Share

Chapter 3

Author: Queen Amore
last update Last Updated: 2025-03-07 09:56:57

SABI nila, marriage is supposedly the happiest day for a woman. Pero para kay Laura ay hindi iyon totoo. Dahil sa halip na maging masaya ay kabaliktaran iyon ng nararamdaman niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Bakit? Dahil ngayon araw ang kasal nilang dalawa ni Draco. Isang simpleng civil wedding lang ang mangyayari. Si Margarette, ang ama at ang judge ang tanging magiging witness sa kasal nilang dalawa ni Draco.

Wala na ding nagawa si Laura kundi tanggapin ang kapalaran niya, hindi kasi niya nagawang kausapin si Draco noong minsan na bumisita ito sa mansion. Hinihintay nga niyang ipatawag siya ng ama para ipakilala siya nito sa lalaki gaya ng sinabi nito sa kanya pero hindi iyon nangyari. Handa pa naman na siyang kausapin ito, hilingin na tulungan sila na wala nang hihilingin na kapalit. Siguro naman ay mapapakiusapan niya ang lalaki.

At sinabi lang ng ama sa kanya na tuloy na tuloy na ang kasal. Sa katunayan ay naayos na daw ni Draco ang lahat at may petsa na ang kasal nilang dalawa.

At hindi inaasahan ni Laura na kinabukasan na agad ang kasal nila. Mukhang ayaw na ng lalaki na patagalin pa ang pag-iisang dibdib nila. Sa totoo lang ay gusto niyang tumakas, gusto niyang umalis. Wala siyang pakialam sa aria-arian ng ama niya. Pero ang pumipigil sa kanya ay ang Hacienda Abriogo. Paano ang Hacienda Abriogo? Paano ang pinaghirapan ng ina. Paano ang mga trabahador ng Hacienda na nagta-trabaho doon? Paano sina Manang Andi? Kapag nawala ang Hacienda Abriogo sa kanya ay paniguradong mawawalan ng trababo ang mga ito. At maliban sa ayaw niyang mawala ang Hacienda Abriogo ay ayaw din niyang mawalan ng trabaho ang mga trabahador na simula noong bata pa siya ay doon na naninirahan sa Hacienda.

So, Laura has no choice but to accept her fate. Mukhang nasalo niya lahat ng kamalasan. Una, hindi niya naramdaman ang pagmamahal sa ama, pangalawa ay niloko siya ng boyfriend. At ngayon, magpapakasal siya sa lalaking hindi niya mahal at triple ang edad sa kanya.

Mayamaya ay nakarinig si Laura ng mahinang katok sa labas ng kwarto niya. Humakbang siya palapit sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. At pagkabukas niya sa pinto ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Margarette, tulad niya ay napapansin din dito ang lungkot. Mukhang nararamdaman ng kaibigan ang nararamdaman din niya ng sandaling iyon.

Niluwagan ni Laura ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ang kaibigan.

"Hindi ka pa nakabihis?" tanong nito sa kanya ng tuluyan itong nakapasok sa loob, ito nga din ang nagsara ng pinto.

Isang malalim na buntong-hininga lang naman ang isinagot ni Laura dito. "Kung nagdadalawang isip ka, may oras pa naman Laura. Pwede ka pang magback-out," mayamaya ay wika ni Margarette sa kanya.

Umiling-iling siya. "Paano naman ang Hacienda Abriogo, Margarette?" tanong niya ng balingan niya ito. "Paano ang mga trabahador sa Hacienda? Mawawalan sila ng trabaho? Paano ang pamilya nila?"

"So, itutuloy mo talaga ang pagpapakasal mo kay Draco? Kahit na hindi mo siya mahal at kahit na alam mong triple ang agwat ng edad niyong dalawa?" tanong nito sa kanya.

"Mukhang ito talaga ang kapalaran ko, Marg," wika niya sa mahinang boses.

She has no choice, may choice siya pero hindi na siya hinayaan. Kung binigyan lang siguro siya ng ilang buwan ay makakahanap siguro siya ng solusyon para sa problema niya. Pero mukhang nagmamadali si Draco at gusto na siya nitong matali dito dahil mabilis nitong naayos ang lahat.

Sa pagkakataong iyon ay si Margarette naman ang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. "Kung ano ang magiging desisyon mo ay susuportahan kita, basta ang isipin mo ay nandito lang ako," wika naman ni Margarette.

