please stop this. Please." Pagmamakaawa ni Lea at lumapit sa kapatid para awatin lamang ito. "Please h-huwag mo siyang saktan Kuya. Maging mahinahon ka sana K-Kuya." Sa pagkakataon na ito ay hinawakan ni Lea ang kamay ni Reynard para lamang pakalmahin ang kapatid.Alam kasi ni Lea ang mangyayari kapag, hinayaan niya ito sa gusto nitong gawin. Kilala niya si Kuya Reynard na wala itong sinasanto na kahit na sino! Kaya nitong mapatay si Mark kapag nagkataon. Lalo na't marami ng pinatumbang mga kaaway ang kaniyang kapatid, at natatakot si Lea na baka mas malala pa ang mangyayari sa dalawa kapag hindi niya ito inawat. "Please K-Kuya umuwi na tayo please. H-Huwag mo ng gawin ito, parang-awa mo na." Umiiyak na pangungumbinsi si Lea kay Reynard.Sa dalawa, si Mark ang labis na napuruhan ng sugat, dahil na rin sa bihasa talaga ang kapatid niyang si Reynard sa pakikipaglaban."Potangina! Umalis ka dito, Kristine!" Sigaw ng kaniyang kapatid sa kaniya at mukhang hindi gusto magpaawat. Nagulat nalang siya nang tinulak siya ng kaniyang kapatid. Muntikan pa siyang masampa sa matigas na sahig dahil sa lakas ng pwersa na pinakawalan nito.Buti nalang talaga at nakahawak si Lea sa isang tabi at nagkaroon ng suporta upang hindi siya gaanong matumba. "K-Kuya please, tama na please! Huwag mo ng gawin ang bagay na ito." Mas lalo lang nasasaktan si Lea nang ayaw makinig ang kaniyang kapatid sa kaniya."Papatayin ko ang hayop na ito!" Nakatiim-bagang na banta ni Reynard at hinarap si Mark. "All of this people ikaw pa talaga?! Ikaw na matalik kong kaibigan? Tapos ikaw pa ang gagawa ng ganitong kahayupan sa kapatid ko?!" Asik nitong muli. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kapatid kong gago ka! Sinisiguro ko sa'yo na mabubulok ka sa kulungan! I know what you did! Ni-rape mo ang kapatid ko!""Really? Can you hear yourself now, Reynard?" Puno ng insulto na wika ni Mark. Sarkastiko pa itong tumawa sa narinig mula kay Reynard. "Rape? I did not rape her! Siguro hindi pa sinabi ng kapatid mo sa'yo kung ano ba talaga ang tunay na nangyari ng gabing iyon?" Sa sinabi ni Mark ay napapakurap-kurap naman si Reynard. Tila may bagay na ngayon lang niya na realize."Putangina! Tumahimik ka!" Pero hindi ito naniwala at nagpadala. Bagkus ay nagtitimpi nitong sininghalan si Mark. Wala sa kanila ang gustong magpatalo o magpatinag."Come on, Lea. Sabihin mo sa kapatid mo ang totoong nangyari ng gabing iyon!" Hamon ni Mark kay Lea. Do'n lang napansin ni Lea na nakatingin na pala si Mark sa kaniya. Natigilan si Lea sa uri ng emosyon na nakita niya mula kay Mark.Mga mata na nagpapasakit sa kaniyang puso.Mga mata na ayaw niya muling masilayan."Itikom mo ang bibig mong hayop ka!" Umalingawngaw ang tinig ni Reynard. Pero si Mark ay walang ginawa kundi ang tumawa lang. "I didn't force her Reynard, kusa siyang lumapit sa akin. Hindi mo pa ba alam ang ginawa ng kapatid mo, Reynard? Pumunta siya sa kwarto ko, and she crawl in my bed, begging to fuck her! Hahaha!"Alam ni Lea na hindi gano'n ang nangyari. Hindi niya 'yun ginawa. Dare lang nag kaniyang ipinunta at pinaramdam sa kaniya ni Mark na wala siyang kawala ng gabing iyon at pinilit na gawin ang bagay na iyon.Lalo lamang dumilim ang mukha ni Reynard sa labis na pagtitimpi at labis na galit. "Napaka-hayop mo talaga!" Malakas na sigaw ni Reynard at kasabay no'n ay ang malakas na pagsuntok niya sa mukha ni Mark. Sanhi upang mapasalampak ito ng upo sa sahig. "Halika ditong hayop ka!" Tinangka pa sanang susugurin ni Reynard si Mark nang kusa ng kumilos si Lea at inawat ang kapatid."K-Kuya please. Tama na!" Mahigpit niya itong niyakap. Malakas na napamura si Reynard at ramdam ni Lea ang pagkadurog ng kaniyang puso lalo na ng nagpupumiglas ito mula sa kaniyang yakap. "P-Please K-Kuya tama na po. Tama na…"Napaka-sakit at napaka-hirap sa kaniya.Bakit ba kailangan pang humantong sa ganito?"Halika ditong hayop ka! Papatayin talaga kita!" Matinis na sigaw ni Kuya Reynard, at ang mga mata nito nanlilisik sa galit. "Bitawan mo ako Kristine! Papatayin ko ang hayop na iyan! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo Mark! Lumapit ka dito at ng magkasubukan tayong dalawa! Hayop!" Patuloy na sigaw ni Reynard at kasabay ang mahinang pag-hagolhol ng iyak ni Lea sa bisig ng kapatid.Patuloy lamang umiiyak si Lea at napatingin siya sa gawi ni Marknna nakaupo pa din sa sahig.Sumilay lamang ang nakakalokong ngiti sa labi ni Mark, habang pinupunasan nito ang bakas na dugo sa gilid ng labi nito na tila natutuwa pa ito sa nangyari.*******"Look, Mom! This is for you." Natigilan si Lea mula sa paghuhugas ng plato nang marinig ang malambing na tinig ng kaniyang anak. Bahagyang binitawan muna ni Lea ang ginagawa at hinarap ito.Nakasuot ng blue polo si Steven at brown na short. Napansin kaagad ni Lea na may hawak na bulaklak ang anak.Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Lea habang pinunasan ang sariling mga kamay sa suot niyang damit."Wow! Para sa akin ba ito, Steven?" Bahagyang yumuko si Lea nang sa gano'n ay magpantay sila ng height."Oo naman po, Mommy. Para po iyan sa'yo." Nilapit ni Steven ang bulaklak na kinuha para sa kaniyang Mommy, at malugod naman na tinanggap iyon ni Lea.Kulang na lang matunaw ang puso ni Lea sa labis na saya dahil sa simpleng ginawa ng kaniyang anak.Makita lamang ang anak na si Steven ay buo na ang araw ni Lea.Inamoy ni Lea ang kinuha na bulaklak ng anak, at hindi mapigilan ni Lea na mapangiti. "Wait a minute, parang galing ito sa mga tanim ko sa labas ah?" Makahulugang tinig ni Lea at humarap sa anak. Labis na namula ang mukha ng anak na si Steven. Marahil ay nahulaan ito ni Lea kung saan galing ang bulaklak."Hmm, hindi kaya Mommy." Bahagyang napakamot si Steven sa sariling buhok animo'y nahihiya."Parang oo, eh. Halika ka nga dito." Hinawakan ni Lea ang anak at bahagyang kinandong at kiniliti ito."Hahaha! Mommy it tickles!" Hagikhik na tawa ni Steven at pinugpog niya ng maliliit na halik sa pisngi si Steven. "Stop, Mommy. Hahaha!" Napakasarap pakinggan ng tawa ng kaniyang anak. Kaya nitong iwala ang kaniyang pagod. "Mommy. Hahaha!" Patuloy na tawa pa din nito at kusa namang tumigil si Lea sa pag ki-kiliti dito.Tumayo na si Steven sa isang tabi. Samantalang si Lea ay nanatili pa din sa harapan ng anak. "Thank you so much, baby. Ilalagay ito ni Mommy sa flower vase para tumagal. Gusto mo ba iyon?" Malambing na tanong ni Lea. Tumango naman ang anak bilang sagot.Natigilan si Lea nang bigla siyang yakapin ng kaniyang anak. "What's wrong, baby?" Nag-aalala niyang tanong sa anak. Umangat ng tingin sa kaniya ang anak."I love you, Mommy." Kulang nalang matunaw ang puso ni Lea sa simpleng binigkas ng anak. Lalo na't pinaparamdam ng anak kung gaano siya nito kamahal."I love you too, sweetheart." Kusa ng humiwalay si Lea sa yakapan nilang dalawa. At hindi mapigilan ni Lea ang mapangiti habang pinagmamasdan ang nag-iisang pogi niyang anak.He's Steven. Siya ang naging bunga no'ng may nangyari sa kanilang dalawa ni Mark Samuel five years ago and he's already 5 years old. Meron itong kulay itim na buhok. Bilugang mukha. May maputi at makinis kutis. At may mamula-mulang labi. Nakuha rin nito ang brown na mata at makapal na itim na kilay mula kay Mark.Kamukhang-kamukha ni Steven si Mark, parang magka-replica ang dalawa sa paraang hugis ng itsura at kanilang tindig.Anim na taon na rin silang kasal ni Mark. Yes. Nagpakasal silang dalawa at kasalukuyan na nagsasama sa iisang bubong.Simula no'ng malaman ng mga kapatid niya at mga magulang niya ang nangyari sa akin tungkol sa maagang pagbubuntis ay napagkasunduan kaagad ng bawat pamilya na ipakasal silang dalawa ni Mark. Dahil na rin iyon sa gusto ng mga magulang nila. Tutol si Mark sa naging plano ng mga magulang nila tungkol sa pagpapakasal at pagsasama nila.Saksi siya sa mga araw na ilang beses na humadlang si Mark sa kanilang pagpapakasal, pero kinalaunan ay wala na rin itong nagawa dahil sa pagbabanta ng kaniyang ama.Ngayon na anim na taon na silang nagsasama ay na wala siyang naramdaman na pagmamahal mula sa kaniyang asawa. Naging malamig at naging marahas ang pakikitungo nito sa kaniya, at pati na rin sa anak nila.Lahat ng masasakit na salita ay binato nito kaniya na para