Share

Kabanata 3

Author: noowege
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Huwag maawa ka!”sigaw ni Salome at agad napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis na niyakap niya ang sarili. Nananaginip na naman siya. Simula noong makabalik siya sa probinsya mula sa syudad ay parati na lang siyang dinadalaw ng masamang panaginip na iyon. Si Treous Elagrue ang parating laman ng mga bangungot niya.

Alas kwatro na ng umaga kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumangon na lang at mag-ayos ng sarili. Isang buwan na ang dumaan pero tila sariwa pa rin sa utak niya ang mga nangyari. Napatingin siya sa kalendaryo at sa petsa. Magdadalawang buwan na pala simula noong umuwi siya galing sa syudad. At mukhang magtatapos na naman ang buwan na ito na hindi siya dinadalaw ng kaniyang monthly period.

Nagpatuloy siya sa pagkain. Naisip niya baka may abnormalities lang ang cycle ng kaniyang menstruation ngayon. Nagmamadali na siya at kailangan niyang agahan ngayon dahil may pasok pa siya sa isang karenderya. Kaya lang akmang tatayo na siya nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura. Patakbong nagtungo siya sa sink para sumuka doon at lahat ng kinain niya sa umagang iyon ay sinuka niya.

Nagtataka na umupo siya sa upuan.

“Ano bang nangyayari sa'kin?”napatanong siya sa sarili.

Masama ang pakiramdam niya pero kailangan niyang pumasok. Dalawang beses lang silang pwedeng mag-absent sa isang buwan. At noong magpunta siya sa syudad para bisitahin si Agnes ay counted iyon sa absent niya.

At no'ng dumating siya sa karenderya ay may nakapansin sa itsura niya.

“Hoy! Bakit namumutla ka diyan?”

Napakapa siya sa mukha. Namumutla siya? Agad siyang tumingin sa salamin malapit sa lababo. Namumutla nga siya!

“May sakit ka ba?”dagdag na usisa ni Angie.

Medyo naging close sila ni Angie simula noong magtagal siya sa karenderya na iyon. Matagal na kasing nagtatrabaho si Angie doon. Mas nauna pa ito kaysa sa kaniya.

“W-Wala naman, Ange. Pero nagsuka ako kanina. Hindi ko alam kung bakit,”pag-amin niya.

Nanlaki ang mata ni Angie.

“Wala ka namang boyfriend, 'di ba?”

“Ha?” Naguluhan siya sa tanong nito.

“I mean, baka buntis ka. Pero imposible kasi wala ka namang boyfriend.”

Nanlaki ang mata niya sa narinig kay Angie. Buntis nga ba siya? Agad niyang naalala ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Elagrue. Napakapa siya sa tiyan niya.

Napansin ni Angie ang gulat sa mga mata niya kaya nagduda ito.

“Umamin ka nga, Salome. Nakipag-one night stand ka ba?”

Nilingon niya si Angie pero gulat na gulat pa rin ang mukha.

“Anong... one night stand?”inosenti niyang tanong.

Napakaraming alam nitong si Angie. Iyong iba hindi niya maintindihan. Umismid si Angie at umiwas ng tingin.

“Bakit pa nga ba ako nagtatanong sa'yo? E halatang wala ka namang alam.”

Pero hindi pa rin siya maka-moved on sa sinabi ng kaibigan. One night stand ba ang tawag doon? Iyong nangyari sa kanila ni Elagrue? Pero pinilit siya ng lalaking iyon. Tumingin siya sa tiyan. Hindi kaya tama nga ang sinabi ni Angie? Nagbunga nga kaya ang ginawa ni Treous sa kaniya?

Balisa at wala siya sarili buong maghapon. Paulit-ulit niyang naiisip ang sinabi ni Angie na baka nga buntis siya. Pero noong pauwi na sila ay nilapitan niya si Angie.

“Ange,”tawag niya sa kaibigan, abala kasi ito sa pagpupunas ng mesa. “Paano ba malalaman kapag buntis ang isang babae?”

Nasagi ni Angie ang baso sa gulat at bumagsak sa semento. Gulat na tumingin si Angie sa kaniya.

“Hindi ako seryoso noong sabihin ko iyon, Salome.”

“Kasi sa tingin ko baka tama ka.”

“Ano?!” Nasagi na naman nito ang isa pang baso at nabasag ulit.

Sabay sila ni Angie na umuwi sa araw na iyon at sinamahan siya nito sa botika para bumili ng pregnancy test.

