Share

The Dangerous Man Weakness
The Dangerous Man Weakness
Author: noowege

Kabanata 1

Author: noowege
last update Huling Na-update: 2023-02-08 22:54:39

Hindi siya halos makatayo at pakiramdam niya ay umiikot ang kaniyang paligid. Gusto niyang bumangon pero hindi niya magawa kaya't nanatili na lamang siya sa hinihigaan. Dim light lang ang paligid at hindi gaanong maliwanag kaya wala siyang masiyadong maaninag.

“T-Tulong po. Kung may tao man diyan!” Nanghihina ang kaniyang boses.

Akmang tatayo siya nang mamalayan niyang may kamay na humahawak sa kaniyang hita. Hindi siya makapagprotesta nang bigla itong sumampa sa ibabaw niya. Akma siyang sisigaw pero mabilis na natakpan ng matigas nitong kamay ang kaniyang bibig.

Kahit nanlalabo ay naaninag niya ang hulma ng katawan ng lalaking nasa ibabaw niya. Malaki ang pangangatawan nito kung ikukumpara sa kaniya. Isang suntok lang nito ay paniguradong hihimatayin siya.

Hindi siya makagalaw dahil sa bigat nito at pakiramdam niya ay mas dumoble ang lakas nito gayong nanghihina siya.

“Shh, I hate noise,”masuyong bulong nito sa kaniyang tainga.

Kinilabutan siya dahil doon. Kahit kailan ay wala pang kahit na sinong lalaki ang nakakahawak sa katawan niya.

Wala pa siyang kahit isang nakarelasyon dahil nakapukos ang atensyon niya sa pag-iipon upang makasama niya ang nakababatang kapatid. Ang pinangarap niya lang naman ay makauwi na ito at hindi na sila maghihiwalay pa.

Pero noong tawagan siya nito at papuntahin sa syudad ay ito ang nangyari sa kaniya. Matapos siyang sumama sa pinagkatiwalaang kaibigan ng kapatid niya ay nagising na lang siya sa ganitong sitwasyon.

Hindi siya makapagsalita dahil nakatakip ang kamay nito sa bibig niya. Wala na itong saplot at nararamdaman niyang maging siya ay wala na rin. Bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg at mas kinilabutan siya nang umabot iyon sa kaniyang hinaharap.

Gusto niya itong itulak ngunit para lamang siyang nagtutulak ng pader dahil sa tigas ng katawan nito. Humagulhol siya ngunit tila wala rin sa sarili ang lalaking kasama niya dahil hindi man lamang nito pinakinggan ang mga hikbi niya.

Ilang saglit ay nagsimula na siyang mataranta nang simulan nitong ihiwalay ang kaniyang binti. Napasigaw siya sa takot ngunit nakulong lang ang mga sigaw na iyon sa palad ng lalaki.

“Stay,”anito sa baritunong boses. Kahit nahimigan niya ang banta sa boses nito ay hindi pa rin siya nagpaawat doon.

Isang kamay lamang ang gamit nito upang itaas ang dalawang braso niya sa kaniyang ulohan. Ganoon ito kalakas.

At hindi niya inakalang mas lalakas pa ang sigaw niya nang tuluyan siya nitong maangkin. Walang ingat ang lahat ng kilos nito ni hindi nito inisip na sobra siyang nasasaktan. Para siyang hinahati sa dalawa dahil sa naramdamang sakit.

Dahil sa halo-halong nararamdaman ay biglang nagdilim ang kaniyang paningin at wala na siyang alam sa mga sumunod na nangyari.

Nagising siya sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang nakasarang mga mata. Nanghihina man at nanginginig ay sinikap niyang kumilos at nagulat na lamang nang makitang katabi pa rin niya ang lalaking gumawa ng kahayupan na iyon sa kaniya kagabi.

Kung kagabi ay malabo ang itsura nito, ngayon ay kitang-kita niya na ang buong mukha ng lalaki. Hindi maitatanggi na nakakamangha ang itsura ng lalaki. Mamasel ang katawan at malapad ang dibdib at likuran nito. Mukha itong banyaga. Ngunit hindi mabubura ng maganda nitong mukha ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kaniya kagabi.

