Kung ang eksenang ito ay makikita ni marigold noong mga panahong hindi pa malinaw ang status nila ni chardon, ngayong nobyo na n'ya ang binata ay hindi na niya hahayaang sumamâ lang ang loob niya, manahimik at magmukmok na lang."CHARDON ATANANTE! Anong ginagawa mo?!"Ganu'n na lamang ang gulat ni Chardon nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng isang babae, naitulak pa niya nang malakas si Sheree na nakayakap sa kanya. Sumubsob ang babae na mabuti na lamang ay nasalo ng isang pulis na malapít lang sa kanilang dalawa."M-mari?....""Huwag mo 'kong ma-mari mari diyan." Sinulyapan ni marigold si Sheree na noo'y naka-subsob sa pulis. Nakita ni marigold kung paano maka-ngiti ang pulis habang yakap ang maganda't mabangong babae. Nasuya si marigold.Lumapit si Chardon at bahagya hinapit ang dalaga papunta sa kanya. "I'm glad you're finally here."Bahagyang pinandilatan ni marigold ang binata habang unti-unting inaalis ang pagkaka-kapit nito sa kanya. "Talaga bang natutuwa ka
Dahan-dahang lumapit si Chardon kay Jonas at malamig na hinaguran ito ng tingin. Hindi naman nag-aalala si Jonas na baka buntalin siya ng pinsan dahil nalalaman naman nitong may injury siya."Okay..."Napa-maang si marigold, Jonas, lalo si Sheree na natutuwa sa narinig na sagot ni Chardon. Nguni't...."Now get inside, and don't make more trouble." At ipinagtulakan ni chardon si Jonas sa loob ng isang kotse. Pagkatapos ay nilapitan nito si Mang Fidel at may sinabi dito.Tinawag ni chardon si Sheree at pinasakay sa kotseng sinakyan ni Jonas. Kahit tila mabigat ito sa loob ng babae ay sumunod na lang ito. Habang sumasakay ay napapatingin ito kay chardon sa pagbabasakaling baka magbago bigla ang desisyon nito.Ipinakuha ni Chardon kay Mr. Javier kung saan man'g naroon ang sasakyan ni Jonas at ipinamaneho ito hanggang sa tinitirhan ni Jonas. Pagkatapos ay sumakay sila ni marigold sa isa pang kotse. Sa shotgun seat pinaupo ng binata si marigold para makatabi ito."How is it? Can you give me
Hindi makikita ang eksaktong ginagawa ng dalawa dahil sa anggulo ng mga ito. Naka harap si chardon sa direksyon ni marigold habang natatakpan ito ni sheree. Pero malinaw na nakikita ni marigold na ang babae ang 'umaatake' sa kanyang nobyo. Agad inilayo ni chardon si sheree sa kanya. "Okay, you don't have to do that. All you need to do is just bid me fare–"Natigilan si chardon nang mapansing nakatingin na pala si Marigold sa kanila at titig na titig pa. Biglang na-guilty ang binata."M-mari... I... we..." Hindi niya malaman ang sasabihin.Naikuyom ni Marigold ang kanyang mga kamao. Hindi niya balak awayin ang nobyo sa harapan ng ibang tao na parang ini-iskandalo niya ito, kaya nalalaman niyang kailangan niya munang timpiin ang nararamdaman niya."Lalabas muna ako. Maiwan ko muna kayo." At walang lingon-lingon'g lumabas ang dalaga. "W-wait, mari..." Hahabulin sana ni Chardon si marigold ngunit pinigilan ito ni Sheree."Chardon, huwag mo muna siyang habulin, may sasabihin pa
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ginang nang makita si chardon. Malalamig ang mga tingin nito sa kanya, nguni't pakiramdam niya ay para siyang tinutupok."Ch-char.... M-Mr. Atanante!..... Ha ha ha.... Anong ginagawa mo dito? Nandito ka rin pala!" Awkward na tawa ng ginang, hinihila nito ang maong dress na hawak pa rin ni chardon, ngunit hindi niya iyon mahila-hila."This mall is mine, so it's only natural that I am here.""O-oo nga.... T-tama...""Now, let's get back... you want to hurt her? Aren't you?" Napatingin ang ginang kay marigold at umiling-iling. "H-Hindi... Hindi... a-ano, kuwan.... g-gusto ko lang ipakita s-sa kanya kung... kung maganda itong... dress..." Bumaling ito kay marigold. "D-'di ba, iha, 'di ba?" Tumingin ang ginang kay marigold nang may pagmamakaawa at ngiti, ang sama tuloy ng ayos nito na parang nakangiwi na rin."Really?.... Is what she says true?" Baling niya kay marigold."Hindi!" Tuwirang sagot ng dalaga na nagpa taranta sa ginang. "Kanina
