"SO, you're really getting married, ha?"
Sa halip na sagutin ni Laura ang tanong ng kaibigang si Margarette ay tinungga niya ang bote ng alak na hawak niya. Nasa condo siya ni Margarette ng sandaling iyon. Pagkatapos niyang magpunta sa condo ni Peter ay dumiretso siya sa condo nito. Gusto kasi niya ng kausap, gusto niyang mailabas ang nararamdaman niya. At wala na siyang ibang maisip kundi ito lang. Margarette and I have been friends since college. Kaklase niya ito sa ibang subject. At pareho sila ng personality kaya nag-click silang dalawa. At pagkarating niya sa condo nito ay agad niyang ikwenento ang gustong mangyari ng ama, ang pagloloko ni Peter sa kanya at ang impulse decision niya dahil sa ginawa ni Peter. "At nasaan ang manlolokong boyfriend--" "Ex," she cut her off. Kahit na wala silang naging usapan ni Peter ay tinatapos na niya ang relasyon nila. "Okay. Where's that fucking asshole of your ex-boyfriend. Makita ko lang siya, bibigyan ko talaga siya ng uppercut," wika nito, bakas sa inis sa boses nito. "Don't waste your time on him. He's not worth your time," she replied. Humugot naman si Margarette ng malalim na buntong-hininga. Nakita nga din niya ang pagsandal nito sa headrest ng sofa at saka nito pinag-krus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito. "Are you really sure about your decision, Laura? Are you sure about marrying a man you don't even know?" tanong nito sa kanya. Nag-angat siya ng tingin dito at nakita niyang titig na titig ito sa kanya. She couldn't answer her. But honestly, she didn't want to marry him. At mukhang nabasa nito ang nasa isip niya dahil nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Kapag hindi ka sigurado dito. Pwede ka pa namang umurong, Laura. Marriage is lifetime commitment. Hindi iyon isang pagkain na kapag mainit ay iluluwa mo," wika nito sa kanya. "For God's sake, that Draco Atlas whom you're going to marry? Sinabi mong ka-edad siya ng Papa mo. Kapag kasal na kayo, hindi ko ma-i-imagine na maghahalikan kayo at..." Hindi na nito natapos ang iba pa nitong sasabihin nang mapangiwi ito. Sa totoo lang ay hindi naman siya sigurado sa edad ni Draco, kung matanda na ba ito o hindi. Sinusubukan nga niyang i-search ito sa social media pero walang mukha ang lumabas. Tanging pangalan lang nito at ang mga achievement nito sa business world. In-assume lang niya na matanda na ito dahil ang sabi ng ama ay isang business tycoon ito at kakilala. Laura took a deep breath. Hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon noong pumayag siyang magpakasal. Gaya ng sinabi niya, it was an impulsive decision on her part because of what Peter did to her. Just to save her bruised ego, she accepted what her father wanted. Eh, hindi nga din malinaw kung bakit gusto ng ama na ipakasal siya sa business tycoon na kilala nito. She never asked him. "But seriously, Laura. Pag-isipan mong mabuti itong desisyon mo habang hindi pa huli ang lahat." Mukhang tutol si Margarette sa naging desisyon niya. "At anong gusto mo? Gusto mo bang pagtawanan ka ng gago mong ex-boyfriend? Na ipagpapalit mo siya sa triple na edad niya? Eh, 'di mas lalong lalaki ang ulo niyon. If you want to get back at your asshole ex-boyfriend, find a guy who's better than him. Someone who's more handsome, taller, hotter, around your age, and richer," pagpapatuloy pa na wila nito sa kanya. At nang banggitin ni Margarette ang mga katangian na dapat niyang hanapin sa isang lalaki para makabawi sa panloloko niya sa kanya ni Peter ay biglang pumasok sa isip niya ang estrangherong lalaking nakasalabong niya sa building ng condo nito. The description that Margarette mentioned was suited to him. Huwag lang isali ang malamig na expresyon ng mga mata nito. His piercing stare sent shivers down her spine. Idagdag pa na nakakatakot itong tumingin. Para bang may kasalanan siya kahit na iyon ang unang beses niya itong nakita. And up until now, she can still vividly remember those devilish eyes that are scary. Ipinilig na lang naman ni Laura ang isip para maalis ang lalaki sa isip niya. Bakit niya ito