ELLISE Pov:
Nauna na itong lumabas ng ward ni mama. Maayos naman akong nagpapaalam kay mama bago sinundan si Sir Nathan. “Hindi na yata nagiging maganda ang ugali mo?” Pagsita niya sa akin na nabunggo pa ako mismo sa likod niya nang bigla na lang siyang tumigil saka lumingon. Sa gulat ko sa pagkakabunggo sa likod niya ay hindi ko nabalanse ang katawan ko. Napapikit ako ng mariin at hinintay ko na lang ang pagbagsak ko dahil hindi ko na mabalanse ang katawan ko. Ngunit… May malaking kamay ang humatak sa akin at pumulupot iyon sa baywang ko. Naimulat ko ang aking nga mata. Napatitig ako kay Sir Nathan na siyang humila sa akin na ngayon ay halos wala ng pagitan ang katawan namin sa pagkakadikit. “Sir Nathan.” Itinaas ang kamay ko, itinulak siya sa dibdib para malayo sa akin at bitawan ako. Agad ko naman inayos ang pagtayo ko ng bitawan na nga niya ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya ng muli kong napansin na napatingin siya kung saan dumapo ang kamay niya kanina. “Sir Nathan.” Hindi ko mapigilan ang pagsita sa kanya. Kumurap naman siya saka umayos din ng tayo. “What?” Kunot na naman ang noo niyang tanong. “Lumalakas yata ang loob mong pagtaasan ako ng boses. Baka nakakalimutan mo kung saan ka lulugar.” Natahimik na naman ako. Ipinamukha na naman niya sa akin na sa aming dalawa ay wala akong karapatang magsalita. “A-anong kailangan mo sir Nathan?” Nakaramdam man ako ng inis ay nagtanong parin ako sa kanya. “Nakalimutan mo na yata ang kasunduan natin.” “Bakit ko naman kakalimutan kung iyon ang nakatulong sa pagpapa opera ko sa mama ko.” “Good! Then, sumama ka sa akin. Bibili tayo ng damit na susuotin mo para sa pagpirma ng certificate ng kasal natin.” “Huh!” “Saan sa mga sinabi ko ang nakakagulat. Akala ko ba ay malinaw sayo ang nakasaad sa ating kasulatan?” Mas lumamig pa ang mga mata niyang nakatingin sa akin na halos mag isang linya na lang ang kanyang kilay. “Darating ang lolo mamaya. Siya ang sasaksi sa pagpirma natin sa kasal. At gusto kong makita kung nagsasabi ka ng totoo na hindi mo nga kilala ang lolo ko.” “Sinabi ko naman sayo na hindi ko…” “I don’t care. Kaya huwag ka na lang basta tumayo diyan. Sakay na at magmaneho ka papuntang mall.” Tumalikod na siya hindi pa man ako nakakasagot. Naiinis na hindi ko mapigilan ang pag padyak ng paa ko habang nakasunod ang tingin ko sa likod niya. “Nagmamaktol ka?” Narinig ko pang sabi niya ngunit hindi naman lumingon. “H-hindi sir Nathan. Sasakay na nga ako.” Nagmamadali akong umikot sa sasakyan at sumakay. Hindi na ako nangahas na magsalita pa ka kahit na nabibingi na ako sa katahimikan sa loob ng sasakyan. ….. “Bigyan niyo sa ng damit na babagay sa kanya.” Utos niya sa sales lady ng pumasok kami sa isang clothing shop. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa bago tumingin sa akin. “Wala ka bang ibang maayos na damit maliban sa halos pare pareho lang na sinusuot mo?” Tanong pa niya na para bang minamaliit ang kasuotan ko. “Sir Nathan, hindi kasali sa kasulatan na pinirmahan ko na pwede mong maliitin kung ano man ang isusuot ko.” Naiinis na naman na pagsagot ko sa kanya. At anong masama sa suot ko ngayon? Nakajeans ako hanggang tuhod ang haba at maluwag na t-shirt ang suot ko ngayon. Malinis naman tignan at komportable ako sa suot ko. Muli na naman niyang pinasadahan ng tingin ang damit ko. “Whatever. At ikaw.” Binalingan niya ang sales lady. “Ano pang itinatayo mo diyan. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” Pagsita na niya sa sales lady na agad naman tumalima na lumapit sa akin saka ako hinawakan. “Miss. Halika.” “Sandali.. hindi pa ako pumapayag.” Pagrereklamo ko ngunit tila wala itong narinig na basta na lang akong hinila sa helera ng mga magagandang dress. Kinuha nito ang mga damit na nakasadesplay saka niya ako muling hinila sa changing room at binigay lahat sa akin ang sampung damit o higit pa sa dami. Ayaw ko man sana ay wala na akong mga pagpipilian. Isinuot ko ang unang damit saka ako lumabas na sa paglabas ko ay nasa mismong tapat ng changing room si Sir Nathan na nakaupo paraharap sa akin. Kunot ang noo pa rin siya. Umiling. Hindi nagustuhan ang una kong isinuot. Bumalik ako sa loob. Nagpalit saka lumabas ulit. Umiling na naman siya. At halos mai suot ko na lahat ay wala pa rin siyang nagugustuhan sa mga damit na naisuot ko na. Dalawa na lang ang natitira. Pure black at pure white ang kulay. Dahil umakyat na naman sa ulo ko ang pagkainis ko kay sir Nathan ay pinili kong isinuot ang itim. Na parang pupunta lamang ako sa pakikiramay. Lumabas ako. Taas pa ang noo kong tumingin sa kanya saka pa ako umikot sa harapan niya. “Maganda ba?” Pang iinis ko pa ng makita ko na mas nagkasalubong ang kilay niya ng makita ang suot ko. “Damn it, Ellise. Pinagloloko mo ba ako?” Galit na sigaw niya na padabog pang binitawan ang magazine na hawak. “Palitan mo din yan ngayon din.” Napasimangot ako na muling bumalik sa loob. Isa na lang ang natitira. Kaya kung hindi pa man niya magugustuhan ay ewan ko na lang kung ano ba ang hinahanap ng panlasa niya. “Miss.. pwede mo ba akong tulungan na itali ang ribbon?” Pagtawag ko ng pansin sa sales lady para itali ang ayusin at itali ang ribbon sa likod ng damit. Ngunit hindi sumagot ang sales lady. Kaya muli ko siyang tinawag at mas nilakasan ko ang boses para marinig ako nito. Narinig ko naman na may lumapit. Hindi na ako lumingon sa pag aakalang ang sales lady iyon. “Paki ayos naman, please.” sabi ko. Ngunit bigla akong napapiksi ng madikit sa balat ko ang tila mainit na kamay. Doon na ako napalingon. “Sir Nathan.” Sa kabiglaan ko ay napaatras na naman ako at nawalan na naman ng balanse. Ngunit mabilis naman niya akong nahawakan at nasalo bago pa man ako matumba. “Palagi ka na yatang natutumba? Hindi yata’t sinasadya mo para saluhin kita.” “You…” mabilis ko siyang itinulak. “Bakit ka nandito? Hindi ikaw ang tinatawag ko.” Dahil sa pagkabigla ko ay nakalimutan ko na siyang tawaging sir. “May ibang customer ang sales lady na umaasikaso sayo. Narinig kita na kailangan mo ng tulong kaya lumapit ako. Bakit? Hindi ba pwede? Saka wala ka ding maitatago sa akin kapag kasal na tayo.” “Sir Nathan.” Napalakas ang pagtawag ko sa pangalan niya. Nakaramdam ako ng pangangapal ng mukha ng makuha ko ang ibig niyang sabihin. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pag hawak niya sa dibdib ko kanina tapos ngayon… Ahhh! “Haha.” Mahina ngunit parang napakalakas iyon sa pandinig ko. Bago pa man ako ulit makapagreklamo at sumagot sa kanya ay hinawakan niya ako sa balikat saka pinatalikod. Hinawakan ang ribbom at hinila para humigpit iyon. “Ugh!” Dahil sa higpit ay kumawala ang tila daing sa bibig ko. “Hmm.” Napapitlag ako ng maramdaman ko ang paglapit ng bibig niya sa tainga ko. “Nice sound.” Ani niya bago tumalikod at iniwan ako sa loob. “Let’s go. Ayos na ang damit na suot mo.” Narinig ko na lang na sabi niya sa labas ng changing room habang ako ay parang nanigas sa kinatatayuan ko dahil parang nasa tainga ko parin ang labi niya. Napalunok ako. Napakurap. “Ellise!” Na halos mapatalon sa gulat ng marinig ko ang malakas na pagtawag niya sa akin pangalan. ….. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Mabigat ang hakbang ko. Na nanginginig habang palapit kami sa opisina niya. Naghihintay na daw doon ang lolo niya. Kasama na din ang abogadong may dala ng sertipikasyon na lalagdaan namin sa kasal. “What are you still standing there?” Napapiksi na naman ako sa gulat ng marinig ko ang tila naiirita na pagsita ni sir Nathan. Mabilis akong kumilos. Sa pagkataranta ko ay bumangga na naman ako sa kanya. “Tsk.” Lumihis ako ng daan saka ako pumasok. Napatingin ako sa dalawang lalaki na naghihintay na nga sa amin sa loob. “Lolo.” Seryoso at malamig pa sa yelo ang naging tono ni Sir Nathan na nakatingin na ngayon sa matanda na nakatingin naman sa kanya. Lumapit ang matanda. Nakatitig ako dito at kinikilala. Ngunit wala talaga akong matandaan kung saan ko ba ito nakita. “Kay gandang dalaga.” Narinig kong saad ng matanda na tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo, hija. Napakaganda mo. Para kang isang diwata.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Magpapasalamat ba ako sa papuri nito? Pero hindi! Dahil gusto kong malaman din kung bakit ako napili nito na ipakasal sa apo nito. “Mr. Francisco. Paano niyo po ako nakilala?” Katanungan na lumabas sa bibig ko. “Dahil wala akong maalala o hindi ko maalala na kilala po kita.” “Ah! Nathan.” Pagbaling nito kay sir Nathan na tila iniwasan ang naging tanong ko. Gusto ko pa sanang magtanong at pilitin ito na sagutin ang tanong ko ay hindi ko na nagawa ng nilapitan na nito si sor Nathan. “Alam kong hindi ako nabigo sa pagpapasya ko, apo.” “Tsk! At alam niyo ng hindi ako makakatanggi.” Naramdaman ko ang galit sa tono ni sir Nathan sa pagsagot sa lolo niya. “At alam ko naman na magiging tama ang desisyon mo, apo.” “Lolo, alam mong…” “Atty:, Gascon… sinulan na ang pagpirma ng kanilang sertipikasyon para legal na silang mag asawa.” Pagbaling ng matanda at hindi na pinatapos si sir Nathan sa sinasabi. “Hindi na ako makapaghintay sa magarbong kasalan. Ako na ang bahala doon, apo. Ang gawin mo na lang ngayon ay ang alagaan lang ang asawa ko.” “Pero…” gusto ko pang pumagitna sa usapan nguniti tinapunan lang ako ni sir Nathan ng tingin na nagbabanta ng wala akong karapatan na makialam. Natahimik ako. Nakasunod na lang ang tingin ko sa matanda na lumapit kay kay Atty. Gascon na inilalabas sa itim na suitcase ang isang papeles. “Halika. Halika, hija.” Pagtawag pa sa akin ng matanda. Humakbang naman ako palapit. “Maupo ka.” Naupo ako sa tabi nito na ibinigay ang ballpen at ipinahawak sa akin. Tinapik ang isang piraso ng papel na nasa ibabaw ng lamesa. Nakasulat doon. Certificate of Marriage Tumingin pa ako kay sir Nathan. Tumango lang ito at hindi nagsalita. Sa pagtango niya ay nagpapahiwatig na pirmahan na ang nasabing sertipikasyon sa harap ko. Nanginginig man ang mga kamay ko. Kinuha ang ballpen sa matanda at muli, papikit mata