"What is that? Is that include in our proposal?" Takang tanong ng isang executive na taga Fontabella.May isang taga-fontabella ang nagtawa. "Mr. Atanante, what is it this? May sumabotahe ba ng presentation n'yo?""Chardon Atanante: bull, horse, babaero, palikero, masungit, sumpungin, suplado...." Wala sa loob na binasa ng isa ring executive na taga Fontabella ang mga nakalagay sa powerpoint. Siniko ito ng kanyang katabi dahilan para tumigil ito.Napatingin ang lahat kay chardon na noo'y hindi na maipinta ang mukha."What are you still looking at?.... Dismiss it immediately!" Hinampas ni chardon ang mesa na nagpagising sa tulalang si Mr. Javier.Dali-daling kinansela ni Mr. Javier ang naturang powerpoint. "S-sir.... Give me some time, I'll fix this." At lumabas ito ng conference room.Hindi na nakatiis si marisol, napahagalpak na ito ng tawa. Napamaang na lang lahat sa kanya."Sorry... I'm so sorry guys, n-nakaka good vibes lang kasi e. Nawala ang inis ko kanina." Humarap si
"Hi chardon~ long time no see, how are you?" Dahan-dahang lumapit ang babae sa binata. Sa bawat paghakbang nito ay tumutunog ang takong nito. "You're still the same, ang guwapo-guwapo mo pa rin at nag-uumapaw ang s*x appleal..." Kumagat-labi ang babae. "Tell me, are you still as before na..." Lumapit ito nang husto kay chardon at bahagyang tumingkayad para maabot ang mukha nito, bumulong ito nang nakaka-akit. ".... mainit at masigasig na parang berdugo sa ka–""I don't know what kind of bad and dirty wind brought you here." Lumayo si chardon sa babae at nagtungo sa Kanyang mesa. "But I'm not surprised to see you again, do you know why? Because nothing has change to you, you're still cheap and sl*tty as before...... Charmaine." Habang sinasabi iyon ay pasimpleng may kinokontak si chardon sa kanyang cellphone sa ilalim ng mesa. Umangat ang kilay ni Charmaine ngunit hindi naman nagalit ito. Tumawa ito. "Bago sa 'kin 'yan, a! Iyang pagiging unsympathetic mo sa mga katulad kong 'soft' and
Nalalaman ni Marigold na walang magandang patutunguhan ang muli niyang pagsunod kay Adelaida sa isang Café. Ngunit dahil hindi maganda ang kan'yang mood ay naghahanap din siya kung saan niya iyon puwedeng mailabas. Mukha'ng tamang-tama rin ang pagdating ng ginang."Umupo ka." Malamig na wika ni adelaida nang manatili pa rin'g nakatayo si Marigold paglapit nila sa isang mesa.Sumunod ang dalaga at naupo. Nang may lumapit sa kanilang waiter ay tubig lang ang hiningi ni adelaida, pagkatapos ay halos itaboy na n'ya ito. Nang makaalis ang waiter:Ngumisi si Adelaida. "Anong akala mo, hahayaan uli kita umorder ng mga masasarap na pagkain kagaya nung huling beses? Masyado ka na yatang sinusuwerte nu'n." Hindi siya 'generous' ngayon para i-treat si marigold lalo't galit at nang-gagalaiti siya ngayon dito dahil sa sinabi ni Preciosa.Hindi umimik si marigold, nakatingin lang ito kay Adelaida. Medyo nasasanay na siya dito kaya binabalewala na lang niya ang mga panunuya't panlilibak ni
Nangislap ang mga mata ni marigold at bigla ito'ng natuwa. Ito na lang 'ata ang kulang sa kanila, ang kilalanin at malaman ng lahat ang totoong relasyon nila para hindi na nila kailangan pang magtago.Lumambot ang mga mata ni chardon. "Yes. When that happens, we can openly fight for each other. You can fight and attack those who come near me.""Oo! Lalong hindi ka na makakapang-babae nu'n! Ayos lang ba sa 'yo?"Nagtawa si chardon. Hinila nito si Marigold at niyakap. "Of course...... And I wont stop you."Inihilig ni marigold ang ulo sa dibdib ng binata. "Actually, dapat maging proud ka sa 'kin ngayon, kasi, kanina lang ay lumaban ako kay Mrs. Fontabella para sa 'yo."Napukaw ang interes ni chardon. "You did something for me? What is it, Hmm? Tell me.... Did she do something to you?" "Um. Pero ayos lang. Maliit na bagay lang naman. Pero..... nakukunsens'ya kasi ako e, kasi ina pa rin s'ya ni Ms. Fontabella, tapos sinagot-sagot ko siya nang ganun.""Don't worry about that. Mari
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan ang mga s
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim