Share

Chapter 4

Chapter 4

Hindi mawala ang matamis na ngiti sa labi ni Lea nang ilapag niya sa lamesa ang huling putahe na kaniyang niluto. Nakalagay na rin doon ang usual na kinakain nila sa almusal tulad ng bacon, sinangag, tuyo, itlog at tasa ng kape na tinimpla niya para sa kaniyang asawa.

Nakaayos na rin ang set-up sa table gaya ng mga kubyertos. Si Mark na lang talaga ang hinihintay na bumaba.

Sinadya talaga ni Lea na maagang gumising para ipaghanda lamang si Mark ng almusal dahil hindi lang kagaya ng usual na araw ang araw na ito.

Dahil espesyal ang araw na ito para sa kanilang mag-asawa.

“Yes dad, naintindihan ko.” Narinig niyang seryoso na sumagot ang kaniyang asawa, kaya't siya'y natigilan mula sa kaniyang ginagawa. Nakasuot ng apron si Lea dahil na rin abala siya sa kusina kani-kanina. Nakasuot naman ng pormal na pang opisina ang kaniyang asawa at sa suot nito ay tumingkad pa ang taglay nitong kaguwapohan. Nadedepina din ang hubog ng katawan nito dahil sa fit na fit nitong suit.

Bagay na pinakagusto ni Lea sa lahat na meron ang asawa.

Hindi maalis ni Lea ang tingin kay Mark habang ito'y abala sa pakikipagusap sa cellphone.

Nakakunot na naman ang noo ng kaniyang asawa, mukhang galit na naman ito sa mundo. Kahit parating nakakunot ang noo ng kaniyang asawa ay hindi pa rin nababawasan ang kaniyang pagtingin dito. Guwapo pa rin kahit na nagmumukhang may mens araw-araw.

Feeling nga niya ay ito ang pinaka-guwapong lalake sa kaniyang asawa.

“Yes, she's here. Tawagan na lang kita mamaya dad.” Malagong na tinig nito at nilagay ang cellphone sa bulsa. Binalingan siya nito ng tingin na ikinakurap-kurap niya.

“K-Kumain ka na, naghanda ako ng almusal para sa’yo.” Nagkadautal-utal na tinig ni Lea. Hindi niya talaga maiwasan na pagpawisan at kabahan kapag kaharap niya na si Mark.

Kaya talaga nitong palambutin ang kaniyang tuhod sa takot, kahit simpleng tingin lang nito ay sobra-sobra na ang kaniyang takot. Naaalala niya na kaagad ang mga maaari nitong gawin sa kaniya kapag may hindi itong nagustohan sa kaniya, lalong-lalo na sa mga pagkakamali.

“Tsk!” Naiiling nitong tinig at umupo sa bakanteng silya para kumain.

Nanatiling nakatayo lamang si Lea habang pinagmamasdan ang kaniyang asawa na nagsasalin ng pagkain sa plato nito. Hindi mapakali si Lea nang sandaling iyon. Naglalaro pa din sa kaniyang isipan kung sasabihin ba niya kay Mark ang gusto niyang sabihin o huwag na lang.

“What? Tatayo ka lang ba diyan sa harapan ko Lea?!” Iritado at pagalit na asik ni Mark, muntikan ng mapatalon sa pagkagulat si Lea sa bigla-bigla nitong pagsasalita.

“Hindi ba't sinabi ko sa’yo na ayaw kong makita ang pagmumukha mo habang kumakain ako?!” Iritadong-iritado na sambit nito. Napayuko si Lea nang maramdaman ang kaniyang puso na unti-unting nawawasak.

Ganun ito parati sa kanila, na para ba silang nakakahawa na sakit kung ituring. Ni kahit isa ay hindi sila nito nilambing o pinatunguhan ng maayos.

Sobrang sakit hindi ba?

Ayaw na ayaw kasi ni Mark na sumabay sila ng kaniyang anak sa hapagkainan. Bilang lang yata sa kaniyang daliri ang mga beses na nagkakasabay silang kumain. Pero suntok naman sa buwan kung mangyari pang magkasabay sila ulit.

