NATHAN Pov:
"Damn it." ibinato ko pa ang hawak kong baso ng alak na halos hindi ko pa nauubos ang laman na isinalin ni Dexter. "Relax, bud. Masyado kang hot." "Paano ako magrerelax? Sabihin mo nga? Gayong kalat na kalat na sa halos buong bansa na kasal na ako." nanggigigil kong sabi kay Dexter na parang balewala sa mga ito ang pag uumapaw ng galit ko. "Haha." si Rex na halos kadarating lang din na may akbay pang babae. "Hindi naman bago na ikaw lang lagi ang laman ng balita, bud." "Kaso nga lang, iba na ngayon." dagdag naman ni Patrick na nasa kaliwa ko na kasamang nakaupo sa harap ng counter table. Halos kompleto na kaming magbabarkada na nagtipon tipon dito sa GHB (Golden House Bar) na pagmamay ari ni Dexter. "Dahil iba na ang ibinabalita." Halos sabay sabay pa nila iyong sinabi na may pilyong mga ngiti sa mga labi na nakatingin sa akin. "Ayaw mo pa nun, makakatikim ka na ng lutong bahay." Si Dexter na muli akong binigyan ng baso at sinalinan ng alak. Agad ko iyong itinungga. Halos mabasag mismo sa mga palad ko ang baso sa higpit ng pagkakahawak ng ibaba ko iyon. "At least, hindi ipinakita ang mukha ng asawa mo? Saka, hindi ba maipagmamalaki ang ganda niya?" sabi pa ni Rex. Kunot ang noo kong napatingin dito? Saka bigla na lang lumabas sa paningin ko ang imahe ni Ellise. Beautiful, Indeed. Sinarili ko na lang ang mga iyon at hindi ko na binigkas pa. Kung sa panlabas na kaanyuan lang ay walang itulak kabigin kung ihahambing sa mga sikat at magagandang modelo kahit na simple lang siya manamit. At kanina lang na sinamahan ko siyang bumili ng maisusuot para sa pagharap namin kay Lolo ay hindi ko maitatanggi na mas gumanda pa siya ng naayusan. "Ang lamin ah." si Patrick na siniko pa ako ng magpakawala ako ng malalim na paghinga. Kunot pa rin ang noo kong binalingan ito. "Bud, para naman hindi ka namin kilala. Kung talagang ayaw mo ay hindi ka mapipilit ng iyong lolo." Tama sa sinabi si Dexter. Dahil kung talagang ayaw ko ay hinding hindi ako mapipilit ng lolo sa gusto nito. Ngunit ng marinig ko ang sinabi ni lolo na kung hindi ko tatanggapin ang babaeng gusto nito para pakasalan ko ay kay Lancer nito iaalok si Ellise. "Damn it!" muli akong napamura. "Ayaw ko lang mawala ang mga pinaghirapan kong mga negosyo." sagot ko pa dahil iyon naman ang katotohanan. Ngunit ano bang naisip ko at pumayag ako gayong pwede naman akong humanap ng ibang papakasalan. Kasal lang naman ang kailangan ni lolo ngunit bakit? "Iba ang tulak ng bibig, Bud." "Haha, napaghahalata ka yata na may gusto ka mismo sa babaeng pinili ng lolo mo para sayo." Pangbubuska pa nila sa akin. "Shut up!" "Oops. Galit ka dahil totoo. Kaya pwede ba hayaan mo na lang. Bakit hindi mo subukan? At kung talagang hindi mo siya magugustuhan, tsk. Madali na lang na mapawalang bisa ang kasal niyo." Suhesyon naman ni Rex. Nilingon ko ito ngunit sa paglingon ko dito ay nakikipaghalikan na ito sa babaeng kasama. Napailing ako. Madali na lang para sa kanilang sabihin iyon dahil sadyang dumadaan lang sa kanila ang mga babae at walang siniseryoso. Habang ako ay hindi naman nawawala ang mga babaeng nalilink sa akin ngunit wala isa man sa kanila ang pinangakuan ko. They are just nothing. At wala akong balak iwan ang pagkabinata ko para lamang sa isang babae. Hindi na ako nagsalita pa, ipinagpatuloy ang pag inum ko. "Hey! Saan ka pupunta?" tanong ni Dexter ng tumayo na ako matapos akong makainum ng halos sampung baso ng alak at handa ng umalis. "In hell." pabalang kong sagot saka tumalikod. Kantyawan lang ang ipinabaon nila sa akin. Hindi na din ako lumingon pa sa kanila habang