NATHAN Pov:
Nakatingin ako sa impormasyon na ipinakalap ko tungkol kay Ellise at nagsasabi doon na ordinaryong mamamayan lamang siya at wala ding nakasaad doon kung paano niya nakilala si Lolo. Walang magandang background ang pamilya niya at ang mama niya ay may taning na ang buhay kung hindi ito maoperahan agad. Hindi ko ugali ang manggipit ng tao. Ngunit naiinis ako kay lolo kaya wala akong mapag pipilian. Kaya bago pa man makagawa ng hakbang si lolo ay inunahan ko na siya. Kung akala ni lolo ay maiisahan niya ako ay nagkakamali ito. Hindi ko hahayaan na patuloy niyang manipulahin ang buhay ko. Nasa kailaliman ako ng pag iisip ng tumunog ang red line ng ibabaw ng lamesa ko. “Anong kalokohan na naman ito, lolo?” hindi ko itinago ang pagkairita sa boses ko ng sagutin ang tawag nito. Ang redline ang tumunog kaya hindi ko na kailangang alamin kung sino ang tumatawag dahil si lolo lang naman ang naka konekta doon. “Pinapili naman kita apo. Pakakasalan mo ang babaeng pinili ko para sayo at makukuha mo ang kalahati ng kayamanan ko o hayaan mo na lang. Hindi ko ipagpipilitan na pakasalan mo siya pero ibibigay ko sa iba mong pinsan ang mga negosyong pinaghirapan mo.” Mahabang sabi ni lolo sa kabilang linya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng telepono at nais ko na naman iyon ihagis sa galit ng marinig ko ang nakasaad sa nabasa kong nakasulat sa will nito. “Damn you, lolo. Alam mong hindi ko bibitawan ang mga negosyong ako mismo ang naghihirap.” “Hahaha.” Malutong ng pagtawa pa nito na mas ikinainis ko. “At alam mong nasa paligid lamang ang mga mata ko apo. Kaya wala kang maitatago. At alam ko kung ano ang mga pinaplano mo.” Hindi ako nakaimik at nakasagot. Alam ko iyon na sa bawat kilos ko ay nalalaman nito. At alam ko na ang kasunduan namin ni Ellise ay umabot na din dito. “Bye, bye apo. At alam mong naghihintay ako sa magiging pasya mo.” At bago pa man ako makasagot ay tunog na ng end tone ang narinig ko. Padabog na ibinalik ko ang telepono sa lamesa. Sa dinami dami ng problema ko kay lolo ay naalala ko ang tungkol sa hospital. At isa na naman iyon sa hindi ko nagustuhan kaya naman kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang isa sa pinsan ko na humahawak doon. “Napatawag ka?” Seryoso ang tono na pagsagot ni Lancer. “Ano ang nangyayari sa hospital na hawak mo? Kailan pa kailangan na magbayad muna ang pasyente bago ito gamutin?” “Anong ibig mong sabihin? Wala akong patakaran na ganyan sa hospital. Kanino mong nakuha ang balita na iyan?” Sa salita nito ay alam ko nang wala itong alam pero hindi pa rin iyon maitatanggi na bamabaluktok ang pagpapatakbo ng hospital. “Wait! Pinahawak ko kay papa ang pamamahala ng hospital. Aalamin ko ngayon din. Ako na ang bahala doon.” “Siguraduhin mo lang na maayos mo iyan. Dahil alam mong hindi ko palalampasin ang papa mo kung malaman kong may anomalya na sa pamamalakad niya.” Hindi ko na hinintay na makasagot ito at binabaan ko na ng tawag. Naikuyom ko na naman ang palad ko ng masulyapan ang kontrata na pinirmahan ni Ellise kanina. “Tsk! Anong gayuma ang ipinainum mo kay lolo at ganun na lang ang kagustuhan nito ikaw ang pakasalan ko.” ….. Matapos ang lunch meeting ay nagtungo ako ng hospital. Hindi lang para alamin ang kalagayan ng mama ni Ellise kundi para pagbalaan ang papa ni Lancer. Pagkarating ko ng hospital ay agad akong nakilala ng halos lahat na nagtatrabaho doon at bumabati kapag