Share

Chapter 1

Chapter 1

Lea's POV

“Ano ka ba, Lea? Hinay-hinay ka nga diyan sa pagkain. Hindi ka naman mauubusan ng pagkain sa lamesa.” Sita ni Mommy sa'kin na ikinatigil ko mula sa pag kain. “Parati ka na lang lumalamon sabi sa akin ni Yaya Letty. Tumataba ka na raw sa kaka-kain mo. Kung my boyfriend ka lang, mapaghahalataan na kitang buntis sa ginagawa mong iyan eh.” Natatawang biro ni Mommy sa'kin, na kahit biro lamang para sa kaniya ang bagay na iyon ay hindi iyon maganda para sa'kin.

Bigla akong nawalan ng gana at napalitan ng kaba. Takot sa aking narinig mula sa kaniya.

Mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas simula no’ng may nangyari sa aming dalawa ni Kuya Mark, at hanggang ngayon ay hindi ko na itong nakita pang muli.

Hindi na rin ako pumupunta sa bahay ni Jamie dahil na rin sa masakit na nangyari sa'kin kay Mark. Matapos niya akong ipagtaboyan na ay wala na akong lakas na bumalik pa roon. Ang pakiramdam na iyon ay napaka-presko pa sa'kin at ayoko ng muli pa siyang makita dahil alam ko sa sarili ko na masasaktan lang ako.

Wala na rin akong lakas ng loob para siya'y harapin pa. Hiyang-hiya na rin ako sa sarili ko. Kahit pa na nailigtas ko ang sarili ko sa dare, dignidad ko naman ang naabuso ng iba.

Siguro hanggang dito na lang kami. Ibabaon ko na lang sa limot kung ano man ang nangyari sa amin ng gabing iyon.

Malaya kong pinagmamasdan si Mommy na may suot na magara at mamahalin na kasuotan. Kahit may edad na ang Mommy ko ay hindi pa din gaanong halata sa kaniya ang kaniyang edad dahil na rin sa paano niya inaalagaan ng mabuti ang kaniyang katawan at kalusogan.

May kaya naman talaga ang aking pamilya. May sariling business na pinamamahala ang aking mga magulang, at kasalukuyan namang tumutulong ang nagiisa kong Kuya sa kompanya namin.

“Ma'am Lea. Pinapatawag ka po ng iyong Papa sa kaniyang study room.” biglaang lumapit sa'kin ang katulong at pinagbibigay alam ang utos ni Papa.

Ako?

Tinatawag ni Daddy?

Bakit naman kaya?

Labis akong nagtataka kung bakit pinapatawag niya ako ngayon.

“Sige na anak, at baka kailangan ka ng iyong Daddy doon.” Sabi ni Mom sa'kin na may ngiti sa kaniyang labi. Tumango nalang ako at tumayo na para puntahan si Dad sa study area room niya.

Tahimik akong naglalakad, at ang aking mga mata ay diretso lang sa aking dadaanan. Inayos ko muna ang aking suot na damit, para kahit papaano ay magmukha naman akong presintable sa harap ng aking ama.

Hindi ko alam kung ano man ang pakay ni Dad sa'kin at kung bakit niya ako pinapapapunta sa study room niya ngayon. Subalit, sa hindi malaman na dahilan ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Kahit ang mga kamay ko ay nagsisimula ng mamasa.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga nang makarating ako sa harap ng pintuan ng study room ni Dad bago ako kumatok at pinihit pabukas ang pintuan. Ayaw rin kasi sa lahat ni Daddy ang maistorbo sa mga ginagawa, kaya’t iniiwasan ko rin ang gumawa ng ingay sa tuwing pumupunta ako rito.

“D-Daddy?” Iginala ko ang aking mga mata sa paligid para hanapin si Daddy. Malaki din kasi ang study room, nagmumukha na nga itong library na kagaya ng nasa school namin. May mga malalaking shelves ng libro. Dito namamalagi si Dad kapag may hindi siyang natatapos na gawain sa kompanya.

