ELLISE Pov:Nanlaki ang mga mata ko na napatitig sa kanya ng bigla na lang niya akong halikan sa labi at sa harap pa talaga ng ibang tao.Ano ang naiisip niya at bakit niya ako hinalikan."Sir....""Sir?" Pang uulit pa niya na may malalim na mga matang nakatingin sa akin at bahagya pang tinaasan ako ng kilay."N-nathan. B-bakit h-hina..." hindi ko maituloy ang nais kong sabihin sa kanya. Nahawakan ko pa talaga ang mga labi ko.Ewan ko ba kung namamalikmata lamang ako pero nakita ko na tila may mapaglarong ngiti sa mga labi niya."Ang sabi mo ay pupuntahan mo ang mama mo pero bakit dito kita naabutan. Kung hindi pa sinabi sa akin ng nurse na naabutan ko sa ward ng mama mo ay hindi ko pa malalaman." Malalim din ang tono ng boses niya na pabulong na sabi niya sa akin na tila ba may pagbabanta na naman."Sinasabi ko sayo... huwag mong sagarin ang pasensya ko. Nagkakaintindihan ba tayo."Kusang kumilos ang ulo ko at tumango ako. Wala na akong masasabi dahil sa mga tingin nito ay nandoon n
ELLISE Pov:Nagsuot ako ng t-shirt pambahay at walking short. Papatungan ko na lang ng sweatshirt mamaya paglabas ko ng bahay.Hindi ako mapakali simula nang umalis ako sa ospital dahil sa mga nalaman ko.Oo, nakaramdam ako ng panlulumo dahil ang matandang tinulungan ko ay ang lolo mismo ni Sir Nathan.Ngunit matapos humingi ng tawad si lolo kanina at mag paliwanag kung bakit niya iyon ginawa ay agad ko namang napatawad.Siguro nga ay masyado lang akong mabait kaya madaling lumambot ang puso ko at madaling mag patawad.At nang makauwi ako ay naabutan ko na nandito na sa bahay si Sir Nathan. Hindi ko na lang siya inimik dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko lalo na at blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya. Ni hindi nga din niya ako nilingon ng dumating ako kaya kahit kabastusan man iyon dahil boss ko siya ay mas pinili ko ang manahimik na lang.Hindi ko na siya naabutan sa sala ng makalabas ako sa kwarto at makababa sa unang palapag.Malamang nasa kwarto na niya ito. H
ELLISE Pov: Natapos ko ng ayusin ang kama ko, lumabas na ng kwarto. Hindi na din ako nagpalit ng damit na pinantulog ko. Maluwang at manipis na t-shirt na halos umabot sa kalahati ng hita ko ang haba kaya para na din daster ang dating. Maliban na nga lang sa butas ang magkabilang gilid at may maliliit na din na butas ang tela. Tinamad na kasi akong tahiin ang magkabilang gilid na natanggal ang pagkakatahi. Basta itinali ko na lang sa laylayan para hindi liparin. Saka nasa loob lang naman ako ng bahay kaya walang pupuna sa suot ko na lumang luma na. Maaga pa kaya siguradong tulog pa siya. Hindi niya makikita ang ganito kong ayos. Ang mahaba at kulot kong buhok na basta ko na lang ipinusod pataas at hindi na nag abalang suklayin pa. Hindi naman mahahalata na hindi ako nag suklay dahil kulot naman ang buhok ko. Nagtuloy ako sa kusina. Hindi na din ako magpapaalam sa kanya mamaya dahil iyon naman ang sinabi niya na hindi ko dapat siya istorbuhin kung nandito kami sa bahay. Mag