na naman akong pumirma. Matapos kong pumirma ay lumapit na din ai sir Nathan at walang pagdadalawang isip na basta na lang lumagda. Padabog na binitawan ang ballpen saka muling hinarap ang lolo niya. “Masaya ka na ba, lolo?” Sarkistong tanong ni sir Nathan. “Masayang masaya ako para sayo, apo.” Naging tugon ng matanda. Habang ako ay tahimik na nakamasid na lang sa kanila.ELLISE Pov: "Congratiolation mga apo." Nakangiti pang bumaling sa akin ang lolo ni Sir Nathan na masuyong humawak pa sa mga palad ko. "Ito ang numero ko. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." sabi pa nito sabay abot sa akin ng calling card. "At ikaw Nathan, huwag na huwag ko lang malalaman na papaiyakin mo si Ellise." sabi ng lolo niya ng bumaling ito sa kanya. Hindi parin nawawala ang kunot noo at pagkakasalubong na mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin. "May magagawa pa ba ako, lolo?" patanong na tugon niya kaysa sang ayunan ng maayos ang sinabi ng lolo niya. Binawi ko ang tingin ko mula sa kanya dahil para na niya akong kinakatay ng buhay sa klase ng kislap na nakikita ko sa kanyang mga mata. Napalunok na naman ako. Parang gusto ko pang magtago sa likuran ng lolo niya para maiwasan ang mga pares ng mga matang iyon. "Heto naman ang regalo ko sayo." sabi ng lolo niya na may hinugot pa sa bulsa ng suit nito. "At para saan naman ang ticket na iyan lolo?
ELIISE Pov: Francisco? Muli akong napatingin dito. "Well, as far as I know... you marr..." "Doc. Francisco... pwede ka bang makausap pa tungkol sa kalagayan ng mama ko." agad akong nagsalita ng babanggitin nito ang tungkol sa naging kasal namin ng pinsan nito. Taas ang isa nitong kilay na tila pa naaliw ang kislap ng mga matang nakatingin sa akin. "Oh! sure, Ms. Santillan. Shall we..." sabay lahad-turo ng kamay nito sa pinto. Nakuha naman nito agad ang gusto kong ipahiwatig kaya nagmamadali akong lumabas. Narinig ko ang mga yabag nitong pasunod sa akin. "Anong maipaglilingkod ko, Ms. Santillan?" "Please, Doc..." "Lancer... Lancer will do." "Mr. Francisco." sabi ko na hindi pinansin ang sinabi nito. Saka hindi ko naman basta ito tatawagin sa pangalan lang. "Okay! Kahit na anong itawag mo. Then..." "Mr. Francisco, kung maari sana ay huwag niyong babanggitin ang tungkol sa kasal sa harapan ng mama ko. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya." Seryuso itong napatiti
NATHAN Pov: "Damn it." ibinato ko pa ang hawak kong baso ng alak na halos hindi ko pa nauubos ang laman na isinalin ni Dexter. "Relax, bud. Masyado kang hot." "Paano ako magrerelax? Sabihin mo nga? Gayong kalat na kalat na sa halos buong bansa na kasal na ako." nanggigigil kong sabi kay Dexter na parang balewala sa mga ito ang pag uumapaw ng galit ko. "Haha." si Rex na halos kadarating lang din na may akbay pang babae. "Hindi naman bago na ikaw lang lagi ang laman ng balita, bud." "Kaso nga lang, iba na ngayon." dagdag naman ni Patrick na nasa kaliwa ko na kasamang nakaupo sa harap ng counter table. Halos kompleto na kaming magbabarkada na nagtipon tipon dito sa GHB (Golden House Bar) na pagmamay ari ni Dexter. "Dahil iba na ang ibinabalita." Halos sabay sabay pa nila iyong sinabi na may pilyong mga ngiti sa mga labi na nakatingin sa akin. "Ayaw mo pa nun, makakatikim ka na ng lutong bahay." Si Dexter na muli akong binigyan ng baso at sinalinan ng alak. Agad ko iyon
ELLISE Pov:"Maraming salamat, doc."Nakangiti pa akong tumingin kay Doc. Francisco na nagpasalamat dito nang nakasalubong ko sa hallway ng ospital."It is my duty to perform, Ms. Santillan. Saving lives is one of my duties." wala man ito nakangiti ay ramdam ko sa tinig nito ang kagaan doon. "By the way, what is that for?" tanong nito na napasulyap sa maletang hila-hila ko."Ipapasundo ako ni Sir Nathan ngayon para lumipat.""Lilipat? Sir Nathan? Haha, and you still address him like that? Shouldn’t you call him husband instead?” Sabi pa nito na may kasamang pagtaas ng isa nitong kilay.“Pasensya na, Doc. Francisco. Salamat ulit.” Pagbabalik ko na lang sa una naming usapan kanina dahil hindi ko naman basta masabi dito ang tungkol sa kasunduan namin ni Sir Nathan.At hindi naman kami malapit sa isa’t isa para talakayin ang bagay na iyon.But some of my feelings are that he is easy to befriend because of his voice and bright look.“Hmm.” Huminga pa ito ng malalim na tila nakuha naman nit
ELLISE Pov: Nanlaki ang mga mata ko. Ilang sigundo? Halos isang minuto yata na magkadikit ang labi namin. Hanggang siya na mismo ang kumilos para lumayo. Napayuko ako, hindi ako makatingin sa kanya. "Kumain ka ng marami ng magkalakas ka. Para seatbelt lang hindi mo pa mahila." Salitang nakapagpabago ng namuong tensyon dahil sa aksidente ng pagkakadikit ng mga labi namin. Muli siyang lumapit. Hindi na ako gumalaw sa kinauupuan ko o ang iangat ang mukha ko baka masagi ko na naman ang mukha niya. CLICK! Tunog ng pagkakakabit ng seatbelt sa upuan. Wala ng sinuman sa amin ang nagsalita pa. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Mahigpit pa akong nakahawak mismo sa seatbelt na diretso lang ang tingin ko sa harap ng dinadaanan namin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko siya na parang sumusulyap pa sa akin o masyado lang akong naapektuhan sa pagkakadikit ng mga labi namin. Ahhh! Gusto ko iyong iwaksi sa isipan ko. Ngunit paano ko iyon kakalimu
ELLISE Pov:“Ugh!” napadaing ako ng bigla na lang niya ako isandal sa pinto ng kanyang kotse.Seryoso ang naging tingin niya sa akin na tila ba may nakita na naman siyang mali na nagawa ko.“Bakit po, sir?” tanong ko na hindi masalubong ang mga mata niya.Kunot ang noo at salubong na naman ang mga kilay niya kaya sino ang gugustuhing salubungin ang mga matang iyon.“Ayusin mo ang sarili mo, hindi iyong nagpapakyut ka sa harapan ng ibang tao.” may galit na paninita sa tono na sabi niya sa akin.Sa narinig ko ay ako naman ang nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi niya. At kailan pa ako nagpakyut sa harapan ng iba? At kanino naman? At kung sa kanya niya iyon ipinapatukoy ay bakit naman ako mag papakyut sa harapan niya.Mas gugustuhin ko pang mag pakyut na lang sa harap ng iba kaysa sa harapan niya.Never, wala akong balak subukan.“Hindi naman, sir.”“Hindi nga ba? Kaya ba ang lagkit ng tingin sayo ng matandang iyon?”Ngayon alam ko na. Ang tinutukoy niya ay ang matandang iyon.Malay ko
