Share

Kabanata 2- Second Hand Goods

Author: Shea.anne
last update Last Updated: 2025-01-19 12:45:20

Makalipas ang tatlong araw na pananatili ni Dianna sa hospital ay umuwi siya sa tinitirhan nila ni Tyler. Nang makarating siya ay nakita niya si Lyka, ang personal na assistant ni Tyler, nagliligpit ito ng mga gamit ni Tyler.

Nakalagay sa madaming maleta ang mga gamit nito, akala ni Dianna ay magbabakasyon lamang si Tyler. Ngunit sobrang dami nito, magtatanong sana siya nang magsalita si Lyka. “Ms. Dianne, inutusan ako ni Mr. President na kunin ang lahat ng binigay niya sa iyo, kasama na doon ang alahas, bag, damit at iba pa.”

Napaawang ang bibig ni Dianne sa gulat at nanlaki ang kaniyang mata. Ngumiti na lang siya at hinayaan na magsalita si Lyka.

“Huwag na. Lahat ng gamit dito ay pag-aari niya, you can take it all, maliban sa mga gamit ko sa pharmacy. Aalis ako kasama no’n.” sabi niya kay Lyka.

Hindi pinagpatuloy ni Dianne ang makapag-aral niya at ang training niya sa kanilang negosyo, three years ago. Nang makapagtapos siyang mag-aral ay naging asawa at full time house wife siya ni Tyler. Wala pa siyang karanasan sa pagtatrabaho outsie the house.

Alam ng assistant ni Tyler na mahina at walang kakayahan si Dianne kaya medyo nag-aalinlangan siya. “Tawagan ko po muna si Sir.”

Ngumiti si Dianne ng may hinanakit. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa research room niya sa loob ng bahay. Nandoon nakalagay ang mga produkto na dinidevelop niya.

“Hayaan mo siya, tingnan natin hanggang saan aabutin ang tigas ng ulo niya.” Sabi ni Tyler mula sa kabilang linya kay Lyka.

Matapos ma-iligpit ni Dianne ang mga gamit niya para sa pharmacy ay iniligay niya ito sa loob ng kotse. Nakasunod naman sa kaniys si Lyka.

“Ms. Dianne, that car was owned by mr. President.” Nahihiyang sabi ni Lyka.

"Oo nga pala," sagot ni Dianne na hindi tinatago ang pagiging matigas ang ulo. "Sorry, nakalimutan ko.” Inalis niya ang mga gamit niya doon at tumingin kay Lyka. “Ang mga sapatos na ito, ang damit na sinuot ko ay binili gamit ang pera niya, kailangan ko din bang hubarin?”

Natahimik si Lyka at nahihiyang magsalita. “Pwede naman po kayong manatili Ms. Dianne.” Ngunit matigas talaga ang ulo ni Dianne. Desidido siyang gawin ang gusto niya.

Umakyat sa 3rd floor si Dianne. Hinanap niya ang ternong damit na suot niya nang dumating siya sa pammahay ni Tyler, 3 years ago. Kasunod niya si Lyka na halatang binabantayan ang galaw niya. “Can I check you Ms. Dianne, baka lang may kinuha ka pang iba.”

“Sige, kapkapan mo ako.” Matigas na sabi ni Dianne.

Nang lumabas siya mansyon ay naupo siya sa isang gilid. Hinihintay ang kaniyang kaibigan na susundo sa kaniya.

Bago siya lumabas ng hospital, sinabi ng doctor na huwag siyang masyadong gumalaw. Ngunit heto siya ngayon, nasal abas at lamig na lamig habang umiiyak. Sa totoo lang walang pakialam si Dianne sa lamig, sanay na ang kaniyang katawan sa yelo. Naalala niya noong 19 years old pa lamang siya, habang nagbabaksyon sila sa Japan. Nagyeyelo ang ilog noon, pero hindi siya nagdalawang isip na iligtas si Tyler pero hindi siya agad na-rescue. Isa din ito sa dahilan kung bakit mahihirapan siyang magbuntis kaya isang himala na may kambal sa kaniyang tyan. Kaya hindi siya papayag na may masamang mangyari dito.

Ilang minuto lang, dumating na ang kaibigan ni Dianne at sumundo sa kanya.

"Anong nangyayari?"

Tumigil si Dexter sa kalsada kung nasaan si Dianne na nakaupo sa bata, nakasuot ng lumang damit at nakatsinelas. Dala ang malaking box ng produkto niya.