bang walang kapake-pakealam at siya ay kasuklam-suklam.Sinasaktan siya nito, hindi lamang sa emosyonal na pamamaraan, kundi pati na rin sa pisikal na pamamaraan.Makagawa lamang siya ng pagkakamali at kapalpakan ay sisigawan at sasaktan na kaagad siya nito.Tinitiis niya lamang ang pananakit na binibigay nito sa kaniya.Alam niya kasi na ginagawa lang nito ang mga iyon para gumanti.Alam niya ring ginagawa nito sa kaniya ang bagay na iyon, dahil ayaw nito sa kaniya.Alam ni Lea na siya ang dahilan kung bakit natali si Mark sa kaniya kahit alam niyang hindi gusto ni Mark ang makasal sa kaniya at nagdusa sa marriage nila.Sa buhay, na siya ang kasama nito.Na sinira niya ang buhay nito.Na sinira niya ang pangarap nito dahil sa pagpapakasal nilang dalawa.Alam din naman ni Lea, na hindi siya mahal ni Mark. At tanggap niya ang bagay na iyon.Tinitiis niya na lamang ang sakit at kirot sa kaniyang puso.Hindi niya rin naramdaman na mahal nito ang kanilang anak na si Steven. Umiiwas din si Mark kay Steven, ni hindi nga niito magawang lapitan at mahalin ang anak gaya ng ibang mga ama sa kanilang mga anak.Sinasaktan din ni Mark si Steven dahil akala ni Mark ay anak ni Lea si Steven sa ibang lalaki at pinaako lang ni Lea kay Mark si Steven.Napakasakit sa parte niya na husgahan ng sariling asawa, ang kaniyang asawa na nag-iisang lalake lang na gumalaw sa kaniya. Lalo na ang sarili nitong anak na dugo't-laman.Masakit.Sobrang sakit.Simula no'ng nagbubuntis siya sa kanilang anak ay hindi niya nararamdaman ang presensya at pagmamahal nito sa kaniya. Sa kanilang dalawa ng anak niya.Parati siya nitong sinisigawan at sinasaktan. Dalawang beses rin siyang dinugo sa paraan ng pananakit nito sa kaniya, pero nagpapasalamat na lang siya dahil naging matatag ang kaniyang anak sa kaniyang sinapupunan.No'ng kabuwanan niya sa panganganak ay tinulungan at dinala niya ang sarili sa hospital, dahil hindi siya nito tinulungan.Bugbog sarado na ang katawan niya at isipan niya.Bugbog sa sakit, at pananakit nito sa kaniya.Hindi na kumuha pa ng katulong si Mark, dahil sinabi nitong kaya niya daw lahat ng mga gawain sa bahay. Lahat ng mga gawain ay lahat naka-toka sa kaniya. Paglalaba, paglilinis, pagluluto at kung ano-ano pa, pero hindi siya nag-reklamo.Sa loob ng anim na taon nilang pagsasama ay unti-unti na rin siyang napamahal sa kaniyang asawa, kahit malamig ang pakikisama nito sa kaniya.Kahit gano'n ay kaya niyang tiisin lahat ng sakit at pananakit nito sa kaniya.Mahal na mahal niya ito."Mommy ayos ka lang po ba?" Inosenteng tanong ng kaniyang anak dahilan para siya'y mabalik sa realidad. Umiling si Lea at ngumiti sa anak, pagkatapos ay ginulo ang malambot nitong buhok."Ayos lang ako sweetheart. Sige na maglaro ka na lang muna, hmm? Tatapusin lang ni Mommy ang paghuhugas." Isang matamis na lamang na ngiti ang sumilay sa labi ng anak at tumakbo na ito palabas ng kusina.Naiwan si Lea sa kusina at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi pa nga siya tapos ay narinig na niyang sumisigaw ang kaniyang asawa."Lea! Lea!" Sumiklab na naman ang pakiramdam na kaba at panic attack sa kaniyang dibdib.Mabilis na iniwan ni Lea ang ginagawa para puntahan lamang si Mark. Ayaw niya kasing mapagalitan dahil sa mabagal siyang kumilos.Dumanak ang malamig na pawis sa palad ni Lea habang tinatahak ang daan palabas ng kusina. Bigla siyang natigil nang makita ang pares ng mga paa na humarang sa kaniyang dinaraanan."M-Mark." Tawag ni Lea sa asawa sa nauutal na boses. Puno ng galit at disgusto itong nakatingin sa kaniya. Para siyang hinahabol ng isang daang kabayo sa bilis ng tibok ng puso niya."B-Bakit? Bakit mo pala ako tinawag?""What's this, huh?" Pagalit at nakakatakot na tinig ng kaniyang asawa. Pinakita ni Mark ang hawak nitong damit, at gano'n na lang ang gimbal na lumukob sa dibdib ni Lea nang makita kung ano iyon. "Pinalabhan ko ito sa'yo dahil sinabi ko sayo na gagamitin ko ito ngayon sa mahalagang meeting na dadaluhan ko sa kompaniya! And now, you ruined it?!" Gano'n na lang ang takot at kaba sa dibdib ni Lea ang bakas na mantya sa damit na hawak ng asawa