Kahit naiinis siya dito ay hindi niya ugali ang manakit ng tao. Hindi siya ganoon kabayolente. Kaya kalaunan ay pinili niya na lang na pulutin isa-isa ang mga damit na nagkalat sa lapag at nang masulyapan niya ang dugo sa bedsheet ay bigla siyang nakaramdam ng kahihiyan sa sarili. Isinuot niya ang damit kalaunan at labag man sa loob ay tulala na lumabas siya ng silid na yun.

Ngunit hindi niya inasahang makakasalubong niya ang nakababatang kapatid sa pinto ng mismong silid. Nagsimula na naman siyang humagulhol ng iyak at niyakap ito.

“Huwag dito. Tara usap tayo sa ibang lugar.” Hinila siya ng kapatid.

Humantong sila sa isa pang silid sa kabilang pinto lamang mula sa pinanggalingan niya.

“Agnes, tulungan mo ako! Tulungan mo ako, pakiusap!” Nagpa-panic siya habang nagsasalita.

Ngunit hindi niya napansin ang kakaibang kalma sa mukha ng kaniyang kapatid na parang walang nangyaring masama sa kaniya.

“Relax lang, okay?” Hinawakan pa siya nito sa balikat.

Doon siya natigilan nang sabihin nito iyon.

“R-Relax? A-Alam mo ba ang nangyari sa akin? Ginahasa ako, Agnes! Ginahasa ako!”

Gusto niyang isampal dito ang nangyari sa kaniya. Kasi kung maka-react ito ay parang normal lang ang mga nangyayari. Parang wala itong pakialam sa mga nangyari sa kaniya.

“Nandoon na tayo, Ate. Kaya relax!”

Natulala siya sa sunod nitong sinabi. Napaatras siya dahil hindi siya makapaniwala at tila hindi niya na kilala ang babaeng kaharap.

“Hindi mo ba alam na sobrang yaman ng lalaking iyon? Kapag binayaran niya tayo ngayon siguradong uuwi kang may lilibuhin sa pitaka mo. Ayaw mo noon? Tapos hati naman tayo dito, e.” At ngumisi pa sa kaniya.

“Alam mo?” Wala sa sarili niyang tanong. Nagsimula na namang manginig ang kaniyang mga daliri.

“Ano ka ba, Ate? Virginity lang iyon. Kapag nagkapera ka pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo.”

Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya bayolenteng tao ngunit ang lahat ng narinig niya sa kapatid ay dahilan ng paglipad ng kaniyang kamay sa pisngi nito.

Nanlaki ang mata nito na napahawak sa kabilang pisngi.

“Virginity lang? Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Nahihibang ka na ba talaga, Agnes?!” Binuhos niya lahat ng lakas sa sigaw niyang iyon.

Kahit sa pagsigaw man lamang ay mailabas niya lahat ng mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib. Dahil tila pasan niya ang mundo sa bigat niyon.

“Alam mo ba ang mga sakripisyo ko Agnes para lang makasunod sa iyo dito? Hindi mo alam ang lahat ng hirap na dinaanan ko para lang masundan ka dito dahil inakala kong pinapunta mo ako dito dahil—”

“Ano? Dahil akala mo mayaman na ako? Na akala mo marami na akong pera?”putol nito sa sasabihin niya at nagbitiw ito ng hilaw na tawa. “Wala akong pakialam kung anong mga sakripisyo iyang sinasabi mo! Ang importante ay mabayaran ko ang dealer ng shabu na pinagkukuhanan ko!”

Nagulantang siya sa narinig.

“Ano?!”

“Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng hindi mo nakukuha ang mga gusto mo. Mababaliw na ako kakaisip alam mo ba?!” Nanlilisik ang mga mata ng kaniyang kapatid.

Bumuhos ang luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang kapatid. Tila gusto niya itong kaawaan at saktan dahil sa mga pinanggagawa nito sa buhay. Ngunit kilala niya si Agnes. Hindi ito ganoon dati. Marami itong pangarap noon, hindi ganito ang Agnes na nakilala niya.

"Sumunod ako dito dahil inakala kong sasama ka na sa akin. Inakala kong uuwi ka na at magkasama na tayong titira sa probinsiya. Maayos na ang buhay ko doon at kaya na kitang pag-aralin.” Nilapitan niya ito at balak na hawakan sa braso ngunit agad itong pumiksi at tila takot na magpahawak sa kaniya.