ELLISE Pov:Nanlaki ang mga mata ko na napatitig sa kanya ng bigla na lang niya akong halikan sa labi at sa harap pa talaga ng ibang tao.Ano ang naiisip niya at bakit niya ako hinalikan."Sir....""Sir?" Pang uulit pa niya na may malalim na mga matang nakatingin sa akin at bahagya pang tinaasan ako ng kilay."N-nathan. B-bakit h-hina..." hindi ko maituloy ang nais kong sabihin sa kanya. Nahawakan ko pa talaga ang mga labi ko.Ewan ko ba kung namamalikmata lamang ako pero nakita ko na tila may mapaglarong ngiti sa mga labi niya."Ang sabi mo ay pupuntahan mo ang mama mo pero bakit dito kita naabutan. Kung hindi pa sinabi sa akin ng nurse na naabutan ko sa ward ng mama mo ay hindi ko pa malalaman." Malalim din ang tono ng boses niya na pabulong na sabi niya sa akin na tila ba may pagbabanta na naman."Sinasabi ko sayo... huwag mong sagarin ang pasensya ko. Nagkakaintindihan ba tayo."Kusang kumilos ang ulo ko at tumango ako. Wala na akong masasabi dahil sa mga tingin nito ay nandoon n
ELLISE Pov:Nagsuot ako ng t-shirt pambahay at walking short. Papatungan ko na lang ng sweatshirt mamaya paglabas ko ng bahay.Hindi ako mapakali simula nang umalis ako sa ospital dahil sa mga nalaman ko.Oo, nakaramdam ako ng panlulumo dahil ang matandang tinulungan ko ay ang lolo mismo ni Sir Nathan.Ngunit matapos humingi ng tawad si lolo kanina at mag paliwanag kung bakit niya iyon ginawa ay agad ko namang napatawad.Siguro nga ay masyado lang akong mabait kaya madaling lumambot ang puso ko at madaling mag patawad.At nang makauwi ako ay naabutan ko na nandito na sa bahay si Sir Nathan. Hindi ko na lang siya inimik dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko lalo na at blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya. Ni hindi nga din niya ako nilingon ng dumating ako kaya kahit kabastusan man iyon dahil boss ko siya ay mas pinili ko ang manahimik na lang.Hindi ko na siya naabutan sa sala ng makalabas ako sa kwarto at makababa sa unang palapag.Malamang nasa kwarto na niya ito. H
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Geline ng hapong iyon dahil siya na ang una kung naisip na nakakaalam kung nasaan si Ellise.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito dahil nababalot ako ng iba't ibang emosyon.Isa na ang galit, dahil hindi ko na siya naabutan sa bahay pagkagaling ko sa bahay ng lolo kaninang umaga. At apat na oras lang akong nawala. Pero wala na siya pagbalik ko. Tanging si Celine na lang ang naiwan at nagsabi sa akin na umalis siya na may dala dalang maleta. Hindi pa nga ako naniwala at tinungo ko ang silid namin pero wala nga siya. Wala na din ang ilang damit niya sa closet.Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya sa bahay ng mama niya, pero wala na din akong naabutan doon dahil tanging ang kasama na lang din sa bahay ang naiwan at nag iimpake na din ng gamit paalis.Kaya naman, ngayon si Geline ang sumunod na pinuntahan ko at nandito na ako mismo sa bahay nila dahil wala ito sa shop niya na una kong pinuntahan."Ilabas mo si
Tunog ng phone ko ang nakapagpagising sa akin.Ngunit bago ko iyon sinagot ay binalingan ko muna si Ellise na mahimbing sa pagkakatulog habang nakaunan siya sa braso ko.Padamping hinalikan ko muna siya sa noo saka ko maingat na inalis siya sa pagkakaunan sa akin at sinagot ang tawag."Yes, Hello?"Hindi ko na tinignan kung sino man ang tumawag na iyon."I need you here, right now. At gusto kong sabihin sayo ang ilan pang bagay tungkol sa asawa mo. Na dapat ay noon ko pa sinabi sayo.""Gaano ba kahalaga iyan lolo? Hindi ba pwedeng mamaya na lang o bukas? Masyado pang maaga." Sagot ko kay lolo dahil tinatamad pa akong lumabas ng bahay.Muli kong sinulyapan si Ellise bago binalingan ng tingin ang alarm clock sa gilid."Mag aalas sais pa lang ng umaga lolo.""Pumunta ka na lang dito. Kailan ka pa naging tamad pagdating sa mga bagay na makakatulong sayo." May galit na pagmamando na naman ni lolo sa akin. "Saka sabado ngayon, at alam kong wala kang mahalagang gagawin ngayon dahil naayos mo