"S-salamat," wika niya dito. Ilang minuto pa silang nag-usap na dalawa hanggang sa makarinig muli sila ng katok na nanggaling sa labas ng pinto. Si Margarette naman ang lumapit para buksan ang pinto.

"Ma'am Laura," tawag naman ng kasambahay sa pangalan niya nang silipin siya nito sa loob ng kwarto.

"Bakit?" tanong niya nang magtama ang mga mata nila.

"Pinapahanda na kayo ng Daddy niyo. Pumunta na daw kayo sa library dahil anumang sandali ay darating na ang mapapangasawa niyo," imporma nito sa kanya.

Hindi naman maiwasan ni Laura ang makaramdam ng kaba ng sandaling iyon. Naramdaman nga niya ang pamamawis ng kamay.

"S-sige," sagot naman niya dito.

"Magbihis ka na, Laura," wika naman sa kanya ni Margarette. Para siyang robot nang kunin niya ang puting bestida na nakalapag sa ibabaw ng table niya, bigay iyon ng ama at isuot daw niya. Kung pwede nga lang ay hindi iyon ang isuot ni Laura, kung pwede nga lang ay magsuot siya ng itim. Dahil mas nababagay ang kulay itim sa nararamdaman niya ng sandaling iyon.

"Gusto mo na ayusan kita?" tanong nito ng lumabas siya ng banyo at nang matapos siyang magbihis.

Umiling si Laura. "Hindi na, Marg. Wala namang dahilan para mag-ayos ako," sagot niya, gusto kasi niyang ipakita sa ama at kay Draco na tutol siya sa kasal na mangyayari.

Hindi naman nagtagal ay bumalik ang kasambahay doon at pinapatawag na siya. Sabay nga silang lumabas ni Margarette sa kwarto at naglakad patungo sa library kung saan magaganap ang civil wedding.

Pagpasok nila sa loob ay agad niyang nakita ang ama. At mukhang ang saya-saya nito dahil may ngiting nakapaskil sa labi nito, mukhang ito lang ang masaya sa kasal na mangyayari. Paanong hindi ito magiging masaya? Eh, maso-solusyonan na ang problema nito.

Maliban din sa ama ay naroon na din ang judge na magkakasal sa kanila sa loob ng library. Ipinakilala nga siya ng ama dito pero isang tango lang ang isinagot niya.

Ilang minuto din silang naghintay sa pagdating ni Draco. At habang lumilipas ang ilang minuto ay dinadasal niyang sana ay hindi na lang sumipot ang lalaki, na sana ay nagbago ang isip nito. Na maisip nito na para na siya nitong anak, hindi pala, na para na siya nitong apo. Sigurado naman siya na alam nito ang edad niya.

Pero hindi pinakinggan ang dasal niya dahil mayamaya ay nakarinig sila ng katok sa labas. Bumukas ang pinto at pumasok do'n si Draco, naramdaman nga niya ang paghigpit ng pagkakawak ni Margarette sa braso niya habang nakatingin din ito sa mapapangasawa niya. May ideya na ito kung ilan ang edad ni Draco pero nang makita nito sa personal ang lalaki ay hindi pa din nito napigilan ang magulat.

Pareho sila ng reaksiyon ni Margarette. Ganoon din ang reaksiyon niya nang unang beses niya itong makita.

Para na nga niya itong Lolo.

Dahil ang atensiyon ay nasa lalaking pakakasalan ay hindi niya napansin ang matangkad na lalaki na sumunod na pumasok sa loob ng library. Napansin niyang lumapit si Draco sa ama niya, samantalang ang matangkad na lalaki ay lumapit naman sa harap ng judge na magkakasal sa kanila.

"Let's start the ceremony." Mayamaya ay narinig niya ang malamig pero baritonong boses na iyon. Tumingin naman siya sa gawi ng matangkad na lalaki na nagsalita. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya nakita ang hitsura nito.

Pero matangkad ang lalaki at he is well-built. Kitang-kita niya iyon sa malapad na likod nito. Nakausot ito ng puting long-sleeved at nakalihis ang manggas niyon hanggang sa siko. Kita nga niya ang mamahaling relo na suot nito at ang mga ugat sa braso nito.