“Sasama ka ba talaga?”alanganin niyang tanong sa kaibigan nang malaman niyang pati sa bahay niya ay sasama pa ito.

“Of course!”ngumisi ito at mukhang excited pa.

Tinuruan na siya nito kung papaano gamitin ang PT pero dahil daw isang himala ang nangyari sa kaniya kaya sasama ito. Hindi niya alam kung bakit parang kilig na kilig pa ito.

Madaling araw niya dapat i-apply ang PT dahil mas effective iyon sa umaga. Doon natulog si Angie sa kanila. Pero mukhang hindi naman talaga nakatulog si Angie dahil mga bandang alas kuwatro ng umaga nang gisingin siya nito.

“Bumangon ka na Salome. Umaga na mag-PT ka na dali!” Niyugyog siya nito ng pagkalakas-lakas.

Napilitan siyang bumangon at sundin ang utos ng kaibigan. Maaga rin silang papasok ngayon kaya maigi na rin na magising siya ng maaga. Nakakapanibago lang dahil mabigat ang katawan niya samantalang dati-rati ay hindi naman siya ganito.

“Akin na!” Hinablot agad ni Angie ang PT kahit pa hindi niya pa nakita ang resulta.

Inaantok na lumapit siya kay Angie at gusto rin malaman ang resulta. Pero isang malakas na tili ang sinalubong ni Angie sa kaniya at niyakap pa siya.

“Oh my gosh! Oh my gosh! Positive!” Panay ang tili nito at tumalon-talon pa.

Samantalang siya ay hindi alam kung ano ang ire-react. Tiningnan niya ang PT upang makasiguro. At may dalawang guhit nga doon.

Buntis nga siya. Tulala na nabitiwan niya ng hawak na PT. Isang masamang tao ang ama ng kaniyang anak. Isang drug lord, at paniguradong isa ring kriminal. Kapag nalaman ni Treous na may anak ito sa kaniya ay baka ilayo nito sa kaniya ang bata. Mapupunta sa masamang kamay ang kaniyang anak at baka magiging katulad ito ng ama. Hindi siya papayag na ganoon ang kahitnan ng kaniyang anak.

Hindi siya pumasok sa araw na iyon at lahat ng pera na inipon niya para sa kanila ng kaniyang kapatid ay dinala niya. Pupunta siya sa ibang lugar at doon niya palalakihin ang kaniyang anak. Magtatago siya doon at hinding-hindi siya magpapakita sa ama ng bata. Sisikapin niyang mapalaki ng maayos ang kaniyang baby. Kaya niya iyon kahit siya lang mag-isa. Iyon ang parati niyang iniisip. Kailangan niyang magpakatatag, dahil may anak na siya.

Isang malakas na putok ng baril ang pumuno sa buong silid. Bumulagta ang babae sa sahig at dumaloy ang masaganang dugo sa sahig. May butas sa noo ang babae. Doon ito timaan ng bala. Malamig ang mga mata ni Treous habang nakatingin sa bangkay ng babae.

Pumalpak na naman ang pangatlo niyang baby maker. Malaki ang binayad niya sa babae pero hindi pa rin nagbunga ang binigay niyang semen dito. Pahirapan sa pagpaparami ang kanilang pamilya at siya na lang ang naiwang nag-iisang Elagrue. Kailangan niyang ingatan ang bloodline ng mga Elagrue. Walang ibang susunod sa sinimulan niya kundi ang kaniyang anak.

“Boss, ngayon ang business meeting na'tin sa mayor ng San Luis,”ani tauhan niya nang makapasok.

Pinahid niya ang dugo na tumalsik sa kaniyang kamay at lumingon sa tauhan. Ipinasa niya dito ang baril na ginamit niya sa babae.

“Clean this mess before we proceed to this meeting.”

“Copy, boss!”

Humugot siya sa phone niya at may tinawagan.