Sa isang tabi naroon ang black marble table ni Dad, nakapatong doon ang laptop niya at mga paperworks sa ibabaw. No'n ko lang napansin si Dad na nakatayo roon pero nakatalikod sa aking gawi. Siya ay nakasuot ng disente at pormal na damit.

Naglakad ako papunta kay Dad nang sa gano'n ay tanongin siya kung ano ang pakay niya sa pagpapatawag sa'kin dito.

Siya nga pala si Gabriel Tan Sandoval. Simula bata pa lang ako ay kinakatukan ko na ang aking ama. Strikto kasi ito at ayaw na ayaw ang mga pagkakamali. Alam na alam ko ang ugali ni Dad. Isa siyang self centered man na dapat lang na masunod ang lahat ng gustohin nito. Kahit si Mommy or ang kapatid ko ay wala ng magagawa sa ugaling iyon ni Dad.

“Pinapatawag mo daw ako Daddy? Ano po iyon?”

Napalunok ako nang humarap si Daddy sa'kin at madilim akong tiningnan. May nagawa ba akong mali?

Nag lakad si Daddy papunta sa kinaroroonan ko, kahit hindi ito magsalita ay ramdam na ramdam ko pa din ang kakaibang takot at sindak na lumukob sa dibdib ko ng sandaling iyon.

“D-Daddy ano po iyo--” hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang binigyan niya ako ng malakas at malutong na sampal na labis kong ikinabigla.

Anong nagawa kong pag kakamali?

Ano ang nagawa ko?

Napahawak ako sa aking pisngi na sinampal ni Dad, samantalang nangingilid ang aking mga luha sa mata.

“D-Daddy.” Gusto kong itanong kung bakit niya ako sinampal. Pero maliban sa pagtawag kay Dad ay wala ng ibang salita pa ang lumabas sa aking bibig.

Bakit?

“What the fuck is this, huh?!” Pero nagulat nalang ako nang binato ako ni Dad ng pregnancy test kit. Parang pinagkaitan ako ng hangin ng sandaling ito dahil sa magkahalong kaba at takot. Kahit hindi ko tingnan iyon ay alam kong sa'kin iyon.

Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Umagos ang mga luha sa aking mga mata at ako'y napahikbi.

Hindi ko alam kung papaano nakita at nahanap iyon dad at kung papaano niya nalaman ang bagay na ito nang itinago ko naman ang katotohanang ito sa sarili ko lang. Sa pagkakaalam ko rin ay itinapon ko ang pregnancy test ng maayos.

Oo buntis ako.

Nag bunga ang isang gabi na nangyari sa aming dalawa ni Kuya Mark.

Pero nagawa kong manahimik at hindi sabihin sa aking mga magulang ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil napaka-bata ko pa.

Ayoko silang problemahin dahil alam kong magagalit sila sa akin.

Alam kong ma di-dissapoint sila sa akin dahil sa kay aga kong nabuntis. Lalong-lalo na sa edad ko ngayon na dise-nuwebe.

Ayaw kong masaktan sila.

Ayaw kong magalit si Daddy.

Pero wala eh.

Nalaman na niya ang sikreto ko.

“Can you fucking explain this to me, Lea Kristine?!” Umalingawngaw ang malakas at nakakahindik na sigaw ni Daddy na bumigat pa lalo ang aking puso.

“Dad—” Nanginginig pa rin ang aking boses, kahit ang labi ko ay nangangatal. “K-Kasi Daddy, magpapaliwanag po ako sa in--”

“Halika ka ditong bata ka!” Matinis nitong sigaw at marahas nitong hinawakan ang aking pulsuhan at kinaladkad palapit sa kaniya. “Magpapaliwanag?! Sapat na itong nakita ko ngayon, Kristine! Matapos ng lahat-lahat ng ginawa namin para sa'yo ay magpapabuntis ka lang! Sino? Sino ang hayup na may gawa nito sa’yo, ha? Sino!?” Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa aking palapulsohan. Alam Kong mag iwan iyon ng marka doon.

“Daddy, n-nasasaktan ako.” Impit kong d***g at pilit na pumipiglas para makawala sa pagkakahawak nito. “D-Daddy, please.” Patuloy akong umiyak, pero sa huli ay wala pa din akong nakuhang emosyon sa mga mata nito.