"Laura, lumapit ka na kay Draco para makapag-simula na ang seremonya," wika ng ama sa kanya, walang kalamigan na mababakas sa boses nito, kung sa ibang nakakarinig ay parang uliran itong ama.

Mapagpanggap talaga ito.

Saglit namang pumikit si Laura. Ilang beses siyang humugot ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan siyang humakbang palapit kay Draco.

"Bakit sa amin ka lumalapit?" takang tanong ng ama, sa pagkakataong iyon nagsalubong ang mga kilay nito.

"Sinabi niyo pong lumapit ako kay Draco," sagot niya sa ama. Napatingin nga din siya matanda na nasa tabi nito, ngumiti ito sa kanya nang magtama ang mga mata nila.

"Draco is there, Laura," sagot ng ama sabay turo sa kinaroroonan ni Draco.

Sinundan naman ni Laura ang tinuturo ng ama. At hindi niya napigilan ang manlaki ang mga mata nang sumubong sa kanya ang itim na mga mata ng matangkad na lalaki.

His piercing and cold eyes were staring at her, sending chills down her spine again. She could even see his eyebrows arching in greeting as he gazed at her.

"He is Draco Atlas Acuzar, Laura. The man you're going to marry."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adah Dino
akla nya tlga si draco ay mtnda pa sa papa nya hehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 4

    "HE is Draco Atlas Acuzar, Laura. The man you're going to marry." Saglit na hindi nakapag-react si Laura sa sinabing iyon ng amang si Leo pero nang mag-sink in sa isip niya ang sinabi nito at kung sino ang totoong lalaking pakakasalan niya ay hindi niya napigilan ang mapaawang ang mga labi. Draco Atlas Acuzar was not old. He was still young, and if Laura wasn't mistaken, he was in his thirties or even older. He wasn't old as she had imagined, but rather young, tall, fair-skinned, handsome, well-built, and exuding sex appeal. At hindi napigilan ni Laura ang mag-angat ng tingin patungo sa mga mata nito. At pigil-pigil niyang huwag mapasinghap nang magtama ang mga mata nilamg dalawa. Laura couldn't take her eyes off her. And those devilish eyes seemed familiar, but she couldn't recall where or when she had seen them. At bakit ito ganoon makatingin sa kanya? His piercing and cold gaze focused on her, and it was scary. Sa sandaling iyon ay gusto niyang umatras--hindi, gusto niyang tu

    Last Updated : 2025-03-12
  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 5

    "OKAY na po ang si Blacky, Kuya Isko. Pwede niyo na din po siyang painumin ng tubig," wika ni Laura kay Kuya Isko--isa sa mga trabahador ng Hacienda Abriogo. Ito ang nangangalaga ng mga kabayo doon. At ang blacky na tinutukoy niya ay pangalan ng isang Friesian Horse na bini-breed nila sa Hacienda Abriogo. Nasa clinic siya kanina noong tinawagan siya ni Kuya Isko para sabihin na matamlay ang isang kabayo na inaalagaan nito. At nang malaman niya iyon ay dali-dali siyang bumalik sa Hacienda Abriogo para i-check ang isa sa mga kabayo do'n. At ang initial findings niya kay Blacky nang i-check niya kung bakit ito matamlay ay dahil sa exhaustion at sa init ng panahon. Summer kasi ng panahong iyon at na-aapektuhan ang mga hayop na inaalagaan nila. "Maraming salamat po, Senyorita Laura," wika naman sa kanya ni Kuya Isko. "Wala pong anuman. Kung may problema dito ay huwag kayong mahihiyang tawagan ako," wika niya dito. Nakangiting tumango naman ito bilang sagot. Hindi naman nagtagal si L

    Last Updated : 2025-03-13
  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 6

    HALOS humigpit ang pagkakahawak ni Laura sa manibela ng kotse na minamaneho niya habang binabaybay ang daan pabalik sa Hacienda Abriogo. Halos maningkit nga din ang mga mata ni Laura dahil sa nararamdamang galit para kay Draco. She was mad--no, she's furious. Nasa clinic siya na pagmamay-ari niya ng tumawag si Manang Andi sa kanya. At sinabi nito sa kanya ang naging utos ni Draco. Draco ordered everyone working at Hacienda Abriogo to be kicked out, including Manang Andi. He fired them all. Nang ibalita nga ni Manang Andi iyon sa kanya ay mababakas sa boses nito ang lungkot at alam niyang pinipigilan lang nitong huwag pumiyok ang boses ng kausap siya nito. Alam ni Laura ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Draco. Tumawag kasi sa kanya ang family attorney nila at in-imporma nito sa kanya na pinadala na nito sa lalaki ang annulment paper na may pirma niya kahit na may warning si Draco na may kalakip na consequences ang gagawin niyang pagpa-annul sa naging kasal nila. "But I'll gi

