Hindi makikita ang eksaktong ginagawa ng dalawa dahil sa anggulo ng mga ito. Naka harap si chardon sa direksyon ni marigold habang natatakpan ito ni sheree. Pero malinaw na nakikita ni marigold na ang babae ang 'umaatake' sa kanyang nobyo. Agad inilayo ni chardon si sheree sa kanya. "Okay, you don't have to do that. All you need to do is just bid me fare–"Natigilan si chardon nang mapansing nakatingin na pala si Marigold sa kanila at titig na titig pa. Biglang na-guilty ang binata."M-mari... I... we..." Hindi niya malaman ang sasabihin.Naikuyom ni Marigold ang kanyang mga kamao. Hindi niya balak awayin ang nobyo sa harapan ng ibang tao na parang ini-iskandalo niya ito, kaya nalalaman niyang kailangan niya munang timpiin ang nararamdaman niya."Lalabas muna ako. Maiwan ko muna kayo." At walang lingon-lingon'g lumabas ang dalaga. "W-wait, mari..." Hahabulin sana ni Chardon si marigold ngunit pinigilan ito ni Sheree."Chardon, huwag mo muna siyang habulin, may sasabihin pa
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ginang nang makita si chardon. Malalamig ang mga tingin nito sa kanya, nguni't pakiramdam niya ay para siyang tinutupok."Ch-char.... M-Mr. Atanante!..... Ha ha ha.... Anong ginagawa mo dito? Nandito ka rin pala!" Awkward na tawa ng ginang, hinihila nito ang maong dress na hawak pa rin ni chardon, ngunit hindi niya iyon mahila-hila."This mall is mine, so it's only natural that I am here.""O-oo nga.... T-tama...""Now, let's get back... you want to hurt her? Aren't you?" Napatingin ang ginang kay marigold at umiling-iling. "H-Hindi... Hindi... a-ano, kuwan.... g-gusto ko lang ipakita s-sa kanya kung... kung maganda itong... dress..." Bumaling ito kay marigold. "D-'di ba, iha, 'di ba?" Tumingin ang ginang kay marigold nang may pagmamakaawa at ngiti, ang sama tuloy ng ayos nito na parang nakangiwi na rin."Really?.... Is what she says true?" Baling niya kay marigold."Hindi!" Tuwirang sagot ng dalaga na nagpa taranta sa ginang. "Kanina
"What is that? Is that include in our proposal?" Takang tanong ng isang executive na taga Fontabella.May isang taga-fontabella ang nagtawa. "Mr. Atanante, what is it this? May sumabotahe ba ng presentation n'yo?""Chardon Atanante: bull, horse, babaero, palikero, masungit, sumpungin, suplado...." Wala sa loob na binasa ng isa ring executive na taga Fontabella ang mga nakalagay sa powerpoint. Siniko ito ng kanyang katabi dahilan para tumigil ito.Napatingin ang lahat kay chardon na noo'y hindi na maipinta ang mukha."What are you still looking at?.... Dismiss it immediately!" Hinampas ni chardon ang mesa na nagpagising sa tulalang si Mr. Javier.Dali-daling kinansela ni Mr. Javier ang naturang powerpoint. "S-sir.... Give me some time, I'll fix this." At lumabas ito ng conference room.Hindi na nakatiis si marisol, napahagalpak na ito ng tawa. Napamaang na lang lahat sa kanya."Sorry... I'm so sorry guys, n-nakaka good vibes lang kasi e. Nawala ang inis ko kanina." Humarap si
"Hi chardon~ long time no see, how are you?" Dahan-dahang lumapit ang babae sa binata. Sa bawat paghakbang nito ay tumutunog ang takong nito. "You're still the same, ang guwapo-guwapo mo pa rin at nag-uumapaw ang s*x appleal..." Kumagat-labi ang babae. "Tell me, are you still as before na..." Lumapit ito nang husto kay chardon at bahagyang tumingkayad para maabot ang mukha nito, bumulong ito nang nakaka-akit. ".... mainit at masigasig na parang berdugo sa ka–""I don't know what kind of bad and dirty wind brought you here." Lumayo si chardon sa babae at nagtungo sa Kanyang mesa. "But I'm not surprised to see you again, do you know why? Because nothing has change to you, you're still cheap and sl*tty as before...... Charmaine." Habang sinasabi iyon ay pasimpleng may kinokontak si chardon sa kanyang cellphone sa ilalim ng mesa. Umangat ang kilay ni Charmaine ngunit hindi naman nagalit ito. Tumawa ito. "Bago sa 'kin 'yan, a! Iyang pagiging unsympathetic mo sa mga katulad kong 'soft' and