niya.Bakit?Papaanong na-mantsahan iyon?Natakot ang kaniyang kalamnan dahil tiyak na sasaktan na naman siya nitong muli.Alam niyang paparusahan siya nito.Ayaw na niya.Takot na takot na siya."P-Pero, Mark. Wala naman iyan k-kanina, hindi ko alam kung paano nagkaroon ng mantsa i-iyan. H-Hayaan mo, aayusin ko na lang." Gumagaralgal ang kaniyang boses habang nagpapaliwanag."Aayusin?!" Puno ng pang-uuyam na tinig nito. Nanlambot ang kaniyang tuhod. "Ako ba'y ginagago mo?! Paano mo ito aayusin ha?! Paano?! That's bullshit, Lea!" Malakas na asik nito at inis nitong binato ang damit.Nanginig ang buong katawan ni Lea. Ngayon na nakita niya ang mukha ng asawa sa malapitan. Ang mga mata nito na umaapoy sa galit na para bang sinapian ito ng masamang espiritu.Napasinghap si Lea nang marahas na hinablot ni Mark ang kaniyang buhok, at nilapit nito ang kaniyang katawan sa katawang nito. Damang-dama ni Lea ang matinding kirot na pag-kakahawak nito sa kaniyang buhok, at tiniis niya na lang iyon."M-Mark, nasasaktan ako. Please, bitawan mo ako." Impit na napadaing si Lea. Hinawakan niya ang kamay ng asawa na nakahawak sa kaniyang buhok upang subokan na ialis iyon doon. "B-Bitawan mo na ako, Mark. Hindi ko naman sinasadya eh. Patawarin mo na a-ako." Pagsusumamo niya habang patuloy sa paglagaslas ang preskong mga luha sa kaniyang pisngi."Talagang masasaktan ka, Lea!" Hinigpitan nitong muli ang pagkakahawak sa buhok niya, habang siya ay walang ibang ginagawa magawa kundi ang magpaalipin sa mga ginagawa nito sa kaniya. "Di'ba sinabi ko sa'yo na ayaw ko ng papalpak-palpak ka?! Lahat ng mga kapalpakan mo, ito ang makukuha mo sa akin!" Asik nito at pinaglulumpo-lumpo ang kaniyang ulo. "You know what?! Salot ka talaga sa buhay ko! Wala ka na lang ginawang tama sa pamamahay kundi bigyan ako parati ng sakit ng ulo at problema! Alam mo kung anong maganda?!" Dinuro siya nito.Parati nitong pinapamukha kung gaano siya kamalas sa buhay nito.Kung gaano siya ka pabigat sa buhay nito."M-Mark please, bitawan mo na ako. A-Aray!" D***g niya dahil sa sakit nang bigyan siya nito nang malakas na sampal at malakas na pagtulak. Sanhi na mapa-salampak siya sa malamig na tiles.Damang-dama niya ang sakit at kirot, na nanunuot sa kaniyang laman, pero lahat ng iyon ay tiniis niya kahit na parang tinatarak ang kaniyang puso sa sakit dahil sa ginawa ng kaniyang asawa sa kaniya. Galit na nakatayo ang kaniyang asawa sa harapan niya.Walang pagbabago.Nasasaktan siya lalo kapag nakikita niya itong masaya sa tuwing nakikita nitong umiiyak siya at nasasaktan."M-Mark."Bawat hakbang na ginagawa ng asawa palapit sa kaniya ay nagbibigay horror sa kaniya. Hindi siya mapakali dala ng takot at panic na kaniyang nadarama.Takot na mas malala pa ang gagawin nito sa kaniya."P-Please Mark, h-huwag." Pagmamakaawa niya nang lumuhod ang asawa sa kaniya at pumantay sa kaniya ng tingin. Pero hindi ito nakinig o nagpapakita man lang atuloy ng awa nang siya'y mariin nitong hinawakan sa panga. Ang kuku nito ay tumatarak sa kaniyang balat at malamang sa malamang ay magiiwan iyon ng marka."M-Mark, tama na please." Napapahikbi siya."Naalala mo pa ba ang sinabi ko sa'yo noon Lea?" Walang gentleness sa boses nito. Palagi nalang itong galit sa kaniya."I will make your life, miserable like a fucking hell, sweetheart." At saka marahas nitong binitawan ang kaniyang panga. Napapabuwal siya ng iyak nang marinig ang mala-demonyo nitong tawa. Tumayo ito at iniwan siyang umiiyak.Bakit Mark?Bakit?Ano bang nagawa kong kasalanan para ganituhin mo ako?Chapter 3Kinagat ni Lea ang kaniyang labi habang tinatahak ang pasilyo papunta sa silid ng kaniyang mga magulang. Sa tuwing palapit nang palapit siya sa silid, doon namumuhay ang kaba at takot sa kaniyang puso.Ilang segundo siyang napatitig sa pintuan ng mga magulang habang naglalaro pa din sa isipan niya kung papasok ba siya doon o aalis na lamang.Hahawakan na sana ni Lea ang seradura nang awtomatikong bumukas ang pinto at lumitaw ang bulto ng kaniyang ina. “Mommy, si Daddy po?” Tanong ni Lea nang makapasok at marahan namang sinarhan ng kaniyang Mommy ang pintuang kaniyang pinasukan saka hinarap ang anak. “Nasa silid na siya anak, nagpapahinga.” Tugon nitong muli.“Gusto ko sanang makausap si Daddy. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya Mommy.” Mahina at pabulong na tinig ni Lea sa kaniyang Mommy.Simula no’ng malaman ng kaniyang ama na binuntis siya ni Mark ay hindi na niya ako sinubukan pang kausapin o lapitan man lang. Iniiwasan niya ako, at hindi kinakausap na tila ba isang