ELLISE Pov: "Kyaaak, l-let m-me g-go." Halos walang boses ang lumabas sa bibig ko ng bigla na lang niya akong mahigpit na hinawakan sa leeg. Marahas na isinandal sa pinto. "Hindi ko alam kung talagang sinasagad mo ang pasensya ko. Sinabi ko sayo na layuan mo ang Lancer na iyon, huh. At talagang nagpahatid ka pa sa kanya, anong pang aakit ang ginawa mo sa kanya." Galit na galit na sabi niya sa akin. Ang kamay niyang nasa leeg ko ay nanginginig pa at talagang pinanggigilan akong sakalin. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa higpit na ng pagkakasakal niya sa akin? Pero malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi niya. At saan naman niya nakuha ang ideyang inaakit ko ang pinsan niya? "B-bitawan m-mo a-ako. N-naki-k-ki u-usap a-ko." Ewan ko kung naintintidan pa niya iyon o hindi na. Dahil tinatakasan na ako ng lakas at paisa isa na lang ang aking paghinga. "I will wreck your neck into death, Ellise. Malinaw sayo ang pinirmihan mong kasulatan na hindi ka pwedeng makipagkita
NATHAN Pov: Malakas na dumapo ang kamao ko kay Lancer ng makaalis na si Ellise sa harapan namin. Ang lakas ng loob nitong pumasok sa bahay ko at talagang hindi pa nagdalawang isip na hawakan nito si Ellese sa harapan ko. Puno ng pag iingat ng alalayan nito nang makitang nakalugmok sa sahig si Ellise kanina at iyon ang mas nakapagpagalit sa akin. Sa kilos nito at pag aalala kay Ellise ay naramdaman ko na may kakaiba sa kilos nito? Hindi ako pwedeng magkamali pero iisa lang ang nakita ko sa ipinakita ni Lancer na pag aalala sa asawa ko. Pagkagusto. Gusto ni Lancer ang asawa ko. "Binabalaan kita, Lancer. Huwag mong hintayin na maubos ang pasensya ko sa pangingialam mo." Naipilig nito ang ulo at pinunasan ang gilid ng labi nito kung saan dumapo ang kamao ko. "Alam mong hindi ako natatakot sayo. Hindi ako lumalaban dahil mas paborito ka nga ni lolo. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako magdadalawang isip na labanan ka dahil hindi na makatarungan ang ginawa mo kay Ellise." "
NATHAN Pov: Hinilot kong muli ang aking sintido, umiikot parin ang paningin ko dahil sa nainum ko kagabi. At kapag iniisip ko ang bagay na iyon ay nag aapoy na naman ang galit ko sa lintik na babaeng iyon. Ang lakas ng loob niyang lagyan ng droga ang inumin ko. Damn her! At ngayon, ang maligamgam na tubig na rumaragasa at bumabalot na sa katawan ko ay walang magandang naidudulot dahil hindi naman nababawasan ang bigat ng pakiramdam ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi pero sadyang na bla-blangko ang utak ko. Ang huling tanging natatandaan ko ay ang magpahatid ako sa isa sa mga tauhan dito sa building sa loob ng bahay ko. Pagkatapos, wala na akong maalala. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sa silid ni Ellise. At iyon ang isa sa hindi ko matanggap. Damn it! Damn it! Anong kagaguhan ang nagawa ko at nakipagniig ako sa kanya at sa nakita kong ayos niya kanina ay halata na pinahirapan ko siya. Every tooth and kiss mark I leave all over her body makes me curse myse
What have I done?Paulit ulit na tanong ko? Ang leeg niya na may marka ng kamay ko dahil sa pagkakasakal ko sa kanya? Ang marka ng ngipin sa balikat niya. A kissed mark all over his shoulder.Nanginginig din ang kamay ko habang pinapasadahan ng basang towel ang mga iyon para linisan siya. Puro pasa ang kanyang buong katawan.Ganun na lang ba ang ginagawa kong pambababoy sa kanya kagabi at puro latay ng ngipin at marka ng halik ang mga balat niya???Ganun na ba talaga ako kasama at pati siya ay nadamay na sa galit ko kay lolo? Dahil lang sa minsan lang na tinulungan niya si Lolo? Siya na ang pinili nito sa akin."Damn you, lolo. Kung hindi mo ako inipit hindi ko din siya maiipit sa pagitan nating dalawa." Napamura na naman ako dahil doon."Uhmp!" Napapiksi siya ng madiinan ko ang ang pagpupunas sa braso niya na may marka din ng ngipin."Damn! Just bear it for a couple of minute." Kausap ko sa kanya kahit alam ko naman na hindi niya ako maintindihan.Ginaanan ko ang bawat pagpupunas ko