iisipin, eh, hindi naman niya ito kilala. At sigurado din siyang hindi na din magku-krus ang landas nilang dalawa dahil hinding-hindi na siya babalik sa lugar kung saan sila nagkita na dalawa. Besides, Laura doesn't focus on a man's physical appearance; she looks at his character instead. Whether he's handsome or not. Kung maganda ba ang ugali o hindi. Parang si Peter, hindi naman ito masyado gwapo, inakala lang niyang mabait ito, iyon pala ay puro pagkukunwari lang ang lahat. "Pag-isipan mo itong mabuti, Serena. Baka magsisisi ka din bandang huli." "YOUR wedding to Mr. Acuzar is already settled, Laura." Nanlaki ang mga mata ni Laura matapos niyang marinig ang sinabi nito sa kanya ng kausapin niya ito tungkol sa gusto nitong mangyari. Binawi kasi ni Laura ang naging sagot niya tungkol sa pagpapakasal niya kay Draco Atlas Acuzar. Masyado lang kasi siyang nadala sa bugso ng damdamin sa panloloko sa kanya ni Peter kung kaya't nakapag-desisyon siyang hindi niya pinag-iisipan. At ngayon medyo malinaw na ang isip niya ay doon naman siya nagsisisi. Tama kasi si Margarette sa sinabi nito, lifetime commitment ang pagpapakasal. Hindi nga iyon isang kanin na kung napaso siya ay iluluwa niya. At nang makapag-isip ng maayos ay agad niyang pinuntahan ang ama para sabihin na binabawi na niya ang desisyon. Pero iyon ang naging sagot nito sa kanya. "Hindi naman huli ang lahat. Pwede pa naman akong umurong kasi hindi pa naman-- "It's settled already, Laura," he cut her off. "Noong tinawagan mo ako para sabihin na pumapayag ka ng magpakasal kay Draco ay tinawagan ko agad ang lalaki. At sinabi ko sa kanya na pumapayag ka na." Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Pwede ko bang kunin ang numero ni Draco? I will call him at sasabihin ko na binabawi ko ang desisyon ko." "Hindi mo iyan gagawin," wika naman ng ama sa malamig na boses. "Bakit hindi ko pwedeng gawin?" "Because I said so, Laura. At sinabi ko na sa 'yo, ako ang masusunod sa ating dalawa. Pakakasalan mo si Draco sa ayaw at sa gusto mo." "But this is my life. At ayokong magpakasal sa kanya." "Magpapakasal ka, Laura," mariin na wika nito. "Bakit gustong-gusto niyo akong magpakasal sa lalaking iyon." Hindi niya napigilan na itanong. Alam niyang walang pagmamahal na nararamdaman ito sa kanya, pero gusto pa din niyang malaman ang dahilan nito kung bakit pinipilit nito na magpakasal siya kay Draco. "Dahil si Draco lang ang makakatulong sa akin para maisalba ang ari-arian ko, Laura," sagot ng ama sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang mapaawang ang labi sa narinig na sinabi nito. "Naba-bankrupt na lahat ng negosyo at kapag nangyari iyon ay mawawala lahat ng pinaghirapan ko. At sa lahat ng taong hiningan ko ng tulong? Si Draco lang ang handang tumulong sa akin para muli akong makabangon," pagpapatuloy pa na wika nito. So, iyon ang dahilan kung bakit mukhang stress ang ama, kung bakit ito pumayag dahil nagkaroon ng problema ang negosyo nito. "At ang kapalit ng pagtulong niya ay ang pakasalan ako?" "Yes," mabilis na sagot ng ama. Kumuyom muli ang mga kamao niya. Dapat immune na siya sa sakit dahil bata pa siya ay hindi na niya nararamdaman ang pagmamahal nito pero hindi pa din niya maiwasan. Bakit kailangan siya nitong i-sakripisyo para isalba ang mga ari-arian nito? She felt a pang inside her heart. "And you have no choice but to marry him, Laura. Otherwise, you'll lose Hacienda Abriogo." "What!?" "Don't raise your voice at me, Laura," mariing wika ng ama niya. Kinalma niya ang sarili. "Anong kinalaman ng Hacienda Abriogo? Kay Mommy iyon, pamana iyon sa akin," wika niya, hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo. "And your mother is my wife, Laura. Sa akin pa din nakapangalan ang Hacienda Abriogo," sagot nito sa kanya. "At kung hindi ka magpapakasal kay Draco, isa ang Hacienda Abriogo sa mawawala sa atin. At sigurado ako na ayaw mo iyong mangyari, you love Hacienda Abriogo so much," dagdag pa nito. Hindi naman niya magawang makapagsalita ng sandaling iyon. Totoo kasi ang sinabi nito, mahal na mahal niya ang Hacienda Abriogo dahil iyon lang ang tanging ipinamana ng ina sa kanya. Napamahal na din sa kanya ang Hacienda dahil doon siya lumaki, kasama ang totoong nagmamahal sa kanya. Napansin ni Laura ang pagtaas ng sulok ng labi ng ama nang makita nito ang pananahimik niya, mukhang alam nito ang kahihitnan ng pag-uusap nila. "Kung gusto mong mawala sa 'yo ang pinakamamahal mong Hacienda, ipagpatuloy mo iyang pagmamatigas mo. At kapag ayaw mo namang mawala sa 'yo ang Hacienda ay pumayag ka," pagpapatuloy na wika nito. Pagkatapos niyon ay tiningnan nito ang suot na relong pambisig. "Draco will visit me here. Make yourself presentable, Laura. I want to introduce you to your future husband," wika nito bago inalis ang tingin sa kanya. Kinagat naman ni Laura ang ibabang labi nang marandaman niya ang pamamasa ng magkabilang mata dahil sa nagbabadyang luha. At mukhang wala na itong balak na kausapin siya dahil itinutok na nito ang atensiyon sa harap ng papeles na binabasa nito. For the nth time, Laura took a deep breath to calm herself. Humakbang naman na siya palabas ng library at sa halip na tuluyang umalis sa mansion ng ama ay dumiretso siya sa dating kwarto hindi para mag-mukhang presentable sa harap mismo ni Draco. Dumiretso si Laura sa kwarto para ihanda ang sarili para sa unang beses nilang pagkikita ni Draco. Gusto niya itong makita hindi para ipakilala ang sarili. Gusto niya itong makita para kausapin na iba na lang ang hingin nitong kapalit sa pagtulong sa ama para maisalba ang ari-arian nito, kasama ang Hacienda Abriogo. Nanatili naman si Laura sa loob ng kwarto, hinihintay ang pagdating ni Draco. At makalipas ng isang oras ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama at humakbang siya palapit sa bintana para sumilip doon. Dumungaw naman siya sa ibaba at nakita niya ang isang itim na kotse na pumarada doon. Nakita nga din ni Laura ang ama, mukhang sasalubungin ang bisita nito. Mayamaya ay ibinalik muli niya ang tingin sa kotse ng bumukas ang pinto sa may backseat. At hindi napigilan ni Laura ang mapaawang ang labi nang makita niya ang lalaking bumaba ng kotse at sinalubong ng ama niya. It seemed that Draco Atlas Acuzar was the man. At tama silang dalawa ni Margarette. Draco Atlas Acuzar was an old man; he looked even older than her father. Ang matanda bang iyon ang gustong pakasalan ng ama niya?SABI nila, marriage is supposedly the happiest day for a woman. Pero para kay Laura ay hindi iyon totoo. Dahil sa halip na maging masaya ay kabaliktaran iyon ng nararamdaman niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit? Dahil ngayon araw ang kasal nilang dalawa ni Draco. Isang simpleng civil wedding lang ang mangyayari. Si Margarette, ang ama at ang judge ang tanging magiging witness sa kasal nilang dalawa ni Draco. Wala na ding nagawa si Laura kundi tanggapin ang kapalaran niya, hindi kasi niya nagawang kausapin si Draco noong minsan na bumisita ito sa mansion. Hinihintay nga niyang ipatawag siya ng ama para ipakilala siya nito sa lalaki gaya ng sinabi nito sa kanya pero hindi iyon nangyari. Handa pa naman na siyang kausapin ito, hilingin na tulungan sila na wala nang hihilingin na kapalit. Siguro naman ay mapapakiusapan niya ang lalaki. At sinabi lang ng ama sa kanya na tuloy na tuloy na ang kasal. Sa katunayan ay naayos na daw ni Draco ang lahat at may petsa na ang k
"HE is Draco Atlas Acuzar, Laura. The man you're going to marry." Saglit na hindi nakapag-react si Laura sa sinabing iyon ng amang si Leo pero nang mag-sink in sa isip niya ang sinabi nito at kung sino ang totoong lalaking pakakasalan niya ay hindi niya napigilan ang mapaawang ang mga labi. Draco Atlas Acuzar was not old. He was still young, and if Laura wasn't mistaken, he was in his thirties or even older. He wasn't old as she had imagined, but rather young, tall, fair-skinned, handsome, well-built, and exuding sex appeal. At hindi napigilan ni Laura ang mag-angat ng tingin patungo sa mga mata nito. At pigil-pigil niyang huwag mapasinghap nang magtama ang mga mata nilamg dalawa. Laura couldn't take her eyes off her. And those devilish eyes seemed familiar, but she couldn't recall where or when she had seen them. At bakit ito ganoon makatingin sa kanya? His piercing and cold gaze focused on her, and it was scary. Sa sandaling iyon ay gusto niyang umatras--hindi, gusto niyang tu