Nalalaman ni Marigold na walang magandang patutunguhan ang muli niyang pagsunod kay Adelaida sa isang Café. Ngunit dahil hindi maganda ang kan'yang mood ay naghahanap din siya kung saan niya iyon puwedeng mailabas. Mukha'ng tamang-tama rin ang pagdating ng ginang."Umupo ka." Malamig na wika ni adelaida nang manatili pa rin'g nakatayo si Marigold paglapit nila sa isang mesa.Sumunod ang dalaga at naupo. Nang may lumapit sa kanilang waiter ay tubig lang ang hiningi ni adelaida, pagkatapos ay halos itaboy na n'ya ito. Nang makaalis ang waiter:Ngumisi si Adelaida. "Anong akala mo, hahayaan uli kita umorder ng mga masasarap na pagkain kagaya nung huling beses? Masyado ka na yatang sinusuwerte nu'n." Hindi siya 'generous' ngayon para i-treat si marigold lalo't galit at nang-gagalaiti siya ngayon dito dahil sa sinabi ni Preciosa.Hindi umimik si marigold, nakatingin lang ito kay Adelaida. Medyo nasasanay na siya dito kaya binabalewala na lang niya ang mga panunuya't panlilibak ni
Nangislap ang mga mata ni marigold at bigla ito'ng natuwa. Ito na lang 'ata ang kulang sa kanila, ang kilalanin at malaman ng lahat ang totoong relasyon nila para hindi na nila kailangan pang magtago.Lumambot ang mga mata ni chardon. "Yes. When that happens, we can openly fight for each other. You can fight and attack those who come near me.""Oo! Lalong hindi ka na makakapang-babae nu'n! Ayos lang ba sa 'yo?"Nagtawa si chardon. Hinila nito si Marigold at niyakap. "Of course...... And I wont stop you."Inihilig ni marigold ang ulo sa dibdib ng binata. "Actually, dapat maging proud ka sa 'kin ngayon, kasi, kanina lang ay lumaban ako kay Mrs. Fontabella para sa 'yo."Napukaw ang interes ni chardon. "You did something for me? What is it, Hmm? Tell me.... Did she do something to you?" "Um. Pero ayos lang. Maliit na bagay lang naman. Pero..... nakukunsens'ya kasi ako e, kasi ina pa rin s'ya ni Ms. Fontabella, tapos sinagot-sagot ko siya nang ganun.""Don't worry about that. Mari
"Ano? Nahulaan mo na? Madali lang hulaan hindi ba? dahil siguradong hindi mo ako malilimutan."Napatitig si marigold sa babae mula paa hanggang ulo. Hindi mapigilang mapamaang ng dalaga dahil hindi niya nakilala ito. "Hindi ko akalaing magkikita tayo dito.... K-kamusta ka na, Ms. Vivian?""Tsk.... Kung kamustahin mo 'ko para naman'g naging magkaibigan tayo. Huwag ka ngang magpanggap na kunyari ay ayos tayo.... hoy marigold, wala naman'g tao sa paligid, tayo lang dalawa ang nandito kaya huwag mo na akong plastikin." "T-totoo ang pangangamusta ko sa 'yo at hindi kita pina-plastic.... kahit hindi naging maganda ang pagtrato't pakikitungo mo sa 'kin." "Ganu'n naman pala e. Kung ganu'n, bakit hindi mo na lang aminin na natuwa ka sa nagyari sa 'kin, sa pagkaka-tanggal ko sa kumpanya? Feeling mo Ikaw ang nanalo, no? Dahil naiwan ka."Bumuntong-hininga si Marigold. "Ikaw ang bahala kung iyan ang gusto mo'ng isipin, nakakapagod lang kasi'ng magpaliwanag pa sa 'yo, e." Lalagpasan na sa
"M-mari?.... Marigold.." pumasok si chardon at hinanap ang dalaga sa mga cubicle isa-isa. Hanggang sa magawi siya sa pinaka dulo. Pagbukas niya ay natagpuan n'ya ang naka-halukipkip na si marigold. Wari'y nilalamig ito."Mari!" Dahil sa bugso ng damdamin nang makita ang dalaga ay bigla itong kinuha ni chardon para yakapin, ngunit hindi inaasahan'g bigla itong maghi-histerikal."Huwag!! Tama na! Maawa kayo!" Nanlaban si marigold at pinaghahampas si chardon."M-mari... Marigold, it's me... it's me chardon... your Mr. Atanante..." Pilit pinapakalma ni chardon ang dalaga dahil tila hindi siya naririnig nito habang patuloy ito sa pagwawala."Hisss....!" Naabot ni marigold ang mukha ni chardon at nakalmot ito."Mari, Please..... Listen to my voice... It's me.." pinuwersa ni Chardon si marigold sa kabila ng pagwawala nito at pilit ikinulong sa kanyang mga bisig.Nasa labas noon ng restroom sila Mr. Javier, assistant ni Mr. Corpuz at Mr. Corpuz. Nagtataka ang mga ito kung ano ang na