“Pinalayas niya ako.” Mapait na ngiti ni Dianne. Napatulala naman si Dexter. “Ano? Tutula ka na lang dyan? Baka gusto mo akong tulungan di ba?”

Napangiti si Dexter na kayang magbiro ni Dianne kahit mahirap na ang sitwasyon.

"Nagdesisyon si Tyler na makipag-hiwalay sa iyo dahil kay Lallainne?"

Nakarating kay Dexter ang mga balita tungkol sa dalawa.

"Oo, parang ganun nga." Sagot ni Dianne ng walang emosyon.

Mabilis na lumapit si Dexter at hinawakan siya upang pigilang buhatin ang box

Dahil mahina si Dianne ay mabilis siyang natabig ni Dexter, dahilan para matumba sila parehong dalawa.

Nagulat si Dexter at agad siyang niyakap.

Maya-maya, dumating ang isang itim na Cullinan. Mula sa likod ng sasakyan, si Tyler ay nakatingin sa bintana at malinaw niyang nakita ang nangyayari.

Ang dati niyang matalim na mukha, na parang hinubog ng kalawakan, ay tila nagyelo, at naging sobrang malamig.

Pinahinto niya ang sasakyan sa dapat ng dalawa. Mabilis na nakatayo si Dianne at napansin niya ang sasakyan sa gilid. Tiningnan niya ito at kalmado siyang humarap;

Dahan-dahang binaba ang rear window ng Cullinan, at lumabas ang malamig at matalim na itsura ni Tyler. Bumaba ng sasakyan si Tyler.

“Bakit Tyler? Nagmamadali ka bang umuwi para tingnan kung may kinuha ako sa mga gamit mo?”

“Bakit? Sa tingin mo papalampasin ko kung may kinuha kang hindi dapat sa iyo?” tanong pabalik ni Tyler kay Dianne.

Tumawa si Dianne. “Kung iyan ang tingin mo sa akin, wala na akong pakialam.”

“Talaga?” nag-smirk si Tyler. “Ipalaglag moa ng bata sa tyan mo sa gano’n tuluyan na tayong walang ugnayan.”

Bata sa tiyan?! Gulat na tanong ni Dexter sa kaniyang isip na naisatinig niya ito.

"Bata sa tiyan?!"

Dahil ang sakit ay matindi. Pinipigilan niya ang mga luha upang magmukhang hindi siya talo.

"Siguradong ginamit ko ang condom tuwing nakipagtalik sa'yo. Akala mo ba magiging tanga ako?" tanong ni Tyler pabalik.

"Mr. Tyler Chavez, kung makikipahiwalay ka na kay Dianne, wala ka ng pakialam kung kaninong anak ang pinagbubuntis niya. Ipinapaabot ko na lang ang aking mga pagbati sa iyo at kay Lallaine."

Napansin ni Dexter at mabilis na itinaas ang kamay, inilagay ang braso sa balikat ni Dianne, niyakap siya at isinusuong sa mga salita ng pagbati, lahat ng ito’y may malasakit.

Pinansin ni Tyler ang matalim na titig ni Dexter at sa kabila ng ngiti niyang hindi matimpi, umikot ang mga labi niya sa isang masakit na ngisi.

"Ha, Mr. Suarez, hindi ba't nakakagulat na gusto mong bumili ng mga gamit na ginagamit ko ng tatlong taon? Hindi ko pa narinig na may habit ka pala ng pagkolekta ng second-hand goods?"

Second-hand goods…

Muling tumama ang matalim na salitang iyon kay Dianne.

Dumugo ang puso niya. Hindi niya akalain na ang taong minahal niya, inalagaan at pinakita ng kabutihan ay isang gamit na bagay lang ang tingin sa kaniya. Masamang tumingin si Dexter mas matalim kaysa kay Tyler.

“Mr. President, para sa akin si Dianne ay isang kayamanan….”

“Dex!” Pinutol ni Dianne ang pagsasalita ni Dexter para sa kanya. “Hayaan mo na siya, umalis na lang tayo. Walang kwenta ang mga sinasabi mo sa kaniya.

“Tama, let’s go.” May lambing sa tono ni Dexter.