Chapter 4Hindi mawala ang matamis na ngiti sa labi ni Lea nang ilapag niya sa lamesa ang huling putahe na kaniyang niluto. Nakalagay na rin doon ang usual na kinakain nila sa almusal tulad ng bacon, sinangag, tuyo, itlog at tasa ng kape na tinimpla niya para sa kaniyang asawa.Nakaayos na rin ang set-up sa table gaya ng mga kubyertos. Si Mark na lang talaga ang hinihintay na bumaba. Sinadya talaga ni Lea na maagang gumising para ipaghanda lamang si Mark ng almusal dahil hindi lang kagaya ng usual na araw ang araw na ito. Dahil espesyal ang araw na ito para sa kanilang mag-asawa. “Yes dad, naintindihan ko.” Narinig niyang seryoso na sumagot ang kaniyang asawa, kaya't siya'y natigilan mula sa kaniyang ginagawa. Nakasuot ng apron si Lea dahil na rin abala siya sa kusina kani-kanina. Nakasuot naman ng pormal na pang opisina ang kaniyang asawa at sa suot nito ay tumingkad pa ang taglay nitong kaguwapohan. Nadedepina din ang hubog ng katawan nito dahil sa fit na fit nitong suit. Bagay
Chapter 5LEA CRISTINE'S POVNilakihan pa ni Lea ang hakbang ng mga paa, ng marinig ang sunod-sunod ang pag doorbell sa pintuan. Hindi alam ni Lea kong sino ang mag bibisita sakaniya ng ganito ka-aga dahil kaka-alis lamang ni Mark papuntang Office. Wala din naman siyang inaasahan na bisita na darating kaya't ganun na lamang ang pag mamadali ni Lea na puntahan ang pintuan."Sandali lang," tuloy niyang tinig. Hinawakan ni Lea ang seradura ng pintuan at binuksan iyon. Ganun na lamang ang gulat ng makita kong sino ang mistulang tao sa likod ng pintuan."Lea!" Matinis na tili ng babae."J-Jamie?" Gulat na tinig ni Lea, ng makilala kong sino iyon. Lumawak pa lalo ang ngiti sa labi ng dalaga at binuksan nito ang kaniyang balikat para lamang salubongin ako neto ng mahigpit at mainit na yakap. "I miss you so much Lea! Kamusta kana?" Tinig nito at si Jamie na ang pumutol ng kanilang pag-kakayakap.Hindi na maipinta ang lawak ng ngiti sa labi ng kaniyang kaibigan ng sandaling mag-kita silang mul
Chapter 6JAMIE'S POV"Good morning Mam.""Good morning Mam Jamie."Iilan lamang iyan ang bumati sa akin ng ilang mga empleyado,na kaniyang nakaka- salubong. Taas noong nag lakad si Jamie at sa bawat yabag ng mga paa, gumagawa ng tunog sa mataas na high heels na suot niya. Suot niya ang black fitted skirts at sa itaas naman ang kulay puting white tops na bumagay sa kaniyang kasuotan. Hinayaan ko lamang naka-lugay ang mahaba at medyo vawy niyang buhok, na kahit na hindi niya kailangan mag paganda at lagay ng make-up. Napaka-natural at ganda ng kaniyang mukha, na maraming mga kalalakihan ang nag kakagusto sa akin.Ang pamilya nila ang namamahala ng Sharp Company, ang pinaka-tanyag na gumagawa ng mga sikat at mamahalin na mga alahas. Ini-export nila ang mga gawang mga jewelries sa ibang bansa. Ilang beses na rin na feature ang kanilang kompaniya sa dyaryo, tv at article dahil na rin napaka-sikat at kilala talaga ang kanilang produkto. Si Papa at Kuya Mark ang namamahala sa pag papatakbo
Chapter 7LEA CHRISTINE'S POVNagising ako sa inggay na hindi ko mawari kong ano iyon.Hindi gaanong klaro sa aking pandinig, pero parang tunog iyon na nag mumula sa ibaba.Minulat ko ang aking mata at kinapa ko ang kaliwang bahagi at doon ko napag-tanto na may nahawakan akong malambot.Bakit malambot?Bakit ganito ang aking naramdaman?Napa-balikwas na lamang ako sa pag-kakahiga at doon ko napag-tanto na naka-higa ako sa kama.Sandali bakit ako nandito?Bakit nasa silid na ako?Ginala ko ang aking tingin sa kabuuang silid namin ni Mark, at bakas pa din ng katanungan sa aking isipan kong bakit ako nandidito.Anong ginagawa ko dito?Huli kong pag kakatanda na uminom kagabi si Mark kasama ang kaniyang mga kaibigan.Pinag-lutuan ko pa sila nang masasarap na pag-kain.At pag-katapos kinulong ako ni Mark sa stock room, at doon na ako sinumpong ng aking sakit at nawalan nang malay.Pero bakit ganito?Bakit nandito na ako sa silid namin?Pinikit ko ang aking mga mata at pilit na inaalala ang