ELLISE Pov:Akala ko panaginip lang ang lahat. May mga kamay na masuyong nagpupunas sa mga braso ko, at nakaramdam ako ng kaginhawaan mula sa malamig na bagay na nakalagay sa noo ko.Ngunit nang may maramdaman akong lamig sa kilikili ko, doon na ako nagmulat ng mata. Agad kong kinapa ang kilikili ko para alisin ang bagay na nakalagay doon."Don't remove it," boses na tumatak na sa pandinig ko. Kahit hindi ko na siya tignan, makikilala ko na ang may ari ng boses na iyon.Ngunit tumingin pa rin ako ko sa kaliwa, at tama nga ako—si Nathan iyon, hawak ang maliit na bimpo na pinipiga sa isang maliit na palanggana.Si Nathan ang naramdaman kong nagpupunas ng kamay ko kanina."W-hat happened?" Iyong ang mga tanong na unang lumabas sa bibig ko. Hindi ko din alam kung narinig niya iyon dahil parang nalunok ko ang aking dila.Mahinang mahina at talaga namang ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko ngunit bigla tuloy akong naasiwa dahil sa presensya niya. Pinilit ko ang bumangon at maupo.At
"Lolo." Napatitig sa akin si Lolo Alejandro. Nakikita ko sa mga mata nito ang pagtutol sa nais kong pag alis nang hindi nagpapaalam kay Nathan. Kay lolo ako sinabi ang pag alis ko dahil alam kong kaya nitong itago kung saan man ako pupunta. "Ellise, apo. Hindi ka na ba mapipigilan? Anong nagawa sayo ng asawa mo at bakit ayaw mo siyang makausap? Bakit hindi niyo pag usapan muna kung ano ang hindi niya pagkakaunawaan." "Hindi na muna sa ngayon lolo. Alam kong nagsimula kami sa hindi maganda at hindi iyon magdudulot sa amin ng magandang wakas." "Pero.." "Lolo." umiling ako para pigilan itong magsalita pa na kumbinsihin akong huwag ituloy ang balak ko. "Kung talagang mahal na ako ni Nathan, kahit lumayo ako. Hindi siya titigil sa paghahanap sa akin. At kung darating ang araw na mahanap niya ako at hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya ngayon sa akin, ako na mismo ang bubuo ng relasyon namin. Kaya nakikiusap ako sayo lolo. Kaya ako nagsasabi sa inyo ngayon dahil alam kong
"What are you doing here, mama?" Walang emosyong tanong ko kay mama na nagpumilit paring pumasok ng opisina ko kahit pinigilan ito ni Nancy at sinabihan na hindi ako tumatanggap na kahit na sinong bisita. Lalo na si Mama dahil hindi pa rin humuhupa ang galit ko sa pangingialam nito sa relasyon namin ng asawa ko. Hindi ako tumingin dito. "Anong klaseng tanong iyan?" Galit rin na tanong ni mama at padabog pang ibinaba sa ibabaw ng lamesa ko ang bag nito. "Ganyan mo ako haharapin matapos kitang tulungang napalayas ang babaeng iyon?" Naging marahas ang pagbaling ko sa sinabi nito. Nagtitimpi ako ngayon na huwag itong masigawan pero kung magpapatuloy ito sa mga masasamang salita patungkol kay Ellise ay baka hindi na ako makapagpigil pa. "Umalis na kayo habang nakakapagpigil pa ako." "Ano? Anong klaseng pakikiharap yan sa akin. Huwag mo akong pakitaan ng ganyang kagaspangan ng ugali, tandaan mo, ako pa rin ang mama mo." Nagpakawala ako ng malalim at mahabang paghinga. Mariing pum