Related chapters

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 3- He is not the Father

    “Ayos ka lang ba?” tanong ni Dexter nang makaupo si Dianne sa passenger seat. Hinawakan nito ang kaniyang tyan at huminga ng malalim.“Nag-aalala ako, gusto mo bang dalhin kita sa hospital ngayon?” tanong ni Dexter.Umiling si Dianne at ngumiti ng mapait. “Hindi na, magpapahinga na lang muna ako.”Kahit nag-aalinlangan at pinaandar ni Dexter ang kotse paalis.Pagdating ni Tyler sa bahay. Nadatnan niya ang madaming nakaimpakeng gamit. Nadagdagan ang galit niya dahil dito. Inalis niya ang kaniyang coat at tinapon sa sofa.“Ibalik mo iyan lahat.” Mahinahon at nagpipigil ng galit.“Ano po?” alinlangang tanong ni Lyka."Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Ibalik mo na lahat ng mga gamit sa dati nilang pwesto!" Lumulubha ang galit ni Tyler."Opo," sabi ni Lyka, agad-agad nag-utos sa mga tao na ibalik ang mga gamit sa mga pwesto."Anong sinabi ni Dianne bago umalis?" Tanong ni Tyler. Ibinaba ang dalawang butones ng kanyang damit at nagalit.“Si Madam Dianne?”"Madam?!" Tumigas ang kan

    Last Updated : 2025-01-19
  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 4- Missing Her

    Hinatid ni Tyler si Lallaine pauwi, pagkatapos ay mag-isa siyang umuwi sa kanyang sariling mansyon.Nais niyang sumigaw.Ngunit nang buksan niya ang bibig, naalala niya ang isang bagay.Lumipat na si Dianne at nakatira na sa apartment ng ibang lalaki.Hindi niya alam kung gaano siya kasaya kasama si Dexter sa mga oras na ito.Biglaang naging malamig ang kanyang matalim na mukha.Nakita ng driver na madilim ang villa, kaya't mabilis siyang pumasok at binuksan ang mga ilaw.Nang magilaw ang paligid, tumingin ang driver at nakita ang mukha ni Tyler na malamig at mabigat na parang isang eskulturang yelo ng isang demonyo, kaya't agad siyang natakot."Mr. Tyler, kung wala po kayong kailangan, aalis na po ako." sabi ng driver, na yumuko.Hindi gusto ni Tyler na may nakakagambala sa kanyang oras ng pagpapahinga. Ang driver, yaya, at bodyguard ay nakatira sa annex building sa gilid, kaya't kadalasan, siya na lang at si Dianne ang nasa main building.Sa nakalipas na tatlong taon, sa tuwing siya

    Last Updated : 2025-01-19
  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 5- Let's see when they born

    “Ate Dianne….” Isang tawag mula sa kasambahay ni Tyler ang natanggap ni Dianne. “Inalis na ako bilang kasambahay sa mansyon ni President Chavez.” Tumayo siya, naghilamos, nagbihis, at lumabas. Ang katiwalang ipinadala ni Dexter ay naghanda na ng isang masarap na agahan para sa kanya. Habang kinakain ang masarap na agahan na inihanda ng katiwala, pakiramdam ni Dianne ay lalo siyang nakakatawa at kawawa dahil sa nakaraan niyang sarili. Mabuti na lamang at binigyan siya ni Tyler ng isang matalim na hampas na nagmulat sa kanya. Dumating si Dexter sa kalagitnaan ng kanyang agahan. Bukod sa pagkain, mayroon din siyang mga ulat na kailangang iparating kay Dianne. Sino nga ba ang mag-aakalang ang Missha Group, ang pinakasikat na brand ng kosmetiko at health care na paborito ng mga mayamang kababaihan sa bansa, ay itinatag ng isang maybahay? Noong itinatag ni Dianne ang Missha Group, hindi pa siya isang maybahay. Nasa ikatlong taon siya ng kolehiyo noon at ang kurso niya ay Traditional M

    Last Updated : 2025-01-19
  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 6- The decision is final