    Last Updated : 2025-03-14
  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 7

    "WHAT's happening here?" tanong ni Laura nang makita niya na nagkakagulo sa labas ng Hacienda. May mga pulis kasi na dumating do'n. Mayamaya ay may lumapit sa kanyang pulis. "Anong nangyayari? At anong ginagawa niyo dito?" Halos magkasunod na tanong niya dito ng tuluyan itong nakalapit sa dereksiyon niya, hindi nga din niya napigilan ang mapakunot ng noo habang nakatingin siya dito. "Good afternoon, Ma'am," bati ng pulis sa kanya. "I'm Lieutenant Corpuz," pagpapakilala nito sa kanya. "Tumawag sa amin ang may-ari ng Hacienda. At sinabi niyang may mga illegal settler daw na naninirahan sa pag-aari niya," imporma nito sa kanya. Hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng magsalita siya. "Ako ang may-ari ng Hacienda Abriogo na ito, Lieutenant Corpuz. I'm Laura Abriogo," pagpapakilala niya. "Oh," sambit naman nito. "Si Mr. Acuzar ang tumawag sa akin, Ma'am Laura. At sinabi niyang siya po ang bagong may-ari ng Hacienda. At may ipinakita siyang dokomento sa amin na nagp

    Last Updated : 2025-03-15
  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 8

    PAGLABAS ni Laura sa maids quarter ay agad na sumalubong sa kanya ang malungkot na ekspresyon ng mukha nina Manang Andi at ang iba pa nang makita ng mga ito na suot na niya ang maids uniform na gustong isuot ni Draco sa pagta-trabaho niya para hindi sila mapaalis sa Hacienda Abriogo. Maliban sa halik na hiningi ni Draco sa kanya para hindi sila mapaalis sa Hacienda Abriogo ay gusto din nito na mag-trabaho siya doon. Gusto nitong gawin siyang maid sa sarili niyang Hacienda! He wanted to make her suffer. Wala nga ding nakakaalam sa buong Hacienda na kasal silang dalawa ni Draco. At ayaw din niyang ipaalam sa mga ito. At naisip niya na habang nagta-trabaho siya doon ay mag-iisip siya ng paraan kung paano niya mababawi ang Hacienda Abriogo dito. And if that's happens, do'n din niya ipagpapatuloy ang pagpa-file niya ng annulment. Ayaw niyang matali sa lalaking walang puso at tanging nasa isip ay ang maghiganti. At mandadamay pa ng mga inosente. Sa maids quarter na nga din tumutuloy si

    Last Updated : 2025-03-16
  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 9

    HANGGANG ngayon ay hindi pa din maalis-alis sa isip ni Laura ang sinabi sa kanya ni Draco. "You know what, your fucking useless," naalala niyang wika nito His words are affecting her peace of mind. Hindi siya nakatulog kagabi dahil paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang sinabi nito sa kanya. Dapat nga hindi siya ma-apektuhan sa sinabi nito sa kanya dahil alam niyang dala lang ng galit kung bakit nito iyon nasabi. But she couldn't help but get affected. Bakit? Dahil dalawang magkaibang tao ang nagsabi niyon sa kanya. Kaya napapaisip siya kung wala ba talaga siyang pakinabang. Those words were like a knife that pierced her heart, because she felt the pain. Ipinilig na lang naman ni Laura ang ulo. Naisip niyang sa halip na magpaka-apekto sa mga sinasabi ng mga ito sa kanya ay bakit hindi na lang niya ipakita na mali ang mga ito sa iniisip tungkol sa kanya? Na hindi siya useless. Gaya na lang ng ginawa at ipinakita niya sa ama ng unang beses siya nitong pinagsabihan na wa

    Last Updated : 2025-03-17
  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 10