naglalakad na palabas ng GHB. ..... Dahil sa naparami ang nainum ko ay nakaramdam na ako ng paglahilo. Nagpahatid na lang ako kanina sa driver ng GHB para makauwi. "Fuck!" Nayayamot na halos hindi ko maayos na matanggal ang pagkakatali ng necktie ko. Nang maalis iyon ay basta ko na lang inihagis sa kung saan. Dumeretso ako ng banyo at naligo. Mahihiga na sana ako ng mapatuyo ang buhok ko ay nahagip ng mata ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa sa gilid. Parang may kung anong nagtulak sa akin na pulutin iyon. Binuksan, saka nagscroll sa number list ko. Doon ko nakita ang numero ni Ellise. Wala naman akong mahalagang sasabihin pero tinawagan ko parin siya. Isa, dalawa, tatlong ring sa kabilang linya hanggang sa sagutin na niya ang tawag ko. "H-hello?" sa tono ng boses niya ay parang kagigising lang. Nagising siya sa pagtawag ko sa kanya o sadyang may hinihintay siyang tawag mula sa iba. "Gabing-gabi na ngunit gising ka parin?" kusa iyong lumabas sa bibig ko na hindi na nag iisip. Dahil na rin sa tama ng alak na nainum ko. "Hmmm." tugon niya sa sinabi ko. "Huh! Sir Nathan, ikaw pala. Bakit ka napatawag?" hindi na maitago ang gulat sa boses niya ng mapagtanto na ako ang kausap. "Gusto ko lang ipaalala sayo na susunduin ka bukas ng driver para sa paglipat mo." paalala ko na naman sa kanya. Dahil kanina ay ipinaalala ko sa kanya kung ano ang mga nakasulat sa nilagdaan niyang kontrata naming dalawa. "Sige, sir. Nakaimpake na din naman ako. Pero pwede bang daanan ko muna ang mama sa hospital bago ako pumunta dyan?" "Do what you want. Just reminding you." "Wala na ba kayong sasabihin, sir? I mean... uhm." Nailayo ko pa ang cellphone sa tainga ko na napatingin mimso sa screen ng cellphone ko na parang nakikita ko siya mismo doon. At nakikinita ko ang pagpigil niya mismo sa paghikab. "No more. Just go back to sleep." nasabi ko na lang saka ko agad pinutol ang linya. Hindi naman talaga ako nakikipag usap sa kanya, lalo na sa mga ganung kasimpleng bagay. Tatawag lang ako kapag may kailangan ako. O kung may ipapakuha ako. O di kaya naman ay papapuntahin ko siya mismo sa opisina kung may ipapagawa ako. "Damn it again." naiirata kong basta na lang itinapon ang cellphone ko sa gitna ng kama. Kung anu-ano kasi ang sinabi ng mga bwesit kong barkada kanina. Nagulo tuloy ang utak ko at hindi ko mapigilang isipin siya. ...... As usual, nagising parin ako ng maaga kahit late na akong nakatulog kagabi. Halos apat na oras lang akong nakatulog. Mag aalas sinco palang ng umaga. Babangon na sana ako ng may masagi ang paa ko sa ilalim ng kumot. Tinignan ko iyon. Ang cellphone ko. At paanong nasa gitna ng kama ko ang cellphone na sa pagkakatanda ko ay inilapag ko iyon sa bedside table. Kinuha ko iyon kahit na maraming katanungan ang nabuo sa utak ko. Saka ko iyon binuksan at tinignan kung ano ba ang meron o sino ba ang tinawagan ko. "Fuck!" napamura na lang ako ng makita kung sino ang nasa huling dialed list ko. Tinawagan ko si Ellise ng hating gabi? Pero teka! Ano ba ang mga sinabi ko sa kanya? Wala akong matandaan dahil na rin sa nilamun ako ng espirito ng alak kagabi. "Ugh! Damn it." Dahil sa wala akong maalala kung ano ang napag usapan namin ni Ellise kagabi ay nagpasya na akong ilapag iyon sa ibabaw ng lamesa. Ngunit bago ko pa man iyon mailapag ay tumunog iyon. May nagpadala ng mensahe sa akin. Agad ko naman iyong tinignan. At galing iyon kay Ellise. Kunot na naman ang noo ko na binasa iyon. [ELLISE: Good Morning sir.... Sa hospital niyo na lang pala papuntahin ang driver mamaya.] Sa mensahe ni Ellise ay doon ko na naalala