“Hindi! Hindi ako uuwi sa probinsya! Hindi ako sasama sa iyo. Dito lang ako!”malakas nitong sigaw na pumuno sa buong silid.

Gusto niyang lumuhod sa harap ng kapatid upang sumama ito sa kaniya. Nakikita niyang hindi maganda ang dulot ng pagpunta nito sa syudad. Hindi kaya ng kunsensya niyang iwan ito doon mag-isa. Lalo na sa ganitong kalagayan.

“Hindi pa huli ang lahat, Agnes. Umuwi na tayo pakiusap. Pangako, gagawin ko ang lahat para di ka na bumalik sa syudad para magtrabaho.” Hinawakan niya ito sa braso ngunit agad itong pumiksi.

“Hindi!”

Nang akma siyang lalapit ulit dito ay bigla siya nitong tinulak. Natumba siya at napasubsob sa makintab na sahig ng hotel room.

“Nakikita mo ba ang paligid mo?” Iminuwestra ni Agnes ang buong silid. “Nakakatulog ako sa mamahaling hotel, at mga mamahaling pagkain at hindi kamoteng kahoy ang kinakain ko dito. Gusto mo akong bumalik sa probinsya?”

Bigla itong nagbitiw ng nakakainsultong tawa.

“Hello? Ayokong maging katulad mo, no! Tingnan mo nga ang sarili mo. Halos hindi ka pa makabili ng bagong damit. Wala ka pang anak pero mukha ka nang nanganak ng sampu,”patuloy nito.

Hindi siya makatayo sa panghihina. Nakakapanghina ang lahat ng mga ginawa at naririnig niya kay Agnes ngayon. Hindi niya na masabi kung may puwang pa ba siya sa puso ng kapatid.

Napasinghap siya nang sapilitan siyang itinayo ng kapatid. Walang ingat siyang hinawakan nito sa braso.

“Umuwi ka na. Huwag mo akong ipahiya dito.”

Anito lalo pa at humahagulhol na siya sa harapan nito. Ngayon niya lang namalayang may nag-doorbell pala at mukhang ayaw nitong makita ng bisita nito ang eksena sa pagitan nila. Napilitan siyang tumayo kahit pa nananakit pa ang katawan.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kapatid mo ba talaga yan baka hindi kayo totoong magkapatid hay naku naaawa ako sayo
goodnovel comment avatar
sammie vargas
kakainis ang kapatid mo Agnes Di Sana ibinenta na Lang nya ang sarili nya para makabayad xa Ng utang nya.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 2

    Iniwan siya doon ni Agnes at nagtungo sa pinto. Isang Japanese ang pumasok at nakangiti nang kausap ito ng kaniyang kapatid. Biglang nagbago ang emosyon nito sa mukha na parang hindi ito nakipag-away sa kaniya.“Oh! Who's here?”puna ng Japanese nang makita siya.Napansin niyang naalarma ang kapatid niya sa naging tanong ng Japanese na lalaki.“Uh... m-my maid. Yes! She's just my maid. She bring my stuffs from the house.”Napanganga siya sa sinabi nito. Inakala niyang ipapakilala siya nito bilang kapatid. Pero isang maid? Isang maid na lamang ang pakilala ni Agnes sa kaniya ngayon? Parang pinagpiraso ang kaniyang puso sa lahat ng narinig. Hindi niya na kinaya ang lahat.Masakit sa loob na agad siyang tumalikod at umalis sa room na iyon. Hindi maampat ang mga luha sa kaniyang mga mata habang naglalakad sa kalsada. May natitira siyang pera ngunit kakaunti na lamang. Sakto lang iyon pabalik ng probinsya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Hindi niya kabisado ang syudad pero k

    Huling Na-update : 2023-02-08
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 3