    KUMUNOT ang noo ni Draco ng i-alis niya ang atensiyon sa harap ng laptop ng makarinig siya ng mga boses na nanggaling sa labas ng kwarto mula sa ibaba. "Senyorita!" "Senyorita Laura!" wika nang mga boses. Kung hindi hindi nagkakamali si Draco ay boses ng mga bata ang naririnig niya mula sa labas. Hindi pa naman nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng tumayo siya mula sa pagkakaupo para silipin kung ano ang nangyayari sa ibaba, kung bakit may mga boses ng mga bata siyang nariring. Well, alam naman ni Draco na may mga bata na naninirahan sa Hacienda Abriogo, anak iyon ng mga trabahador ng Hacienda. Bago pa niya isinagawa ang plano niyang paghihiganti sa ama ni Laura ay alam na niya ang mga iyon. He took a step closer to the window to peek at what was happening outside. At nakita niya ang dalawang bata. Isang lalaki at isang babae. At sa tantiya niya nasa edad anim o pitong taong gulang ang mga ito. May kasamang matatanda ang mga bata, kung hindi din siya nagkakamali ay mukhang

    Last Updated : 2025-03-18
  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 11

    WALA pang isang minuto na nagpapahinga si Laura dahil napagod siya sa paglilinis sa mansion ng mapatigil siya nang lumapit ulit sa kanya ang isang sa mga kasambahay nila. "Senyorita Laura," tawag nito sa kanya. "Bakit?" tanong ni Laura dito. "Akyat daw kayo sa kwarto ni Senyorito Draco," imporma nito sa kanya. "S-sinabi niyang ngayon na daw po. Huwag niyo daw po siyang paghintayin," dagdag pa na wika nito. Nagpakawala na lang naman si Laura ng buntong-hininga bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa stool sa harap ng bar counter sa may dining area kung saan sana siya magpapahinga. "Sige. Salamat," wika na lang ni Laura dito. Nag-umpisa na nga din siyang humakbang para puntahan ang lalaki kahit na may parte sa puso niya na ayaw niyang makita ito dahil sa huling pag-uusap nila. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din niya nakakalimutan ang naging pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay tandang-tanda pa din siya ang salitang sinabi nito sa kanya. "As I said, I am Draco Atlas Acuzar.

    Last Updated : 2025-03-19

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 53

    "MAGANDANG umaga po, Senyorito Draco." Humigpit ang pagkakahwak ni Laura sa hawak na plato ng marinig niya ang pagbating iyon nina Aine sa lalaki. At mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang bulto ni Draco na pumasok sa loob ng kinaroroonan nila. Sa halip naman na lingunin ito para batiin din ay hindi ginawa ni Laura. Sa halip ay pinagpatuloy niya ang ginagawa, nagpatuloy siya sa paglalagay ng pinggannat kubyertos sa mesa.Mula nga ulit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap ni Draco, ramdam ulit niya ang bigat ng titig na pinagkakaloob nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin, hindi man nga lang niya ito tiningnan. Hindi pa kasi niya nakakalimutan ang ginawa nito kahapon noong nasa sapa silang dalawa. Ang pagku-kunwari ni Draco na nalunod para sagipin niya ito. Nagkunwari lang pala ito para ipakita sa kanya kung gaano siya ka-uto. Pero hindi nito naisip na hindi biro ang ginawa nito sa kanya? Hindi nito naisip na hindi nakakatuwa ang pagpangap na nalunod

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 52

    Laura was still annoyed at Draco's insistence on continuing their picnic, even though she no longer wanted to because she was irritated with him. At dahil naiinis siya kay Draco ay ipinaramdam talaga niya na hindi siya natutuwa dito. Habang patungo nga silang dalawa sa may sapa ay hindi niya ito kinibo. At mukhang pareho sila ng nararamdaman dahil hindi din ito nagsasalita habang nasa biyahe silang dalawa. Wala nga silang kibuan hanggang sa makarating sila kung saan sila magpi-picnic. Pagkahinto nga ni Draco sa minamaneho nitong sasakyan ay agad siyang bumaba doon. Mula sa gilid nga ng mata niya ay nakita niya ang pagsulyap nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Hanggang sa napansin niyang bumaba na din ito mula sa sasakyan. "Can you just-- Hindi na natapos ni Draco ang ibang sasabihin ng tumunog ang ringtone ng cellphone nito. Saglit naman siya nitong tinitigan hanggang sa kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng suot nitong pantalon. Napansin nga ni Laura ang pagkunot ng