Tiyaka lang sila kumakain ni Steven kapag nakaalis na si Mark. Gano'n palagi ang routine nila. Parang hindi sila nito pamilya kung ituring. Parang hindi kaano-ano at walang kapake-pakealam kung ano man ang mangyari sa kanila.

Paulit-ulit nitong pinaparamdam sa kaniya kung gaano sila kamalas sa buhay nito at kung gaano siya kasama at ka walang puso upang sirain ang buhay nito.

Na siya ang dahilan kung bakit ito nagdurusa at hiniwalayan ng dating nobya na mahal na mahal nito.

Napakasakit sa parte niya dahil hindi niya naman deserve ang ganitong klase ng pamumuhay. Wala siyang kasalanan. Dahil sa una pa lang, hindi pagkakamali ang lahat. Ginusto nila pareho iyon. Kung hindi lang sana siya ginalaw ni Mark, Sana ay hindi sila umabot sa ganitong situwasyon at wala rin itong masisisi. Dahil sa kapusokan nito, kaya sila nagkaganito.

Ngunit, siya na nga ang biktima. Siya pa rin itong nadiin at nasisi.

Like, hindi ba talaga niya deserve ang matrato ng maayos?

Parati niya nalang natatamo ang mga pangbabaeumbado nito sa kaniya. Ang paninigaw at lahat-lahat.

Siya na nga ang naghirap, siya pa ang napaparusahan sa pagkakamaling pinagsisihan na niyang pasukin.

Pero kahit during na durog na ang kaniyang pagkatao dahil sa mga pananakit nito ay nagagawa niya pa ring mahalin ang asawa niyang hindi siyang kayang suklian pagmamahal na inilalahad niya.

Mahal niya ito. Kaya niya pinili ang maghirap ay dahil ayaw niyang masira ang kaniyang pamilya. Ayaw niyang magkahiwalay sila.

Handa niyang tiisin lahat.

Hindi ba't naoakatanga niya? Sa ginagawa niya, hindi talaga malayo ang pagiging ulirang tanga sa kaniya.

Ang tanga niya para lumaban ng mag-isa kahit ayaw na ng tao sa kaniya. Napakagaga niya upang kumapit pa kung gayo'ng ang tao na mahal niya ay sinasakyan siya.

Naoakatanga niya upang umasa na mahalin din siya nito balang-araw.

“A-Ah, kasi...” Hindi mapakali si Lea habang kagat-kagat niya ang kaniyang labi.

“Spill it out!”

“Maaga ka bang uuwi m-mamaya?” Hindi maawat ang kaba sa kaniyang dibdib, kahit ang kaniyang labi ay nanginginig sa bawat salita na kaniyang binibigkas. Takot na baka singhalan siya nitong muli. “K-Kasi mamaya balak ko sanang magluto ng espisyal na dinner para sa ating dalawa kapag. K-Kung wala ka na ring g-gagawin sa kompanya mamaya.” She was more than careful in regards of her words na kaniyang binibitawan. She doesn't want to displease her husband, kahit na palagi naman itong displeased sa presensya niya. “I-It’s our wedding anniversary today. Makakarating ka mamayang g-gabi hindi ba?”

Matiim siyang tinitigan ng kaniyang asawa, habang namayani naman ang iilang segundo na katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

“Oo.” Walang kabuhay-buhay nitong sagot tiyaka binalingan ng pansin ang pagkain.

Si Lea naman ay tila natigilan at nagulat sa naging sagot nito. Para bang hindi siya makapaniwala sa isinagot ng asawa sa kaniya na dadating ito mamaya.

Kahit napakasimple lang ng isinagot ni Mark sa kaniya ay napakalakas naman ng impact no'n sa kaniya. Tila dinumog ng sandamakmak na paru-paru ang kaniyang tiyan sa lubos na kilig at saya na kaniyang nadarama.

She's happy that they will celebrate their anniversary together.

