Maynila: Sa isang malaki at malawak na sala ay nagtipon-tipon ang apat na miyembro ng isang mayamang pamilya.Naroon'g naka-upo sa isang malambot na single sofa ang isang matandang lalaki habang nakahawak sa kanyang itim na tungkod na mukhang mamahalin dahil sa tila ginto na naka-ukit doon. Nasa 72 na ito, ngunit dahil kunot ang noo at kulimlim ang mukha ay litaw na litaw ang mga kulubot nito, kaya mukha na itong 80."Papá, huwag kayong papayag!" Wika ng isang middle-age na babae, nagpupuyos ito. Puro alahas ang katawan nito na nangingislap lalo na kapag natatamaan ng liwanag. "Alam ko! Hindi mo na ako kailangang turuan!" Masungit na wika ng matandang lalaki.Dahil sa bugso ng kanyang damdamin ay nakalimot ang babae at nawala sa isip ang ugali ng matanda. Natahimik ito at napayuko.Binalingan ng matanda ang isang middle-age na lalaki. Sa kabila ng pag-edad ay makisig pa rin ito. Nakasuot ito ng rimless glasses. "Hindi ko pinahihintulutan ang gusto mong mangyari. Magugulo ang
"A-anong ginagawa n'yong lahat dito?" Nagtaka si marigold nang biglang magsulputan ang ilang pinsan kasama si Michelle at ang bunsong kapatid na si nerissa sa kanilang bahay.Hindi kasundo ni marigold ang mga pinsan'g ito dahil naka-kampi ang mga ito kila Nellie. Kaya nagtataka siya kung bakit narito ang mga ito.Lumapit si Chadon at malamig na tiningnan ang mga ito lalo na nang makitang may ilang lalaking naroon. Tumabi ito kay Marigold. "Mari, who are they?""Mga pinsan ko." Walang-ganang pakilala ng dalaga.Kinilig si Nerissa nang makita si chardon. "I-ikaw siguro 'yung sinasabi ng ate ko, 'yung taga-Maynila?"Kumunot ang noo ni Chardon. Bagaman wala pa namang ginagawang hindi n'ya nagustuhan, ngunit hindi na agad maganda ang impression niya kay Nerissa. "To be precise, I'm your cousin's boyfriend."Napaurong na lang si Nerissa sa malamig na pakikitungo ng binata."A, bayaw..." Wika ng isang lalaki. "Pinapunta kami dito ni tita Nellie kasi, wala pa kayo. Kaya pinasusundo n
"Nasaan na sila?" Nagpalinga-linga si lucilla pag-balik sa kinaroroonan nila marigold na'ng hindi makita si chardon at ang anak.Nilapitan nito si Nellie na noo'y maganda ang mood na nakikipag-usap sa mga amiga nito. "Ah, Nellie. Nakita mo ba si marigold at ang nobyo niya?"Natigilan sa pagkukuwentuhan sila Nellie. Tumaas ang kilay ng isa sa amiga nito. "Nellie, sino siya?" Nag-snort si Nellie at hinaguran nang tingin si lucilla.Napayuko si lucilla habang nagtataka. Anong nangyari kay Nellie? Kanina lang kung umarte ito ay parang may close relationship sila, bineso pa nga sila mag-ina nito kanina.Ang hindi alam ni lucilla ay bumalik na sa dating pagiging matapobre si Nellie. Hindi na nito kailangan pang magpanggap sa kan'ya dahil kumpiyansa ito na sa mga sandaling ito ay nagaganap na ang plano nilang mag-ina.Siya ang nagplano ng lahat. Kahit hinahangad nila ng asawa ang magandang trabaho o career para kay Michelle, handa niyang ipagpalit iyon alang-alang sa mas maganda at asensado
"M-Mr..... Mr. Atanante.... a-anong ibig sabihin nito? B-bakit kayo magkasama ni marigold?" Wala sa loob na bulalas ni Geraldine.Pinanlamigan ni chardon ng tingin ang babae. "What it has to do with you?" At inakay na nito si marigold papunta sa personal elevator nito.Sinalubong ni Mr. Javier ang dalawa. "Sir, welcome back." Ngumiti ito kay marigold. " welcome back marigold. Ang akala ko ay hindi ka na makakabalik.""That's not possible. Wherever I am, she must be there. Besides, she belong in this company..... To me." Pagkasabi'y hinalikan ni Chardon ang nobya sa noo.Namula si marigold. Itinulak nito palayo ang binata. "Oo na."Nagtawa si chardon. "Actually, I will even confirm your position here in the company. and.... I also have a surprise to confirm your position.... in my heart." Kinuha n'ya ang kamay ni marigold at hinalikan iyon.Bagaman kinikilig at nagagalak ang kanyang puso, pinandilatan ni Marigold ang nobyo at pabulong na nag-wika dito. "Tumigil ka nga, Nandito si Mr. J
