Share

Kabanata 2

Author: noowege
last update Last Updated: 2023-02-08 22:56:14

Iniwan siya doon ni Agnes at nagtungo sa pinto. Isang Japanese ang pumasok at nakangiti nang kausap ito ng kaniyang kapatid. Biglang nagbago ang emosyon nito sa mukha na parang hindi ito nakipag-away sa kaniya.

“Oh! Who's here?”puna ng Japanese nang makita siya.

Napansin niyang naalarma ang kapatid niya sa naging tanong ng Japanese na lalaki.

“Uh... m-my maid. Yes! She's just my maid. She bring my stuffs from the house.”

Napanganga siya sa sinabi nito. Inakala niyang ipapakilala siya nito bilang kapatid. Pero isang maid? Isang maid na lamang ang pakilala ni Agnes sa kaniya ngayon? Parang pinagpiraso ang kaniyang puso sa lahat ng narinig. Hindi niya na kinaya ang lahat.

Masakit sa loob na agad siyang tumalikod at umalis sa room na iyon. Hindi maampat ang mga luha sa kaniyang mga mata habang naglalakad sa kalsada. May natitira siyang pera ngunit kakaunti na lamang. Sakto lang iyon pabalik ng probinsya.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Hindi niya kabisado ang syudad pero kailangan niyang sumugal upang makauwi. Ginabi siya sa daan naglalakad lamang siya dahil wala rin siyang pamasahe sa jeep at kanina pa kumukulo ang kaniyang tiyan dahil sa gutom.

Ilang saglit ay biglang may lumapit sa kaniya at may naramdaman siyang malamig na bagay na dumaiti sa kaniyang leeg.

“Huwag kang gagalaw, ibigay mo ang pera mo,”anang lalaki na pinigilan pa siya sa braso niya upang hindi siya makakilos.

“P-Po?”

Nanginginig na nilingon niya ito pero idiniin nito ang patalim sa kaniyang leeg.

“Ibigay mo na ang pera, dalian mo!”

“Pero pamasahe ko na lang to pauwi sa amin, e. Wala na akong ibang pera.”

“Wala akong pakialam!”

Naramdaman niyang sumakit ang leeg niya nang idiin na naman nito ang patalim. Nataranta siya kaya agad niyang kunuha ang pera sa luma niyang pitaka upang ibigay dito. Pero kahit naibigay niya na ang gusto nito ay tinulak pa rin siya ng lalaki sabay takbo. Natumba siya sa kalsada dahil sa malakas na pagkakatulak at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makitang may paparating na sasakyan.

Hindi siya agad nakagalaw dahil sa pagkagulat at takot. Mabuti na lang at nagawa pa nitong mag-break at hindi siya tuluyang nadisgrasya.

“Ineng, ayos ka lang? Hindi ka ba nasaktan?” Isang matandang driver noong sasakyan ang lumabas agad sa minamanehong itim na kotse.

Tulala pa rin siya. Kalaunan ay napaiyak siya. Nataranta na inalo siya ng matandang driver.

“May masakit ba sa'yo? Tinamaan ka ba?”

Umiling siya. “Hindi naman po.”

“Gabing-gabi na saan ka ba pupunta?”

“S-Sa bus terminal po.”

Nagsalubong ang kilay ng matanda. “Naglakad ka lang?”

Tumango siya. Hindi makapaniwala ang matanda sa sinabi niya. Medyo distansya rin ang bus terminal.

“Tara na. Ihatid na lang kita. Pero bago yun dadaan muna tayo sa amo ko kasi may ihahatid pa ako.”

Kahit papaano ay ipinagpasalamat niyang nakita siya ng matanda kundi baka uumagahin siya sa paglalakad patungo sa terminal ng bus. Nakatulog na siya sa byahe at naalimpungatan na lang nang mapansin na huminto na sila. At nang tingnan niya ang paligid ay napansin niyang nasa harapan sila ng isang itim at napakalaking gate. Lumabas siya sa kotse at napuno ng katanungan ang utak niya kung nasaan na sila ngayon.