“Maghanap kayo ng bagong baby maker,”aniya sa kabilang linya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh hanggang saan ka magtatago Salome
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 4

    Magkakaroon ng pagawaan ng baril sa San Luis at nakipagkasundo ang mayor doon. Ini-offer nito ang lugar sa kaniya para gawing hide-out ng mga ilegal nilang transaksyon. Ang kapalit ay tutulongan niya ito sa paparating na eleksyon. Ganid sa kapangyarihan ang mayor kaya ginagawa ang lahat upang hindi makababa sa pwesto.Bumyahe sila ng ilang oras tungo sa San Luis. Dumaan sila sa sentro ng bayan. Nagkalat ang mga taong abala sa pamimili at ganoon din ang mga nagbebenta ng street foods. Pinagmasdan ni Treous ang kaganapan sa labas ng mamahaling sasakyan. At may nakita siyang babae na may hawak na bata sa kabilang braso habang hirap na bitbit din sa kabila ang malaking supot ng mga pinamili nito. Kung maaga sana siyang nakabuo ng bata sa mga baby maker niya ay baka ganoon na rin kalaki ngayon ang kaniyang anak. Kung kailan kailangan na kailangan niya ang bagay na iyon ay saka naman pinagkait sa kaniya. Humarap ang babae sa gawi niya at tila may pamilyar na sceneryo siyang naalala noong

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 5

    Hindi agad nakakilos sa kinatatayuan niya si Salome. Tila nag-ugat ang mga paa niya. Kahit gusto niya mang utosan ang sariling kumilos ay hindi naman siya sinusunod ng kaniyang katawan. Nakaawang ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang lalaking nasa likuran ng kotse. Lumingon ito sa gawi nila at nagtama ang mga mata nila ng lalaking iyon. Ang ama ni Daniel. Nakita sila ng ama ni Daniel! Sigaw ng kaniyang isipan. At abut-abot ang kaba sa kaniyang dibdib nang mamalayang huminto ang sasakyan. Para siyang binuhusan ng isang balde ng yelo dahil sa nakita. Nakilala ba siya nito? Namukhaan ba ng lalaki ang kaniyang anak? Kukunin ba nito si Daniel sa kaniya? Kung anu-anong tanong ang agad bumuhos sa utak niya. Sa pangalawang beses ay nagtagumpay siyang kumilos at lumayo sa sasakyan ngunit isang boses ang nagpatigil sa kaniya.“Miss!”Tagaktak ang pawis niya at para siyang sumalang sa marathon dahil sa bilis ng pagkabog ng kaniyang dibdib. “Sa inyo na itong chocolate,”ani driver. Ito

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 6

    “Kain ka pa,”aniya sa anak habang sinusubuan ng tinapay. Mabuti na lang at sakto para sa paupahang bahay ang bitbit niyang pera.“Kapatid mo?”aning babae na may bitbit na eco bag. Mukhang naghihintay ng masasakyan. Umiling siya sa babae. Mga bandang alas 10 na sila nakarating sa syudad. Kaya ngayo'y pinapa-snack niya na muna ang bata.“Anak ko po.”Medyo nagulat pa ang babae sa sinabi niya.“Akala ko kapatid mo. Mukhang ang bata mo pa para magkaanak.”Ngumiti siya. “23 na po ako.”Tumango-tango ang babae. Pinahid niya gamit ng panyo ang bibig ng anak. Napangiti siya nang mapansin na naaaliw ang anak niya sa panonood sa mga sasakyang dumadaan.“Itong address na ito ang ibigay mo sa taxi. Mag-taxi kayo, ha. Kahit mahal pa iyan ang importante ay matunton niyo agad ang location ng agency at makahanap agad ng mauupahang bahay,”ani Angie sa kaniya. May binigay itong papel.Kahapon ay nakipagkita agad siya kay Angie. Sabi ni Angie ay may kaibigan din itong nagkapagtrabaho sa hotel sa syudad.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 7

    Natapos na ni Salome ang apat na silid. Sa isang palapag ay dalawa lang ang room girl na naka-assign. Sila ni Evangeline ang magkasama sa fifth floor. At nasa fifth floor din ang stock room na madalas tambayan nilang mga staff kapag tapos na sila sa paglilinis. “Hoy, Salome!” Tinawag siya ni Roda. Matangkad at malaking babae si Roda. Hanggang leeg lang ni Roda si Salome. Siya kasi ang maliit sa kanilang lahat. “Oh, bakit?” “I-pull out mo iyong room six.” Kinakalikot pa ni Roda ang kuko. Iyong room six ay sa palapag iyon ni Roda. Kapag nandiyan siya ay nang-uutos itong si Roda sa kaniya.“Ha? Ah, e, may lilinisan pa ako dito sa palapag namin Roda, e. Mamaya na lang siguro?” Nagkamot siya ng ulo. Paano niya ba kasi pagsasabayin iyong paglilinis sa dalawang silid?“Kailangan ngayon na. Ano ba? Gagamitin na ngayon iyon!”bulyaw ni Roda.Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Bigla-bigla na lang kasing naninigaw itong si Roda. Bakit ba ayaw siyang intindihin ng babaeng ito? “Aba! Ang ka