nakasalubong ko. Dumeretso ako sa opisina kung nasaan ang papa ni Lancer. Pagkabukas ng pinto ay hindi maitago ang pagkagulat nito ng makita ako. Mabilis na ibinababa ang mga paa na nakapatong pa sa ibabaw ng lamesa. “Nathan… Pamangkin.. Ano ang nagdala sayo at bakit ka nandito?” Nakangiti pa itong tumayo at lumapit sa akin. “Maupo ka? Anong kailangan mo?” Seryoso at mapagbanta ang naging tingin ko dito at hindi na din ako umupo. “Masyado ka yatang nag eenjoy, tito. At paupo-upo ka lang dito.” “Anong ibig mong sabihin?” “Alam mo kung ano ang pakay ko kaya ako nandito, tito. At alam ko na sinabihan ka na ni Lancer tungkol doon.” “G-ganito kasi iyon pamangkin.. Medyo palubog na kasi ang hospital at walang masyadong kita kaya…” “The hell I care, tito. Alam mo kung ano ang patakaran ng hospital na ito pero ang lakas ng loob mong baguhin iyon. Isa itong hospital para sa mahihirap at hindi para magpayaman ka lang.” “Tito mo parin ako kaya ayusin mo ang pananalita mo…” “Tito? Hindi kita kadugo. Ang asawa mo lang ang kinikilala kong kadugo sa inyong dalawa. Kaya ayusin mo ang kilos mo, Tito Damian.” May diin sa salita ko ang pagbanggit ko sa pangalan nito. “Kung hinahayaan ka ni lolo at hindi pinapansin sa mga kalukuhan na pinaggagawa mo sa hospital na ito… ibahin mo ako. Dahil kahit na anong oras ay babawiin ko sa inyo ang pamamalakad dito. Tandaan mo ito tito Damian, mawawala sayo ang karangyaan na tinatamasa mo isang salita ko lang.” Nakatingin lang ito sa akin. Na parang gusto pang magsalita dahil nakabula ang bibig nito saka ititiklop din. “Isa lamang iyan paalala, tito. Rest well. And be good.” Hindi ko na ito hinintay na makasagot. Tumalikod na ako. Ngunit muli akong tumigil sa paglabas ng nasa pinto na ako. Hindi ako lumingon pero nag iwan pa ako ng ilang salita. “Ang lamesa ay patungan ng malilinis na bagay, hindi patungan ng marurumi mong mga paa.” Pagkasabi iyon ay tuluyan na akong lumabas. Sa paglabas ko ay nagpasya na akong puntahan ang ward ng mama ni Ellise para tignan lang ito hindi para kumustahin. Nasa tapat na akong ng ward. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may bumukas nun mula sa loob. Dahil sa nakaangat ang kamay ko na hahawak sana sa door knob ay hindi ko na naiwas at dumapo mismo iyon sa kung sino ang nagbukas ng pinto. Napatingin pa ako mismo sa kung saan dumapo ang kamay ko. Parang may isip pa ang palad ko at bahagya iyon kumilos para damahin ang lambot na nakapa ko. Saka tumaas ang tingin ko. Si Ellise. Na nanlalaki ang mga mata niya na palipat lipat ang tingin sa akin at sa kamay kong nasa dibdib niya. Nang makahuma ako ay mabilis kong binawi ang kamay ko na para bang napaso. “Y-you… sir Nathan.” Iyon ang lumabas sa bibig niya saka pinagsalikop ang kamay sa harap para itago ang dibdib niya kung saan pumatong ang kamay ko. Taas ang nuo ko na hindi sinalubong ang tingin niya. Hindi ko naman sinasadya iyon.. Hindi ko naman alam na bubukas ang pinto mula sa loob. “Gusto ko lang tingnan kung maayos na eschedule para sa operasyon ng iyon mama.” Sabi ko para mawala ang kakaibang tensyon na nabuo sa pagitan namin dahil sa aksidenteng pagkakahawak ko sa kanyang… Naipilig ang ulo ko. Ngunit hindi ko mapigilan na paulit ulit na itiklop ang palad ko na nakalagay sa likod ko. Hindi ko na siya hinintay na muling makapagsalita. Nilagpasan siya at pumasok na ako sa loob. Iniwan ko siyang nakatayo lang sa bungad ng pinto na hindi pa rin makabawi sa kabiglaan. “Sino ka naman, hijo?” Tanong ng mama ni Ellise ng makita ako. Sasagot na sana ako ngunit pumagitna siya at siya na ang sumagot sa tanong ng mama niya. “Siya po ang boss ko, mama. At siya ang tumulong sa akin para sa operasyon niyo.” Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Naisip ko pa kanina kung itatanggi ba niya na ako ang nagbigay sa kanya ng malaking halaga. “Talaga! Naku, maraming salamat naman hijo. Nag aalala kasi ako sa anak ko dahil ang akala ko ay kung saan na lang niya kinuha ang perang pinang bayad sa hospital.” “Sinabi ko naman sa inyo mama. Na hindi ako gagawa ng bagay na makakasama sa akin. At lalong hindi ako gagamit ng pera na galing sa hindi magandang paraan.” Mas lumalim ang naging titig ko sa kanya nang makita ko ang bahagya niyang ngiti habang nagpapaliwanag sa kanyang mama. Ang ngiti iyon ay bumagay na maganda at maamo niyang mukha. “Sir Nathan, kailangan ni mama na magpahinga na. Kaya kung maari…” Kunot ang noo ko ng makuha ang ibig niyang sabihin. Pinapaalis na niya ako wala pa man akong nasasabi. “Aba’t…” “Sir Nathan.” Taas pa ang isang kilay niya na pinigilan pa ako sa sasabihin ko. Kuyom na naman ang mga palad ko na hindi na sumagot pa. Pagtungo na lang ng ulo ko ang ginawa ko ng tumingin sa mama niya bago tumalikod. “Follow me.” Mahina pero may diing utos ko sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang ikinilos niya.ELLISE Pov: Nauna na itong lumabas ng ward ni mama. Maayos naman akong nagpapaalam kay mama bago sinundan si Sir Nathan. “Hindi na yata nagiging maganda ang ugali mo?” Pagsita niya sa akin na nabunggo pa ako mismo sa likod niya nang bigla na lang siyang tumigil saka lumingon. Sa gulat ko sa pagkakabunggo sa likod niya ay hindi ko nabalanse ang katawan ko. Napapikit ako ng mariin at hinintay ko na lang ang pagbagsak ko dahil hindi ko na mabalanse ang katawan ko. Ngunit… May malaking kamay ang humatak sa akin at pumulupot iyon sa baywang ko. Naimulat ko ang aking nga mata. Napatitig ako kay Sir Nathan na siyang humila sa akin na ngayon ay halos wala ng pagitan ang katawan namin sa pagkakadikit. “Sir Nathan.” Itinaas ang kamay ko, itinulak siya sa dibdib para malayo sa akin at bitawan ako. Agad ko naman inayos ang pagtayo ko ng bitawan na nga niya ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya ng muli kong napansin na napatingin siya kung saan dumapo ang ka
ELLISE Pov: "Congratiolation mga apo." Nakangiti pang bumaling sa akin ang lolo ni Sir Nathan na masuyong humawak pa sa mga palad ko. "Ito ang numero ko. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." sabi pa nito sabay abot sa akin ng calling card. "At ikaw Nathan, huwag na huwag ko lang malalaman na papaiyakin mo si Ellise." sabi ng lolo niya ng bumaling ito sa kanya. Hindi parin nawawala ang kunot noo at pagkakasalubong na mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin. "May magagawa pa ba ako, lolo?" patanong na tugon niya kaysa sang ayunan ng maayos ang sinabi ng lolo niya. Binawi ko ang tingin ko mula sa kanya dahil para na niya akong kinakatay ng buhay sa klase ng kislap na nakikita ko sa kanyang mga mata. Napalunok na naman ako. Parang gusto ko pang magtago sa likuran ng lolo niya para maiwasan ang mga pares ng mga matang iyon. "Heto naman ang regalo ko sayo." sabi ng lolo niya na may hinugot pa sa bulsa ng suit nito. "At para saan naman ang ticket na iyan lolo?