“Oo, may operasyon kami ngayon. Ayaw niyang may papalpak sa inyo kundi baka bala ng baril niya ang babaon sa ulo niyo.”

Napasinghap siya at agad nagtago sa gilid ng sasakyan. Isang lalaking may sukbit na mataas na kalibre ng baril ang nasa may gate ngayon. May kausap ito sa cellphone.

“Ayusin niyo ang mga pack ng droga diyan. Isalansan niyo ng maayos, mitikuloso ang katransaksyon namin ngayong gabi.”

Napatakip siya ng bibig nang marinig ang sinasabi nito. Napatingin siya sa malaking gate na kulay itim at sa loob ng gate ay matatanaw ang napakalaking mansion na kulay puti. Ibig sabihin ay isang sindikato ang may-ari ng property na ito? At kitang-kita na hindi basta-basta ang sindikatong ito. Yumaman ang mga ito sa pagbibinta ng ilegal na droga.

Ilang saglit ay nagbukas ang gate. At sunod niyang nakit ay ang tatlong mga kotseng itim na lumabas. Sumakay iyong lalaking may kausap sa phone kanina at kasunod niyon ay lumabas na rin ang matandang lalaki na maghahatid sa kaniya sa terminal ng bus.

Kumaway ito sa mga kotse na lumabas mula sa gate. Ngunit ang panghuling sasakyan ay huminto at nagbukas ang glasswindow niyon. At para siyang binuhusan ng isang baldeng tubig nang makilala ang lalaking dumungaw sa bintana ng mamahaling sasakyan. Lumapit doon ang matanda at kinausap ito saglit.

Nang humiwalay sa sasakyan ang matanda ay saktong nagtama ang mata nila ng lalaking iyon. Siya ang lalaking gumahasa sa kaniya. At parang gustong bumigay ng kaniyang tuhod nang magtama ang kanilang mga mata. Nanginig ang kaniyang mga daliri sa kamay at hindi maalis ang tingin sa lalaki. Hanggang sa tuluyang nagsara ang glasswindow at umalis na rin ang sasakyan.

Naglaho sa paningin niya ang lalaking iyon.

“Kulang pa ng katulong ang mansion kaya inirekomenda ko ang kapatid kong babae sa kanila. Iyong kausap ko, iyon ang may-ari ng mansion. Isa siya sa pinakamayamang tao sa syudad na ito,”kwento ng matanda habang nasa byahe sila.

Tulala siya at nanatili ang atensyon niya sa labas. Napaisip siya, sabi ng matanda ay mayamang tao si Mr. Elagrue. Halata naman at sa laki ng mansion ay kayang tumira ng isang daang libong tao doon. At mukhang kaya naman nitong mag-bayad ng babaeng willing na magpakama dito pero bakit siya pa?

“Ano ho ba ang pangalan ng amo ninyo?”

Tumigil saglit sa pagkukwento ang driver at nilingon siya.

“Treous Elagrue, iyon ang pangalan niya.”

Lumunok siya at ibinalik ang tingin sa labas. Kung magsusumbong siya sa mga police, aaksyunan kaya agad ng mga ito? Mayaman si Mr. Elagrue samantalang ordinaryong mamamayan lang siya. Walang makukuha ang mga police kapag siya ang pinili ng mga itong tulungan.

May pait sa mga mata nang natawa siya sa naisip. Siguro kung ang kapatid niya ang isusumbong niya ay paniguradong makukulong iyon. Dahil katulad niya, hindi naman mayaman ang kapatid niya. Pero ang mga taong risponsable ng lahat ay malaya pa ring nakakapagbenta ng ilegal na droga sa labas ng rehas katulad ni Treous Elagrue. Sabi nga nila, ang hustisya ay para lang sa mga mayayaman.

Wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang manahimik na lang at magpakalayo-layo. Dahil tila inalisan na siya ng karapatang magreklamo ng mga taong mas makapangyarihan kaysa sa kaniya.

“Bakit ka nga pala naglakad lang kanina noong nakita kita, Ineng?”