"Me esphosho. Hek."Bulong niya sa tainga ko ng ibaon niya ang mukha doon habang karga ko siya papasok.Umakyat sa kwarto namin, dumiretso sa banyo para mapaliguan siya ng mahimasmasan kahit papanu sa kalasingan niya."Ano bang problema mo at bakit ka uminom?" Kunot ang noo ko na tanong kahit alam ko na wala na akong aasahan na matinong sagot mula sa kanya.At tulady ng inaasahan ko. Isang hagikgik lang na para bang nakikiliti lang ang naging sagot niya sa akin. Napapailing na nilagay ko siya sa bathtub at hinubaran."Hek, dho you whan tho mhake lhove weth mhe." Tanong pa niya, huli na para makasagot ng hilain niya ako pasampa sa bathtub kaya naman pareho na kaming nabasa ng tubig mula sa shower filter kaya napilitan na rin akong magtanggal ng damit at sinamahan na nga siyang maligo.Sabon dito, sabon doon, sa buong katawan."Mi esposa, umayos ka. Lasing na lasing ka."Pinigilan ko ang kamay niya ng maglikot iyon na humawak sa pagkalalaki ko. Lasing man siya ngayon, mapupungay man kun
"Tawagan mo na lang ako mamaya kapag uuwi ka na." Bilin ko sa kanya kinaumagahan nang maihatid ko siya sa bahay ng mama niya. Napapansin ko man na kahit ngumingiti siya ay wala akong nakikitang sa kanyang mga mata. Gusto ko man sana siya tanungin at usisain ay wala naman siyang ibang maisagot maliban sa gusto lang daw niya ako makasama. Simula kahapon matapos itawag sa akin ni Celine na namumutla siya ay hindi ko na siya nakitaan ng may ngiti talaga na umaabot sa kanyang mga mata. Ngunit sa kilos niya ay naging clingy niya at halos ayaw na yata niyang mahiwalay sa akin. Kung hindi lang siya pumunta dito sa bahay ng kanyang mama ay hindi rin sana ako papasok ngayon. Bagamat, nagpilit siya at sinabi na gusto lang niya masama at makabonding sandali ang mama niya na bihira na din niyang makasama dahil sa bahay lang siya at hindi na masyadong lumalabas. "Susunduin kita." "Sige, mag ingat ka." "Para sayo mi esposa. Mag iingat ako lagi. Kaya dapat ikaw din." Balik paalala ko sa kan
"The clothing department export thousand of garments and it delivered on time last week. And Mr. Gascon sent us 100% feedback for proper and timely delivery of the garments." Pagbabalita sa akin ng manager na humahawak sa clothing department.Nasa kalagitnaan kami ng meeting at nagpapasa na naman sila ng report sa akin sa mga nagawa at mga bagong balita para sa kani kanilang department na hinahawakan sa bawat sangay ng kumpanya ko.Sa ibang mga negosyo ko ay naging maayos ang takbo at kumikita iyon ng malaking halaga maliban sa clothing department na nakatanggap ng bomb threat nitong nakaraan araw lang kaya naman lagi akong abala at hindi na ako nakakauwi ng maaga sa bahay.Hindi na din ako nagkakaroon ng mahabang oras para kay Ellise. Sa tuwing uuwi na ako ay halos hatinggabi na dahil sa inaayos ang issue patungkol sa bomb threat na iyon na halos ikinabagsak ng 20% doon na naapektuhan na din ang ilan pang sangay nito. At iyon ang dahilan para mabawasan ang oras na nakakasama ko siya.