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 8

    Mapapagalitan ba siya? O baka mapatalsik pa? Sinisikap niyang huwag ma-late at sobrang aga niyang mag-in araw-araw. Dahil natakot siyang baka matanggal siya. Tapos iyong tungkol lang pala sa elevator ang magpapahamak sa kaniya. Tama nga si Evangeline. Ang tanga-tanga niya nga talaga.Dapat sumunod na lang siya sa mga utos ng kaibigan. Sana nakinig na lang siya. Di bale nang mahuli siya. Napapailing si Vange sa tuwing nagkakasulubong sila. Problemadong mukha ang nakapaskil parati sa kaniya habang nagtatrabaho. Sana man lang umabot siya ng kinsenas para may makuha naman siya kahit kaunti sa pinagsikapan niya. Para may magamit pa siyang pera kapag nag-apply siya sa iba.“Patay kang bata ka. May kasalanan ka pala!” Humalakhak si Roda nang magkita sila.Sobrang tuwa pa ni Roda sa nabalitaan tungkol sa nangyari kahapon. Ito malamang ang unang bubunghalit ng tawa kapag napatalsik na siya mamaya. Panay na lang siya lingon sa gawi ng manager nila tuwing bababa siya para ihatid ang laundry sa

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 9

    “Hoy! Ayos ka lang?” Siniko siya ni Evangeline. Medyo nagulat siya dahil sa lalim ng iniisip.“Oo, Vange.” Sabay tango. Namamalikmata lang siguro siya. Imposibleng hanggang dito sa hotel na pinagtatrabahuan niya ay makakasunod pa si Treous dito. Pero baka guest din dito sa hotel!Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Baka biglang magkita ulit sila ng lalaking 'yon. Hindi niya naman pinaalam dito ang tungkol sa anak nila. Pero dahil guilty siya kaya ganito na lang siya mag-react ngayon.Atsaka, may pakialam ba si Treous sa bata? Hindi niya alam. Mayaman si Treous pero wala siyang balak na lapitan ito para hingan ng sustento. Kaya niya namang buhayin ang anak niya. At sa uri ng buhay na mayroon ito, hinding-hindi niya hahayaan ang anak niyang makalapit sa mga ganitong uri ng tao. Gaya ng ama ng anak niya. Mabubuhay ang anak niya sa paraan na gusto niya kahit wala itong kilalaning ama.Natigilan siya nang makita ang pulang dugo sa bedsheet ng silid na nililinisan niya. Agad na bumuhos ang

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 10

    Hindi siya nakatulog kagabi. Hindi siya pinatulog ng nangyari kagabi. Hindi niya inasahan na ganoon kalaki ang makakapa niya. Napasapo siya sa mukha dahil sa mga pumapasok na naman sa isipan niya. “Huwag mo nang isipin 'yon. Dyusko! Kalimutan mo na iyon, Salome.” Mahina niyang kinakausap ang sarili na parang nahihibang. Umaga mga bandang alas 8 papunta silang kusina para sa break nila. Dumaan muna sila sa bulletin board na nakadistino sa mismong locker ng mga staff. “Night shift na tayo sa susunod na buwan. Nilipat na tayo. Magbabago na raw ang rotation simula ngayon. Isang buwan tayong day shift at isang buwan na rin sa night shift. Nagrereklamo na siguro ang night shift,”ani Evangeline habang abala sa pagtingin tingin sa listahan ng bagong schedule sa taon na iyon.Hindi niya na masiyadong nasundan ang mga pinagsasabi ni Evangeline. Abala ang utak niya sa pagkumbinsi sa sarili na kalimutan na ang malaking ahas na nakapa niya kagabi. “Kaya pala masakit,”aniyang wala sa sarili. Naa

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 11

    Kung abala sila noong nakaraang buwan ay mas abala ngayon. Binawasan na rin pati ang room girl para ilagay sa baba. Naging waitress ang iba sa kanila. Ang naiwan ay sampu na lang. Nagkahiwalay pa sila ni Evangeline dahil in-assign ang kaibigan sa six floor. Bukas pa magiging effective ang shifting nila dahil sa event ngayon. Mahaba-haba ang pahinga niya mamayang gabi at bukas dahil mga bandang 7 p.m. na ang in nila no'n.Isang matangkad at puno ng tattoo na lalaki ang nakasalubong niya sa hallway ng fifth floor. May kasamang matatangkad at sexy na babae. Akbay-akbay ng lalaki ang dalawang babae nito. “Good Morning Sir, Ma'am,”bati niya. Hindi siya pinansin ng tatlo at tuloy-tuloy lang ang lakad hanggang sa malampasan siya. Protocol ng hotel ang greetings sa mga guest kahit pa i-dedma ka ng mga ito. Hindi naman kasi required na pansinin siya. Ang importante ay hindi siya nagkulang. Nagkalat ang stock room dahil sa pagiging busy ng lahat. Maging siya ay halos hindi na makapag-ayos n