Bumuntong hininga siya. “Wala po akong pamasahe para sa jeep at ninakawan pa ng mandurukot.”

Napapailing ang driver. Doon lamang siya natauhan nang maalalang wala nga pala siyang maibibigay sa matanda.

“T-Tatay, huwag mo na lang pala akong ihatid. Wala rin naman akong pamasahe. Dito na lang po ako sa tabi.”

Sinulyapan siya ng matanda sa salamin sa unahan. “Ano ka ba naman? Gabi na at nagkalat ang mga masasamang loob. Ihahatid na kita sa pupuntahan mo at may kakaunti pa naman akong pera dito. Iyon na lamang ang ipamasahe mo.”

Gusto niyang maiyak sa narinig. Inakala niyang tuluyan na siyang mamalasin sa araw na iyon. Mas lalo siyang nahiya noong mag-abot ito ng tatlong daan at isang supot ng pandesal na anito'y iuuwi sana ng matanda sa bahay nito. Pero kanina pa naririnig ng matanda ang pagkalam ng kaniyang sikmura kaya inisip ng matanda na nagugutom siya.

Wala sa sarili na nakatulala siya sa labas ng bus habang binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng public highway. Ang mga nangyari sa kaniya ay tila magiging bangungot pa yata na babaunin niya pabalik sa probinsya na pinanggalingan niya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kawawa ka naman anong klaseng kapatid ang meron ka
goodnovel comment avatar
Nerman Marcera
ok naman ang story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 3

    “Huwag maawa ka!”sigaw ni Salome at agad napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis na niyakap niya ang sarili. Nananaginip na naman siya. Simula noong makabalik siya sa probinsya mula sa syudad ay parati na lang siyang dinadalaw ng masamang panaginip na iyon. Si Treous Elagrue ang parating laman ng mga bangungot niya.Alas kwatro na ng umaga kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumangon na lang at mag-ayos ng sarili. Isang buwan na ang dumaan pero tila sariwa pa rin sa utak niya ang mga nangyari. Napatingin siya sa kalendaryo at sa petsa. Magdadalawang buwan na pala simula noong umuwi siya galing sa syudad. At mukhang magtatapos na naman ang buwan na ito na hindi siya dinadalaw ng kaniyang monthly period.Nagpatuloy siya sa pagkain. Naisip niya baka may abnormalities lang ang cycle ng kaniyang menstruation ngayon. Nagmamadali na siya at kailangan niyang agahan ngayon dahil may pasok pa siya sa isang karenderya. Kaya lang akmang tatayo na siya nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura.

    Last Updated : 2023-02-08
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 4

    Magkakaroon ng pagawaan ng baril sa San Luis at nakipagkasundo ang mayor doon. Ini-offer nito ang lugar sa kaniya para gawing hide-out ng mga ilegal nilang transaksyon. Ang kapalit ay tutulongan niya ito sa paparating na eleksyon. Ganid sa kapangyarihan ang mayor kaya ginagawa ang lahat upang hindi makababa sa pwesto.Bumyahe sila ng ilang oras tungo sa San Luis. Dumaan sila sa sentro ng bayan. Nagkalat ang mga taong abala sa pamimili at ganoon din ang mga nagbebenta ng street foods. Pinagmasdan ni Treous ang kaganapan sa labas ng mamahaling sasakyan. At may nakita siyang babae na may hawak na bata sa kabilang braso habang hirap na bitbit din sa kabila ang malaking supot ng mga pinamili nito. Kung maaga sana siyang nakabuo ng bata sa mga baby maker niya ay baka ganoon na rin kalaki ngayon ang kaniyang anak. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang bagay na iyon ay saka naman pinagkait sa kaniya. Humarap ang babae sa gawi niya at tila may pamilyar na sceneryo siyang naalala noong

    Last Updated : 2023-02-08
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 5