“Talagang masasaktan ka talaga sa akin kapag hindi mo sinabi sa akin kung sino ang may gawa nito sa’yo!” Napapapikit ako sa tulis at lakas ng boses ni Dad.

“Daddy, please.”

“Jusko, Gabriel! Ano ba ang nangyayari dito?” Bigla ay dumating si Mommy at natatarantang tinanong si Daddy.

“Itong magaling mong anak! Nagpabuntis!” Walang preno na ulat ni Daddy na puno ng disgusto at pagka-dismaya.

Napatakip sa kaniyang bibig si Mommy at gumuhit sa kaniyang mukha ang gulat sa narinig mula kay Daddy.

“Kristine, totoo ba ang sinasabi ng Daddy mo ha? Totoo ba iyon anak?” hinihintay nito ang magiging sagot ko at tanging pag-iyak lang ang naisasagot ko.

“Mommy, I’m s-so sorry po. I’m so sorry.” Bukod sa paghingi ng tawad ay wala na akong maiisip pang iba. Alam kong pinalaki nila ako ng maayos. Hindi sila nagkulang at natural lang na magalit sila sa'kin. Kasalanan ko.

“Jusko po."Bulalas ni Mommy.

“Halika ka nga ditong bata ka!” Muli ay niyugyog ako ni Daddy. “Sino? Sino ang hayop na lalaking may gawa nito sa’yo, ha? Sino!? Mapapatay ko ang hayop na lalaking iyan!” Puno ng galit na wika ni Daddy habang sinasaktan ako. Pero doon ako mas natakot sa kaniyang banta.

Kilala ko kung gaano kasama si Daddy. Lahat ng sinasabi niya ay totohanin niya. Wala siyang salita na binitawan na hindi niya isinasagawa.

“Hindi ko alam, Daddy. H-hindi ko siya kilala.” Pag-sisinungaling ko. Ayaw kong idamay pa dito si Kuya Mark

Dahil alam kong magkakagulo lang ang lahat kapag sinabi ko sa kanila kung sino ang totoong nakabuntis sa akin.

Mas lalala lang ang situwasyon kung idawit ko pa siya dito. Mas mabuting ako nalang, tiyaka isang beses lang naman nangyari ang pagkakamaling iyon.

“Potangina, hindi ka talaga aamin!” Dumagundong ang sigaw ni Daddy. Tangka niya sana akong bibigwasan nang mabilis kong hinarang ang aking kamay, para hindi lamang siya matuloy sa kaniyang ginagawa.

“Please. H-Huwag Daddy, hindi ko talaga alam maniwala ka sa akin.” Patuloy kong pag-iyak sa harapan nito. “Maniwala ka sa akin, hindi ko talaga siya kilala. Please Daddy, patawarin niyo na po ako.. A-Alam kong nagkamali ako. Alam kong binigo ko kayo, please. Bigyan niyo pa po ako ng chance.” Tinaga ang puso ko sa sakit dahil hindi pa din nag-babago ang kaniyang pag-titig sa akin.

“Potangina Kristine, hindi ka talaga aamin?! Sino? Sino?!” Puno ng galit niyang singhal sa'kin saka malakas akong tinulak. Dahilan para ako'y masalampak sa sahig. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak at paghikbi.

“Jusko, Gabriel! Tama na, please. “ Away ni Mommy kay Daddy at dinaluhan ako.

“Ginawa ko ang lahat para sa’yo, Kristine! Binigay ko ang lahat ng gusto mo! Pati na ang marangyang buhay! Tapos ito lamang ang isusukli mo sa akin?!”

“I’m so very disappointed in you! Kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino ang lalaking nakabuntis sa’yo! Lumayas ka sa pamamahay ko! Huwag mo na rin aasahan na matatanggap pa kita bilang anak ko!” Mas natakot ako sa kaniyang sinabi at nangangapang gumapang palapit sa tuhod ni Daddy upang magmakaawa.

Bakit kailangan pang humantong sa paraan na ganito?