ELIISE Pov: Francisco? Muli akong napatingin dito. "Well, as far as I know... you marr..." "Doc. Francisco... pwede ka bang makausap pa tungkol sa kalagayan ng mama ko." agad akong nagsalita ng babanggitin nito ang tungkol sa naging kasal namin ng pinsan nito. Taas ang isa nitong kilay na tila pa naaliw ang kislap ng mga matang nakatingin sa akin. "Oh! sure, Ms. Santillan. Shall we..." sabay lahad-turo ng kamay nito sa pinto. Nakuha naman nito agad ang gusto kong ipahiwatig kaya nagmamadali akong lumabas. Narinig ko ang mga yabag nitong pasunod sa akin. "Anong maipaglilingkod ko, Ms. Santillan?" "Please, Doc..." "Lancer... Lancer will do." "Mr. Francisco." sabi ko na hindi pinansin ang sinabi nito. Saka hindi ko naman basta ito tatawagin sa pangalan lang. "Okay! Kahit na anong itawag mo. Then..." "Mr. Francisco, kung maari sana ay huwag niyong babanggitin ang tungkol sa kasal sa harapan ng mama ko. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya." Seryuso itong napatiti
NATHAN Pov: "Damn it." ibinato ko pa ang hawak kong baso ng alak na halos hindi ko pa nauubos ang laman na isinalin ni Dexter. "Relax, bud. Masyado kang hot." "Paano ako magrerelax? Sabihin mo nga? Gayong kalat na kalat na sa halos buong bansa na kasal na ako." nanggigigil kong sabi kay Dexter na parang balewala sa mga ito ang pag uumapaw ng galit ko. "Haha." si Rex na halos kadarating lang din na may akbay pang babae. "Hindi naman bago na ikaw lang lagi ang laman ng balita, bud." "Kaso nga lang, iba na ngayon." dagdag naman ni Patrick na nasa kaliwa ko na kasamang nakaupo sa harap ng counter table. Halos kompleto na kaming magbabarkada na nagtipon tipon dito sa GHB (Golden House Bar) na pagmamay ari ni Dexter. "Dahil iba na ang ibinabalita." Halos sabay sabay pa nila iyong sinabi na may pilyong mga ngiti sa mga labi na nakatingin sa akin. "Ayaw mo pa nun, makakatikim ka na ng lutong bahay." Si Dexter na muli akong binigyan ng baso at sinalinan ng alak. Agad ko iyon
ELLISE Pov:"Maraming salamat, doc."Nakangiti pa akong tumingin kay Doc. Francisco na nagpasalamat dito nang nakasalubong ko sa hallway ng ospital."It is my duty to perform, Ms. Santillan. Saving lives is one of my duties." wala man ito nakangiti ay ramdam ko sa tinig nito ang kagaan doon. "By the way, what is that for?" tanong nito na napasulyap sa maletang hila-hila ko."Ipapasundo ako ni Sir Nathan ngayon para lumipat.""Lilipat? Sir Nathan? Haha, and you still address him like that? Shouldn’t you call him husband instead?” Sabi pa nito na may kasamang pagtaas ng isa nitong kilay.“Pasensya na, Doc. Francisco. Salamat ulit.” Pagbabalik ko na lang sa una naming usapan kanina dahil hindi ko naman basta masabi dito ang tungkol sa kasunduan namin ni Sir Nathan.At hindi naman kami malapit sa isa’t isa para talakayin ang bagay na iyon.But some of my feelings are that he is easy to befriend because of his voice and bright look.“Hmm.” Huminga pa ito ng malalim na tila nakuha naman nit
ELLISE Pov: Nanlaki ang mga mata ko. Ilang sigundo? Halos isang minuto yata na magkadikit ang labi namin. Hanggang siya na mismo ang kumilos para lumayo. Napayuko ako, hindi ako makatingin sa kanya. "Kumain ka ng marami ng magkalakas ka. Para seatbelt lang hindi mo pa mahila." Salitang nakapagpabago ng namuong tensyon dahil sa aksidente ng pagkakadikit ng mga labi namin. Muli siyang lumapit. Hindi na ako gumalaw sa kinauupuan ko o ang iangat ang mukha ko baka masagi ko na naman ang mukha niya. CLICK! Tunog ng pagkakakabit ng seatbelt sa upuan. Wala ng sinuman sa amin ang nagsalita pa. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Mahigpit pa akong nakahawak mismo sa seatbelt na diretso lang ang tingin ko sa harap ng dinadaanan namin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko siya na parang sumusulyap pa sa akin o masyado lang akong naapektuhan sa pagkakadikit ng mga labi namin. Ahhh! Gusto ko iyong iwaksi sa isipan ko. Ngunit paano ko iyon kakalimu