    Hindi agad nakakilos sa kinatatayuan niya si Salome. Tila nag-ugat ang mga paa niya. Kahit gusto niya mang utosan ang sariling kumilos ay hindi naman siya sinusunod ng kaniyang katawan. Nakaawang ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking nasa likuran ng kotse. Lumingon ito sa gawi nila at nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon. Ang ama ni Daniel. Nakita sila ng ama ni Daniel! Sigaw ng kaniyang isipan. At abut-abot ang kaba sa kaniyang dibdib nang mamalayang huminto ang sasakyan. Para siyang binuhusan ng isang balde ng yelo dahil sa nakita. Nakilala ba siya nito? Namukhaan ba ng lalaki ang kaniyang anak? Kukunin ba nito si Daniel sa kaniya? Kung anu-anong tanong ang agad bumuhos sa utak niya. Sa pangalawang beses ay nagtagumpay siyang kumilos at lumayo sa sasakyan ngunit isang boses ang nagpatigil sa kaniya.“Miss!”Tagaktak ang pawis niya at para siyang sumalang sa marathon dahil sa bilis ng pagkabog ng kaniyang dibdib. “Sa inyo na itong chocolate,”ani driver. Ito

    Last Updated : 2023-02-08
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 6

    “Kain ka pa,”aniya sa anak habang sinusubuan ng tinapay. Mabuti na lang at sakto para sa paupahang bahay ang bitbit niyang pera.“Kapatid mo?”aning babae na may bitbit na eco bag. Mukhang naghihintay ng masasakyan. Umiling siya sa babae. Mga bandang alas 10 na sila nakarating sa syudad. Kaya ngayo'y pinapa-snack niya na muna ang bata.“Anak ko po.”Medyo nagulat pa ang babae sa sinabi niya.“Akala ko kapatid mo. Mukhang ang bata mo pa para magkaanak.”Ngumiti siya. “23 na po ako.”Tumango-tango ang babae. Pinahid niya gamit ng panyo ang bibig ng anak. Napangiti siya nang mapansin na naaaliw ang anak niya sa panonood sa mga sasakyang dumadaan.“Itong address na ito ang ibigay mo sa taxi. Mag-taxi kayo, ha. Kahit mahal pa iyan ang importante ay matunton niyo agad ang location ng agency at makahanap agad ng mauupahang bahay,”ani Angie sa kaniya. May binigay itong papel.Kahapon ay nakipagkita agad siya kay Angie. Sabi ni Angie ay may kaibigan din itong nagkapagtrabaho sa hotel sa syudad.

    Last Updated : 2023-02-15
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 7

    Natapos na ni Salome ang apat na silid. Sa isang palapag ay dalawa lang ang room girl na naka-assign. Sila ni Evangeline ang magkasama sa fifth floor. At nasa fifth floor din ang stock room na madalas tambayan nilang mga staff kapag tapos na sila sa paglilinis. “Hoy, Salome!” Tinawag siya ni Roda. Matangkad at malaking babae si Roda. Hanggang leeg lang ni Roda si Salome. Siya kasi ang maliit sa kanilang lahat. “Oh, bakit?” “I-pull out mo iyong room six.” Kinakalikot pa ni Roda ang kuko. Iyong room six ay sa palapag iyon ni Roda. Kapag nandiyan siya ay nang-uutos itong si Roda sa kaniya.“Ha? Ah, e, may lilinisan pa ako dito sa palapag namin Roda, e. Mamaya na lang siguro?” Nagkamot siya ng ulo. Paano niya ba kasi pagsasabayin iyong paglilinis sa dalawang silid?“Kailangan ngayon na. Ano ba? Gagamitin na ngayon iyon!”bulyaw ni Roda.Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Bigla-bigla na lang kasing naninigaw itong si Roda. Bakit ba ayaw siyang intindihin ng babaeng ito? “Aba! Ang ka

    Last Updated : 2023-02-16
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 8