ang mga napag usapan namin. "And at least I didn't say anything that wasn't me." Nagpatuloy na ako sa pagbaba ng kama at gawin ang nakagawian sa umaga. Magtutungo sa Gym room ko at magpapawis ng kalahating oras. Magkakape bago maghahanda para sa pagpasok ng kumpanya. Naghihintay na din sa ground floor ang personal driver ko na minsan ko na kadalasan ay hindi na din ito nagmamaneho dahil madalas kong kasama si Ellise at siya mismo ang nag insist na ipagmaneho ako. Kaya si Ellise na lang madalas ang inuutusan kong magmaneho. "Good morning, young master." "Morning." tipid kong tugon. "Sunduin mo ngayon si Ellise, Mang Santi. Sa hospital ka na dumeretso ayon sa sinabi niya." "Sige, young master. Ihahatid po ba kita muna bago ko sundunin ang young lady?" "Young Lady?" pang uulit ko na napatingin dito. "Iyon ang sinabi ng Old Master na itawag namin kay Ms. Santillan. Hindi niyo po ba gusto?" "Then, why do you refer to her as Ms. Santillan, knowing that she is my wife? Shouldn't she be using my last name?" "Pasensya na, young master." "Just call her what the old man said." sabi ko na lamang sabay kumpas ng kamay ko na umalis na ito. Nakasunod ang mata ko sa papalayong sasakyan na susundo kay Ellise hanggang sa mawala na iyon sa paningin ko. "Huh! young lady?" at napailing pa ako ng lumabas sa bibig ko ang katagang iyon na itinawag sa kanya.ELLISE Pov:"Maraming salamat, doc."Nakangiti pa akong tumingin kay Doc. Francisco na nagpasalamat dito nang nakasalubong ko sa hallway ng ospital."It is my duty to perform, Ms. Santillan. Saving lives is one of my duties." wala man ito nakangiti ay ramdam ko sa tinig nito ang kagaan doon. "By the way, what is that for?" tanong nito na napasulyap sa maletang hila-hila ko."Ipapasundo ako ni Sir Nathan ngayon para lumipat.""Lilipat? Sir Nathan? Haha, and you still address him like that? Shouldn’t you call him husband instead?” Sabi pa nito na may kasamang pagtaas ng isa nitong kilay.“Pasensya na, Doc. Francisco. Salamat ulit.” Pagbabalik ko na lang sa una naming usapan kanina dahil hindi ko naman basta masabi dito ang tungkol sa kasunduan namin ni Sir Nathan.At hindi naman kami malapit sa isa’t isa para talakayin ang bagay na iyon.But some of my feelings are that he is easy to befriend because of his voice and bright look.“Hmm.” Huminga pa ito ng malalim na tila nakuha naman nit
ELLISE Pov: Nanlaki ang mga mata ko. Ilang sigundo? Halos isang minuto yata na magkadikit ang labi namin. Hanggang siya na mismo ang kumilos para lumayo. Napayuko ako, hindi ako makatingin sa kanya. "Kumain ka ng marami ng magkalakas ka. Para seatbelt lang hindi mo pa mahila." Salitang nakapagpabago ng namuong tensyon dahil sa aksidente ng pagkakadikit ng mga labi namin. Muli siyang lumapit. Hindi na ako gumalaw sa kinauupuan ko o ang iangat ang mukha ko baka masagi ko na naman ang mukha niya. CLICK! Tunog ng pagkakakabit ng seatbelt sa upuan. Wala ng sinuman sa amin ang nagsalita pa. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Mahigpit pa akong nakahawak mismo sa seatbelt na diretso lang ang tingin ko sa harap ng dinadaanan namin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko siya na parang sumusulyap pa sa akin o masyado lang akong naapektuhan sa pagkakadikit ng mga labi namin. Ahhh! Gusto ko iyong iwaksi sa isipan ko. Ngunit paano ko iyon kakalimu