“S-Sige kain ka lang ng marami at ipaghahanda ko mamaya ang mga paborito mong pagkain mamaya.” Hindi mapigilan ni Lea ang mapangiti at ang maging excited sa magaganap mamaya.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nang makaalis na si Mark ay itinuon ni Lea ang kaniyang atensyon sa paglilinis ng bahay at iba pa niyang mga gawain. Tila ba nagkaroon siya ng energy na kumilos na gawin ang iba pang mga gawain. Napaka-aliwalas din ng kaniyang mukha at panay sa pag ngiti.

Her day is good.

Pasado alas kwatro pa lang ng hapon ay nagsimula ng maghanda si Lea ng mga pagkain na iluluto niya para sa Wedding Anniversary nilang dalawa ni Mark.

Nag set-up din siya ng candlelight dinner para sa kanilang dalawa, at nakahanda na rin ang plato at kubyertos sa lamesa. Naglagay din siya ng fresh flowers para bigyan ng attraction ang magiging gabin nila. Sinadya niya talagang ipagluto ang mga paboritong pagkain ni Mark para magiging masaya ito.

Nagsuot si Lea ng isang simpleng dress na puti at hinayaan na nakalugay ang itim at mahaba niyang buhok. Naglagay din siya ng kaunting make-up sa kaniyang mukha para kahit papaano ay hindi siya mukhang haggard at maputla sa harapan ng asawa, kapag dumating na ito.

Labis siyang nasasabik dahil sa ilang taon nilang anniversary na lumipas ay ito lamang ang kauna-unahang beses na magsasama at ce-celebrate silang dalawa na magkasama. Kaya’t todo talaga ang paghahanda ni Lea sa araw ito.

Yes, believe it or not. Ito ang kauna-unahang beses na mag celebrate silang dalawa. Dati-rati ay hindi naman ito mahalaga sa asawa at kahit ni minsan ay hindi rin niya nararanasang ma-sorpresa man lang nito. Pero gano'n man ay hindi siya nagreklamo o nag demand dahil ayaw niyang magalit ito sa kaniya.

Kahit sa gano'ng bagay man lang ay maibsan niya ang galit sa puso nito.

“Ayan, tapos ka na.” Malawak ang ngiti ni Lea nang matapos ang kaniyang ginagawang set up. Tiningnan niya ang oras sa wall clock at nakitang alas syete na ng gabi.

Mga anumang oras ay dadating na si Mark mula sa trabaho. Alam na alam talaga ni Lea ang oras na lalabas ang asawa mula sa trabaho kaya’t labis ang kaniyang pagkasabik sa presensya nito.

“Mark!” Masyang-masaya si Lea nang may marinig siyang huni ng sasakyan. Dumungaw siya at sumilip. Pero kaagad siyang nadismaya dahil hindi naman pala iyon sasakyan ni Mark. “Ay, hindi mo pala sasakyan ang dumating.” Bulong niya sa kaniyang sarili.

Lumipas ang mga oras at wala pa ring Mark na dumating. Lumalalim na rin ang gabi ngunit naghihintay pa rin si Lea sa pagdating nito. Nakaupo siya sa isa sa mga silya sa dining. Para maibsan ang lungkot niya, ininom niya ng paunti-unti ang red wine na isinalin niya kanina sa wine glass.

“Nasaan ka na ba Mark?” Malungkot na tinig ni Lea dahil pasado alas nuwebe na ng gabi ay wala pa din ang kaniyang asawa. “Bakit wala ka pa?” Walang-buhay niyang tinig at tiningnan ang cellphone. Imposible naman na maipit ito sa traffic, dapat sana ay kanina pa ito nakauwi.

Hindi din ito nag text or tumawag sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit wala pa ito hanggang ngayon. Dati-rati man ay dumadating ang kaniyang asawa ng alas syete ng gabi, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ito?

Hindi niya maiwasan ang malungkot ng sobra. Baka hindi ito dumating.

Pinilig niya na lamang ang kaniyang ulo upang iwaksi sa kaniyang isipan ang kaniyang mga naiisip. Ayaw niyang maging negative at maging malungkot sa espisyal na araw nilang dalawa ng asawa.

Darating ito.

Huwag kang paghinaan ng loob Lea. Pag che-cheer niya sa kaniyang sarili dahil sinabi ng asawa niya na dadating ito kaya dadating ito. Baka may dinaanan lang ito o kaya may tinapos na trabaho sa kompanya kaya ito natatagalang umuwi.