    “Huwag maawa ka!”sigaw ni Salome at agad napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis na niyakap niya ang sarili. Nananaginip na naman siya. Simula noong makabalik siya sa probinsya mula sa syudad ay parati na lang siyang dinadalaw ng masamang panaginip na iyon. Si Treous Elagrue ang parating laman ng mga bangungot niya.Alas kwatro na ng umaga kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumangon na lang at mag-ayos ng sarili. Isang buwan na ang dumaan pero tila sariwa pa rin sa utak niya ang mga nangyari. Napatingin siya sa kalendaryo at sa petsa. Magdadalawang buwan na pala simula noong umuwi siya galing sa syudad. At mukhang magtatapos na naman ang buwan na ito na hindi siya dinadalaw ng kaniyang monthly period.Nagpatuloy siya sa pagkain. Naisip niya baka may abnormalities lang ang cycle ng kaniyang menstruation ngayon. Nagmamadali na siya at kailangan niyang agahan ngayon dahil may pasok pa siya sa isang karenderya. Kaya lang akmang tatayo na siya nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura.

    Huling Na-update : 2023-02-08
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 4

    Magkakaroon ng pagawaan ng baril sa San Luis at nakipagkasundo ang mayor doon. Ini-offer nito ang lugar sa kaniya para gawing hide-out ng mga ilegal nilang transaksyon. Ang kapalit ay tutulongan niya ito sa paparating na eleksyon. Ganid sa kapangyarihan ang mayor kaya ginagawa ang lahat upang hindi makababa sa pwesto.Bumyahe sila ng ilang oras tungo sa San Luis. Dumaan sila sa sentro ng bayan. Nagkalat ang mga taong abala sa pamimili at ganoon din ang mga nagbebenta ng street foods. Pinagmasdan ni Treous ang kaganapan sa labas ng mamahaling sasakyan. At may nakita siyang babae na may hawak na bata sa kabilang braso habang hirap na bitbit din sa kabila ang malaking supot ng mga pinamili nito. Kung maaga sana siyang nakabuo ng bata sa mga baby maker niya ay baka ganoon na rin kalaki ngayon ang kaniyang anak. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang bagay na iyon ay saka naman pinagkait sa kaniya. Humarap ang babae sa gawi niya at tila may pamilyar na sceneryo siyang naalala noong

    Huling Na-update : 2023-02-08
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 5

    Hindi agad nakakilos sa kinatatayuan niya si Salome. Tila nag-ugat ang mga paa niya. Kahit gusto niya mang utosan ang sariling kumilos ay hindi naman siya sinusunod ng kaniyang katawan. Nakaawang ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking nasa likuran ng kotse. Lumingon ito sa gawi nila at nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon. Ang ama ni Daniel. Nakita sila ng ama ni Daniel! Sigaw ng kaniyang isipan. At abut-abot ang kaba sa kaniyang dibdib nang mamalayang huminto ang sasakyan. Para siyang binuhusan ng isang balde ng yelo dahil sa nakita. Nakilala ba siya nito? Namukhaan ba ng lalaki ang kaniyang anak? Kukunin ba nito si Daniel sa kaniya? Kung anu-anong tanong ang agad bumuhos sa utak niya. Sa pangalawang beses ay nagtagumpay siyang kumilos at lumayo sa sasakyan ngunit isang boses ang nagpatigil sa kaniya.“Miss!”Tagaktak ang pawis niya at para siyang sumalang sa marathon dahil sa bilis ng pagkabog ng kaniyang dibdib. “Sa inyo na itong chocolate,”ani driver. Ito

    Huling Na-update : 2023-02-08
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 6

    “Kain ka pa,”aniya sa anak habang sinusubuan ng tinapay. Mabuti na lang at sakto para sa paupahang bahay ang bitbit niyang pera.“Kapatid mo?”aning babae na may bitbit na eco bag. Mukhang naghihintay ng masasakyan. Umiling siya sa babae. Mga bandang alas 10 na sila nakarating sa syudad. Kaya ngayo'y pinapa-snack niya na muna ang bata.“Anak ko po.”Medyo nagulat pa ang babae sa sinabi niya.“Akala ko kapatid mo. Mukhang ang bata mo pa para magkaanak.”Ngumiti siya. “23 na po ako.”Tumango-tango ang babae. Pinahid niya gamit ng panyo ang bibig ng anak. Napangiti siya nang mapansin na naaaliw ang anak niya sa panonood sa mga sasakyang dumadaan.“Itong address na ito ang ibigay mo sa taxi. Mag-taxi kayo, ha. Kahit mahal pa iyan ang importante ay matunton niyo agad ang location ng agency at makahanap agad ng mauupahang bahay,”ani Angie sa kaniya. May binigay itong papel.Kahapon ay nakipagkita agad siya kay Angie. Sabi ni Angie ay may kaibigan din itong nagkapagtrabaho sa hotel sa syudad.