ELLISE Pov:“Ugh!” napadaing ako ng bigla na lang niya ako isandal sa pinto ng kanyang kotse.Seryoso ang naging tingin niya sa akin na tila ba may nakita na naman siyang mali na nagawa ko.“Bakit po, sir?” tanong ko na hindi masalubong ang mga mata niya.Kunot ang noo at salubong na naman ang mga kilay niya kaya sino ang gugustuhing salubungin ang mga matang iyon.“Ayusin mo ang sarili mo, hindi iyong nagpapakyut ka sa harapan ng ibang tao.” may galit na paninita sa tono na sabi niya sa akin.Sa narinig ko ay ako naman ang nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi niya. At kailan pa ako nagpakyut sa harapan ng iba? At kanino naman? At kung sa kanya niya iyon ipinapatukoy ay bakit naman ako mag papakyut sa harapan niya.Mas gugustuhin ko pang mag pakyut na lang sa harap ng iba kaysa sa harapan niya.Never, wala akong balak subukan.“Hindi naman, sir.”“Hindi nga ba? Kaya ba ang lagkit ng tingin sayo ng matandang iyon?”Ngayon alam ko na. Ang tinutukoy niya ay ang matandang iyon.Malay ko
ELLISE Pov:Nanlaki ang mga mata ko na napatitig sa kanya ng bigla na lang niya akong halikan sa labi at sa harap pa talaga ng ibang tao.Ano ang naiisip niya at bakit niya ako hinalikan."Sir....""Sir?" Pang uulit pa niya na may malalim na mga matang nakatingin sa akin at bahagya pang tinaasan ako ng kilay."N-nathan. B-bakit h-hina..." hindi ko maituloy ang nais kong sabihin sa kanya. Nahawakan ko pa talaga ang mga labi ko.Ewan ko ba kung namamalikmata lamang ako pero nakita ko na tila may mapaglarong ngiti sa mga labi niya."Ang sabi mo ay pupuntahan mo ang mama mo pero bakit dito kita naabutan. Kung hindi pa sinabi sa akin ng nurse na naabutan ko sa ward ng mama mo ay hindi ko pa malalaman." Malalim din ang tono ng boses niya na pabulong na sabi niya sa akin na tila ba may pagbabanta na naman."Sinasabi ko sayo... huwag mong sagarin ang pasensya ko. Nagkakaintindihan ba tayo."Kusang kumilos ang ulo ko at tumango ako. Wala na akong masasabi dahil sa mga tingin nito ay nandoon n
ELLISE Pov:Nagsuot ako ng t-shirt pambahay at walking short. Papatungan ko na lang ng sweatshirt mamaya paglabas ko ng bahay.Hindi ako mapakali simula nang umalis ako sa ospital dahil sa mga nalaman ko.Oo, nakaramdam ako ng panlulumo dahil ang matandang tinulungan ko ay ang lolo mismo ni Sir Nathan.Ngunit matapos humingi ng tawad si lolo kanina at mag paliwanag kung bakit niya iyon ginawa ay agad ko namang napatawad.Siguro nga ay masyado lang akong mabait kaya madaling lumambot ang puso ko at madaling mag patawad.At nang makauwi ako ay naabutan ko na nandito na sa bahay si Sir Nathan. Hindi ko na lang siya inimik dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko lalo na at blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya. Ni hindi nga din niya ako nilingon ng dumating ako kaya kahit kabastusan man iyon dahil boss ko siya ay mas pinili ko ang manahimik na lang.Hindi ko na siya naabutan sa sala ng makalabas ako sa kwarto at makababa sa unang palapag.Malamang nasa kwarto na niya ito. H
ELLISE Pov: Natapos ko ng ayusin ang kama ko, lumabas na ng kwarto. Hindi na din ako nagpalit ng damit na pinantulog ko. Maluwang at manipis na t-shirt na halos umabot sa kalahati ng hita ko ang haba kaya para na din daster ang dating. Maliban na nga lang sa butas ang magkabilang gilid at may maliliit na din na butas ang tela. Tinamad na kasi akong tahiin ang magkabilang gilid na natanggal ang pagkakatahi. Basta itinali ko na lang sa laylayan para hindi liparin. Saka nasa loob lang naman ako ng bahay kaya walang pupuna sa suot ko na lumang luma na. Maaga pa kaya siguradong tulog pa siya. Hindi niya makikita ang ganito kong ayos. Ang mahaba at kulot kong buhok na basta ko na lang ipinusod pataas at hindi na nag abalang suklayin pa. Hindi naman mahahalata na hindi ako nag suklay dahil kulot naman ang buhok ko. Nagtuloy ako sa kusina. Hindi na din ako magpapaalam sa kanya mamaya dahil iyon naman ang sinabi niya na hindi ko dapat siya istorbuhin kung nandito kami sa bahay. Mag
