Home / Romance / The Contract Bride / CHAPTER 2: The Marriage

Share

CHAPTER 2: The Marriage

SOIRYE'S P. O. V

WHEN I GOT TO THE APARTMENT DAMON HAD MENTIONED, THE FIRST THING I DID WAS TO DIAL A CERTAIN NUMBER.

Ang tanga ko lang dahil hindi ko naisip na nasa labas na ako ng bansa at iba na ang network reception doon. So instead, I logged in to one of my social media accounts at doon ko na lang tinawagan si Kyree. He's my gay assistant. At ngayon na biglaan akong nawalan at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, I have to call him to make him in-charge or everything while I'm gone.

"Hello—”

"Hello, Madam Winter?! Madam Winter!” tila naiiyak niyang bulalas sa kabilang linya. "Madam! Madam, buti naman tumawag ka na! Kanina pa kami windang na windang at alalang-alala sa'yo rito kung bakit wala ka pa! Never ka naman kasing na-late at absent ng walang pasabi!”

Napailing na lang ako at inilayo sa tainga ko ang cell phone dahil kung hindi, malamang na mabingi ako sa lakas ng boses niya.

"I'm just out doing some business, okay? Biglaan kaya hindi na ako nakapagsabi. Anyways, I don't know kung hanggang kailan ako rito. While I'm gone, I am counting on you to handle everything there on its proper places. May special bonus ka sa'kin kapag nagawa mo ng maayos ang trabaho,” seryosong sabi ko.

"Ha?! Madam, gusto ko ng bonus pero huwag naman gan'to! I cannot, okay?! Hindi ko alam, Madam, kung paano ko ha-handle ang commotion dito sa company ngayon!”

Kusang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Commotion? What commotion are you talking about?”

"Eh, kasi Madam, usap-usapan ngayon na nasa bansa raw si Damon Ignaci! Eh 'di ba, hype na hype siya ngayon? Tsaka ikaw na rin ang nag-splook na gusto mo siyang gawing feature sa mga susunod na issue natin? This is once in a life time, Madam! Kaya nagkakagulo sila rito ngayon kung paano nila matitiyempuhan si Damon Ignaci para matanong kung pwede siyang i-feature. Ikaw sana, Madam, ang inaasahan nilang makakalapit kay Sir Ignaci! Kaso wala ka rin naman. Kaya paano na itey?”

Nahilot ko ang sentido ko sa sinabi niya. I don't know, parang biglang sumakit ang ulo ko at kumulo ang dugo ko sa mga sinabi ni Kyree.

"Who the hell made the news na nasa Pilipinas pa si Damon Ignaci?” tanong ko. I am trying my best to sound as calmest as possible. Kahit sa totoo lang ay gusto ko nang sumabog sa galit.

"I don't know—”

"Diyan sa company. Who among you made a news about Damon Ignaci being still in the country?” putol ko sa kanya.

"Si… Si Wyna raw, Madam,” he hesitantly answered.

"Wyna. The one on the sports department Wyna?”

"Y-Yes, Madam.”

Huminga ako ng malalim.

"Well, tell her that she's spreading fake news. And also, tell her to make use of her remaining time there. Dahil sa oras na makabalik ako, she will be fired. On the dot. Naiintindihan mo?” puno ng awtoridad kong saad.

Matagal bago makasagot si Kyree. "Y-Yes, Madam. P-Pero paano 'yung kay Damon Ignaci—”

"Huwag niyo nang isipin 'yon. We'll have that interview with Damon Ignaci sooner and not later. For the meantime, ikaw munang bahala riyan. And when I came back, matatanggap mo na agad ang special bonus mo.”

Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya. Pinutol ko na agad ang tawag at naiinis na napaupo ako sa gilid ng kama.

"Eh, kasi Madam, usap-usapan ngayon na nasa bansa raw si Damon Ignaci! Eh 'di ba, hype na hype siya ngayon? Tsaka ikaw na rin ang nag-splook na gusto mo siyang gawing feature sa mga susunod na issue natin? This is once in a life time, Madam! Kaya nagkakagulo sila rito ngayon kung paano nila matitiyempuhan si Damon Ignaci para matanong kung pwede siyang i-feature…”

I smiled at the thought. Yes, Kyree was right. Masyadong hype na hype ngayon si Damon Ignaci hindi lang sa social media kundi pati na rin sa mass media. Aside from being the Italy's most richest's only heir, he's also known for his majestic and ever-luxurious lifestyle. Kilala rin siya bilang… well, chic magnet at womanizer. Wala raw sineseryosong babae but despite all those issue, marami pa ring interesado sa kanya. Marami-rami na rin naman sa side ng printed media ang ginawa siyang content at pinaggatasan, but all of them faced backlash after being proven that all of their articles were fake and released without the permission of Damon himself.

That was why I grew interest in him.

Nasa gitna ako ng malalim na pag-iisip nang mabulabog ako ng malalakas na katok sa pinto ng kwartong kinaroroonan ko. I'm certain, it was Paulson. Nakisuyo kasi ako sa kanya kanina na ibili ako ng makakain sa labas. I requested for a Filipino cuisine. Alam kong mahirap but so what? I just wanna test if what Damon said was true. Na kahit anong iutos ko sa driver niya, he will oblige.

"Come in!” malakas kong saad at umayos ng upo sa kama.

The door flew open and as expected, si Paulson nga ang nandoon. Pero imbis na food packs ang dala niya ay isang malaking kahon na kulay puti ang buhat-buhat niya. May ribbon pa 'yon na kulay puti rin. Iba lang ng shade.

"This package arrived from Sir Damon. He said that there's a note inside for you to read,” saad ni Paulson. "Where should I put it?”

Walang imik na tinuro ko ang kama para sabihing doon na lang ilapag ang kahon.

"Now, where's my food—”

"Sir Damon's personal chef is cooking something for you in the kitchen. It is so hard to find Filipino cuisine, that's why he asked me to just call his personal chef and cook for you.”

Personal chef? Meron pala siyang personal chef dito knowing na hindi naman talaga siya taga-rito?

Well, what else should I expect? He's the only heir of the Italy's richest personality.

Umalis na rin agad si Paulson matapos kong sabihin na wala na akong iba pang iuutos. And once he went out, my gaze turned upon the huge, white box. Puno ng kuryosidad na kinuha ko iyon at maingat na inalis ang ribbon na nakatali sa cover no'n. After that, I slowly remove the box' cover.

But after seeing the things inside that box, my jaw instantly drop. May laman iyong isang kulay puting dress. That dress contains some sparkly details, making it look simple yet elegant at the same time. Kasama no'n ay meron ding high-heeled sandals na kulay puti rin; may makeup set at pabango.

Nang kunin ko ang dress ay doon ko lang napansin ang note na kasama ng mga iyon. Nahulog pa 'yung maliit na papel kaya kinailangan ko pang pulutin iyon bago ko maayos na nabasa.

"Our wedding's set later at 5. Wear this dress and be the prettiest you. Will fetch you later before 4:30. See you, My Soirye.”

~Damon Ignaci

***

"WILL FETCH YOU BEFORE 4:30, PERO 4:51 NA, WALA PA RIN.”

Iyon na lang ang naiinis na nasambit ko sa sarili ko. I started to prepare for the "wedding" exactly at 2 o'clock in the afternoon. And as he request, I tried my best to be at my pettiest. Pasado alas kwatro na ako natapos mag-ayos and I thought na tamang-tama lang ang oras na iyon para hindi na ako matagal na maghintay kay Damon. Yet, here I am. Mahigit kalahating oras na akong naghihintay pero hanggang ngayon, kahit anino niya ay wala pa akong natatanaw. And the wedding's at 5 P.M., huh? Nine minutes na lang, alas singko na. Ano ba'ng tingin niya sa lugar kung saan kami "ikakasal"? Sa baba lang ng bahay? O baka sa kapit-bahay?

"Miss, Sir Damon's already outside. He said you can to out now,” anunsiyo ni Paulson na humahangos pa.

"Buti naman, naisipan pang dumating. Magbibihis na sana 'ko, eh,” inis kong turan.

Nilagpasan ko siya at dali-dali na akong lumabas ng bahay. Nakita ko na nakaparada na nga sa labas ang isang kulay itim na sasakyan. Kulay itim?

Nakaupo sa driver's seat si Damon na ngumiti agad pagkakita sa akin. Hindi ko siya nginitian pabalik. Instead, I walk towards him with a serious and blank expression. Padabog din ang ginawa kong pagbukas at pagsara sa pinto ng sasakyan. I chose to sit beside him 'cause who cares if I wanted to?

"I understand that you're mad. Sorry, na-late ako. But I can explain later,” aniya pagkasakay ko.

Hindi ako umimik at bahagya na lang na tumango.

Mabilis na niyang pinasibad palayo ang sasakyan. Sobrang bilis ng pagpapaandar niya na halos pakiramdam ko ay lilipad na ako mula sa kinauupuan ko. But still, I didn't bother to ask him go slowly. Late na rin kasi kami sa call time. Almost late. 4:56 na at imposibleng makarating pa kami on time—

"We're here,” biglang anunsyo ni Damon kasabay ng paghinto ng sasakyan. Biglaang paghinto, dahilan para muntik na akong masubsob.

He immediately removed his seatbelt and went out of the car. For a moment, I just sit there. Hinihintay ko na pagbuksan niya ako ng pinto pero wala. He just knocked on the window, asking me to hurry up.

Pagbaba ko, nagulat pa ako na nakalahad ang isang kamay niya para alalayan ako. But I chose to ignore him, anyway. He already did one streak of being the non-gentleman. Ituloy niya na, 'di ba?

Nauna na akong naglakad at sumunod naman siya agad. He immediately grabbed me by the hand. His grip is tight enough to avoid me from taking my hand back. Kaya hinayaan ko na lang siya at magkahawak-kamay na kaming pumasok sa loob ng isang building. Then sa loob ng isang kwarto.

Bumungad sa amin ang isang may katandaan nang lalaki na nakasuot ng uniform ng isang judge.

"It's so glad to see you, Mr. Damon—”

"Please, let's get to the point. I still have so many things to do and… my future wife here still needs to go out of the country.”

Pinaghila ako ng upuan ni Damon sa harap ng judge bago siya umupo rin sa katabi no'n.

"To be a husband and wife, one should possess—”

"I thought, I already said let's get to the point. No need for that… damn quotes,” Damon interrupted the judge once again.

Saglit na natigilan at hindi nakapagsalita 'yung judge. Nahiya naman ako bigla at nainis sa inaasal ni Damon.

"Okay, may I request you to please stand up, Ma'am, Sir,” saad ng judge mayamaya pagkatapos marahil makabawi sa pagkabigla.

Tumayo naman kami ni Damon. Inutusan kami ng judge na humarap sa isa't-isa at maghawak ng kamay.

"Mr. Damon Ignaci, do you accept Miss… uh, Miss Soirye Galveza to be your lawfully wedded wife?” anito.

"I do,” Damon said. Imbis na sinseridad, pagkainip ang bakas na bakas ngayon sa boses niya. Well, what should I expect? Hindi naman "marriage out of love" 'tong gagawin namin kundi marriage out of each other's convenience. Walang pinagkalayo mga mababasang nobela na contract marriage ang genre.

"Miss Soirye Galveza, do you accept Mr. Damon Ignaci to be your lawfully wedded husband?” baling naman sa akin ng judge.

"I do,” sagot ko rin kasabay ng marahang pagtango.

To my surprise, Damon took out a ring and put it on my finger. Inabutan niya rin ako ng isa pang singsing at sinuot ko naman 'yon sa kanya.

"I now now pronounce you… husband and wife!”

Damon grabbed me by the waist and started kissing me right in front of the judge. Matagal at malalim ang halik na 'yon. That was a simple kiss yet it made my entire body ache and feel in heat.

Pagkatapos niya akong halikan, walang sabi-sabi na hinila niya na ako palabas ng kwartong iyon. Hindi man lang siya nagpaalam sa judge.

We are in the middle of walking when suddenly, he grabbed me and started to carry me—bridal style. Mabuti na lang at walang gaanong tao sa hallway na nadadaanan namin kaya walang masyadong nakakapansin sa biglaan niyang ginawa.

Nang ibaba niya ako ay sa loob na mismo ng passenger's seat. 'Tapos sumakay na rin siya roon at walang sabi-sabing pinaandar na palayo ang sasakyan.

"Guess where we're heading, My Soirye,” basag niya sa katahimikan makalipas ang ilang segundo.

"To your bed?” pilyang saad ng isip ko. Napangiti pa ako dahil doon at aaminin ko na medyo na-excite rin ako. Thinking the wildness we did last night. Paano pa kaya ngayon na "kasal" na kami? Pero imbis na iyon ang sabihin ko ay tinanong ko na lang siya kung saan nga ba.

"To the field. Get ready, Paulson is about to fly you back to the Philippines.”

Biglang nabura ang ngiti ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status