ELLISE Pov:“Ugh!” napadaing ako ng bigla na lang niya ako isandal sa pinto ng kanyang kotse.Seryoso ang naging tingin niya sa akin na tila ba may nakita na naman siyang mali na nagawa ko.“Bakit po, sir?” tanong ko na hindi masalubong ang mga mata niya.Kunot ang noo at salubong na naman ang mga kilay niya kaya sino ang gugustuhing salubungin ang mga matang iyon.“Ayusin mo ang sarili mo, hindi iyong nagpapakyut ka sa harapan ng ibang tao.” may galit na paninita sa tono na sabi niya sa akin.Sa narinig ko ay ako naman ang nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi niya. At kailan pa ako nagpakyut sa harapan ng iba? At kanino naman? At kung sa kanya niya iyon ipinapatukoy ay bakit naman ako mag papakyut sa harapan niya.Mas gugustuhin ko pang mag pakyut na lang sa harap ng iba kaysa sa harapan niya.Never, wala akong balak subukan.“Hindi naman, sir.”“Hindi nga ba? Kaya ba ang lagkit ng tingin sayo ng matandang iyon?”Ngayon alam ko na. Ang tinutukoy niya ay ang matandang iyon.Malay ko
ELLISE Pov:Nanlaki ang mga mata ko na napatitig sa kanya ng bigla na lang niya akong halikan sa labi at sa harap pa talaga ng ibang tao.Ano ang naiisip niya at bakit niya ako hinalikan."Sir....""Sir?" Pang uulit pa niya na may malalim na mga matang nakatingin sa akin at bahagya pang tinaasan ako ng kilay."N-nathan. B-bakit h-hina..." hindi ko maituloy ang nais kong sabihin sa kanya. Nahawakan ko pa talaga ang mga labi ko.Ewan ko ba kung namamalikmata lamang ako pero nakita ko na tila may mapaglarong ngiti sa mga labi niya."Ang sabi mo ay pupuntahan mo ang mama mo pero bakit dito kita naabutan. Kung hindi pa sinabi sa akin ng nurse na naabutan ko sa ward ng mama mo ay hindi ko pa malalaman." Malalim din ang tono ng boses niya na pabulong na sabi niya sa akin na tila ba may pagbabanta na naman."Sinasabi ko sayo... huwag mong sagarin ang pasensya ko. Nagkakaintindihan ba tayo."Kusang kumilos ang ulo ko at tumango ako. Wala na akong masasabi dahil sa mga tingin nito ay nandoon n
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Geline ng hapong iyon dahil siya na ang una kung naisip na nakakaalam kung nasaan si Ellise.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito dahil nababalot ako ng iba't ibang emosyon.Isa na ang galit, dahil hindi ko na siya naabutan sa bahay pagkagaling ko sa bahay ng lolo kaninang umaga. At apat na oras lang akong nawala. Pero wala na siya pagbalik ko. Tanging si Celine na lang ang naiwan at nagsabi sa akin na umalis siya na may dala dalang maleta. Hindi pa nga ako naniwala at tinungo ko ang silid namin pero wala nga siya. Wala na din ang ilang damit niya sa closet.Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa bahay ng mama niya, pero wala na din akong naabutan doon dahil tanging ang kasama na lang din sa bahay ang naiwan at nag iimpake na din ng gamit paalis.Kaya naman, ngayon si Geline ang sumunod na pinuntahan ko at nandito na ako mismo sa bahay nila dahil wala ito sa shop niya na una kong pinuntahan."Ilabas mo si