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 51

    KINUHA ni Laura ang tote bag at inilagay niya doon ang ilang gamit na dadalhin niya sa pagpi-picnic nila sa sapa. Sa ilalim din ng suot niyang maluwag na puting t-shirt ay nakapaloob na doon ang one piece suit niya. Tatanggalin na lang niya ang t-shirt kapag maliligo na siya. Nagyaya kasi si Jake na mag-picnic sila sa sapa noong nakaraang araw. Hindi natuloy ang pamamasyal nila sa buong Hacienda kaya gusto na nitong matuloy iyon. But this time ay gusto nitong mag-picnic sila sa sapa. Pinagbigyan niya ito dahil nakakahiya naman itong tanggihan dahil bisita ito. Nasabihan nga din niya sina Manang Andi tungkol doon para makapaghanda ang mga ito sa dadalhin nila. At nang matapos si Laura ay humakbang na siya palabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kusina para tanungin sina Manang Andi kung okay na ba ang lahat. "Manang Andi, okay na po ba ang lahat?" tanong ni Laura kay Manang Andi nang makita niya ito sa kusina. "Okay na lahat, Laura. Nasa sasakyan na ang lahat ng kailangan," sagot n

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 50

    MABILIS na tinakpan ni Laura ang bibig ng bumahing siya habang pauwi na sila sa mansion. "Are you okay, Miss Laura?" Napatingin siya sa rearview mirror para sulyapan si Jake nang marinig niya ang tanong nitong iyon. "Okay lang-- Hindi na niya muli natapos ang iba pang sasabihin ng muli siyang napabahing. "S-sorry," mayamaya ay sambit niya. "You don't have to apologize, Miss Laura," sagot naman ni Jake sa kanya. Matipid na ngiti lang naman ang isinagot niya dito. Niyakap naman ni Laura ang sarili nang makaramdam siya ng bahagyang lamig, hindi nakatulong ang polo na isinuot sa kanya ni Draco kanina para hindi siya ginawin ng sandaling iyon, lalo na at humahampas ang malamig ng simoy ng hangin sa kanya, kahit na mainit ang panahon ay malamig pa din ang simoy ng hangin siguro dahil sa naglalakihan na puno na dinadaanan nila ng sandaling iyon. Hindi na nila natapos ang paglilibot nila sa Hacienda nang magyaya nang umalis si Draco, na senegundahan din ni Jake dahil nga sa nangyari sa

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 49

    LAURA wasn't comfortable right now; she could feel the dampness on her panties. And she's uncomfortable of the sticky feeling down there. Sa sandaling iyon ay gusto na niyang umuwi sa mansion, maligo para makapagpalit ng panty! Ito kasing si Draco! Kahit saang lugar na lang. Mabuti na nga lang at hindi sila napansin ni Jake na may ginagawa itong milagro sa loob ng isang sasakyan. Dahil kung oo, hihilingin talaga niya na sana ay kainin na lang siya ng lupa dahil wala siyang mukhang maihaharap dito. This isn't the first time; it's the second incident. The first one happened when they were in the room, and Jake was just outside the door. At nang maalala na naman iyon ni Laura ay hindi niya napigilan ang pamulahan ng magkabilang pisngi. Muli siyang humarap sa labas ng bintana para itago ang pamumula ng pisngi niya. Baka kasi mapansin iyon ni Draco na nasa tabi niya. "Wait, wait. What was that?" mayamaya ay narinig niyang tanong ni Jake. Nang sulyapan niya ito mula sa rearview mirro

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 48

    PAGLABAS ni Laura sa mansion ay nakita na niya si Jake na naghihintay sa kanya. Nakasuot na ito ng komportableng damit. At mukhang pinaghandaan nito ang pamamasyal nila sa Hacienda dahil may suot pa itong sombrero. Humakbang naman si Laura para lapitan si Jake. At mukhang naramdaman nito ang presensiya niya dahil tumingin ito sa dereksiyon niya. At nang magtama ang mga mata nila ay awtomatiko na sumilay ang ngiti sa labi nito. "Hi," bati nito sa kanya ng tuluyan siyang nakalapit. "Hello," bati din ni Laura sa lalaki. "Alis na tayo?" mayamaya ay tanong niya. "If you're ready, let's go," sagot naman nito sa kanya. "I'm ready," sagot naman niya. "Okay. Let's go," yakag na nito. "Iyong wrangler jeep ko na lang ang sakyan natin sa paglilibot sa Hacienda, Jake," wika naman niya dito. "Sure," sagot naman nito sa kanya. Humakbang naman siya palapit sa wrangler jeep niya. Iginila naman niya ang tingin sa paligid para hanapin si Kuya Oscar para kunin ang susi ng wrangler jeep