    Para kay Lallaine, tila hindi na makapaghintay si Tyler!Tinitigan siya ni Dianne, bahagyang nakataas ang kilay, at may natural na alindog sa kanyang mga mata. "Kung sigurado kang hindi mo anak ang bata, pwede na akong makipaghiwalay sa'yo ngayon din."Naningkit ang mga mata ni Tyler."O kaya, maaari kang sumama kay Lallaine ngayon na. Hindi kita guguluhin.""Dianne!" malamig at mabigat ang tinig ni Tyler. "Anong karapatan mo para hayaang maging kabit si Anne?"Tama, ano nga bang karapatan niya para hayaang masira ang pangalan ni Lallaine bilang kabit?Siya ang mahal na mahal ni Tyler!Ngumiti nang matamis si Dianne. "Kung gano’n, tara. Bukas na bukas din!""Anong ibig mong sabihin sa paghihiwalay?"Bigla, isang malakas na boses ng babae ang pumigil sa kanila.Lumingon si Dianne at nakita si Tanya na papalapit, bakas ang pagkadismaya sa mukha."Mommy," magalang niyang bati.Sinulyapan siya ni Tanya bago tumingin kay Tyler. "Axl, buntis si Dianne. Huwag kang gumawa ng bagay na ikaka-st

    Last Updated : 2025-01-20
  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 7- A man like him

    Pagkauwi ni Tyler sa kaniyang mansyon, sinalubong siya ng yaya ng pamilya, si Manang Marga.Kinuha ni Manang ang kanyang suit jacket at iniabot ang tsinelas para siya'y makapagpalit.Pagkatapos, binigyan siya ng isang baso ng maligamgam na tubig, na iniabot nang may respeto.Walang kakaiba sa ginagawa ni Manang kumpara kay Dianne, ngunit may kung anong mali sa pakiramdam ni Tyler, na lalong nagpagulo sa kanyang isip.Naiirita siya nang husto.Habang paakyat sa hagdan, napansin niya ang isang litrato nila ng kanyang nakatatandang kapatid at ni Dianne na nakasabit sa dingding. Bigla, sumama ang kanyang pakiramdam.Ito ay litrato nilang tatlo walong taon na ang nakalipas sa tahanan ng kanyang lola.Sa litrato, si Dianne, na labing-anim na taong gulang pa lamang noon, ay nakapuwesto sa gitna nilang magkapatid. Pero halatang mas malapit siya sa nakatatandang kapatid at ang mga mata niya’y nakatingin dito.Maliwanag ang mga mata ni Dianne, na parang pinuno ng mga bituin, at puno ng saya hab

    Last Updated : 2025-01-20
  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 8- Stolen something

    "Saan si Dianne?"Sa pintuan, tinitigan ni Tyler ang loob ng bahay nang may matalim na mukha at malupit na tinig.Mabilis niyang sinuyod ang buong lugar, naghahanap kay Dianne.Sayang, isang magarang de-kalidad na tela sa pintuan ang agad nagpasok ng pansin niya."Hoy, anong hangin ang dumaan ngayong umaga? Bakit si Presidente Chavez pa ang napadpad dito?"Pagkatapos magsalita ni Tyler, hindi na siya naghintay ng sagot mula sa katulong, nang magtuloy-tuloy ang boses ni Dexter na puno ng pang-iinsulto.Maya-maya, sumilip siya mula sa likod ng tela, ang kanyang malamig na mukha puno ng pang-ookray.Lalong lumalim ang mukha ni Tyler."Talagang malakas ang hangin!"Pumunta si Dexter sa pintuan at tinapatan ang matalim na titig ni Tyler habang may ngiti sa labi.“Sir Dexter, nandito kami dahil hinahanap ni Mr. President si Ms. Dianne. Pakisabi sa kaniyang lumabas dito.” sabat ni Lyka, labis ang pagkabigo na makita ang kanyang amo na tinatrato ng ganito. Tumayo siya at nagmamalaki.Habang

    Last Updated : 2025-01-21
  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 9- The suspect

    "Ms. Dianne, hindi mo naman siguro ibinenta ang mga gamit para sa pera, hindi ba?"Mariing tanong ni Lyka na may mapanlibak na ngiti, parang siya ang ina ni Tyler.Hindi na nakapagpigil si Dexter. Tumayo siya bigla at itinutok ang daliri kay Lyka. "Lyka, subukan mo pang magsalita ng isa pang salita, at pupunta ako riyan para sampalin ka. Maniwala ka!"Hindi man takot si Lyka kay Dexter, nanginginig pa rin siya nang makita ang galit sa mukha nito, na para bang kakainin siya nang buhay."Dex.."Hinila ni Dianne ang dulo ng damit ni Dexter at mahinahong tumingin dito. "Huwag kang magalit. Sinasabi lang ni Secretary Lyka ang nais iparating ni Mr. Chavez."Napatingin si Tyler kay Dianne, na may malambing na kilos at ekspresyon, para siyang isang batang paslit na nagpapalambing. Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam kung gaano siya naiinis sa sandaling iyon.Mariin niyang pinigilan ang sarili, pinakuyom ang kanyang mga kamao bago muling binuksan, at malamig na ngumiti. "Sige, bukas, hihintayi