    Mapapagalitan ba siya? O baka mapatalsik pa? Sinisikap niyang huwag ma-late at sobrang aga niyang mag-in araw-araw. Dahil natakot siyang baka matanggal siya. Tapos iyong tungkol lang pala sa elevator ang magpapahamak sa kaniya. Tama nga si Evangeline. Ang tanga-tanga niya nga talaga.Dapat sumunod na lang siya sa mga utos ng kaibigan. Sana nakinig na lang siya. Di bale nang mahuli siya. Napapailing si Vange sa tuwing nagkakasulubong sila. Problemadong mukha ang nakapaskil parati sa kaniya habang nagtatrabaho. Sana man lang umabot siya ng kinsenas para may makuha naman siya kahit kaunti sa pinagsikapan niya. Para may magamit pa siyang pera kapag nag-apply siya sa iba.“Patay kang bata ka. May kasalanan ka pala!” Humalakhak si Roda nang magkita sila.Sobrang tuwa pa ni Roda sa nabalitaan tungkol sa nangyari kahapon. Ito malamang ang unang bubunghalit ng tawa kapag napatalsik na siya mamaya. Panay na lang siya lingon sa gawi ng manager nila tuwing bababa siya para ihatid ang laundry sa

    Last Updated : 2023-02-16
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 9

    “Hoy! Ayos ka lang?” Siniko siya ni Evangeline. Medyo nagulat siya dahil sa lalim ng iniisip.“Oo, Vange.” Sabay tango. Namamalikmata lang siguro siya. Imposibleng hanggang dito sa hotel na pinagtatrabahuan niya ay makakasunod pa si Treous dito. Pero baka guest din dito sa hotel!Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Baka biglang magkita ulit sila ng lalaking 'yon. Hindi niya naman pinaalam dito ang tungkol sa anak nila. Pero dahil guilty siya kaya ganito na lang siya mag-react ngayon.Atsaka, may pakialam ba si Treous sa bata? Hindi niya alam. Mayaman si Treous pero wala siyang balak na lapitan ito para hingan ng sustento. Kaya niya namang buhayin ang anak niya. At sa uri ng buhay na mayroon ito, hinding-hindi niya hahayaan ang anak niyang makalapit sa mga ganitong uri ng tao. Gaya ng ama ng anak niya. Mabubuhay ang anak niya sa paraan na gusto niya kahit wala itong kilalaning ama.Natigilan siya nang makita ang pulang dugo sa bedsheet ng silid na nililinisan niya. Agad na bumuhos ang

    Last Updated : 2023-02-18
  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 10

    Hindi siya nakatulog kagabi. Hindi siya pinatulog ng nangyari kagabi. Hindi niya inasahan na ganoon kalaki ang makakapa niya. Napasapo siya sa mukha dahil sa mga pumapasok na naman sa isipan niya. “Huwag mo nang isipin 'yon. Dyusko! Kalimutan mo na iyon, Salome.” Mahina niyang kinakausap ang sarili na parang nahihibang. Umaga mga bandang alas 8 papunta silang kusina para sa break nila. Dumaan muna sila sa bulletin board na nakadistino sa mismong locker ng mga staff. “Night shift na tayo sa susunod na buwan. Nilipat na tayo. Magbabago na raw ang rotation simula ngayon. Isang buwan tayong day shift at isang buwan na rin sa night shift. Nagrereklamo na siguro ang night shift,”ani Evangeline habang abala sa pagtingin tingin sa listahan ng bagong schedule sa taon na iyon.Hindi niya na masiyadong nasundan ang mga pinagsasabi ni Evangeline. Abala ang utak niya sa pagkumbinsi sa sarili na kalimutan na ang malaking ahas na nakapa niya kagabi. “Kaya pala masakit,”aniyang wala sa sarili. Naa