Latest chapter

  • The Dangerous Man Weakness    Epilogue - Book 2

    Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 19 - Book 2

    Naagaw ang atensyon nila ng malakas na tunog sa labas. At ang nagmamadali na si Eric ang iniluwa ng pinto. Nanlalaki ang mata at halatang natataranta ito. “Nandiyan na sila!” Halos pasigaw ang pagkakasabi nito. Lumakas ang hangin sa paligid. Mabilis siyang hinawakan ni Grego sa braso para hilahin palabas ng silid. May malaking bag na bitbit si Eric habang hawak sa kabilang kamay ni Grego ang kalibre 45 na baril. Nanlalamig siya habang nakasunod sa dalawa. Ano mang oras mula ngayon ay pwede siya nitong patayin gamit ang baril na hawak nito. Mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Nagkanda patid na siya sa mga usling ugat sa gubat pero walang pakialam si Grego panay pa rin ang paghila nito sa kaniya.“Bilisan mo. Tànginà!”bulyaw ni Grego nang balingan siya. Sinikap niyang masabayan ang mga galaw nito pero hindi niya talaga kaya. “Ako nang bahala sa kaniya.” Si Eric na nakasunod ay agad sumingit. Hinawakan nito agad ang braso niya kaya patulak siyang binitiwan ni Grego.Nanatili an

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 18 - Book 2

    Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya? “Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo. Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya. Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 17 - Book 2

    “I'm sorry for what happen to your house. May mga bantay ang lupain. Ginagawa nila ang lahat para mabantayan kung sino ang naglalabas masok dito. Ang tanging pinapayagan lang namin na pasukin nila ay ang lagoon. I never thought that na pati ang bahaging ito pagkakainteresan nila. Nalaman na lang namin nasusunog na ito. Ginawa namin ang lahat para hindi tupukin nang tuluyan ang buong bahay. Pero masiyado nang malaki ang apoy at light materials lang ang gamit sa naturang bahay kaya madaling natupok. I'm really sorry, hija.” Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Ma'am Salome. Dahil gaya niya ay memorable rin dito ang dating tinitirhan. Ito na ngayon ang farm house na ni-renovate. Nalaman niya rin na dito nakatira si Daniel noong bata pa ito. That time, itinago ni Ma'am Salome si Daniel kay Sir Treous. Hindi niya rin akalaing may ganoong esturya pala sa pagitan ng mga ito. Bandang hapon na noong umalis si Ma'am Salome at Sir Treous. Doon nananghalian ang mag-asawa at sila ni Ma'am Salome

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 16 - Book 2

    “Uuwi tayo ng Paredez. Let's meet my family again. This time I'm gonna marry you. Pananagutan kita.” Hindi na siya nakapalag nang sabihin nito iyon. It's just midnight nang magpaalam sila sa mga kasama nito na aalis sila ng maaga. Babyahe pa sila tungo ng Paredez. Halatang wala nang balak ipagpaliban ni Daniel ang lahat ng 'to. Sakay ng pick up nito nang marating nila ang lugar. Bandang 5:30 ng madaling araw. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Bukas ang bintana kaya't lihim niyang inilabas ang kamay sa bintana para damhin ang hangin. Preskong-presko iyon iba sa hangin sa city. Bagay na hahanap-hanapin ng katawan niya.Home.Bahagya siyang napapikit nang dumampi ang pang-umagang hangin sa mukha. Ang dalawang bundok sa unahan ay parang magkasintahan na magkadikit at hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong unos at bagyong dumating. Ang mansion sa unahan ay tila hindi nagbago. Ganoon pa rin ang itsura. Ang blue lagoon ay medyo nakakapanibago na. Ang hindi nagbago ay ang dami mga dumaday

