Pagpasok sa kanyang opisina ay bahagyang natigilan si Mr. Javier nang makita si marigold na nakaupo sa kan'yang puwesto.Bumaba ito para kunin ang pina-deliver na pagkain ng kanyang asawa. Ilang minuto na lang din kasi ay breaktime na. Inilapag nito ang dala niyang paperbag sa mesa. "Ma'm, may kailangan ka ba?"Hindi kumibo si marigold, nakatungo lang ito na ipinagtaka ni Mr. Javier. "Ma'm..... May pro–""Mr. Javier....... meron po akong itatanong sa inyo, ang hiling ko lang, sana ay sagutin n'yo 'ko nang maayos at totoo."Kinutuban nang hindi maganda si Mr. Javier. Napasulyap siya sa kanyang mesa. Saka niya naalala ang kanyang cellphone. 'Patay! nasaan ang cellphone ko?! hindi kaya....... ginalaw niya 'yung cellphone ko at nakita ang message ni.....'Kinalma ni Mr. Javier ang sarili para hindi ito mahalata. "Um, s-sige.... A-a-ano bang.... Itatanong mo?"Seryoso itong tiningnan ni marigold. "Halata ngang may itinatago ka." "H-ha?! M-ma'm..... h-hindi a! Ano namang itatago k
Nagimbal si Marigold sa sinabi ni Chardon. Ngayon, bukod sa paghawak at paghila sa damit ng binata ay pinag-hahampas na rin niya ito sa dibdib. "Anong sabi mo, ulitin mo nga! Ano'ng sabi mo?!"Nangunot ang noo ni Mr. Javier. Suportado nito lagi ang amo ngunit hindi sa pagkakataong ito. "Sir, Naghintay si Marigold sa 'yo't umasa, hindi ka ba naaawa sa kanya? pinapasamâ mo lang lalo ang loob n'ya. Saka akala ko ba ay gusto mo siyang protektahan–"Sinamaan nang tingin ni Chardon ang assitant. "Jonathan..." Awat niya dito. Kung nasa kumpanya sila nito malamang ay patawan ito ni Chardon nang parusa, tila nalimutan kasi nito ang naging usapan nila.Hinayaan lang ni chardon ang ginagawa ng dalaga. Ibinaling nito sa iba ang kanyang ulo upang iwasan ang nakaka-awa't may pang-uusig nitong mga tingin. Hindi mapigilang lumambot ang kanyang kalooban ngunit kailangan niya itong tiisin."Bakit hindi ka magsalita?! Bakit hindi mo sabihin kung ano ang ginawa ko para makipag hiwalay ka sa 'kin?!
Tanghali na at sikát na araw ngunit nakahiga pa rin si Marigold. Hindi ito nakatulog kagabi. Nangingitim at namamaga ang mga mata nito na hindi malaman kung dahil ba sa pag-iyak o dahil sa hindi pagkakatulog.Nakatagilid ito habang pinagmamasdan ang kanyang cellphone na patuloy lang sa pagri-ring. Nang makitang si Mr.javier ang tumatawag ay tila tinatamad itong sagutin iyon, ibang tawag kasi ang kanyang inaabangan. Maya-maya ay tumigil rin ang pag-ring. Bumuntong-hininga na lang si marigold. 'Mukhang nagsawa na rin si Mr. Javier.'Hindi nagtagal ay muling nag-ring ang kanyang cellphone. Nang makita ang isang hindi rehistradong numero ay napabalikwas si marigold nang bangon. Inakala niyang baka si chardon iyon na nag-iba lang ng numero.Na-excite ang dalaga at inihanda ang sarili. Mukhang ito na ang hinihintay niyang tawag. Nilinis niya ang kanyang lalamunan at sumagot. "He-hello chardon?"Nadismaya si Marigold nang marinig ang pagtikhim at pagsagot ng isang may-edad na lala
"J-jonas.... Ayaw na sa 'kin ni chardon (hik) t-tigilan ko na raw.... siya..." "A-ano?! Bakit?" Tila hindi makapaniwala si Jonas. Ang buong akala pa naman niya ay seryoso na ang pinsan kay marigold kahit malayo ito sa mga nagiging ka-relasyon nito noon.Dumilim ang mukha ng binata at umalis kaagad. Mabilis ito'ng naglakad patungo sa Ceo's office. Walang katok-katok na pumasok si Jonas. Wala itong pakialam kesyo kung meron bang ginagawa ang Ceo at ang babaeng foreigner na kasama nito.Nagdiretso ito sa pinsan na noo'y nakatalikod sa kanya na nasa bintana. Hinawakan n'ya ito sa balikat, iniharap ito sa kanya at ginawaran ng isang malakas na suntok.Nagitla si chardon nang bigla na lang may tumama sa kanyang mukha. Nabitiwan niya ang cellphone at diri-diretsong nahulog sa bintana. Liliingunin sana niya ang umupak sa kanya nang sundan ito ng isa pa na sa mukha pa rin ang tama.Nang muli na naman siyang susuntukin ay agad dumistansya ang binata. Saka niya nakita ang galit na hitsura