    Huling Na-update : 2023-02-15
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 7

    Natapos na ni Salome ang apat na silid. Sa isang palapag ay dalawa lang ang room girl na naka-assign. Sila ni Evangeline ang magkasama sa fifth floor. At nasa fifth floor din ang stock room na madalas tambayan nilang mga staff kapag tapos na sila sa paglilinis. “Hoy, Salome!” Tinawag siya ni Roda. Matangkad at malaking babae si Roda. Hanggang leeg lang ni Roda si Salome. Siya kasi ang maliit sa kanilang lahat. “Oh, bakit?” “I-pull out mo iyong room six.” Kinakalikot pa ni Roda ang kuko. Iyong room six ay sa palapag iyon ni Roda. Kapag nandiyan siya ay nang-uutos itong si Roda sa kaniya.“Ha? Ah, e, may lilinisan pa ako dito sa palapag namin Roda, e. Mamaya na lang siguro?” Nagkamot siya ng ulo. Paano niya ba kasi pagsasabayin iyong paglilinis sa dalawang silid?“Kailangan ngayon na. Ano ba? Gagamitin na ngayon iyon!”bulyaw ni Roda.Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Bigla-bigla na lang kasing naninigaw itong si Roda. Bakit ba ayaw siyang intindihin ng babaeng ito? “Aba! Ang ka

    Huling Na-update : 2023-02-16
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 8

    Mapapagalitan ba siya? O baka mapatalsik pa? Sinisikap niyang huwag ma-late at sobrang aga niyang mag-in araw-araw. Dahil natakot siyang baka matanggal siya. Tapos iyong tungkol lang pala sa elevator ang magpapahamak sa kaniya. Tama nga si Evangeline. Ang tanga-tanga niya nga talaga.Dapat sumunod na lang siya sa mga utos ng kaibigan. Sana nakinig na lang siya. Di bale nang mahuli siya. Napapailing si Vange sa tuwing nagkakasulubong sila. Problemadong mukha ang nakapaskil parati sa kaniya habang nagtatrabaho. Sana man lang umabot siya ng kinsenas para may makuha naman siya kahit kaunti sa pinagsikapan niya. Para may magamit pa siyang pera kapag nag-apply siya sa iba.“Patay kang bata ka. May kasalanan ka pala!” Humalakhak si Roda nang magkita sila.Sobrang tuwa pa ni Roda sa nabalitaan tungkol sa nangyari kahapon. Ito malamang ang unang bubunghalit ng tawa kapag napatalsik na siya mamaya. Panay na lang siya lingon sa gawi ng manager nila tuwing bababa siya para ihatid ang laundry sa

    Huling Na-update : 2023-02-16
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 9

    “Hoy! Ayos ka lang?” Siniko siya ni Evangeline. Medyo nagulat siya dahil sa lalim ng iniisip.“Oo, Vange.” Sabay tango. Namamalikmata lang siguro siya. Imposibleng hanggang dito sa hotel na pinagtatrabahuan niya ay makakasunod pa si Treous dito. Pero baka guest din dito sa hotel!Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Baka biglang magkita ulit sila ng lalaking 'yon. Hindi niya naman pinaalam dito ang tungkol sa anak nila. Pero dahil guilty siya kaya ganito na lang siya mag-react ngayon.Atsaka, may pakialam ba si Treous sa bata? Hindi niya alam. Mayaman si Treous pero wala siyang balak na lapitan ito para hingan ng sustento. Kaya niya namang buhayin ang anak niya. At sa uri ng buhay na mayroon ito, hinding-hindi niya hahayaan ang anak niyang makalapit sa mga ganitong uri ng tao. Gaya ng ama ng anak niya. Mabubuhay ang anak niya sa paraan na gusto niya kahit wala itong kilalaning ama.Natigilan siya nang makita ang pulang dugo sa bedsheet ng silid na nililinisan niya. Agad na bumuhos ang