“Mommy?” Inaantok na tinig ng kaniyang anak na si Steven. Nagkukusot ito ng mga mata na lumalapit sa kaniya at antok na antok na. “Nagugutom na po ako. Wala pa po ba si Daddy? Hindi pa po ba tayo kakain Mommy?” Huminto si Steven sa kaniyang harapan habang malungkot itong nagtanong.

Kinarga ni Lea ang kaniyang anak, at labis din siyang naawa dito dahil kailangan pa nilang hintayin si Mark nang sa gano'n ay sabay-sabay silang kumain.

“Sorry, baby. Wala pa din ang Daddy mo eh.” Napanguso ang anak niya sa kaniyang sinabi. Gutom na gutom na nga siguro ito dahil pareho silang naghintay sa pagdating ni Mark. Nalulungkot siya para sa anak. “Nagugutom ka na ba? Sandali lang at ipaghahanda kita ng pagkain mo.” Ibinaba niya ang anak mula sa kaniyang kandong at kumilos upang ipaghanda ito.

“Sige po, Mommy.” Inaantok nitong tinig. “Ikaw po ba Mommy? Hindi ka pa din po ba kakain? Sabay na po tayong kumain po.” Inosenteng tinig nito. Hindi maiwasan ni Lea ang mapangiti sa paanyaya ng anak. Napakabait talaga nito.

“Hindi pa, baby. Busog pa si Mommy eh. Sabay na lang kami ni Daddy kumain, tiyak na pauwi na din siya ngayon.” Sagot niya sa anak tiyaka masuyong ginulo ang malambot na buhok ng anak. Napanguso naman ito sa kaniya kaya nagmumukhang cute lalo. “Sige na, maupo ka na sa chair, ihahanda lamang ni Mommy ang pagkain mo.”

“Sige po, Mommy.” Naglakad na ito sa bakanteng silya at siya naman ay sumunod dito pagkatapos kumuha ng pagkain. Pinakain niya ito at nang sa matapos ito ay hinatid niya ito sa silid nito upang patulogin.

Alas onse na ng gabi nang makababa ulit si Lea. Malalim na ang gabi ngunit wala pa ring Mark na dumating. Pinatay niya nalang ang iilang ilaw sa sala at tinakpan ang mga pagkain na kaniyang hinanda.

“Nasaan ka na na Mark?” Matamlay niyang tanong sa hangin. Bagsak ang mga balikat na tiningnan niya ang pintuan ng bahay. “Akala ko ba ay uuwi ka, bakit hanggang ngayon ay wala ka pa din?”

Hindi na natiis ni Lea ang sarili at kinuha ang cellphone sa bulsa saka tinawagan si Mark. Nag-aalala na siya. Pero panay ring lang nito at mukhang wala pang plano ang kaniyang asawa na sagutin ang kaniyang tawag. “Please pick up the phone, Mark.” Mataimtim niyang dasal. “Please sagutin mo naman ang tawag ko.” Ilang minuto niya na itong tinatawagan pero wala pa din na sumasagot.

“Akala ko ba ay sabay tayong mag celebrate ng Anniversary natin? Bakit hanggang ngayon wala ka pa din? Bakit hindi ka pa din umuuwi? Asan ka na ba M-Mark?” Gumagaralgal niyang tinig at kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata niya.

Hindi niya maiwasan ang maging emosyonal ng sandaling iyon dahil ilang minuto na lamang ay matatapos na ang araw at ang kanilang anibersaryo.

Buong tamlay na tumungo si Lea sa sala at naupo sa couch. Napagdesisyonan niyang doon na lamang hihintayin si Mark.

Naalimpungatan ng gising si Lea nang marinig ang pagbukas-sara ng pintuan, palatandaan na may pumasok. Mabilis siyang napabangon mula sa kinahihigaan niyang couch. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya habang naghihintay sa pagdating ni Mark. Nagkusot siya ng kaniyang mga mata.

Sandali, anong oras na ba?

Tumingin siya sa cellphone at halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita na pasado alas dos na pala ng umaga.