    Last Updated : 2025-02-01
  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 10- Foundation

    Pumunta si Dianne sa ospital at doon niya nakilala ang anak ni Harry.Ang batang babae ay parang apat o limang taong gulang pa lamang, may maputlang mukha at payat na katawan. Sa kabila ng matinding init, suot pa rin nito ang isang makapal na sumbrero na parang para sa taglamig. Sa ilalim ng sumbrero, lumitaw ang isang pares ng malalaking mata na animo'y puno ng lungkot, lalo pang nagpapatingkad sa kanyang maselang kalagayan.May magandang memorya si Dianne. Agad niyang napansin ang pagkakahawig ng bata kay Harry, nang minsan itong pumunta sa Chavez mansyon upang mag-impake.Malapit na rin siyang maging ina, at habang nakikita ang maraming batang may sakit sa hematology department—kasama na ang anak ni Harry—napuno siya ng matinding kalungkutan.Sa sandaling iyon, naunawaan niya kung bakit ginugugol ng kanyang lola ang napakaraming pera taun-taon para tumulong sa mga batang mula sa mahihirap na pamilya. Kahit pa bumagsak ang estado ng kanilang pamilya, hindi kailanman nanghina ang kan

    Last Updated : 2025-02-14

Latest chapter

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 63-Announcement

    Agad niyang hinanap ang pangalawang pahina, kung saan nakasulat ang resulta:Batay sa pagsusuri ng DNA, si Mr. Tyler Chavez ang biological Father.Nanlaki ang mga mata ni Tyler.Sandali siyang natulala, hindi makapaniwala sa kanyang nabasa.Pinikit niya ang kanyang mga mata, saka muling tumingin. Ngunit hindi nagbago ang nakasulat—siya ang tunay na ama ng dalawang bata.Hindi siya pinagtaksilan ni Dianne.Siya ang ama ng mga batang iyon.Pero…Ang galak sa kanyang mga mata ay agad na napalitan ng matinding hinagpis at pagsisisi.Dahil wala na ang mga bata.Bago pa niya nalaman ang katotohanan, nawala na ang mga ito.Ganoon lang? Basta na lang nawala ang dalawang anak niya?Dahil ba sa hindi niya ginusto ang pagbubuntis ni Dianne? Dahil ba sa patuloy niyang ginigiit na ipalaglag ang mga bata? Kaya ba sila nawala?Mahigpit niyang hinawakan ang ulat, pumikit nang mariin, at inihilig ang noo sa kanyang kamay.Isang matinding sakit ang bumalot sa kanyang ulo, parang may libu-libong bubuyog

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 62- I am the Father

    "Sa Grand Theater tayo pupunta."Grand Theater?Napalunok si Baron.Bakit doon?Pero hindi na siya nagtanong pa at agad na sumunod sa utos. "Opo, Boss."Narinig ito ni Baron, ang drayber at bodyguard, kaya agad niyang binago ang direksyon ng sasakyan at pinaharurot ito patungo sa Grand Theater.Hindi naman kalayuan ang Grand Theater—mga sampung minuto lang ang layo. Tahimik na ang paligid nang dumating sila, ngunit ang harapan ng teatro ay magulo pa rin matapos ang kaguluhang naganap. Nakakalat sa sahig ang iba't ibang basura, cheering signs, at mga banner na iniwan ng mga tagahanga. Ang pinakamaraming nakakalat na cheering boards at banner ay nasa mismong lugar kung saan bumagsak at nadaganan sina Dianne at Ashley. Pagkababa ni Tyler sa sasakyan, agad siyang lumakad papalapit. Habang palapit siya, napansin niya ang isang kapansin-pansing bahid ng dugo sa tabi ng isang makapal na karton na cheering sign. Tuyo na ang dugo. Naalala niyang malinaw—dito mismo bumagsak si Dianne. At sa