    Huling Na-update : 2023-02-18

Pinakabagong kabanata

  • The Dangerous Man Weakness    Epilogue - Book 2

    Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 19 - Book 2

    Naagaw ang atensyon nila ng malakas na tunog sa labas. At ang nagmamadali na si Eric ang iniluwa ng pinto. Nanlalaki ang mata at halatang natataranta ito. “Nandiyan na sila!” Halos pasigaw ang pagkakasabi nito. Lumakas ang hangin sa paligid. Mabilis siyang hinawakan ni Grego sa braso para hilahin palabas ng silid. May malaking bag na bitbit si Eric habang hawak sa kabilang kamay ni Grego ang kalibre 45 na baril. Nanlalamig siya habang nakasunod sa dalawa. Ano mang oras mula ngayon ay pwede siya nitong patayin gamit ang baril na hawak nito. Mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Nagkanda patid na siya sa mga usling ugat sa gubat pero walang pakialam si Grego panay pa rin ang paghila nito sa kaniya.“Bilisan mo. Tànginà!”bulyaw ni Grego nang balingan siya. Sinikap niyang masabayan ang mga galaw nito pero hindi niya talaga kaya. “Ako nang bahala sa kaniya.” Si Eric na nakasunod ay agad sumingit. Hinawakan nito agad ang braso niya kaya patulak siyang binitiwan ni Grego.Nanatili an

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 18 - Book 2

    Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya? “Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo. Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya. Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 17 - Book 2

    “I'm sorry for what happen to your house. May mga bantay ang lupain. Ginagawa nila ang lahat para mabantayan kung sino ang naglalabas masok dito. Ang tanging pinapayagan lang namin na pasukin nila ay ang lagoon. I never thought that na pati ang bahaging ito pagkakainteresan nila. Nalaman na lang namin nasusunog na ito. Ginawa namin ang lahat para hindi tupukin nang tuluyan ang buong bahay. Pero masiyado nang malaki ang apoy at light materials lang ang gamit sa naturang bahay kaya madaling natupok. I'm really sorry, hija.” Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Ma'am Salome. Dahil gaya niya ay memorable rin dito ang dating tinitirhan. Ito na ngayon ang farm house na ni-renovate. Nalaman niya rin na dito nakatira si Daniel noong bata pa ito. That time, itinago ni Ma'am Salome si Daniel kay Sir Treous. Hindi niya rin akalaing may ganoong esturya pala sa pagitan ng mga ito. Bandang hapon na noong umalis si Ma'am Salome at Sir Treous. Doon nananghalian ang mag-asawa at sila ni Ma'am Salome

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 16 - Book 2

    “Uuwi tayo ng Paredez. Let's meet my family again. This time I'm gonna marry you. Pananagutan kita.” Hindi na siya nakapalag nang sabihin nito iyon. It's just midnight nang magpaalam sila sa mga kasama nito na aalis sila ng maaga. Babyahe pa sila tungo ng Paredez. Halatang wala nang balak ipagpaliban ni Daniel ang lahat ng 'to. Sakay ng pick up nito nang marating nila ang lugar. Bandang 5:30 ng madaling araw. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Bukas ang bintana kaya't lihim niyang inilabas ang kamay sa bintana para damhin ang hangin. Preskong-presko iyon iba sa hangin sa city. Bagay na hahanap-hanapin ng katawan niya.Home.Bahagya siyang napapikit nang dumampi ang pang-umagang hangin sa mukha. Ang dalawang bundok sa unahan ay parang magkasintahan na magkadikit at hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong unos at bagyong dumating. Ang mansion sa unahan ay tila hindi nagbago. Ganoon pa rin ang itsura. Ang blue lagoon ay medyo nakakapanibago na. Ang hindi nagbago ay ang dami mga dumaday

