"Sir, welcome back!" Masayang bati ni Mr. Javier. Nasa airport ito para salubungin si Chardon. "Kumusta sir? Natapos mo na ba ang misyon mo?""Um, of course. How's the company?" Sagot ng binata habang inaalis ang suot na shades. "That...." Natigilan saglit si Mr. Javier. "A-ayos lang.""Good. Good job, Jonathan." Tinapik-tapik ito ni chardon sa balikat.Gustong ngumiti ni Mr. Javier at tanggapin ang papuri ng amo, ngunit hindi nito magawa lalo kapag naalala ang kanyang naging hirap nung mga panahon'g wala ito. 'Sir, kung alam mo lang, stress na 'ko sa trabaho, stress pa 'ko pag-uwi ko dahil lagi akong inaaway ng asawa ko dahil sa pag-o-overtime ko.'"Let's go." Maganda ang mood na wika ni chardon habang nanguguna ito. Excited itong makabalik sa C.A. namiss rin nito ang kanyang trabaho, at higit sa lahat ay excited itong makita si Marigold.Nguni't hindi pa man nakalalayo ay may bumangga sa binata. Tumalsik ang bumangga dito. Paglingon ni chardon ay nakita niya ang isang magan
"Ser, salamat po sa libreng pagkain, ha. Birthday n'yo po ba?" Tanong ng isang marungis na bata pagka-abot sa food box. Puro bungi at bulok ang mga ngipin nito.Malamyos itong nginitian ng isang gwapong lalaking namamahagi ng mga pagkain. "No. This is my dedication for the most important person to me, this is my gift for her.""Ano po?" Napakamot sa kanyang pisngi ang bata. "Ser, hindi ko po kayo maintindihan." Mahinang tumawa ang lalaki. "I said... I mean, para ito sa importanteng tao sa 'kin.""Siya! huwag ka nang maraming tanong Tikboy, alis na at may pila pa." Wika ng volunteer na kapitan ng barangay na iyon.Pag-alis ng bata: "Pasensya ka na ser ha. May mga makukulit lang talagang mga bata dito sa 'min, pero mababait naman ang mga iyan. Mas pasaway pa nga mga matatanda dito e, katulad na lang nung kamuntikan nang mag-away kanina." Dagdag ng kapitan na ang tinutukoy ay sila Nellie at Lucilla.Biglang na-alala ng lalaki si lucilla nang tangkain siyang kausapin nito kanina.
Matapos kumain ay tumulong si Marigold sa pagliligpit. Tutulong sana si Lucilla ngunit pinigilan ito ng dalaga. "Ako na dito, 'ma. Ikaw na ang nagluto 'di ba?"Napagmasdan ni chardon ang mag-ina. Bigla itong na-conscious. Kumain siya ngunit wala naman siyang ambag. Dinampot nito ang isang plato at ginaya ang ginagawa ni marigold na pag-uurong ng mga mismis. "I'll help you.""Iho, hayaan mo na siya diyan. Halika, sumama ka sa 'kin dito sa labas." Awat at tawag ni Lucilla.Napatingin si Chardon kay marigold. Bigla itong kinabahan at napa-ayos sa sarili. Tumikhim muna ito bago sumunod kay Lucilla.Pina-upo ni Lucilla si chardon sa upuang kawayan sa labas. Meron din'g lamesang kawayan doon."Iho, hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa...... seryoso ka ba sa anak ko?" Bumuntong hininga si lucilla. "Alam mo kasi, nag-iisang anak ko lang si marigold, babae pa. Kaya ayokong masasaktan siya..."Nagpatuloy ang kabang nararamdaman ni chardon. Napa-isip ito. Ibig bang sabihin ay hindi boto a
Maynila: Sa isang malaki at malawak na sala ay nagtipon-tipon ang apat na miyembro ng isang mayamang pamilya.Naroon'g naka-upo sa isang malambot na single sofa ang isang matandang lalaki habang nakahawak sa kanyang itim na tungkod na mukhang mamahalin dahil sa tila ginto na naka-ukit doon. Nasa 72 na ito, ngunit dahil kunot ang noo at kulimlim ang mukha ay litaw na litaw ang mga kulubot nito, kaya mukha na itong 80."Papá, huwag kayong papayag!" Wika ng isang middle-age na babae, nagpupuyos ito. Puro alahas ang katawan nito na nangingislap lalo na kapag natatamaan ng liwanag. "Alam ko! Hindi mo na ako kailangang turuan!" Masungit na wika ng matandang lalaki.Dahil sa bugso ng kanyang damdamin ay nakalimot ang babae at nawala sa isip ang ugali ng matanda. Natahimik ito at napayuko.Binalingan ng matanda ang isang middle-age na lalaki. Sa kabila ng pag-edad ay makisig pa rin ito. Nakasuot ito ng rimless glasses. "Hindi ko pinahihintulutan ang gusto mong mangyari. Magugulo ang