Chapter 8LEA KRISTINE'S POV"M-Mae?" Hindi makapaniwalang lintarya ni Lea nang makita itong muli maka-lipas ang ilang taon.Nabalot ng takot ang aking puso na nasa harapan ko na ito mismo. Nanigas ang katawan ni Lea na hindi ako maka-kilos at galaw na para akong naka-kita nang multo.Ang ex-girlfriend ng aking asawa.Naka-suot ng crop- top white sleeveless si Mae na humubog ang maganda at sexy nitong pangangatawan at sa ibabang parte ang maong pants, at pares ng sandals na suot nito. Hanggang leeg ang haba ng maganda at kulay itim na buhok nito na bumagay naman sa itsura. At suot ang light make-up na tumingkad ang kagandahan nito, na parang artista ang ganda at kinis ng kutis nito. Suot ang red shades ng lipstick na mag mukha itong matapang, pero nakaka-attract ang dating sa ibang tao. Lalo pa itong gumanda at blooming kumpara no'ng huli ko itong makita. Napaka-lamig ang mga mata na walang bahid na emosyon.Umuwi ito?Kaylan?Bakit hindi ko alam ito?Bakit bigla ata akong kinabahan n
Chapter 9Biniyak ang puso ni Lea na tahimik na pinapanuod ang anak na si Steven na kumakain sa harapan ko. "Kain ka lang ng marami anak." Nilapit ko pa sakaniya ang plato na niluto kong hotdog dahil paborito niya ito sa lahat na kainin iyon.Ngumiti lamang ng matamlay sa akin si Steven, at hindi maalis sa labi ni Lea ang pait na makita ang pasa at sugat sa katawan ng anak na tanda lamang ng pang-mamalupit ni Mark sa anak kahapon.Mahirap sa parte ni Lea na pati rin ito nahihirapan na din."M-Mommy kumain kana rin po, ito po masarap din po it--" nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Steven at yumuko na takot na takot nang dumaan sa gilid namin si Mark.Naka-suot ang asawa ko ng kasuotan pang Opisina, at papasok na ito sa trabaho. Matalim ang pinukulan sa amin ni Mark ng titig, na parang marami itong isumbat saamin ngunit, pinili na lang na tumahimik."Mark, tara saluhan mo kami nang almusal. Para sabay-sabay na tayong kumai---""Ts!" Iyon ang aking narinig at iritadong nag martsa na
Chapter 10LEA KRISTINE'S POVNabitawan ko ang dala kong paper bag na sanhi na maka gawa iyon ng ingay, na napatigil sila sa ginagawa.Nanigas ang katawan ni Lea na hindi maka-kilos at pabaling-baling lamang sakanilang dalawa ang tingin ko."The fuck!" Matinis na mura ni Mark. Ginala nito ang tingin para hanapin kong saan nag mumula ang tunog. Tila ba naka-kita ito nang multo ng makita ako."L-Lea?" Tinulak nito si Mae paalis sa sa kandungan niya.Huli na ang lahat.Nakita ko lahat kong pano nila ako traydorin at lokohin!Nakita ko, kong paano nila ako pinaikot.Patuloy lamang lumalandas ang luha sa aking mga mata sa sakit na nararamdaman ko.Bakit nagagawa nila saakin ito?Ano bang nagagawa kong pag- kakamali?Bakit sinasaktan niyo ako nang ganito?Bumaling ang tingin ko kay Mae na naka tayo sa isang tabi, at sumilay ang nakaka-lokong ngiti sa kaniyang labi habang naka- titig sa akin."Mga hayop kayo!" Sigaw ko at sinugod ko si Mae, binigyan ko siya ng malakas na sampal na malakas sa
Special ChapterLEA KRISTINE'S POV"Lea." Ang boses ng bagong dating sa aking likuran ang mag pangiti sa akin. Sinalubong ko ng halik at biso ang bagong dating na sina Mom and Dad kasama nila si Jamie. Lahat sila naka porma at sosyal ang mga damit. Alas tres pasado ng hapon na sila naka rating sa bahay namin, saktong-sakto sa oras na mag sisimula ang party."Mom, Dad." Nag mano ako sa mga magulang ni Mark."Late na ba kami Hija? Ito kasing Mommy mo, ang tagal-tagal mag mag bihis kaya nahuli na kami." Tugon ni Dad at sinisisi ang asawa. "Oh bakit ako? Kong hindi lang tayo naipit kanina sa traffic at baka kanina pa tayo naka rating dito." Depensa naman ni Mom na hindi mag papatalo. Napapangiti na lang ako sa pag tatalo ng dalawa, na kahit ganun ang sweet tignan."Okay lang po iyon. Sakto lang naman ang dating niyo at mag sisimula pa lang naman po ang Party. Naroon na rin ang ibang bisita sa loob," wika ko pa. "Halika po, pasok na tayong lahat sa loob." Paanyaya ko at nauna na akong pu