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 15 - Book 2

    Pinahintulutan niya ito at ngayo'y hinding-hindi niya na ito mapipigilan pa. Kita ang kasabikan at uhaw sa mga mata nito. Dahil sa init na naramdaman ay hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nadadala siya sa mga halik nito.Tuluyan na siyang nalunod.“Uhh..” He suck her bréast from there up to her jawline. Bahagyang pumipisil ang kamay nito sa mga nadadaanan niyon. Biting her lower lip just so she can stop herself from móaning. Namumungay ang mata nang magtama ang mga mata nila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos akalaing nasa harapan niya ngayon ang lalaking hinahangaan ng marami. He can get girl in just a snap of his fingers. Kaya nga nandito siya. Dahil noong kinailangan siya nito ay ito siya't walang pag-aalinlangan niyang inihain ang sarili dito. Daniel can have everything he want. Even her. He's kíssing her while touching her down there. Hindi niya alam kung papaano ito hàlikan ng maayos nang hawakan nito ang pinakasensitibo niyang parte. “Danie-”Pinutol siya ng mapag

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 14 - Book 2

    Hindi siya makahuma sa kinalalagyan dahil sa mga narinig mula dito. Wala siyang makapa na salita sa utak. Malabo pa sa kaniya ang mga narinig. Paanong siya? Kung ikukumpara sa mga nagkakagusto rito, wala siya sa kalingkingan ng mga iyon.Klarong-klaro. Pinaglalaruan lang siya nito. Nasabi na nitong kapag may gustong makuha ang lalaki ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha iyon. At ano naman ang makukuha nito sa kaniya? Wala naman siya no'ng mga bagay na mayroon ang mga babae nito.Sa kalibre ni Daniel. Hindi ang tulad niya ang pipiliin nito hanggang sa dulo. Para lamang iyong nangyari sa Mama niya. Bínúntis lang ng mayamang lalaki. Tapos ay iniwan ang mama niya. Kaya ba ayaw na ayaw ng mama niya na naglalapit siya kay Daniel? Dahil ba maaring mangyari ang ganito?Napalunok siya at bahagyang dumistansya ng kaunti mula kay Daniel. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kasamahan nila. “Inaantok na ako,”biglang nasabi niya. “Then let's go to the-”“Alam ko na kung saan.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 13 - Book 2

    Nakangisi na tinanggap ni Bruce ang kamay niya na may panunuya sa mga mata. Sinusubukan pa yata ang pasensya ni Daniel. May lamig sa mga mata na tiningnan ni Daniel ang kaibigan. Naiilang na ngumiti si Solen. Hindi alam kung ano ang ire-react. Binitiwan din naman kalaunan ni Bruce ang kamay niya. “Calm your bàlls, bruh!” Natatawa si Bruce na tinapik ang balikat ng bad mood na si Daniel.“Alistair here!” Nagpakilala iyong kulay blonde ang buhok. Tinanguan niya lang ito at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Gino, and here is Troy.” Tinuro ni Gino ang sarili sabay turo sa akbay-akbay na tahimik na si Troy. Seryoso lang na nagtaas ng kamay si Troy.May mga itsura ang mga ito. Sa built ng katawan at pormahan alam mong belong ang mga ito sa mundo ni Daniel. Siya lang naman kasi ang outsider dito.Sa apat si Bruce lang ang may lakas ng loob na makipagkamay. Iyong tatlo parang takot na pansinin siya. Ilang saglit ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa baywang niya. Nalingunan niya si Dan

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 12 - Book 2

    Hindi niya matagalan ang titig nito kaya't agad siyang tumayo. “C-CR lang ako.”Hindi niya na ito matingnan ngayon. Hindi niya na rin hinintay na sumagot pa ito at umalis na doon. Mabilis siyang nag-lock ng pinto pagkarating niya sa silid. Nagtungo siya sa banyo niya at problemado na hinarap ang salamin. Pinagmasdan niya ang mukha sa repleksyon niyon. Napaawang ang labi niya nang makita kung gaano kapula ang pisngi niya. Napahawak siya doon. Paniguradong nakita nito ang pamumula ng mukha niya. Mas lalo siyang nahiya sa ideyang iyon.Hindi raw ito naniniwala sa fix marriage pero hindi nito sinabi kung wala nga ba itong fiancee. Maraming nagkakandarapa para makuha si Daniel. At hinding hindi nito ibababa ang standard nito para patulan siya. Hindi ang kalibre ni Daniel ang gagawa ng kahíbangan na 'yon. Biglang naalala niya ang mga búlly na kaklase niya noon sa Paredez. Noong una ay pinapahirapan siya ng mga ito pero noong lumaki sila ay bigla na lang nanligaw sa kaniya. “I have my wa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status