Nang mag-break time ay pinuntahan nila Jessy si Marigold sa opisina nito. Masayang-masaya ang mga ito nang malamang nakabalik na ang dalaga.Hindi na nakapag-salita si Marigold nang hilahin siya ng mga ito. Plano sana niyang sumabay ng tanghalian sa nobyo."Tara na! Ngayon lang ulit tayo nagkita e. Saka dapat kang magkuwento sa 'min ng nangyari sa 'yo, Ang sabi mo hindi ka na babalik, nalungkot tuloy ako." Ani Jessy."Oo nga! Tara, sa canteen ka magkuwento."At hinila nila ang dalaga sa canteen.Ikinuwento ni marigold na nagkalabuan sila ni Chardon ngunit nagka-ayos din sila. Meron itong mga hindi sinabi. Matapos kumain ay nagpaalam na agad si Marigold kila Jessy. Ayaw pa sana siyang pakawalan ng mga ito nang sabihin ng dalaga na baka hindi pa kumakain ang nobyo.Pinag-take out ni Marigold si Chardon at pinuntahan ito sa opisina.Ngunit pagpasok ay wala ang binata doon. Hinanap ito ni marigold sa banyo. Nang makumpirmang wala ito doon ay lalabas na sana ito nang may mamataan s'y
"Marigold, mula ngayon, ayoko ko na'ng magkakaroon ka ng koneksyon sa lalaking ito." Utos at turo ni Ernesto kay chardon na nagpasiklab dito."Heh, he he.... and who are you to tell her that? you are just like any other old man who wants to have a relationship with someone younger than them. Aren't you ashamed of that?"Parang gusto na lang sumakit ng ulo ni Marigold sa dalawa. Wala siyang balak ayunan o kampihan ang sinuman sa mga ito dahil pareho siyang inis sa dalawa."Marigold, come here! Stay away from this old man from now on. Whatever he offers you, i Will give you double!" Utos at alok ni chardon."Heh, talaga? Kung ano ang kaya kong ibigay ay dodoblehin mo? Baka hindi mo nalalaman kung sinong ako sa kanya? Kumpara sa 'yo, mas matimbang ako." May kumpiyansang wika ni Ernesto.Sumamâ ang mukha ni chardon nang marinig iyon. Sumiklab ang selos dito. Anong ibig Sabihin ng may-edad na lalaking ito? Ibig bang sabihin ay mas matimbang Ito sa puso ng nobya? Nagkaroon bigla ng pag-aala
"Hay...... Busog." Ani marigold habang hinihimas pa ang kanyang tiyan.Nasa isang malaking restaurant ito ngayon. Ang restaurant na ito ay sikat sa mga turista ng Singapore.Nangunot ang noo ni Chardon. Lumapit ito at hinamas-himas ang tiyan ng dalaga.Natigilan si Marigold at pinandilatan ang nobyo. "Anong ginagawa mo?""Helping you..."Hinampas ni marigold ang kamay ng binata. "Sinong may kailangan ng tulong mo? Hindi ka ba nag-aalalang baka isipin ng mga taong makakakita sa 'tin na minomolestiya mo 'ko?""Who cares about them?" Sagot ni Chardon na patuloy pa rin sa paghimas sa tiyan ng nobya."Tigilan mo nga 'yan! Para naman akong buntis niyan e." Hinawi na ni Marigold ang kamay nito.Bumuntong-hininga si chardon. "Yes, it would be great, If only.... Unfortunately, it's not." May panghihinayang nitong saad.Naalala nito ang inaakala niyang pagdadalantao noon ni marigold na hindi naman pala totoo. Bigla niyang naisip si nanay sela na siyang nagsabi sa kanya. "Speaking of nanay sela,
"Sir, how is your trip?" Usisa ni Mr. Javier sa passenger seat. Nagmamaneho ito ng Bentley habang nakatingin sa rear view mirror ng sasakyan.Pinandilatan ito ni chardon. "Eyes on the road, is that how you drive?"Sumulyap ng isa pang beses si Mr. Javier sa amo at sa babaeng katabi nito na kanina pa walang imik.Nagtaka ito. 'Bakit parang magka-away pa rin ang dalawang 'to? Hindi kaya sila nagka-ayos sa Singapore?'May pagtataka niyang sinundo ang magkasintahan sa airport, dahil hindi man lang nakaka-tatlong araw ang bakasyon na mga ito. Samantala'ng noon ay laging isang Linggo ang nagiging bakasyon ng Ceo kasama ang girlfriend nito.Matapos nu'ng gabi'ng puwersahin ni Chardon si marigold ay hindi na nagkausap nang maayos ang dalawa. Bigla na lamang sila'ng nag-iwasan.Nalalaman ni chardon na galit sa kanya si marigold dahil sa nangyari, maging siya ay hindi makapaniwala'ng nagawa niya iyon. At dahil sa hiya at dahil hindi niya alam kung paano ito haharapin ay minabuti niyang h