"OKAY na po ang si Blacky, Kuya Isko. Pwede niyo na din po siyang painumin ng tubig," wika ni Laura kay Kuya Isko--isa sa mga trabahador ng Hacienda Abriogo. Ito ang nangangalaga ng mga kabayo doon. At ang blacky na tinutukoy niya ay pangalan ng isang Friesian Horse na bini-breed nila sa Hacienda Abriogo. Nasa clinic siya kanina noong tinawagan siya ni Kuya Isko para sabihin na matamlay ang isang kabayo na inaalagaan nito. At nang malaman niya iyon ay dali-dali siyang bumalik sa Hacienda Abriogo para i-check ang isa sa mga kabayo do'n. At ang initial findings niya kay Blacky nang i-check niya kung bakit ito matamlay ay dahil sa exhaustion at sa init ng panahon. Summer kasi ng panahong iyon at na-aapektuhan ang mga hayop na inaalagaan nila. "Maraming salamat po, Senyorita Laura," wika naman sa kanya ni Kuya Isko. "Wala pong anuman. Kung may problema dito ay huwag kayong mahihiyang tawagan ako," wika niya dito. Nakangiting tumango naman ito bilang sagot. Hindi naman nagtagal si L
HALOS humigpit ang pagkakahawak ni Laura sa manibela ng kotse na minamaneho niya habang binabaybay ang daan pabalik sa Hacienda Abriogo. Halos maningkit nga din ang mga mata ni Laura dahil sa nararamdamang galit para kay Draco. She was mad--no, she's furious. Nasa clinic siya na pagmamay-ari niya ng tumawag si Manang Andi sa kanya. At sinabi nito sa kanya ang naging utos ni Draco. Draco ordered everyone working at Hacienda Abriogo to be kicked out, including Manang Andi. He fired them all. Nang ibalita nga ni Manang Andi iyon sa kanya ay mababakas sa boses nito ang lungkot at alam niyang pinipigilan lang nitong huwag pumiyok ang boses ng kausap siya nito. Alam ni Laura ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Draco. Tumawag kasi sa kanya ang family attorney nila at in-imporma nito sa kanya na pinadala na nito sa lalaki ang annulment paper na may pirma niya kahit na may warning si Draco na may kalakip na consequences ang gagawin niyang pagpa-annul sa naging kasal nila. "But I'll gi
"WHAT's happening here?" tanong ni Laura nang makita niya na nagkakagulo sa labas ng Hacienda. May mga pulis kasi na dumating do'n. Mayamaya ay may lumapit sa kanyang pulis. "Anong nangyayari? At anong ginagawa niyo dito?" Halos magkasunod na tanong niya dito ng tuluyan itong nakalapit sa dereksiyon niya, hindi nga din niya napigilan ang mapakunot ng noo habang nakatingin siya dito. "Good afternoon, Ma'am," bati ng pulis sa kanya. "I'm Lieutenant Corpuz," pagpapakilala nito sa kanya. "Tumawag sa amin ang may-ari ng Hacienda. At sinabi niyang may mga illegal settler daw na naninirahan sa pag-aari niya," imporma nito sa kanya. Hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng magsalita siya. "Ako ang may-ari ng Hacienda Abriogo na ito, Lieutenant Corpuz. I'm Laura Abriogo," pagpapakilala niya. "Oh," sambit naman nito. "Si Mr. Acuzar ang tumawag sa akin, Ma'am Laura. At sinabi niyang siya po ang bagong may-ari ng Hacienda. At may ipinakita siyang dokomento sa amin na nagp
PAGLABAS ni Laura sa maids quarter ay agad na sumalubong sa kanya ang malungkot na ekspresyon ng mukha nina Manang Andi at ang iba pa nang makita ng mga ito na suot na niya ang maids uniform na gustong isuot ni Draco sa pagta-trabaho niya para hindi sila mapaalis sa Hacienda Abriogo. Maliban sa halik na hiningi ni Draco sa kanya para hindi sila mapaalis sa Hacienda Abriogo ay gusto din nito na mag-trabaho siya doon. Gusto nitong gawin siyang maid sa sarili niyang Hacienda! He wanted to make her suffer. Wala nga ding nakakaalam sa buong Hacienda na kasal silang dalawa ni Draco. At ayaw din niyang ipaalam sa mga ito. At naisip niya na habang nagta-trabaho siya doon ay mag-iisip siya ng paraan kung paano niya mababawi ang Hacienda Abriogo dito. And if that's happens, do'n din niya ipagpapatuloy ang pagpa-file niya ng annulment. Ayaw niyang matali sa lalaking walang puso at tanging nasa isip ay ang maghiganti. At mandadamay pa ng mga inosente. Sa maids quarter na nga din tumutuloy si