    Last Updated : 2023-02-18

Latest chapter

  • The Dangerous Man Weakness    Epilogue - Book 2

    Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 19 - Book 2

    Naagaw ang atensyon nila ng malakas na tunog sa labas. At ang nagmamadali na si Eric ang iniluwa ng pinto. Nanlalaki ang mata at halatang natataranta ito. “Nandiyan na sila!” Halos pasigaw ang pagkakasabi nito. Lumakas ang hangin sa paligid. Mabilis siyang hinawakan ni Grego sa braso para hilahin palabas ng silid. May malaking bag na bitbit si Eric habang hawak sa kabilang kamay ni Grego ang kalibre 45 na baril. Nanlalamig siya habang nakasunod sa dalawa. Ano mang oras mula ngayon ay pwede siya nitong patayin gamit ang baril na hawak nito. Mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Nagkanda patid na siya sa mga usling ugat sa gubat pero walang pakialam si Grego panay pa rin ang paghila nito sa kaniya.“Bilisan mo. Tànginà!”bulyaw ni Grego nang balingan siya. Sinikap niyang masabayan ang mga galaw nito pero hindi niya talaga kaya. “Ako nang bahala sa kaniya.” Si Eric na nakasunod ay agad sumingit. Hinawakan nito agad ang braso niya kaya patulak siyang binitiwan ni Grego.Nanatili an

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 18 - Book 2

    Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya? “Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo. Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya. Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 17 - Book 2

    “I'm sorry for what happen to your house. May mga bantay ang lupain. Ginagawa nila ang lahat para mabantayan kung sino ang naglalabas masok dito. Ang tanging pinapayagan lang namin na pasukin nila ay ang lagoon. I never thought that na pati ang bahaging ito pagkakainteresan nila. Nalaman na lang namin nasusunog na ito. Ginawa namin ang lahat para hindi tupukin nang tuluyan ang buong bahay. Pero masiyado nang malaki ang apoy at light materials lang ang gamit sa naturang bahay kaya madaling natupok. I'm really sorry, hija.” Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Ma'am Salome. Dahil gaya niya ay memorable rin dito ang dating tinitirhan. Ito na ngayon ang farm house na ni-renovate. Nalaman niya rin na dito nakatira si Daniel noong bata pa ito. That time, itinago ni Ma'am Salome si Daniel kay Sir Treous. Hindi niya rin akalaing may ganoong esturya pala sa pagitan ng mga ito. Bandang hapon na noong umalis si Ma'am Salome at Sir Treous. Doon nananghalian ang mag-asawa at sila ni Ma'am Salome

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 16 - Book 2

    “Uuwi tayo ng Paredez. Let's meet my family again. This time I'm gonna marry you. Pananagutan kita.” Hindi na siya nakapalag nang sabihin nito iyon. It's just midnight nang magpaalam sila sa mga kasama nito na aalis sila ng maaga. Babyahe pa sila tungo ng Paredez. Halatang wala nang balak ipagpaliban ni Daniel ang lahat ng 'to. Sakay ng pick up nito nang marating nila ang lugar. Bandang 5:30 ng madaling araw. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Bukas ang bintana kaya't lihim niyang inilabas ang kamay sa bintana para damhin ang hangin. Preskong-presko iyon iba sa hangin sa city. Bagay na hahanap-hanapin ng katawan niya.Home.Bahagya siyang napapikit nang dumampi ang pang-umagang hangin sa mukha. Ang dalawang bundok sa unahan ay parang magkasintahan na magkadikit at hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong unos at bagyong dumating. Ang mansion sa unahan ay tila hindi nagbago. Ganoon pa rin ang itsura. Ang blue lagoon ay medyo nakakapanibago na. Ang hindi nagbago ay ang dami mga dumaday

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 15 - Book 2

    Pinahintulutan niya ito at ngayo'y hinding-hindi niya na ito mapipigilan pa. Kita ang kasabikan at uhaw sa mga mata nito. Dahil sa init na naramdaman ay hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nadadala siya sa mga halik nito.Tuluyan na siyang nalunod.“Uhh..” He suck her bréast from there up to her jawline. Bahagyang pumipisil ang kamay nito sa mga nadadaanan niyon. Biting her lower lip just so she can stop herself from móaning. Namumungay ang mata nang magtama ang mga mata nila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos akalaing nasa harapan niya ngayon ang lalaking hinahangaan ng marami. He can get girl in just a snap of his fingers. Kaya nga nandito siya. Dahil noong kinailangan siya nito ay ito siya't walang pag-aalinlangan niyang inihain ang sarili dito. Daniel can have everything he want. Even her. He's kíssing her while touching her down there. Hindi niya alam kung papaano ito hàlikan ng maayos nang hawakan nito ang pinakasensitibo niyang parte. “Danie-”Pinutol siya ng mapag