LEA KRISTINE'S POVHininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay at napansin ko kaagad ang isang babaeng naka tayo sa labas ng gate namin,suot ang simpleng kasuotan. Pasilip-silip ito pero hindi ko makilanlan kong sino nga ba talaga ito dahil naka talikod ito sa akin.Hindi siguro napansin ng babae ang aking pag dating, kaya lumabas ako sasakyan para lapitan at alamin kong ano nga ba talaga ang sadya nito."Miss?" Pukaw kong tawag dito at pareho kaming dalawa nagulat nang makilala namin ang isa't-isa."Jamie?" Hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya sa tapat ng bahay ko na pasilip-silip kanina pa."Lea," alangan itong tawag sa aking pangalan na nahihiya pa. "Nandito ka pala. Sinabi kasi sa akin ni Kuya Mark na dito kayo naka tira, kaya pumunta ako dito at nag babakasali na makita ang pamangkin ko.. Huwag kang mag-alala aalis din naman ako at hindi ako makikigul——" tangka itong lilisan na na kaagad naman akong suminggit."Jamie,gusto mo bang mag meryenda muna sa loob?" Ang tanong ko ang m
MAE'S POV"Ano ka ba Attorney, gumawa ka naman ng paraan para maka-alis ako sa lintik na lugar na ito. Hindi dapat ako makulong dito, gumawa ka ng paraan!" Hinampas ko nang malakas ang lamesa na nag haharang sa pagitan naming dalawa kasabay ng malakas na tunog na umalingawngaw sa silid na iyon. Hindi ko maiwasan na mag labas ng galit at mag taas ng boses sa nakuha kong attorney na wala naman ginagawang hakbang para tulungan akong maka-labas dito.Nag uusap silang dalawa sa pribadong silid at ang pulis, naka bantay sa labas.Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang palad ko, nangangayat at nangingitim na ang ilalim ng aking mata na hindi maka tulog at maka isip ng matino na ngayo'y naka piit ako sa kulungan at wala masyadong magandang tulugan na magiging komportable para sa akin.Hindi ito ang kailangan ko.Kailangan kong maka alis sa lalong madaling panahon para pag bayaran ko ang mga tao sa likod ng aking pag bagsak.At isa kana doon Lea!"Ang laki-laki ng binabayad ko sa'yo, tapos sin
LEA KRISTINE'S POV"Iyong hini-hinggi ko sa'yong mga files, kailangan ko na iyon mamayang hapon." Nasa Opisina ako at kasama ang secretary, binibilin ang dapat gawin."Yes Mam.""Basta maipasa mo na sa akin ang mga reports at huwag mong kakalimuta—-" hindi ko na natapos ang sasabihin at napahinto ako sa pag lalakad ng mag paagaw ang atensyon sa akin na makita ang familiar na bulto na naka tayo at bagong dating lamang.Napa-lunok na lamang ako ng laway na makilalanlan kong sino ito.Insoo?Mag kaharap kaming naupo ni Insoo sa upuan sa cafeteria sa loob ng kompaniya. Bandang alas dos na nang hapon kaya wala na masyadong mga taong kumakain at bilang mo na din talaga ang naiwan doon ang ilan umiinom o kaya naman tumatambaly saglit.Pinag lalaruan ko na lang ang kamay ko, at pinakiramdaman si Insoo na tahimik lamang naka upo sa harapan ko. Kanina pa ito tahimik simula no'ng dumating kami dito, nag hihintay siguro ng tyempo kong paano sisimulan ang pag-uusap naming dalawa.Mahigit limang ar
MAE'S POVLea?Siya ang may kagagawan nito?Ang malakas na palakpak lamang ni Lea ang maririnig mo sa loob ng venue, nanahimik ang lahat ng naroon at bumaling ang tingin nila sa akin. Lahat sila galit na galit at nililitis nila ako sa paraang titig nila, sabay takpan ng mukha ko na nasisilaw sa paulit-ulit na kinukuhanan nila ako ng litrato."This is not, happening. Hindi ito totoo, h-hindi." Iyan na lang ang paulit-ulit kong sinasabi, winawaksi sa isipan kong hindi totoo ang mga ito at gusto ko ng magising sa masamang bangungot."Mae!" Ang malakas na sigaw ni Dad ang mag balik takot sa aking puso. Naka tayo na ito at ang mukha sobrang dilim na hindi mailabas ang galit at sama ng loob na ako ang may kagagawan sa pag kamatay ng paborito niyang anak na si Ivonne. "Ikaw! Walang-hiya ka! Ikaw ang pumatay sa kapatid mo-ahhh!" Humawak si Dad sa bahagyang dibdib, bahagyang naninikip ang dibdib."Hon, Hon." Mabilis naman itong inalalayan ni Mom si Dad na hihimatayin kasama ang ilan pa naming
MAE'S POV"Lea?" Kahit na rin ako nagulat nang makita ko si Lea sa harapan ko na may ngiti sa labi. Suot ang fiited tube red dress, at sa gilid may slit kaya lumabas ang maganda at maputi nitong legs sa suot. Hinayaan lamang nitong naka lugay mahabang buhok at sa laylayan bahagyang kinulot."Hi, Mae." Tinaas ang kaliwang kamay para lamang batiin ako. Hindi ko nagustuhan ang pag bati nito maski na rin ang presinsiya nito na naroon sa birthday party ni Dad. Imbes na sumagot, lumapit ako sakanya sabay hablot nang braso nito na galit na paraan para paalisin. "What are you doing here? Umalis kana, kong sisirain mo lang ang magandang gabi na ito sa Daddy ko." Humigpit ang pag kakahawak ko sa braso nito at nanlaban din si Lea sa pag hila ko sakanya.Hindi ko hahayaan na ang isang kagaya niya, sisirain lamang ang magandang araw na ito sa Dad ko."Oh my god Mae, seriously? Ganiyan kana ba ngayon mag isip?" Makatwang tumatawa itong hindi makapaniwala. "Paano mo naman nasabing sisirain ko ang g
LEA KRISTINE'S POVKanina pa ako hindi mapakali na tinatawagan simula kagabi ang numero ni Insoo, ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko sa kanya kahit na rin ang text. Simula no'ng pumunta ito sa aking Opisina kahapon at ipag tapat ang tunay na nararamdaman sa akin, hindi na ako nag karoon ng pag kakataon na mag kausap kaming dalawa ng masinsinan at ipaliwanag dito ang lahat.Alam kong nasaktan ko siya.Hindi ako sanay na ganito kami na dalawa na may hindi pag kakaintindihan na dalawa.Paano na lang kong hindi niya na ako kausapin?Paano na lang, kong tuluyan na niya akong iwasan at layuan?Iniisip ko pa lang na mangyayari iyon, may takot na kaagad sa aking dibdib. Naranasan ko na noon na iwan ng mga taong importante sa akin at ayaw ko na muling ranasin pa ang sakit at bigat sa dibdib kapag ganun."Pick up the phone, Insoo. Pick it up," taimtim kong dasal na ngayo'y nag ri-ring naman ang cellphone nito sa kabilang linya at hindi ako nauubusan ng pag-asa na mag kausap kaming dalawa.
MAE'S POV"So you we're saying na nakita mo ang babaeng naka-dress no'ng pumunta siya dito sa kompaniya?" nabuhayan ang aking dibdib ng pinamalita ko sa aking mga empleyado na pinapahanap ko kong sino ang naka-kita sa babaeng naka-dress. Pangalawa lamang ang babaeng ito na lumapit sa akin na nakilanlan nito ang babaeng hinahabap ko."Yes Mam," pag sasang-ayon nito. Nag trabaho ito sa ibang department na aking nasasakupan pa naman at base pa lang sa kilos at galaw nito mukhang may alam nga talaga ito. "Nakita ko po ang babaeng hinanap niyo nang bandang hapon na po iyon. Naka sabay ko pa nga siya sa elevator at kami lang na dalawa ang sakay ng mga oras na iyon," sagot pa nito na hindi na ako mag padaunggaga sa aking kina tatayuan na malaman pa sakanya ang iba."So what else? May napansin ka bang kakaiba? Nakilalanlan mo ang mukha niya, ano?" Nilapit ko pa ang mukha ko sakanya na hindi na makapag hintay na malaman pa sakanya ang iba pang detalye. Hindi na rin ako pinapatulog kakaisip kon
LEA KRISTINE'S POV"Mommy, bilisan mo po." Excited na hini-hila ni Steven ang aking kamay para bilisan ang aking pag lalakad. Nag patanggay na lamang ako sa pag hila niya sa akin at hindi na maitago sa mukha ng anak ko ang excitement."Sandali lang anak," wika ko pa. Ramdam ko ang pag sunod sa amin ni Mark sa likuran namin na naka-pamulsa at pinapanuod kaming nauna na.Matapos naming kumain ng tanghalian, dumiretso na kaming tumunggo sa Manila Ocean Park para mamasyal, dahil iyon ang pangako ni Mark sa anak ko na pupunta sila na mag kakasama doon. Tutol man sana ako na kasama namin siya ngayon, pero ayaw ko naman na ipag kait sa anak ko ang maging masaya kahit sandali lamang.Ramdam ko naman talaga na gusto nitong makasama si Mark.Pag dating namin sa mismong entrance, marami ng mga tao ang naka abang at ilan sa mga ito naka-pila na. Iilan sa mga nakita ko ang mga mag kakaibigan, mag asawa at ang iba naman kasama ang kanilang mga anak sa pamamasyal.Pumila na kaagad kami para maagang