ELLISE Pov: "Kyaaak, l-let m-me g-go." Halos walang boses ang lumabas sa bibig ko ng bigla na lang niya akong mahigpit na hinawakan sa leeg. Marahas na isinandal sa pinto. "Hindi ko alam kung talagang sinasagad mo ang pasensya ko. Sinabi ko sayo na layuan mo ang Lancer na iyon, huh. At talagang nagpahatid ka pa sa kanya, anong pang aakit ang ginawa mo sa kanya." Galit na galit na sabi niya sa akin. Ang kamay niyang nasa leeg ko ay nanginginig pa at talagang pinanggigilan akong sakalin. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa higpit na ng pagkakasakal niya sa akin? Pero malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi niya. At saan naman niya nakuha ang ideyang inaakit ko ang pinsan niya? "B-bitawan m-mo a-ako. N-naki-k-ki u-usap a-ko." Ewan ko kung naintintidan pa niya iyon o hindi na. Dahil tinatakasan na ako ng lakas at paisa isa na lang ang aking paghinga. "I will wreck your neck into death, Ellise. Malinaw sayo ang pinirmihan mong kasulatan na hindi ka pwedeng makipagkita
NATHAN Pov: Malakas na dumapo ang kamao ko kay Lancer ng makaalis na si Ellise sa harapan namin. Ang lakas ng loob nitong pumasok sa bahay ko at talagang hindi pa nagdalawang isip na hawakan nito si Ellese sa harapan ko. Puno ng pag iingat ng alalayan nito nang makitang nakalugmok sa sahig si Ellise kanina at iyon ang mas nakapagpagalit sa akin. Sa kilos nito at pag aalala kay Ellise ay naramdaman ko na may kakaiba sa kilos nito? Hindi ako pwedeng magkamali pero iisa lang ang nakita ko sa ipinakita ni Lancer na pag aalala sa asawa ko. Pagkagusto. Gusto ni Lancer ang asawa ko. "Binabalaan kita, Lancer. Huwag mong hintayin na maubos ang pasensya ko sa pangingialam mo." Naipilig nito ang ulo at pinunasan ang gilid ng labi nito kung saan dumapo ang kamao ko. "Alam mong hindi ako natatakot sayo. Hindi ako lumalaban dahil mas paborito ka nga ni lolo. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako magdadalawang isip na labanan ka dahil hindi na makatarungan ang ginawa mo kay Ellise." "
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Geline ng hapong iyon dahil siya na ang una kung naisip na nakakaalam kung nasaan si Ellise.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito dahil nababalot ako ng iba't ibang emosyon.Isa na ang galit, dahil hindi ko na siya naabutan sa bahay pagkagaling ko sa bahay ng lolo kaninang umaga. At apat na oras lang akong nawala. Pero wala na siya pagbalik ko. Tanging si Celine na lang ang naiwan at nagsabi sa akin na umalis siya na may dala dalang maleta. Hindi pa nga ako naniwala at tinungo ko ang silid namin pero wala nga siya. Wala na din ang ilang damit niya sa closet.Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa bahay ng mama niya, pero wala na din akong naabutan doon dahil tanging ang kasama na lang din sa bahay ang naiwan at nag iimpake na din ng gamit paalis.Kaya naman, ngayon si Geline ang sumunod na pinuntahan ko at nandito na ako mismo sa bahay nila dahil wala ito sa shop niya na una kong pinuntahan."Ilabas mo si