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 14 - Book 2

    Hindi siya makahuma sa kinalalagyan dahil sa mga narinig mula dito. Wala siyang makapa na salita sa utak. Malabo pa sa kaniya ang mga narinig. Paanong siya? Kung ikukumpara sa mga nagkakagusto rito, wala siya sa kalingkingan ng mga iyon.Klarong-klaro. Pinaglalaruan lang siya nito. Nasabi na nitong kapag may gustong makuha ang lalaki ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha iyon. At ano naman ang makukuha nito sa kaniya? Wala naman siya no'ng mga bagay na mayroon ang mga babae nito.Sa kalibre ni Daniel. Hindi ang tulad niya ang pipiliin nito hanggang sa dulo. Para lamang iyong nangyari sa Mama niya. Bínúntis lang ng mayamang lalaki. Tapos ay iniwan ang mama niya. Kaya ba ayaw na ayaw ng mama niya na naglalapit siya kay Daniel? Dahil ba maaring mangyari ang ganito?Napalunok siya at bahagyang dumistansya ng kaunti mula kay Daniel. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kasamahan nila. “Inaantok na ako,”biglang nasabi niya. “Then let's go to the-”“Alam ko na kung saan.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 13 - Book 2

    Nakangisi na tinanggap ni Bruce ang kamay niya na may panunuya sa mga mata. Sinusubukan pa yata ang pasensya ni Daniel. May lamig sa mga mata na tiningnan ni Daniel ang kaibigan. Naiilang na ngumiti si Solen. Hindi alam kung ano ang ire-react. Binitiwan din naman kalaunan ni Bruce ang kamay niya. “Calm your bàlls, bruh!” Natatawa si Bruce na tinapik ang balikat ng bad mood na si Daniel.“Alistair here!” Nagpakilala iyong kulay blonde ang buhok. Tinanguan niya lang ito at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Gino, and here is Troy.” Tinuro ni Gino ang sarili sabay turo sa akbay-akbay na tahimik na si Troy. Seryoso lang na nagtaas ng kamay si Troy.May mga itsura ang mga ito. Sa built ng katawan at pormahan alam mong belong ang mga ito sa mundo ni Daniel. Siya lang naman kasi ang outsider dito.Sa apat si Bruce lang ang may lakas ng loob na makipagkamay. Iyong tatlo parang takot na pansinin siya. Ilang saglit ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa baywang niya. Nalingunan niya si Dan

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 12 - Book 2

    Hindi niya matagalan ang titig nito kaya't agad siyang tumayo. “C-CR lang ako.”Hindi niya na ito matingnan ngayon. Hindi niya na rin hinintay na sumagot pa ito at umalis na doon. Mabilis siyang nag-lock ng pinto pagkarating niya sa silid. Nagtungo siya sa banyo niya at problemado na hinarap ang salamin. Pinagmasdan niya ang mukha sa repleksyon niyon. Napaawang ang labi niya nang makita kung gaano kapula ang pisngi niya. Napahawak siya doon. Paniguradong nakita nito ang pamumula ng mukha niya. Mas lalo siyang nahiya sa ideyang iyon.Hindi raw ito naniniwala sa fix marriage pero hindi nito sinabi kung wala nga ba itong fiancee. Maraming nagkakandarapa para makuha si Daniel. At hinding hindi nito ibababa ang standard nito para patulan siya. Hindi ang kalibre ni Daniel ang gagawa ng kahíbangan na 'yon. Biglang naalala niya ang mga búlly na kaklase niya noon sa Paredez. Noong una ay pinapahirapan siya ng mga ito pero noong lumaki sila ay bigla na lang nanligaw sa kaniya. “I have my wa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status