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 15 - Book 2

    Pinahintulutan niya ito at ngayo'y hinding-hindi niya na ito mapipigilan pa. Kita ang kasabikan at uhaw sa mga mata nito. Dahil sa init na naramdaman ay hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nadadala siya sa mga halik nito.Tuluyan na siyang nalunod.“Uhh..” He suck her bréast from there up to her jawline. Bahagyang pumipisil ang kamay nito sa mga nadadaanan niyon. Biting her lower lip just so she can stop herself from móaning. Namumungay ang mata nang magtama ang mga mata nila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos akalaing nasa harapan niya ngayon ang lalaking hinahangaan ng marami. He can get girl in just a snap of his fingers. Kaya nga nandito siya. Dahil noong kinailangan siya nito ay ito siya't walang pag-aalinlangan niyang inihain ang sarili dito. Daniel can have everything he want. Even her. He's kíssing her while touching her down there. Hindi niya alam kung papaano ito hàlikan ng maayos nang hawakan nito ang pinakasensitibo niyang parte. “Danie-”Pinutol siya ng mapag

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 14 - Book 2

    Hindi siya makahuma sa kinalalagyan dahil sa mga narinig mula dito. Wala siyang makapa na salita sa utak. Malabo pa sa kaniya ang mga narinig. Paanong siya? Kung ikukumpara sa mga nagkakagusto rito, wala siya sa kalingkingan ng mga iyon.Klarong-klaro. Pinaglalaruan lang siya nito. Nasabi na nitong kapag may gustong makuha ang lalaki ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha iyon. At ano naman ang makukuha nito sa kaniya? Wala naman siya no'ng mga bagay na mayroon ang mga babae nito.Sa kalibre ni Daniel. Hindi ang tulad niya ang pipiliin nito hanggang sa dulo. Para lamang iyong nangyari sa Mama niya. Bínúntis lang ng mayamang lalaki. Tapos ay iniwan ang mama niya. Kaya ba ayaw na ayaw ng mama niya na naglalapit siya kay Daniel? Dahil ba maaring mangyari ang ganito?Napalunok siya at bahagyang dumistansya ng kaunti mula kay Daniel. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kasamahan nila. “Inaantok na ako,”biglang nasabi niya. “Then let's go to the-”“Alam ko na kung saan.

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 13 - Book 2

    Nakangisi na tinanggap ni Bruce ang kamay niya na may panunuya sa mga mata. Sinusubukan pa yata ang pasensya ni Daniel. May lamig sa mga mata na tiningnan ni Daniel ang kaibigan. Naiilang na ngumiti si Solen. Hindi alam kung ano ang ire-react. Binitiwan din naman kalaunan ni Bruce ang kamay niya. “Calm your bàlls, bruh!” Natatawa si Bruce na tinapik ang balikat ng bad mood na si Daniel.“Alistair here!” Nagpakilala iyong kulay blonde ang buhok. Tinanguan niya lang ito at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Gino, and here is Troy.” Tinuro ni Gino ang sarili sabay turo sa akbay-akbay na tahimik na si Troy. Seryoso lang na nagtaas ng kamay si Troy.May mga itsura ang mga ito. Sa built ng katawan at pormahan alam mong belong ang mga ito sa mundo ni Daniel. Siya lang naman kasi ang outsider dito.Sa apat si Bruce lang ang may lakas ng loob na makipagkamay. Iyong tatlo parang takot na pansinin siya. Ilang saglit ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa baywang niya. Nalingunan niya si Dan

  • The Dangerous Man Weakness    Kabanata 12 - Book 2

    Hindi niya matagalan ang titig nito kaya't agad siyang tumayo. “C-CR lang ako.”Hindi niya na ito matingnan ngayon. Hindi niya na rin hinintay na sumagot pa ito at umalis na doon. Mabilis siyang nag-lock ng pinto pagkarating niya sa silid. Nagtungo siya sa banyo niya at problemado na hinarap ang salamin. Pinagmasdan niya ang mukha sa repleksyon niyon. Napaawang ang labi niya nang makita kung gaano kapula ang pisngi niya. Napahawak siya doon. Paniguradong nakita nito ang pamumula ng mukha niya. Mas lalo siyang nahiya sa ideyang iyon.Hindi raw ito naniniwala sa fix marriage pero hindi nito sinabi kung wala nga ba itong fiancee. Maraming nagkakandarapa para makuha si Daniel. At hinding hindi nito ibababa ang standard nito para patulan siya. Hindi ang kalibre ni Daniel ang gagawa ng kahíbangan na 'yon. Biglang naalala niya ang mga búlly na kaklase niya noon sa Paredez. Noong una ay pinapahirapan siya ng mga ito pero noong lumaki sila ay bigla na lang nanligaw sa kaniya. “I have my wa

DMCA.com Protection Status