Tunog ng phone ko ang nakapagpagising sa akin.Ngunit bago ko iyon sinagot ay binalingan ko muna si Ellise na mahimbing sa pagkakatulog habang nakaunan siya sa braso ko.Padamping hinalikan ko muna siya sa noo saka ko maingat na inalis siya sa pagkakaunan sa akin at sinagot ang tawag."Yes, Hello?"Hindi ko na tinignan kung sino man ang tumawag na iyon."I need you here, right now. At gusto kong sabihin sayo ang ilan pang bagay tungkol sa asawa mo. Na dapat ay noon ko pa sinabi sayo.""Gaano ba kahalaga iyan lolo? Hindi ba pwedeng mamaya na lang o bukas? Masyado pang maaga." Sagot ko kay lolo dahil tinatamad pa akong lumabas ng bahay.Muli kong sinulyapan si Ellise bago binalingan ng tingin ang alarm clock sa gilid."Mag aalas sais pa lang ng umaga lolo.""Pumunta ka na lang dito. Kailan ka pa naging tamad pagdating sa mga bagay na makakatulong sayo." May galit na pagmamando na naman ni lolo sa akin. "Saka sabado ngayon, at alam kong wala kang mahalagang gagawin ngayon dahil naayos mo
"Me esphosho. Hek."Bulong niya sa tainga ko ng ibaon niya ang mukha doon habang karga ko siya papasok.Umakyat sa kwarto namin, dumiretso sa banyo para mapaliguan siya ng mahimasmasan kahit papanu sa kalasingan niya."Ano bang problema mo at bakit ka uminom?" Kunot ang noo ko na tanong kahit alam ko na wala na akong aasahan na matinong sagot mula sa kanya.At tulady ng inaasahan ko. Isang hagikgik lang na para bang nakikiliti lang ang naging sagot niya sa akin. Napapailing na nilagay ko siya sa bathtub at hinubaran."Hek, dho you whan tho mhake lhove weth mhe." Tanong pa niya, huli na para makasagot ng hilain niya ako pasampa sa bathtub kaya naman pareho na kaming nabasa ng tubig mula sa shower filter kaya napilitan na rin akong magtanggal ng damit at sinamahan na nga siyang maligo.Sabon dito, sabon doon, sa buong katawan."Mi esposa, umayos ka. Lasing na lasing ka."Pinigilan ko ang kamay niya ng maglikot iyon na humawak sa pagkalalaki ko. Lasing man siya ngayon, mapupungay man kun
"Tawagan mo na lang ako mamaya kapag uuwi ka na." Bilin ko sa kanya kinaumagahan nang maihatid ko siya sa bahay ng mama niya. Napapansin ko man na kahit ngumingiti siya ay wala akong nakikitang sa kanyang mga mata. Gusto ko man sana siya tanungin at usisain ay wala naman siyang ibang maisagot maliban sa gusto lang daw niya ako makasama. Simula kahapon matapos itawag sa akin ni Celine na namumutla siya ay hindi ko na siya nakitaan ng may ngiti talaga na umaabot sa kanyang mga mata. Ngunit sa kilos niya ay naging clingy niya at halos ayaw na yata niyang mahiwalay sa akin. Kung hindi lang siya pumunta dito sa bahay ng kanyang mama ay hindi rin sana ako papasok ngayon. Bagamat, nagpilit siya at sinabi na gusto lang niya masama at makabonding sandali ang mama niya na bihira na din niyang makasama dahil sa bahay lang siya at hindi na masyadong lumalabas. "Susunduin kita." "Sige, mag ingat ka." "Para sayo mi esposa. Mag iingat ako lagi. Kaya dapat ikaw din." Balik paalala ko sa kan
"The clothing department export thousand of garments and it delivered on time last week. And Mr. Gascon sent us 100% feedback for proper and timely delivery of the garments." Pagbabalita sa akin ng manager na humahawak sa clothing department.Nasa kalagitnaan kami ng meeting at nagpapasa na naman sila ng report sa akin sa mga nagawa at mga bagong balita para sa kani kanilang department na hinahawakan sa bawat sangay ng kumpanya ko.Sa ibang mga negosyo ko ay naging maayos ang takbo at kumikita iyon ng malaking halaga maliban sa clothing department na nakatanggap ng bomb threat nitong nakaraan araw lang kaya naman lagi akong abala at hindi na ako nakakauwi ng maaga sa bahay.Hindi na din ako nagkakaroon ng mahabang oras para kay Ellise. Sa tuwing uuwi na ako ay halos hatinggabi na dahil sa inaayos ang issue patungkol sa bomb threat na iyon na halos ikinabagsak ng 20% doon na naapektuhan na din ang ilan pang sangay nito. At iyon ang dahilan para mabawasan ang oras na nakakasama ko siya.