HANGGANG ngayon ay hindi pa din maalis-alis sa isip ni Laura ang sinabi sa kanya ni Draco. "You know what, your fucking useless," naalala niyang wika nito His words are affecting her peace of mind. Hindi siya nakatulog kagabi dahil paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang sinabi nito sa kanya. Dapat nga hindi siya ma-apektuhan sa sinabi nito sa kanya dahil alam niyang dala lang ng galit kung bakit nito iyon nasabi. But she couldn't help but get affected. Bakit? Dahil dalawang magkaibang tao ang nagsabi niyon sa kanya. Kaya napapaisip siya kung wala ba talaga siyang pakinabang. Those words were like a knife that pierced her heart, because she felt the pain. Ipinilig na lang naman ni Laura ang ulo. Naisip niyang sa halip na magpaka-apekto sa mga sinasabi ng mga ito sa kanya ay bakit hindi na lang niya ipakita na mali ang mga ito sa iniisip tungkol sa kanya? Na hindi siya useless. Gaya na lang ng ginawa at ipinakita niya sa ama ng unang beses siya nitong pinagsabihan na wa
KUMUNOT ang noo ni Draco ng i-alis niya ang atensiyon sa harap ng laptop ng makarinig siya ng mga boses na nanggaling sa labas ng kwarto mula sa ibaba. "Senyorita!" "Senyorita Laura!" wika nang mga boses. Kung hindi hindi nagkakamali si Draco ay boses ng mga bata ang naririnig niya mula sa labas. Hindi pa naman nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng tumayo siya mula sa pagkakaupo para silipin kung ano ang nangyayari sa ibaba, kung bakit may mga boses ng mga bata siyang nariring. Well, alam naman ni Draco na may mga bata na naninirahan sa Hacienda Abriogo, anak iyon ng mga trabahador ng Hacienda. Bago pa niya isinagawa ang plano niyang paghihiganti sa ama ni Laura ay alam na niya ang mga iyon. He took a step closer to the window to peek at what was happening outside. At nakita niya ang dalawang bata. Isang lalaki at isang babae. At sa tantiya niya nasa edad anim o pitong taong gulang ang mga ito. May kasamang matatanda ang mga bata, kung hindi din siya nagkakamali ay mukhang
"THANK you so much, Laura," pasasalamat ni Jake kay Laura nang maihatid niya ito sa kwarto na tinutuluyan nito. Humugot naman si Laura ng malalim na buntong-hininga. "I'm sorry, Jake. Nang dahil sa akin ay nag-aaway tuloy kayo ni Draco," paghingi niya ng paunmanhin sa lalaki. "Hindi mo kailangan mag-sorry, Laura. Dapat nga kaming dalawa ng pinsan ko ang humihingi ng sorry sa 'yo dahil sa ginawa namin kanina. Para kaming bata na nag-aaway," paliwanag nito sa kanya. "Huwag na sanang ma-ulit ito, Jake," wika naman ni Laura sa lalaki. "We'll try," tanging sagot nito. "What?" tanong niya, medyo napalakas nga din ang boses niya. Natatawang itinaas naman nito ang dalawang kamay sa ere na para bang sumusuko. "I was kidding, Laura," sagot nito sa natatawang boses. Iiling naman si Laura. "Please, hanggang maaari ay pigilin niyo ang mag-away na dalawa. Mag-pinsan kayo, dapat hindi kayo nagpipisikalan." Hindi naman nagsalita si Jake. Sa halip ay tinitigan lang siya nito. At medyo na-consc
LAURA woke up with soreness all over her body, especially in her feminine areas. But the pain was bearable, and she was relieved to find she could move and walk. At alam ni Laura ang dahilan kung bakit nananakit ang katawan niya. Dahil iyon sa intense fucking nilang dalawa ni Draco. He was insatiable again last night. Mukhang hinintay lang ni Draco na matapos ang menstrual period niya bago siya nito inangkin. Ipinilig na lang naman ni Laura ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Tuluyan na din niyang iminulat ang mga mata, napatingin naman siya sa kanyang tabi at nakita niyang wala na doon si Draco. Mukhang nagising na ito ng maaga. But she could still smell his scent lingering on her skin. At mabuti na din iyon dahil ayaw pa niya itong makita pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Naalala pa din kasi niya ang bawat ungol niya habang inaangkin siya nito, kung paano siya magmakaawa dito para angkinin siya nito. At sa isipin na namang iyon ay namula ang magkabilang p