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 61- Miscarriage

    Dinala ni Tyler si Lallaine sa ospital, at maingat siyang sinuri ng doktor. Wala namang nabaling buto, at wala rin silang nakitang anumang seryosong problema. Gayunpaman, patuloy siyang dumadaing sa sakit, at halatang may hinaharap siyang matinding kirot. Dahil dito, napilitan ang doktor na bigyan siya ng gamot at payagang manatili sa ospital nang magdamag para sa obserbasyon.Nang marinig ni Tyler na wala namang seryosong natamo si Lallaine, biglang dumilim ang kanyang ekspresyon, waring nagbabadya ng isang malakas na bagyo. Parang saglit lang at bubuhos na ang ulan.Tumalikod siya at naglakad palayo.Ngunit kahit na bulag si Lallaine, pilit pa rin niyang hinawakan si Tyler habang humahagulgol, "Axl, huwag kang umalis!”Sa galit, itinulak siya ni Tyler nang walang pag-aalinlangan."Ah—!"Napahiyaw si Lallaine. Kung hindi lang siya nasalo ni Michelle sa tamang oras, siguradong babagsak siya nang napakasama."Axl…"Nang maayos na siyang nakaupo sa upuan, tumingala siya kay Tyler na may

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 60- Accusation

    "Mga malalandi! Ginamit nila si Mr. Chavez para saktan ang reyna natin! Bugbugin ang mga babaeng yan!""Walang hiya! Pinagtulungan si Lallaine, patayin sila!"Sa gitna ng kaguluhan, sabay-sabay lumusob ang mga tagahanga at pinalibutan sina Dianne at Ashley.Hindi na nagdalawang-isip si Tyler, agad niyang itinulak ang sarili upang protektahan si Dianne."Axl! Axl!"Si Lallaine, na nakahandusay pa rin sa lupa, ay biglang napakapit sa hita ni Tyler. Mahigpit niya itong niyakap, pilit na hinihila palayo kay Dianne habang isinisigaw, "Huwag n'yo siyang saktan! Huwag n'yo siyang saktan!"Dahil sa kaguluhan, unti-unting napalayo sina Tyler at Lallaine mula sa nagwawalang mga tagahanga, habang sina Dianne at Ashley ay naiwan sa gitna ng panlalait at pananakit.Hindi lamang sila binato ng kung ano-anong bagay, kundi sinaktan pa ng ilang fans—sinusuntok, tinutulak, at tinatadyakan, mistulang mga mabababang uri ng babae na umagaw kay Tyler.Nabuwal sa lupa sina Dianne at Ashley.Sa kabila ng sak

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 58- Not good Enough

    Hindi mawari ng host ang ekspresyon ni Tyler, kaya tinawag niya ito sa entablado."Mr. Chavez, sa isang napakahalagang araw na ito, maaari bang umakyat kayo sa entablado at magsalita ng ilang salita para kay Lallaine?"Nagsimulang mag-ingay ang mga tagahanga sa audience, karamihan ay bumubulong at bumubusina ng hindi pagsang-ayon.Si Lallaine naman ay nakatingin kay Tyler, may halong hiya at pananabik, hinihintay siyang umakyat sa entablado.Si Lallaine ang taong ginastusan ni Tyler upang sumikat, kaya kung hindi siya aakyat ngayon, para na rin niyang binastos si Lallaine—at pati na rin ang sarili niya.Hindi rin malayong kumalat ang usapan sa labas.Sa gitna ng papalakas na ingay at pangungutya ng mga tao, napilitan si Tyler na tumayo at lumakad paakyat ng entablado.Ngunit bago pa man siya makaharap sa audience, mabilis na lumapit sa kanya si Lallaine, hinawakan ang kanyang braso, at bago pa siya makaiwas, tumuntong ito sa dulo ng kanyang mga paa at mabilis na hinalikan siya sa pisn

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 58- 99 Roses

    Maya-maya, lumabas si Lallainne na suot ang isang eleganteng damit. Yumuko siya sa gitna ng masigabong palakpakan bago umupo. Nagsimula na ang musika.Ang unang piyesa na tinugtog ni Lallainne ay Castle in the Sky. Hindi ito isang mahirap na piyesa—si Dianne nga ay natutunan ito sa loob lamang ng anim na buwan matapos niyang pag-aralan ang cello.Ngunit tatlong beses nagkamali si Lallainne sa kanyang pagtatanghal.Bagama’t hindi halata ang mga pagkakamali, mapapansin lamang ito ng isang taong nakapaglaro na ng piyesang iyon noon. Kung isang ordinaryong tagapakinig lang, hindi niya ito mapapansin.Hindi dahil sa kakulangan ng talento ang mga mali ni Lallainne, kundi dahil hindi siya nakatutok sa musika—nasa isip niya si Tyler.Habang tumutugtog siya, panay ang sulyap niya rito, para bang kalahati ng atensyon niya ay napupunta sa presensya nito.Napansin din ni Tyler na may kakaiba. Nang marinig niya ang huling pagkakamali, lumalim ang kunot sa kanyang noo, at may bahagyang bakas ng pag