"Like what I said gold digger. Nasa akin ang patunay na naisalin na ng papa iyon. At iyon ang gusto kong ipakita sa iyo. Then as you wish. I will send it to you later.""H-hindi ako naniniwala.""It's up to you. At alam mo ba kung ano ang dahilan ng anak ko kung bakit hindi niya iyon sinasabi iyon? Well, ito. Pakinggan mo ng malaman mo."Ilang sandali pa ay may kung anong narinig ako na parang nag click sa kabilang linya."Ginagawa ko ito para sa mamanahin ko and at the same time, sinusulit ko na ang kasama siya para man lang may pakinabang pa siya sa akin. I won't betray you. I can't do that. She is just a toy. Pagsasawaan habang may halaga pa siya. At kapag wala na. Pwede ko ng itapon."Pero mas malala pa pala iyon kaysa ang malaman ko na napasakamay na niya ang mamanahin niya. Mas masakit pala sa pandinig ang mga sinabi niya.A voice recorder. At boses iyon ni Nathan.Parang nawalan ako ng lakas ng katawan dahil doon. Nanginig ang kamay ko na nakahawak sa phone ko n
"Mauuna na ako, huwag kang mag pagutom. Medyo mala-late ako ng uwi ngayon dahil may mahalagang dinner meeting ako mamaya." Paalam niya sa akin habang nasa sala kami."Sige, mag ingat ka.""Pag uwi ko, kailangan nating mag usap, may mahalagang bagay lang akong gustong sabihin sayo." Seryoso pa niyang sabi sa akin.Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang ang palad ay marahang humaplos sa pisngi ko."May problema ba? Lagi kang seryuso nitong mga huling araw.""Wala naman mi esposa, marami lang talaga akong mahalagang inaasikaso sa mga negosyo at sa bawat kumpanya na natin.""Okay, hindi na ako magtatanong, basta kapag may time ka, magpahinga ka naman, lagi ka na lang napupuyat dahil sa mga negosyo mo. Halos hindi ka na natutulog.""Salamat mi esposa, kung hindi mo ang pag uwi ko mamayang gabi, matulog ka na lang ng maaga, bukas ko na lang sasabihin ang gusto kong sabihin. Mauuna na ako."Magaan ang palad na patuloy lang siya sa paghaplos ng pisngi ko. Yumuko siya, dinampia
"You will pay for what you've done, mi esposa," I said, urgency lacing my voice as I swiftly shifted our positions, taking control.Pressing my lips against hers, I delivered a fervent kiss."Ughh..." Her immediate response was a delicious sound escaping her lips as I captured her tongue, gently sucking it.The body that had once writhed beneath me was now responding eagerly to my every touch, and with newfound confidence, my hands explored her curves."Mi esposa," I whispered, my lips tracing a path toward her ear, where I began to lick and suck gently.A tremor rippled through her body, reflecting the shivers her earlier caresses had stirred within me.I was determined to evoke the same exquisite sensations in her. My lips followed along her jawline, leaving tiny bites in their wake as I savored every inch of her skin.I then moved to her neck, drawing soft gasps from her."Uuhmmm..." I continued my journey, planting lingering kisses along her shoulder, marking her as my own."Mmmmm
"Mi esposa." Napasinghap ako nang itulak niya ako sa kama matapos ang mabilis na shower nang makabalik kami sa bahay."Hayaan mong ako ang gumawa ng hakbang sa pagkakataong ito." Bulong niya sa tainga ko habang sinimulan niyang dilaan ang aking tainga, na nagdulot ng kiliti sa akin.Inayos niya ang kanyang posisyon sa ibabaw ko. Naka-itim lang akong panloob, habang siya ay nakatapis ng tuwalya na nagtatakip sa kanyang katawan.Nangangarap na sana akong haplusin siya ngunit pinigilan niya ako.“What?” tanong ko.Ngunit wala siyang sinabing kahit ano; sa halip, tahimik niyang binuksan ang drawer ng bedside table at may kinuha mula dito.“Anong gagawin mo diyan?” tanong ko, medyo naguguluhan.Nagtaka ako kung bakit may nakatagong necktie sa drawer, samantalang may wastong lagayan naman ito sa closet. Pero tila nahulaan ko na kung ano ang susunod niyang hakbang, at huli na ng matanto kong kinuha niya ang dalawa kong kamay at itinali ako.“Ellise!” bulalas ko, nanlalaki ang mga mata sa gul