Tunog ng phone ko ang nakapagpagising sa akin.Ngunit bago ko iyon sinagot ay binalingan ko muna si Ellise na mahimbing sa pagkakatulog habang nakaunan siya sa braso ko.Padamping hinalikan ko muna siya sa noo saka ko maingat na inalis siya sa pagkakaunan sa akin at sinagot ang tawag."Yes, Hello?"Hindi ko na tinignan kung sino man ang tumawag na iyon."I need you here, right now. At gusto kong sabihin sayo ang ilan pang bagay tungkol sa asawa mo. Na dapat ay noon ko pa sinabi sayo.""Gaano ba kahalaga iyan lolo? Hindi ba pwedeng mamaya na lang o bukas? Masyado pang maaga." Sagot ko kay lolo dahil tinatamad pa akong lumabas ng bahay.Muli kong sinulyapan si Ellise bago binalingan ng tingin ang alarm clock sa gilid."Mag aalas sais pa lang ng umaga lolo.""Pumunta ka na lang dito. Kailan ka pa naging tamad pagdating sa mga bagay na makakatulong sayo." May galit na pagmamando na naman ni lolo sa akin. "Saka sabado ngayon, at alam kong wala kang mahalagang gagawin ngayon dahil naayos mo
"Me esphosho. Hek."Bulong niya sa tainga ko ng ibaon niya ang mukha doon habang karga ko siya papasok.Umakyat sa kwarto namin, dumiretso sa banyo para mapaliguan siya ng mahimasmasan kahit papanu sa kalasingan niya."Ano bang problema mo at bakit ka uminom?" Kunot ang noo ko na tanong kahit alam ko na wala na akong aasahan na matinong sagot mula sa kanya.At tulady ng inaasahan ko. Isang hagikgik lang na para bang nakikiliti lang ang naging sagot niya sa akin. Napapailing na nilagay ko siya sa bathtub at hinubaran."Hek, dho you whan tho mhake lhove weth mhe." Tanong pa niya, huli na para makasagot ng hilain niya ako pasampa sa bathtub kaya naman pareho na kaming nabasa ng tubig mula sa shower filter kaya napilitan na rin akong magtanggal ng damit at sinamahan na nga siyang maligo.Sabon dito, sabon doon, sa buong katawan."Mi esposa, umayos ka. Lasing na lasing ka."Pinigilan ko ang kamay niya ng maglikot iyon na humawak sa pagkalalaki ko. Lasing man siya ngayon, mapupungay man kun
"Tawagan mo na lang ako mamaya kapag uuwi ka na." Bilin ko sa kanya kinaumagahan nang maihatid ko siya sa bahay ng mama niya. Napapansin ko man na kahit ngumingiti siya ay wala akong nakikitang sa kanyang mga mata. Gusto ko man sana siya tanungin at usisain ay wala naman siyang ibang maisagot maliban sa gusto lang daw niya ako makasama. Simula kahapon matapos itawag sa akin ni Celine na namumutla siya ay hindi ko na siya nakitaan ng may ngiti talaga na umaabot sa kanyang mga mata. Ngunit sa kilos niya ay naging clingy niya at halos ayaw na yata niyang mahiwalay sa akin. Kung hindi lang siya pumunta dito sa bahay ng kanyang mama ay hindi rin sana ako papasok ngayon. Bagamat, nagpilit siya at sinabi na gusto lang niya masama at makabonding sandali ang mama niya na bihira na din niyang makasama dahil sa bahay lang siya at hindi na masyadong lumalabas. "Susunduin kita." "Sige, mag ingat ka." "Para sayo mi esposa. Mag iingat ako lagi. Kaya dapat ikaw din." Balik paalala ko sa kan
"The clothing department export thousand of garments and it delivered on time last week. And Mr. Gascon sent us 100% feedback for proper and timely delivery of the garments." Pagbabalita sa akin ng manager na humahawak sa clothing department.Nasa kalagitnaan kami ng meeting at nagpapasa na naman sila ng report sa akin sa mga nagawa at mga bagong balita para sa kani kanilang department na hinahawakan sa bawat sangay ng kumpanya ko.Sa ibang mga negosyo ko ay naging maayos ang takbo at kumikita iyon ng malaking halaga maliban sa clothing department na nakatanggap ng bomb threat nitong nakaraan araw lang kaya naman lagi akong abala at hindi na ako nakakauwi ng maaga sa bahay.Hindi na din ako nagkakaroon ng mahabang oras para kay Ellise. Sa tuwing uuwi na ako ay halos hatinggabi na dahil sa inaayos ang issue patungkol sa bomb threat na iyon na halos ikinabagsak ng 20% doon na naapektuhan na din ang ilan pang sangay nito. At iyon ang dahilan para mabawasan ang oras na nakakasama ko siya.