"A-anong ginagawa n'yong lahat dito?" Nagtaka si marigold nang biglang magsulputan ang ilang pinsan kasama si Michelle at ang bunsong kapatid na si nerissa sa kanilang bahay.Hindi kasundo ni marigold ang mga pinsan'g ito dahil naka-kampi ang mga ito kila Nellie. Kaya nagtataka siya kung bakit narito ang mga ito.Lumapit si Chadon at malamig na tiningnan ang mga ito lalo na nang makitang may ilang lalaking naroon. Tumabi ito kay Marigold. "Mari, who are they?""Mga pinsan ko." Walang-ganang pakilala ng dalaga.Kinilig si Nerissa nang makita si chardon. "I-ikaw siguro 'yung sinasabi ng ate ko, 'yung taga-Maynila?"Kumunot ang noo ni Chardon. Bagaman wala pa namang ginagawang hindi n'ya nagustuhan, ngunit hindi na agad maganda ang impression niya kay Nerissa. "To be precise, I'm your cousin's boyfriend."Napaurong na lang si Nerissa sa malamig na pakikitungo ng binata."A, bayaw..." Wika ng isang lalaki. "Pinapunta kami dito ni tita Nellie kasi, wala pa kayo. Kaya pinasusundo n
"Nasaan na sila?" Nagpalinga-linga si lucilla pag-balik sa kinaroroonan nila marigold na'ng hindi makita si chardon at ang anak.Nilapitan nito si Nellie na noo'y maganda ang mood na nakikipag-usap sa mga amiga nito. "Ah, Nellie. Nakita mo ba si marigold at ang nobyo niya?"Natigilan sa pagkukuwentuhan sila Nellie. Tumaas ang kilay ng isa sa amiga nito. "Nellie, sino siya?" Nag-snort si Nellie at hinaguran nang tingin si lucilla.Napayuko si lucilla habang nagtataka. Anong nangyari kay Nellie? Kanina lang kung umarte ito ay parang may close relationship sila, bineso pa nga sila mag-ina nito kanina.Ang hindi alam ni lucilla ay bumalik na sa dating pagiging matapobre si Nellie. Hindi na nito kailangan pang magpanggap sa kan'ya dahil kumpiyansa ito na sa mga sandaling ito ay nagaganap na ang plano nilang mag-ina.Siya ang nagplano ng lahat. Kahit hinahangad nila ng asawa ang magandang trabaho o career para kay Michelle, handa niyang ipagpalit iyon alang-alang sa mas maganda at asensado
"M-Mr..... Mr. Atanante.... a-anong ibig sabihin nito? B-bakit kayo magkasama ni marigold?" Wala sa loob na bulalas ni Geraldine.Pinanlamigan ni chardon ng tingin ang babae. "What it has to do with you?" At inakay na nito si marigold papunta sa personal elevator nito.Sinalubong ni Mr. Javier ang dalawa. "Sir, welcome back." Ngumiti ito kay marigold. " welcome back marigold. Ang akala ko ay hindi ka na makakabalik.""That's not possible. Wherever I am, she must be there. Besides, she belong in this company..... To me." Pagkasabi'y hinalikan ni Chardon ang nobya sa noo.Namula si marigold. Itinulak nito palayo ang binata. "Oo na."Nagtawa si chardon. "Actually, I will even confirm your position here in the company. and.... I also have a surprise to confirm your position.... in my heart." Kinuha n'ya ang kamay ni marigold at hinalikan iyon.Bagaman kinikilig at nagagalak ang kanyang puso, pinandilatan ni Marigold ang nobyo at pabulong na nag-wika dito. "Tumigil ka nga, Nandito si Mr. J
Nang mag-break time ay pinuntahan nila Jessy si Marigold sa opisina nito. Masayang-masaya ang mga ito nang malamang nakabalik na ang dalaga.Hindi na nakapag-salita si Marigold nang hilahin siya ng mga ito. Plano sana niyang sumabay ng tanghalian sa nobyo."Tara na! Ngayon lang ulit tayo nagkita e. Saka dapat kang magkuwento sa 'min ng nangyari sa 'yo, Ang sabi mo hindi ka na babalik, nalungkot tuloy ako." Ani Jessy."Oo nga! Tara, sa canteen ka magkuwento."At hinila nila ang dalaga sa canteen.Ikinuwento ni marigold na nagkalabuan sila ni Chardon ngunit nagka-ayos din sila. Meron itong mga hindi sinabi. Matapos kumain ay nagpaalam na agad si Marigold kila Jessy. Ayaw pa sana siyang pakawalan ng mga ito nang sabihin ng dalaga na baka hindi pa kumakain ang nobyo.Pinag-take out ni Marigold si Chardon at pinuntahan ito sa opisina.Ngunit pagpasok ay wala ang binata doon. Hinanap ito ni marigold sa banyo. Nang makumpirmang wala ito doon ay lalabas na sana ito nang may mamataan s'y