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 47

    PAGOD si Laura nang matapos siya sa pinapagawa ni Draco sa kanya. Pinalinis kasi nito ang buong kwarto. Pati na din ang loob ng banyo. Buong sulok ng banyo ay pinalinis nito sa kanya. At kapag hindi ito satisfied sa linis niya ay pinapaulit nito sa kanya ang mga iyon. Hindi nga niya mabilang kung ilang beses na pinaulit ni Draco ang paglilinis niya. Marami kasi itong arte sa katawan, malinis naman na pero sinasabi nitong hindi pa. Lagi itong may negative comment. May bionic eye ba ito? May nakikita itong dumi kahit na hindi niya nakikita? Pero alam naman ni Laura na sinasadya lang iyon ni Draco para pahirapan siya. Eh, iyon yata ang number one rule nito sa buhay. Seeing her in pain. Oh, hindi kaya ay ayaw lang siya nitong paalisin ng mansion para hindi niya masamahan si Jake. Baka isipin nitong lalandiin niya ang pinsan nito. Nagpakawala si Laura ng malalim na buntong-hininga at ibinagsak niya ang sarili paupo sa sofa na naroon sa loob ng kwarto. Ipinikit nga din niya ang mga m

  • The Cold Billionaire's Revenge    Chapter 46

    "PINSAN po ba talaga ni Senyorito Draco si Sir Jake, Senyorita Laura?" tanong ni Aine sa kanya pagkatapos ng trabaho nila sa kusina. Sinulyapan naman niya ito para sagutin ang tanong nito. "Oo, mag-pinsan ang dalawa," sagot naman niya dito. Iyon kasi ang nalaman niya mula kay Jake noong ipakilala nito ang sarili kung ano ang koneksiyon nito kay Draco. "Pareho po silang gwapo pero hindi po sila magkapareho ng ugali. Ang sama ng ugali ni Senyorito Draco pero napakabait po ni Sir Jake," dagdag pa na wika nito sa kanya, napansin nga din niya ang ngiti sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi naman na kailangan sumagot ni Laura para kompirmahin ang sinabi ni Aine dahil alam niyang napapansin din ng mga ito ang pagkakaiba ng ugali ng dalawa kahit na sa maikling panahon lang. Ibang-iba talaga kasi ang ugali ng magpinsan. "At saka narinig po namin ang pinag-uusapan niyo kanina, Senyorita. Iyong tungkol sa paghahanap ng babae sa lalaking marunong magluto," mayamaya ay wika pa ni Aine sa kan

  • The Cold Billionaire's Revenge   Chapter 45

    "GOOD morning, Miss Laura." Nag-angat ng tingin si Laura ng marinig niya ang pagbati na iyon ni Jake. Nakita naman niya itong pumasok sa loob ng kusina kung nasaan siya ng sandaling iyon. "Good morning-- Hindi na natapos ni Laura ang pagbati niya nang makita kung sino ang sumunod na pumasok din sa loob ng kusina. It was Draco. At kabaliktaran ni Jake ang ekspresyon ng mukha nito. While Jake was smiling, Draco had a stern expression on his face. "How's your sleep, Miss Laura?" nakangiting tanong ni Jake habang ang mata ay nakatuon sa kanya. Bago pa siya makasagot ay narinig niya ang mahinang hagikhikan nina Aine, mukhang kinikilig na naman ang mga ito kay Jake. Iiling na lang na nangingiti si Laura nang mapansin niya reaksiyon ng mga ito para kay Jake. Pero nawala ang ngiti niya nang makita ang mas lalong sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Draco ng mahagip niya ito ng tingin, nakita nga din niya ang halos pag-iisang linya ng mga kilay nito habang nakatingin ito kina Aine,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status