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 57- Mistress spotlight

    Hinimok niya ito, "Pag-isipan mong mabuti—sino ba si Lallainne? Hindi lang siya ang bituin ng gabing ito, kundi siya rin ang kabit ni Tyler. Ikaw, ang reyna, ay nagbibigay sa kanya ng malaking karangalan sa pagdalo mo sa kanyang concert. Hindi ba dapat na mas higitan mo siya sa lahat ng aspeto at ipakita na may mga babaeng hindi basta-bastang tinatapakan?"Napangiti si Dianne nang may bahagyang panghihinayang. "Ano ang ibig mong sabihin sa 'reyna' at 'kabit'? Kung may reyna sa puso ni Tyler, iyon ay si Lallainne."Napairap si Ashley at marahang tinapik ang noo ni Dianne gamit ang daliri. "Pwede ba, magpakita ka naman ng konting gulugod? Kahit sa ngayon lang, ikaw pa rin ang opisyal na kinikilalang Mrs ng pamilya Chavez."Dianne: "..."Dati nang nakapunta si Ashley sa Chavez Mansion, kaya kabisado na niya ang kwarto ni Dianne.Hinila niya ito papasok sa walk-in closet ng master bedroom, pinaupo sa harap ng salamin ng tokador, at inutusang, "Huwag kang gumalaw. Ako na ang bahala sa make

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 56- Concert

    Dianne ay napako sa kanyang kinatatayuan.Kailan pa siya bumalik?Dumating ang chef at si Manang Marga mula sa kusina, maingat na inilapag ang almusal sa mesa, kasama ang dalawang set ng mangkok at chopsticks.Umupo si Dianne at nagsimulang kumain na parang walang nangyari.Habang umiinom siya ng gatas, lumapit si Tyler, hinila ang upuan sa tapat niya, at umupo.Parang hindi niya ito nakikita. Ni hindi niya binigyan ng sulyap.Hindi matiis ni Tyler ang hindi siya pinapansin. Sa malamig na tinig, sinabi niya, “Hindi pa ako patay. Ilang araw lang akong nawala. Hindi mo man lang ako babatiin?”Nakakatawa ang sinabi nito, pero ayaw ni Dianne ng gulo. Pinilit niyang pigilin ang ngiti, tumingin dito nang mahinahon, at nagsabi, “Magandang umaga po.”Sapat ang almusal para sa dalawa.Tahimik siyang bumalik sa pagkain.Matagal siyang tinitigan ni Tyler, ngunit hindi na ito nagsalita. Sa huli, napilitan na lang siyang lunukin ang pagkain kasama ang sama ng loob.Dalawa sa tatlong bahagi ng almu

  • The Cassanova's Regret: the runaway wife with their twin   Kabanata 55- He Can't love the other girl

    "I’m sorry, Axl..."Nanlulumong tumulo ang luha sa mga mata ni Lallainne. Ang boses niya ay banayad ngunit punong-puno ng hinanakit."Hindi ko sinasadya... Wala akong intensyong manakit. Gusto ko lang sanang makalikha ng ingay para sa concert ko."Napakunot-noo si Tyler, halatang naiinis. Bumaling siya sa kanyang laptop, itinuloy ang pagtatrabaho, saka kalmadong sinabi, "Pwede ka nang umalis. Dadalo ako sa concert mo bukas.""Sige..."Kahit ayaw pa ni Lallainne, wala siyang nagawa kundi sumunod. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi at marahang nagpaalam, "Magpahinga ka na. Aalis na ako."Hindi siya sinagot ni Tyler.Nanatili si Lallainne sa kanyang kinatatayuan, umaasang may sasabihin ito. Ngunit nang walang tugon na dumating, napabuntong-hininga siya at tuluyang lumabas. Ilang beses siyang lumingon bago tuluyang umalis.Hindi naging mahimbing ang tulog ni Dianne nang gabing iyon.Nagising siyang humihingal matapos ang isang bangungot.Agad siyang napabalikwas, nanginginig ang mga kama

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status