NAGMULAT ng mga mata si Draco nang maramdaman may sumiksik sa kanya. At hindi niya napigilan ang pagsasalubong ng mga kilay nang pagmulat ng mga mata ay ang natutulog na mukha ni Laura ang nabungaran niya. And right now, he can smell her natural scent lingering on his nose. He also feels his own smooth and warm body. They were still completely naked under the sheets.Hindi nga alam ni Draco kung anong oras silang nakatulog na dalawa dahil sa ginawa nila. But he was sure they'd last until dawn. Yet, he couldn't understand himself - he just couldn't get enough of her. Ilang beses na nga niya itong inangkin kagabi pero pakiramdam niya ay kulang pa din. Humugot na lang si Draco ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumaas ang isang kamay niya para tanggalin ang kamay nitong nakayakap sa kanya nang mapatigil siya nang muli nitong isiniksik ang sarili sa kanya. Napaawang naman ang labi niya nang dumikit ang malulusog nitong dibdib sa kanya. Her hardened nipples pressed again
"FUCK! Fuck!" Sunod-sunod na mura ni Draco habang inaangkin siya nito mula sa likod. Sobrang diin at lakas ng pag-ulos nito mula sa likod niya. Dahil pansin niya ang pag-bounce ng mga dibdib niya. At kung hindi lang nakatukod ang mga kamay sa pader at kung hindi lang nakawak si Draco sa baywang niya at baka napasubsob na siya sa matigas na pader dahil sa lakas at diin ng pag-ulos. He pounded into her, his thrusts fierce and relentless. Mukhang gigil na gigil sa kanya. Well, sa tuwing inaangkin naman siya nito ay pansin lagi niya ang gigil nito. Iyon bang tipong galing ito ng kweba ng maraming taon at ngayon lang nakatikim ng babae. Draco was wild in bed, she admitted. But she also admitted that she liked how wild he was. "Fuck, Laura. You're fucking tight!" he growled as he continued thrusting his cock deep inside her. Nang sandaling iyon ay halos mapaos na siya sa kakaungol dahil wala siyang ibang ginawa kundi umungol, i-ungol ang pangalan nito dahil sa sarap na pinapalasa
NAGULAT si Laura nang maramdaman niya ang pagbukas ng pinto sa loob ng banyo kung nasaan siya ng sandaling iyon. At nang tumingin siya sa kanyang likod ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Draco. Completely naked. At pigil niya ang sarili na huwag bumaba ang tingin sa pagkalalaki nito ng sandaling iyon. Gusto nga din niyang takpan ang sariling kahubadan. But what's the use? He's already seen her naked body anyway. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa lalaki. Gusto nga niyang pagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya. "I want to take a shower," sagot nito sa baritonong boses. "H-hindi pa ako tapos." "I know," sagot nito. At akmang bubuka ang bibig ni Laura para magsalita nang mapatigil siya ng humakbang si Draco palapit sa kanya ng hindi inaalis ang titig sa kanya. She can see the lust and hunger in his eyes right at that moment as he approaches her. Napaatras naman si Laura habang palapit si Draco sa kanya hanggang sa tumama n
"KAMUSTA ang pakiramdam mo, Laura?" tanong ni Manang Andi nang makita siya nito na pumasok sa loob ng kusina. "Okay naman na ako, Manang Andi," sagot naman niya dito ng sulyapan niya ito. "Mabuti naman kung ganoon," wika nito. "Nag-alala kami para sa 'yong bata ka. May dinadamdam ka na pala ay hindi mo sinasabi sa 'min," dagdag pa na wika nito. "Mabuti na lang at nakita ka ni Senyorito Draco sa may guestroom." Hindi na naman napigilan ni Laura ang pagbilis ng tibok ng puso nang marinig niya ang pangalan na binanggit ni Manang Andi. "P-paano po pala nalaman ni Draco na naroon ako sa guestroom, Manang?" tanong niya. Isa din sa naging palaisipan kay Laura ay kung paano nalaman ni Draco na nasa guestroom siya ng mga araw na iyon. Wala kasi siyang pinagsabihan. Kahit kina Manang Andi ay hindi niya sinabi na naroon lang siya sa guestroom. Lalong hindi niya sinabi kay Draco ang kinaroroonan niya. At imposible din na nakita siya nito na pumasok sa loob ng guestroom ng araw na iyon.