"Hindi ako magaling magpayo, pero sa mga sinabi ko ay sana magising ka na sa katotohanan. At ayusin mo ang sarili mo." "You talked to much." Pabalang na sabi ko sa kanya. Nahihilo man ako ay nagawa ko siyang itulak para umalis sa daraanan ko. Hindi na ako nagpilit na kumuha ng ibang inumin kundi tinungo ko na ang sala at doon na umupo. Halos hindi ko din ma irelax ang katawan ko dahil maraming nakakalat doon. "Tidy up yourself. Dahil kailangan ka ni lolo ngayon." Narinig kong sabi niya ng sundan ako na napapangiwi na naman dahil sa kung anu ano na lang ang naapakan niya na nakakalat sa sahig. "Wala akong ganang lumabas? Saka, bakit niya ako kailangan ngayon, nandyan naman kayo para sa kanya." Wala sa loob kong sagot sa kanya. Kahit papaano ay bahagyang nawala ang lungkot dahil may nakakausap ako. Unang beses na nanghimasok si Lancer sa bahay ko. "Tatlong araw ng nasa hospital si lolo, dahil inatake ng hypertension." Napatayo ako dahil doon pero agad din akong napaupo dahi
Isang linggo na ang lumilipas pero wala paring nakakalap na balita ang mga inutusan ko tungkol sa kanya. At isang linggo na rin akong hindi lumabas ng bahay. Ni hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa mga negosyo ko. But I don't care, wala akong pakialam ni isa man sa mga iyon o sa mga nakapaligid ngayon sa akin dahil mas nakatuon ang isip ko kay Ellise at sa paghahanap sa kanya. "Where are you mi esposa?" Halos pumiyok pa ako sa pagsasalita ko habang nakasubsub ang mukha ko sa counter table sa bahaging iyon ng bahay kung saan ako umiinum ng alak. Wala na akong ginawa maliban sa uminom ng alak habang naghihintay ako ng balita. Wala na din akong ibang sinasagot sa mga taong tumatawag sa akin kung hindi ang taong inutusan ko ang tatawag at iyon lang ang hinihintay ko, wala ng iba. Gustong gusto ko na ding sugurin si mama at ipakita at iparamdam ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pangingialam pero nagpipigil pa rin ako dahil iniisip ko na siya pa rin ang nagsilang sa
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Geline ng hapong iyon dahil siya na ang una kung naisip na nakakaalam kung nasaan si Ellise.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito dahil nababalot ako ng iba't ibang emosyon.Isa na ang galit, dahil hindi ko na siya naabutan sa bahay pagkagaling ko sa bahay ng lolo kaninang umaga. At apat na oras lang akong nawala. Pero wala na siya pagbalik ko. Tanging si Celine na lang ang naiwan at nagsabi sa akin na umalis siya na may dala dalang maleta. Hindi pa nga ako naniwala at tinungo ko ang silid namin pero wala nga siya. Wala na din ang ilang damit niya sa closet.Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa bahay ng mama niya, pero wala na din akong naabutan doon dahil tanging ang kasama na lang din sa bahay ang naiwan at nag iimpake na din ng gamit paalis.Kaya naman, ngayon si Geline ang sumunod na pinuntahan ko at nandito na ako mismo sa bahay nila dahil wala ito sa shop niya na una kong pinuntahan."Ilabas mo si
Tunog ng phone ko ang nakapagpagising sa akin.Ngunit bago ko iyon sinagot ay binalingan ko muna si Ellise na mahimbing sa pagkakatulog habang nakaunan siya sa braso ko.Padamping hinalikan ko muna siya sa noo saka ko maingat na inalis siya sa pagkakaunan sa akin at sinagot ang tawag."Yes, Hello?"Hindi ko na tinignan kung sino man ang tumawag na iyon."I need you here, right now. At gusto kong sabihin sayo ang ilan pang bagay tungkol sa asawa mo. Na dapat ay noon ko pa sinabi sayo.""Gaano ba kahalaga iyan lolo? Hindi ba pwedeng mamaya na lang o bukas? Masyado pang maaga." Sagot ko kay lolo dahil tinatamad pa akong lumabas ng bahay.Muli kong sinulyapan si Ellise bago binalingan ng tingin ang alarm clock sa gilid."Mag aalas sais pa lang ng umaga lolo.""Pumunta ka na lang dito. Kailan ka pa naging tamad pagdating sa mga bagay na makakatulong sayo." May galit na pagmamando na naman ni lolo sa akin. "Saka sabado ngayon, at alam kong wala kang mahalagang gagawin ngayon dahil naayos mo