"Like what I said gold digger. Nasa akin ang patunay na naisalin na ng papa iyon. At iyon ang gusto kong ipakita sa iyo. Then as you wish. I will send it to you later.""H-hindi ako naniniwala.""It's up to you. At alam mo ba kung ano ang dahilan ng anak ko kung bakit hindi niya iyon sinasabi iyon? Well, ito. Pakinggan mo ng malaman mo."Ilang sandali pa ay may kung anong narinig ako na parang nag click sa kabilang linya."Ginagawa ko ito para sa mamanahin ko and at the same time, sinusulit ko na ang kasama siya para man lang may pakinabang pa siya sa akin. I won't betray you. I can't do that. She is just a toy. Pagsasawaan habang may halaga pa siya. At kapag wala na. Pwede ko ng itapon."Pero mas malala pa pala iyon kaysa ang malaman ko na napasakamay na niya ang mamanahin niya. Mas masakit pala sa pandinig ang mga sinabi niya.A voice recorder. At boses iyon ni Nathan.Parang nawalan ako ng lakas ng katawan dahil doon. Nanginig ang kamay ko na nakahawak sa phone ko n
"Mauuna na ako, huwag kang mag pagutom. Medyo mala-late ako ng uwi ngayon dahil may mahalagang dinner meeting ako mamaya." Paalam niya sa akin habang nasa sala kami."Sige, mag ingat ka.""Pag uwi ko, kailangan nating mag usap, may mahalagang bagay lang akong gustong sabihin sayo." Seryoso pa niyang sabi sa akin.Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang ang palad ay marahang humaplos sa pisngi ko."May problema ba? Lagi kang seryuso nitong mga huling araw.""Wala naman mi esposa, marami lang talaga akong mahalagang inaasikaso sa mga negosyo at sa bawat kumpanya na natin.""Okay, hindi na ako magtatanong, basta kapag may time ka, magpahinga ka naman, lagi ka na lang napupuyat dahil sa mga negosyo mo. Halos hindi ka na natutulog.""Salamat mi esposa, kung hindi mo ang pag uwi ko mamayang gabi, matulog ka na lang ng maaga, bukas ko na lang sasabihin ang gusto kong sabihin. Mauuna na ako."Magaan ang palad na patuloy lang siya sa paghaplos ng pisngi ko. Yumuko siya, dinampia
"You will pay for what you've done, mi esposa," I said, urgency lacing my voice as I swiftly shifted our positions, taking control.Pressing my lips against hers, I delivered a fervent kiss."Ughh..." Her immediate response was a delicious sound escaping her lips as I captured her tongue, gently sucking it.The body that had once writhed beneath me was now responding eagerly to my every touch, and with newfound confidence, my hands explored her curves."Mi esposa," I whispered, my lips tracing a path toward her ear, where I began to lick and suck gently.A tremor rippled through her body, reflecting the shivers her earlier caresses had stirred within me.I was determined to evoke the same exquisite sensations in her. My lips followed along her jawline, leaving tiny bites in their wake as I savored every inch of her skin.I then moved to her neck, drawing soft gasps from her."Uuhmmm..." I continued my journey, planting lingering kisses along her shoulder, marking her as my own."Mmmmm
"Mi esposa." Napasinghap ako nang itulak niya ako sa kama matapos ang mabilis na shower nang makabalik kami sa bahay."Hayaan mong ako ang gumawa ng hakbang sa pagkakataong ito." Bulong niya sa tainga ko habang sinimulan niyang dilaan ang aking tainga, na nagdulot ng kiliti sa akin.Inayos niya ang kanyang posisyon sa ibabaw ko. Naka-itim lang akong panloob, habang siya ay nakatapis ng tuwalya na nagtatakip sa kanyang katawan.Nangangarap na sana akong haplusin siya ngunit pinigilan niya ako.“What?” tanong ko.Ngunit wala siyang sinabing kahit ano; sa halip, tahimik niyang binuksan ang drawer ng bedside table at may kinuha mula dito.“Anong gagawin mo diyan?” tanong ko, medyo naguguluhan.Nagtaka ako kung bakit may nakatagong necktie sa drawer, samantalang may wastong lagayan naman ito sa closet. Pero tila nahulaan ko na kung ano ang susunod niyang hakbang, at huli na ng matanto kong kinuha niya ang dalawa kong kamay at itinali ako.“Ellise!” bulalas ko, nanlalaki ang mga mata sa gul