NAGMULAT ng mga mata si Laura. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nang makita niya si Draco sa tabi niya. Nakapikit ang mga mata nito at base sa mabining paghinga nito ay mukhang ang himbing ng tulog nito. And why is he doing there? Bakit katabi niya ito sa kama? Pilit namang inaalala ni Laura kung paano niya katabi si Draco mula sa kama. Ang huling natatandaan niya ay noong dumating ang doctor na ipinatawag ni Draco. At first in denial pa siya kung bakit nagpatawag ito ng doctor pero noong dumating ang doctor at nang in-instruct si Draco na i-check siya ay doon na niya tinanggap ni Laura ang katotohanan na para sa kanya ang doctor na ipinatawag nito. At habang chene-check siya ng doctor ay hindi umalis si Draco sa kwarto, mukhang wala itong balak na umalis habang tinitingnan siya ng doctor. Naroon pa nga din ito habang kinakausap siya ng doctor, mukhang nakikinig din. At nang umalis ang doctor ay do'n lang ding lumabas ng kwarto si Draco, mukhang kinausap ang doctor
MULING napangiwi si Laura nang biglang sumirit na naman ang panibagong sakit sa puson niya. Nakapikit pa nga din ang mga mata ng binaluktot niya ang katawan para kahit papaano ay mabawasan ang pananakit ng puson. Laura was having a dysmenorrhea. Matagal na din simula noong maramadam muli niya iyon. Siguro dahil sa stress na nararamdaman nitong nakaraang araw kaya na-trigger muli ang dysmerorrhea niya. Nagising siya kaninang umaga with the feeling of discomfort, pinagsawalang kibo lang niya iyon. Pero habang lumilipas ang oras ay mas lalong kumikirot ang puson niya. Kaya tumalilis siya at sa halip na sa kwarto kung saan gusto ni Draco siya tumuloy ay sa isang guestroom siya nagpunta. Ayaw niyang sa kwarto dahil baka hindi pa siya makapagpahinga kung makikita niya si Draco. Naisip niyang magpahinga baka kapag ginawa niya iyon ay um-okay na ang pakiramdam niya. Pero hindi naman siya masyado nakakapagpahinga dahil kapag nakukuha niya ang tulog ay agad din siyang nagigising dahil sa p
HINDI maipinta ang ekspresyon ng mukha ni Draco nang bumaba siya ng wrangler jeep. Naisipan niyang lumbas ng mansion para maglibot-libot sa Hacienda. At gusto din niyang magpahangin. At mukhang napasobra ang pagpapahangin niya dahil inabot siya ng buong maghapon doon. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng humakbang siya papasok ng mansion. May napansin siyang kasambahay na papasalubong sa kanya pero nang mapansin siya nito ay agad itong nag-iba ng dereksiyon. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Draco nang mapansin niya iyon. He knew people around the mansion were scared of him. Hindi naman niya masisisi ang mga ito, hindi maganda ang unang impression ng mga ito sa kanya. Ilang beses nga din niyang narinig na pinagko-kompara siya ng mga ito sa pinsan niyang si Jake. Well, magkaiba talaga sila ng ugali ni Jake. Hindi siya gaya nito na mahilig makipag-socialize o makapagkaibigan sa iba. He wasn't the type to form friendships easily, haunted by his parents' be