"Me esphosho. Hek."Bulong niya sa tainga ko ng ibaon niya ang mukha doon habang karga ko siya papasok.Umakyat sa kwarto namin, dumiretso sa banyo para mapaliguan siya ng mahimasmasan kahit papanu sa kalasingan niya."Ano bang problema mo at bakit ka uminom?" Kunot ang noo ko na tanong kahit alam ko na wala na akong aasahan na matinong sagot mula sa kanya.At tulady ng inaasahan ko. Isang hagikgik lang na para bang nakikiliti lang ang naging sagot niya sa akin. Napapailing na nilagay ko siya sa bathtub at hinubaran."Hek, dho you whan tho mhake lhove weth mhe." Tanong pa niya, huli na para makasagot ng hilain niya ako pasampa sa bathtub kaya naman pareho na kaming nabasa ng tubig mula sa shower filter kaya napilitan na rin akong magtanggal ng damit at sinamahan na nga siyang maligo.Sabon dito, sabon doon, sa buong katawan."Mi esposa, umayos ka. Lasing na lasing ka."Pinigilan ko ang kamay niya ng maglikot iyon na humawak sa pagkalalaki ko. Lasing man siya ngayon, mapupungay man kun
"Tawagan mo na lang ako mamaya kapag uuwi ka na." Bilin ko sa kanya kinaumagahan nang maihatid ko siya sa bahay ng mama niya. Napapansin ko man na kahit ngumingiti siya ay wala akong nakikitang sa kanyang mga mata. Gusto ko man sana siya tanungin at usisain ay wala naman siyang ibang maisagot maliban sa gusto lang daw niya ako makasama. Simula kahapon matapos itawag sa akin ni Celine na namumutla siya ay hindi ko na siya nakitaan ng may ngiti talaga na umaabot sa kanyang mga mata. Ngunit sa kilos niya ay naging clingy niya at halos ayaw na yata niyang mahiwalay sa akin. Kung hindi lang siya pumunta dito sa bahay ng kanyang mama ay hindi rin sana ako papasok ngayon. Bagamat, nagpilit siya at sinabi na gusto lang niya masama at makabonding sandali ang mama niya na bihira na din niyang makasama dahil sa bahay lang siya at hindi na masyadong lumalabas. "Susunduin kita." "Sige, mag ingat ka." "Para sayo mi esposa. Mag iingat ako lagi. Kaya dapat ikaw din." Balik paalala ko sa kan
"The clothing department export thousand of garments and it delivered on time last week. And Mr. Gascon sent us 100% feedback for proper and timely delivery of the garments." Pagbabalita sa akin ng manager na humahawak sa clothing department.Nasa kalagitnaan kami ng meeting at nagpapasa na naman sila ng report sa akin sa mga nagawa at mga bagong balita para sa kani kanilang department na hinahawakan sa bawat sangay ng kumpanya ko.Sa ibang mga negosyo ko ay naging maayos ang takbo at kumikita iyon ng malaking halaga maliban sa clothing department na nakatanggap ng bomb threat nitong nakaraan araw lang kaya naman lagi akong abala at hindi na ako nakakauwi ng maaga sa bahay.Hindi na din ako nagkakaroon ng mahabang oras para kay Ellise. Sa tuwing uuwi na ako ay halos hatinggabi na dahil sa inaayos ang issue patungkol sa bomb threat na iyon na halos ikinabagsak ng 20% doon na naapektuhan na din ang ilan pang sangay nito. At iyon ang dahilan para mabawasan ang oras na nakakasama ko siya.