Nahinto ang kamay ni theodore. Lumingon ito sa nagpupuyos at nag-aalalang binata. Ngumisi ito. "Why are you so working up? I just wanted to get to know her. Afterall, it's her employee who stained my clothes. Look." Iminuwestra nito ang may mantsa at nangangamoy na puting suit.Bumaling ito kay Marigold. "Hello, miss restaurant's owner, I'm Theudo Bushe. I'm Just joking a while ago, did it scared you? I'm actually Chardon's friend." Wika nito habang ini-aabot ang kamay sa dalaga."H-ha? F-friend?" Napalingon si marigold sa binata na hawak pa rin ng dalawang banyaga.Tumawa si Theodore. "Those two were just kidding. Right guys?" Sumenyas ito sa dalawa.Agad naunawaan ng isa ang sinabi ng kanilang pinuno. "Yes, yes.... Chidding. it's chidding..." Bahagyang naka-ngiting wika nito. "Oui, oui..." At binitiwan na nila ang binata."Um, Mr. Buchet..." Tumingin si Marigold kay Karen na nasa sahig pa rin at hawak ng isang lalaki. "My employee...""Oh, yes, yes..... Of course." Pinandi
Sumama ang mukha ni Jonas habang tahimik at nakayuko lang si Mr. Javier. Alam na niya ang tungkol dito. At sa pagkakataong ito ay suportado na n'ya ang amo, para sa kaligtasan ni marigold.Tumayo si Jonas. "At talagang gagawin mo lahat no para lang mailayo na si marigold sa 'yo? Alam mo, ngayon lang ako nakakita ng kasing jerk mo...... mabuti pa yung ibang katulad mo e, kahit pa'no ay meron silang konsiderasyon sa mga ex nila, e ikaw? Para ka lang dumispatsa ng bagay a!" Hindi nalalaman ni Jonas na sa mga sinasabi n'ya ay lalo lang nakaramdam si marigold ng habag para sa sarili. Napayuko ito at tahimik na umiyak.Dahan-dahang tumayo si marigold habang pinapahid nito ang luha, dahan-dahan itong lumabas ng meeting room.Habang papalayo ang dalaga ay narinig pa nito ang pagsinghal ni Jonas.Pagpunta ng opisina ay dinampot ng dalaga ang bag at lumabas uli.Hinabol ito ni Mr. Javier para sana i-comfort at paliwanagan ito na huwag itong masyadong malulungkot dahil pansamantala lang
Antique Province: "Marigold, anak. Hindi ka pa ba nagugutom? Hindi ka kumain kagabi, baka nagugutom ka na." Wika ni Lucilla sa labas ng isang silid, matapos kumatok."Mamaya na lang po! Hindi pa po 'ako nagugutom!" Sigaw naman pabalik ng nasa loob ng kuwarto.Bumuntong-hininga si lucilla. Nalalaman niya'ng hindi niya mapipilit ito, ngunit nag-alala siya para dito dahil nabawasan na nga ito ng timbang, ngunit patuloy pa rin itong nanga-ngangayat dahil hindi ito nagka-kakain. Lumingon muna siya nang isa pang beses sa silid bago magtuloy sa kusina. Malamang ay hindi na naman makakain ang iniluto niyang almusal. Napabuntong-hininga na lang si lucilla. Isa't kalahating buwan na ang nakakalipas buhat nang masorpresa siya sa biglaang pagsulpot ng anak sa labas ng pinto ng kanilang bahay.Natigilan siya nang makita ito bitbit ang mga bag na dala nito pag-alis ng Antique. Napamaang pa siya't napaisip kung ito ba talaga ang anak na lumuwas ng Maynila, dahil tahimik lang ito't tulala, h
"À quoi ça sert, Chlui? Qu’allez-vous faire avec ça?" Tanong ng isang lalaking Pranses na kararating lang sa kanilang hideout."ceci? C’est une surprise pour la femme de Shardun." Wika ni Chloé haba inaayos at isinisilid sa isang sobre ang ilang piraso ng pictures, kalakip ng isang sulat.Ngumisi ang lalaki. "il t'a énervé? pitié." Pumalaktak ito."Elle sera vraiment misérable quand il le recevra. Même si elle change de place, Je vais gifler ça à elle." Segunda ni Chloé.Tila lumaki ang inis na nararamdaman ni Chloé para kay marigold nang puntahan nito si chardon nung paalis sila. Nu'ng una ay hindi niya maunawaan, ngunit naunawaan din niya sa huli na iyon ay dahil kay chardon.Nang hinalikan ito ng binata ay sumibol ang pagka-gusto niya dito. At dahil nalaman niyang may relasyon pala ito kay Marigold ay nanibugho ito, lalo na nang marinig mismo kay chardon na may anak sila ni Marigold.Kumitid ang mga mata ni Chloé. Ngayon'g narito rin sa Paris ang binata ay may pagkakataon na
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan ang mga s
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim