“Hindi ka na ba talaga mapipigilan sa pag-alis mo?”
Marahang yumakap sa aking likuran si Sandro at inilapat niya ang kaniyang pisngi sa mismong likod ko. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko na dadal’hin pabalik sa Manila.
“Iiwan ko yung ibang damit ko rito, para hindi ka mangamba. Para alam mo sa sarili mong babalik ako.” sagot ko naman.
Huminto ako sa aking ginagawa at humarap sa kaniya.
“Napag-usapan na natin ito hindi ba? Babalik ako ng Manila kasi naroon ang trabaho ko.”
Nag-angat siya nang tingin sa akin at marahang tumango.
“Sabado bukas, mabuti nalang at walang pasok kaya maihahatid kita.”
Umiling ako. Heto na naman siya sa kakulitan niya. Akala mo bata. Lahat ng maisipang gawin, gusto palagi niyang ginagawa.
“Nakausap ko na ang mga kapatid ko, sila ang maghahatid sa akin papuntang airport. At ikaw, alam kong may ibang lakad ka. Narinig ko
Mabilis na naglakad pabalik sa kinaroroonan ko si Froilan nang marinig niyang binanggit ko ang pangalan ng kaniyang kapatid. Akmang aagawin niya ang phone ko nang bigla akong tumalikod at agad itinaas ang kamay ko para sabihing huminto siya sa kaniyang ginagawa.“Tristan, nasaan ka?”Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nahihirapan akong kumalma dahil si Froilan ay nagmumura na sa harapan ko. Alam kong nag-aalala siya sa kapatid niya and he felt so helpless dahil wala siyang magawa.“Ate, hindi ko alam. Hindi ko po alam kung nasaan ako. Madilim ang paligid.”“Yung phone, paano ka nakatawag sa akin. Kaninong phone ito?”Humikbi pang lalo si Tristan.“Ate, hindi ko po alam. Pag-aari ng isa sa mga tao na dumukot sa amin, hindi ko kilala. Naiwan niya lang po. Numero mo lang ang saulo ko kaya nagbakasakali akong tawagan ka. Ate, tulungan mo ako please. Ayoko pang mamatay.”“Sh
“May lead na kami kung nasaan ang mga natitirang bata. Tama ang informant mo, base sa aming napagtanungan, bi- biyahe nga ang sasakyan na iyon patungo sa Visayas bukas ng umaga” maliwanag na saad ni Dylan.Gabi na pero narito pa rin kami nina Leona, Dean at Froilan sa opisina ni Dylan. Pare-pareho kasi kaming hindi mapakali sa mga nangyayari. Kahit na umuwi rin kasi kami, wala rin kaming magagawa kung sakaling may biglaang balita. Mas okay na kami rito at least madali kaming makakakilos. Mabuti nalang at pinayagan kami ni Dylan na manatili sa opisina niya. Ilang beses ko pa siyang pinakiusapan tungkol dito.“Posible bang maging successful ang operation niyo sa pagliligtas ng kapatid ko?”Kahit na pilitin ni Froilan na patatagin ang kaniyang boses, hindi pa rin niya maitatago ang kaba sa tono ng kaniyang pananalita. Nang bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay ay pansin ko ang panginginig nito.“Malaki ang posibil
Kinakabahan ako pero pinili ko pa ring magpakatatag. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang hawak ang aking phone. Ang flashlight niyon ang nagsilbing ilaw ko. I made it dim para hindi agad ako mapansin ng mga tao magagawi sa daang binabagtas ko.Sa hindi kalayuan ay nakarinig ako ng kaluskos sa bintana ng isang sasakyan. Mabilis akong nagtungo roon. Mula sa bintana ay sumilip ako. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang puro bata ang laman ng sasakyan. Dahan-dahan akong umikot para buksan ang pintuan. My jaw dropped when I saw the state of the kids. Lahat ng mga ito ay marurumi at ang kanilang bibig ay mayroong mga tali para kahit iwanan sila ay hindi nila magawang sumigaw. Makalat din ang loob ng van. Halos hindi ko na rin masikmura ang amoy niyon. Inilawan ko sila isa-isa at sinubukang hanapin si Tristan. But no matter how hard I try, hindi ko ito makita. I signed the kids to remain silent. Nang makarinig ako ng ingay ng taong nag-uusap ay mabilis akong pumasok