Nabalik siya sa realidad nang marinig ang mga mabigat na yabag at nakita ang pamilyar na bulto ng isang tao. Kahit hindi niya ito titigan ng matagal ay alam niya na ang asawa niya ito.

“M-Mark.” Masigla niyang pagtawag dito. Tila bumalik ang sigla niya nang makita ito. Para bang nawala din ang kaniyang tampo kahit na late na itong makauwi sa bahay. Para kay Lea, ang importante sa lahat ay umuwi ito. “Mabuti naman at nakauwi ka na. Kumain ka na ba? Nga pala naghanda ako ng masarap na hapunan para sa ating dalawa. Tamang-tama sabay na tayong kumain.” Abot hanggang tenga niya ang kaniyang ngiti dito. Pero wala man lang siyang nakuhang sagot mula rito at dire-diretso lang ang paglalakad papunta sa dining.

Nakasunod siya sa kaniyang asawa at siya na rin ang nagbukas ng mga ilaw upang magkaroon ng liwanag ang dining. Sabik na sabik siyang ipakita ang kaniyang mga hinanda para dito at excited din siyang makita ang maging reaksyon nito.

Kahit tapos na ang Wedding Anniversary nilang dalawa ay ayos lamang iyon sa kaniya basta ang mahalaga ay nandito na ito kasama niya.

Inalis niya ang mga nakatakip sa pagkain at naisipan niyang iinitin niya nalang iyon para kahit papaano ay hindi malamig kung kakainin.

“Kanina pa ako tumatawag sa’yo pero hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko sa’yo.” Tuloy niyang pagkukwento at wala pa din siyang makuhang sagot sa kaniyang asawa.

Napaka-dilim ng mga mata nito at walang bahid na emosyon ang mukha. “Naiintindihan ko naman kung ngayon ka lang nakauwi dahil siguro marami kang inasikaso na trabaho sa kompaniya mo hindi ba? Huwag kang magalala dahil hindi naman ako galit. Naintindihan ko naman kita. Sabay na tayong kumain. Tar–" Tinangka niya sanang hawakan ang kamay nito nang bigla nitong tinabig ang kaniyang kamay na labis niyang ikinabigla.

Namutawing muli ang takot at nerbyos sa kaniyang puso. Lalo na nang makita niya ang mga nanlilisik nitong mga mata sa galit.

Bakit?

Bakit ganun na naman siya nitong tratuhin?

“Could you please shut it?!” Iritado nitong tinig para siya'y makurap. “Pwede bang itikom mo 'yang bibig mo Lea?!” Singhal nito at marahas siyang hinawakan sa palapulsohan.

Doon niya muling naisip ang mga maaari nitong gagawin sa kaniya. Nabalot ang kaniyang pagkatao ng takot. Pero mas lalo siyang kinabahan ng maamoy niya ang pamilyar na amoy ng alak mula rito.

Late ba itong umuwi dahil uminom ito?

“M-Mark. Lasing ka ba?” Tanong niya rito sa garalgal na boses. “Bakit? Bakit ka uminom? Alam mo naman na maghahanda ako ng dinner nating dalawa h-hindi ba? Di'ba sinabihan kita kanina na ngayon a-ang anniversary nating dalawa? Bakit naglasing ka pa d-din? Bakit late ka na umuwi? Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sa’yo Mark?” Hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ito naglalasing at kung bakit hindi ito umuwi kaagad kung gayo'ng tumango ito sa kaniya nitong umaga na uuwi ito ng maaga.

“Tanga ka ba?!” Puno ng pang-uuyam nitong tinig. In-insulto na naman siya. “Sabagay tanga ka naman talaga!” Hindi pa ito nakuntento at dinagdagan pa ang pang-iinsulto nito sa kaniya. Pigil niya ang sarili na huwag mapahikbi. "Iniisip mo talaga na uuwi ako ngayon? Sa tingin mo ba ay mag ce-celebrate ako ng anniversary na kasama ka?! May sinabi ba akong darating sa lintik na anniversary na ito?!” Bulyaw nito sa kaniyang mukha at siya'y napapikit na lamang.

“Pero sinabi mo na darating ka kanina, h-hindi ba?” Bumibigat ang paghinga ni Lea habang pigil niya ang sarili na huwag magpadala sa kaniyang emosyon.

Saan ba siya nagkulang? “Kaya naghanda ako ng pagkain dahil sinabi mo n-na darating k-ka.”

“Wala akong sinabi. Ikaw lang ang nag assume Lea! Ikaw lang ang gumagawa ng mga bagay para saktan ang sarili mo!” Napa-singhap siyang muli nang marahas siya nitong hinatak palapit dito. “Pwede bang tigilan na natin ang kalokohan na ito! Dahil alam mo naman na pinakasalan kita dahil sa lintik mong anak na nasa sinapupunan mo noon, hindi ba Lea?”

“M-Mahal kita, Mark.” Gumagaralgal niyang pag-amin. Mala-demonyong ngumisi sa kaniya si Mark.

“Mahal mo ako?!” Nanguuyam nitong wika. “That’s bullshit! Kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita mamahalin Lea! Itatak mo sa kokote mo ang bagay na iyan!” Saka siya buong buong puwersa na tinulak at napasalampak siya sa sahig dahil sa lakas na binitawan nito.

Durog na durog ang kaniyang puso ng mga sandaling iyon. Pinagmamasdan niya lamang si Mark sa kaniyang harapan habang tahimik na nagsihulugan ang kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

“And what’s this? Are you giving me a trash Lea?” Asik nito at tinabig ang laman ng lamesa. Sunod na umalingawngaw ang malalakas na tunog ng pagkabasag ng mga babasaging kubyertos.

Kitang-kita niya kung paano tumilapon ang mga pagkain na kaniyang hinanda sa tiles at nasasaktan siyang makita iyong nasayang at natapon.

“Please stop, Mark. Please, tama na.” Pigil niya rito habang niyakap ang tuhod nito. “Please t-tama na Mark.” Nagmakaawa siya ngunit sinipa lang siya nito kaya napalayo siya dito ng pwersahan.

Isa-isa niyang hinulog sa sahig ang plato at baso. Umalingawngaw ang malakas na pag-kasabag ng mga iyon sa sahig.

Kasabay ng pagkabasag ang pagka-basag din ng puso ko ng paulit-ulit.

Nagpatuloy si Mark sa pagtatapon ng mga nasa lamesa at ayaw magpapigil. Tanging pag-iyak lang ang nagagawa ni Lea. Masyado siyang mahina para pigilin ito. “P-Please tama na, Mark. Please, tama na. Parang-awa mo na.”

“Sa susunod alamin mo naman kung saan ka dapat lulugar Lea!” Iritadong binitawan ni Mark ang hawak nitong pag-kain at dinuro siya. “Asawa lang kita at hanggang sa papel lang iyon! Naiintindihan mo?! Huwag mo ng subukan, dahil kahit ano pang gagawin mo, hinding-hindi na magbabago ang pagtingin ko sa’yo! I don’t love you!" Nakatiim-bagang nitong sigaw at sinipa ang natapon na kanin. Tumalsik iyon sa mukha niya at siya'y napahikbi. Iniwanan siya ni Mark sa gano'ng estado at hindi man lang siya nito tinulungan.

Lahat ng efforts niya na binigay niya sa paghahanda ng anibersaryo nila ay nasayang lamang at masyado siyang nadurog roon. Lalong-lalo na kung paano siya tratuhin ng kaniyang asawa na akala niya no'ng una ay nagbago ng kaunti man lang.

“Fuck!” Dining niyang pagmumura nito habang naiinis na ginulo ang sariling buhok.

Nanghihina niyang pinalis ang kanin at ulam na tumalsik sa mukha niya at napahawak sa kaniyang puso pagkatapos. Pinakiramdaman kung gaano siya nagdurugo roon. She just confessed her feelings to her husband, and look at what she got?

Ano pa ba ang kulang sa kaniya at kung bakit hindi siya nito magawang mahalin?

Ano bang dapat niyang gawin para tanggapin at mahalin siya nito?

Bakit hindi pa din siya sapat rito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status