"Like what I said gold digger. Nasa akin ang patunay na naisalin na ng papa iyon. At iyon ang gusto kong ipakita sa iyo. Then as you wish. I will send it to you later.""H-hindi ako naniniwala.""It's up to you. At alam mo ba kung ano ang dahilan ng anak ko kung bakit hindi niya iyon sinasabi iyon? Well, ito. Pakinggan mo ng malaman mo."Ilang sandali pa ay may kung anong narinig ako na parang nag click sa kabilang linya."Ginagawa ko ito para sa mamanahin ko and at the same time, sinusulit ko na ang kasama siya para man lang may pakinabang pa siya sa akin. I won't betray you. I can't do that. She is just a toy. Pagsasawaan habang may halaga pa siya. At kapag wala na. Pwede ko ng itapon."Pero mas malala pa pala iyon kaysa ang malaman ko na napasakamay na niya ang mamanahin niya. Mas masakit pala sa pandinig ang mga sinabi niya.A voice recorder. At boses iyon ni Nathan.Parang nawalan ako ng lakas ng katawan dahil doon. Nanginig ang kamay ko na nakahawak sa phone ko n
"Mauuna na ako, huwag kang mag pagutom. Medyo mala-late ako ng uwi ngayon dahil may mahalagang dinner meeting ako mamaya." Paalam niya sa akin habang nasa sala kami."Sige, mag ingat ka.""Pag uwi ko, kailangan nating mag usap, may mahalagang bagay lang akong gustong sabihin sayo." Seryoso pa niyang sabi sa akin.Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang ang palad ay marahang humaplos sa pisngi ko."May problema ba? Lagi kang seryuso nitong mga huling araw.""Wala naman mi esposa, marami lang talaga akong mahalagang inaasikaso sa mga negosyo at sa bawat kumpanya na natin.""Okay, hindi na ako magtatanong, basta kapag may time ka, magpahinga ka naman, lagi ka na lang napupuyat dahil sa mga negosyo mo. Halos hindi ka na natutulog.""Salamat mi esposa, kung hindi mo ang pag uwi ko mamayang gabi, matulog ka na lang ng maaga, bukas ko na lang sasabihin ang gusto kong sabihin. Mauuna na ako."Magaan ang palad na patuloy lang siya sa paghaplos ng pisngi ko. Yumuko siya, dinampia
"You will pay for what you've done, mi esposa," I said, urgency lacing my voice as I swiftly shifted our positions, taking control.Pressing my lips against hers, I delivered a fervent kiss."Ughh..." Her immediate response was a delicious sound escaping her lips as I captured her tongue, gently sucking it.The body that had once writhed beneath me was now responding eagerly to my every touch, and with newfound confidence, my hands explored her curves."Mi esposa," I whispered, my lips tracing a path toward her ear, where I began to lick and suck gently.A tremor rippled through her body, reflecting the shivers her earlier caresses had stirred within me.I was determined to evoke the same exquisite sensations in her. My lips followed along her jawline, leaving tiny bites in their wake as I savored every inch of her skin.I then moved to her neck, drawing soft gasps from her."Uuhmmm..." I continued my journey, planting lingering kisses along her shoulder, marking her as my own."Mmmmm
"Mi esposa." Napasinghap ako nang itulak niya ako sa kama matapos ang mabilis na shower nang makabalik kami sa bahay."Hayaan mong ako ang gumawa ng hakbang sa pagkakataong ito." Bulong niya sa tainga ko habang sinimulan niyang dilaan ang aking tainga, na nagdulot ng kiliti sa akin.Inayos niya ang kanyang posisyon sa ibabaw ko. Naka-itim lang akong panloob, habang siya ay nakatapis ng tuwalya na nagtatakip sa kanyang katawan.Nangangarap na sana akong haplusin siya ngunit pinigilan niya ako.“What?” tanong ko.Ngunit wala siyang sinabing kahit ano; sa halip, tahimik niyang binuksan ang drawer ng bedside table at may kinuha mula dito.“Anong gagawin mo diyan?” tanong ko, medyo naguguluhan.Nagtaka ako kung bakit may nakatagong necktie sa drawer, samantalang may wastong lagayan naman ito sa closet. Pero tila nahulaan ko na kung ano ang susunod niyang hakbang, at huli na ng matanto kong kinuha niya ang dalawa kong kamay at itinali ako.“Ellise!” bulalas ko, nanlalaki ang mga mata sa gul