Ganito nalang ba ka makasalanan ang maaga kong pagbubuntis?

“P-Please, Gabriel. Huwag mo naman gawin ito sa anak natin. Nagkamali lamang siya.” Impit na iyak ni Mommy, at kagaya ko ay nagmamakaawa siya sa harapan ni Daddy. “Bigyan mo siya ng pangalawang pagkakataon. Alam kong may rason din ang anak natin kung bakit nangyari ito.” Kinurot ang puso ko sa ginawa ni Mommy. Hindi niya naman kasalanan ang kasalanan ko. Subalit, Heto siya at nagmakaawa kasama ako. Umiiyak at nasasaktan para sa'kin.

I'm very sorry Mommy…

“You leave me no choice, Rosinda!” Pinal na wika ni Daddy at umalis sa harapan namin. Niyakap ako ni Mommy. Napapahagulhol ako sa kaniyang bisig habang tinatanaw si Daddy. Sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa ay mas lumaki pa ang takot na aking nadarama.

“S-Si Mark po.” Basag kong tinig. Awtomatikong napatigil si Daddy sa paglalakad pero hindi niya pa din ako magawang harapin. “Si Mark Samuel Montecillo po, Daddy. Siya po ang nakabuntis sa akin.” pag-amin ko sabay hikbi. Hinagod ni Mommy ang aking likuran.

“Ano?! Ulitin mo nga ang sinabi mo Kristine?” At sa pag kakataon na ito, hindi na ang mga magulang ko ang nagsalita. Kundi ang bagong dating lamang.

Hinanap ko kong saan nag- mumula ang tinig at gano'n na lamang ang gimbal na lumukob sa dibdib ko nang makita si Kuya Reynard na nakatayo sa isang tabi.

Lingid kasi sa kaalaman ng lahat na matalik na magkakaibigan si Kuya Reynard at si Mark.

“Seriously? Of all people? Si Mark talaga?!” May pang-uuyam na tinig ni Kuya. Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao sa galit. Mukhang kanina pa ito at narinig lahat ng pinag-uusapan namin ni Daddy.

Alam kong walang kinakatukan si Kuya at parati itong nasasabak sa mga gulo. “Papatayin ko ang hayop na iyon!” bagay na ikinakatakot ko.

"Please, Kuya don’t hurt him.” Nanginig ang aking mga paa na lumapit sa kapatid ko, at patuloy na nagmamakaawa. "Please Kuya, huwag mo po 'yung gawin.” Patuloy kong pag-iyak sa harapan niya sa kabila ng walang kaemo-emosyon niyang mukha maliban sa galit.

Nag martsang naglakad si Kuya Reynard palabas ng study room na animo’y handang makipagpatayan. “Kuya! Kuya Reynard!” Habol ko sa kaniya pero hindi niya lang pinansin at nagtuloy-tuloy sa pag-alis.

“Reynard, bumalik ka dito. Reynard!” Sigaw rin ni Mommy.

Kahit nanginginig ang aking mga paa ay hinabol ko pa rin si Kuya Reynard dahil baka tuluyan nitong patayin si Mark kapag nagkataon.

“Woah! Anong nangyari dito?” inosente na nagtanong ang kakarating lang na si Kuya Glenard at ang mismong nagpapatigil sa'kin sa pagtakbo. “What happened, sis? Bakit ka umiiyak?” Nagtatakang tinig ni Kuya at hinawakan ako sa mga balikat.

Kakambal ni Kuya Reynard si Kuya Glenard. Pero sa kanilang dalawa ay SI Kuya Glenard lang ang nakakasundo ko. Strikto si Kuya Reynard, kagaya ni Daddy. Pero protective naman iyon pagdating sa kapakanan ko.

“K-Kuya Glenard, make Kuya Reynard stop p-please. Make him stop.” Taimtim kong pag- mamakaawa sa kaniya sa pagitan ng pag-iyak, kita kong nalilito pa rin siya sa nangyayari. “P-Please Kuya.” Takang bumaling ng tingin sa akin si Kuya Glenard.

Make them stop.

Please.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status