I tried calling him but he didn’t answer my calls. Ang masakit pa roon ay pinatay niya pa ang phone niya kaya hindi ko na talaga siya natawagan. He did misinterpret the photo. That hug was no malice at all. I was just comforting Froilan.Dahil doon ay hindi tuloy ako nakatulog. Kahit na puyat ako ay nagawa ko pa ring pumasok. Pagdating ko sa opisina ay parehong nakasuot ng shades sina Leona at Dean habang nakaharap sa kanilang mga computer.Nang makita ako ni Leona ay agad siyang tumayo at niyaya ako na bumili ng kape sa labas.“You don’t look fine.” puna niya sa akin.Pilit akong ngumiti sa kaniya at nagpatuloy lang sa paglalakad. How can I be fine? Siguro ay baliw nalang ang magiging okay matapos ang nangyari. Pagkagising ko kanina, sumubok ulit akong tawagan siya pero ganoon pa rin, nakapatay pa rin ang phone niya. Hindi man lang niya ako hinayaan na magpaliwanag.Nang makabalik kami sa opisina, agad akong u
“Mag-iingat ka roon ha. Huwag kang makakalimot sa amin. Kapag bored ka, tumawag ka sa akin. Kahit buong gabi pa tayo mag-usap, ayos lang sa akin.”Sinubukan kong ngumiti kay Leona, ginawa ko ang makakaya ko para hindi magmukhang kawawa sa harapan nila. My heart’s pounding. My heart doesn’t want to leave this office but I already told Dad that I would go home after I bid my last goodbye to my co-workers.“Kapag dumalaw kami roon, will you tour us?” malungkot na tanong ni Dean sa akin.I widen my smile and nodded to him.“Of course, ikaw pa ba? Eh malakas ka sa akin.”He sighed heavily and get something from his pocket. Humakbang siya palapit sa akin at inabot ang kamay ko para isuot doon ang bracelet na hawak niya.“I’ve been planning to give this to you since the first month of you working here. I have a huge crush to you back then but you didn’t notice it. But i
“Maraming salamat po, Attorney. Malaking tulong po itong pagpirma niyo sa papeles ng tatay ko.”Ngumiti naman ako sa lalaking nasa harapan ko.“Walang anuman. Basta sana sa susunod kung magpapapirma ulit kayo, sana kasama mo na ang tatay mo. Next time, hindi ko na tatanggapin iyang authorization letter mo.”Tumango naman nang paulit-ulit ang binatilyo at nagpasalamat bago lumabas ng opisina ko. Nang tuluyan itong makalabas ay saka ako bumuga ng hangin at sumandal sa aking upuan. Mag-iisang linggo palang ako bilang bagong abogado rito sa Public Attorney’s Office pero pagod na ako. Hindi ko inakalang mas marami pang trabaho rito kaysa sa pagiging isang private lawyer. Understandable naman dahil nga abogado kami ng mga residente na naririto, ang kaso, hindi ko maintindihan kung bakit sa aming tatlo na abogado na naririto, sa akin lahat dumidiretso ang mga tao para magpakunsulta at magpapirma ng mga dokumento.Isang
Pagkatapos naming mag-usap. Bumalik na rin kami sa room kung saan naroon kasalukuyang ginaganap ang kainan. Mabuti nalang pagpasok namin ay karamihan sa mga tao sa loob ay abala. Walang gaanong nakapansin sa amin maliban sa mga guwardiyang nakabantay sa labas at dalawa na nasa loob. Niyaya pa ni Sandro ang mga ito na kumain pero mariing tumanggi ang mga ito.“Akala namin nawala ka na, Attorney. Mukhang nag-date pa yata kayo ni Congressman sa labas.” saad ni Attorney Reyes nang makita kami ilang minuto pagkapasok namin ni Sanndro. Sandro smiled at him and talked to him about different topic para hindi na ito magtanong ng kung anu-ano pa.“Siya nga pala, Attorney. May hihilingin lang po sana ako sa inyong pabor.” biglang sambit ni Sandro habang kumakain kami. Nakita ang excited na reaction ng dalawang abogado nang marinig nila iyon mula kay Sandro.“Ano ‘yon, Congressman? Kahit ano, basta kaya namin.”
I scoffed when I heard what he said.“Ang taas din ng level ng confidence mo ano? Hindi ko ma-reach.” inis na sambit ko. Hindi ko maiwasang mainis sa kaniya dahil ang lakas niyang mang-asar. Hindi naman siya ganito noon, pero ngayon dinaig niya pang nag-workshop sa galing niyang mang-asar.Tumawa lang siya sa sinabi ko. Lumapit pa siya sa akin kaya naman napahakbang ako paatras.“Ganoon talaga kapag sigurado na.” mayabang sabi bago ako kinindatan.Nakagat ko ang aking ibabang labi at ikinuyom ang aking kamao. Nang makita niya iyon ay agad siyang umatras.“Ira, walang ganyanan. Asaran lang, walang sakitan.”Nang ambahan ko siya nang suntok ay saka siya tumakbo palayo sa akin. Imbes na matakot ay lalo pa itong tumawa nang malakas dahilan para lumabas ang dalawang kapatid ko.“Ayos lang kayong dalawa? Nag-aaway ba kayong dalawa?”Pinandilatan ko naman si Sandro kaya sum