Sa isang sulok ng maingay na bar ay mag-isang umiinom ang isang lalaki. Hindi nito alintana ang maingay na tugtugan at ang paglapit ng ilang babae para magpakilala dito. Tila may sarili itong mundo.Nakayuko ito, tanda na may tamà na ito ng alak. Maya-maya ay nag-angat ito ng ulo. Dinampot nito ang isang bote at tutungga sana, nang malaman'g wala na palang laman iyon.Tinawag nito ang papadaang waiter at umorder ng beer. Napakamot sa ulo ang waiter pagbalik dahil natu-tulog na ang lalaki. Kinalabit pa niya ito at ginising.Nang magising ay muli na naman itong uminom. Dinampot nito ang isang bote at itinaas iyon. "Con... Congratulations....sa (hik) inyong dalawa..... K-kuya Chard at.....(hik) Marigold....." At tinungga nito ang bote.Pinahid nito ang alak sa gilid ng kanyang labi at sumandal. Maya-maya ay tumayo na ito para umuwi na. Nang papa-alis na ay hinabol ito ng isang waiter at ibinigay ang bills nito. Hindi inalam ng lalaki ang bayarin niya. Dumukot lang ito sa bulsa p
Tuwid na tuwid ang pagkaka-upo ni Mr. Javier habang naka-siksik sa gilid sa loob ng Bentley. Sinisikap nitong mabawasan ang kanyang presensya, at gaputok man ay pinipilit nitong hindi makagawa ng ingay. Kahit nangangati ang kanyang lalamunan at kahit gusto na niyang iubo iyon ay hindi niya magawa. Napapasulyap ito sa amo na may madilim na mukha.Hindi niya nalaman kung ano ang ibinulong ng may-edad na banyagang iyon kanina at nawalan na rin siya ng pagkakataon'g tanungin ang amo na'ng magbago't sumamâ bigla ang mukha nito. "Jonathan...."Halos magitla si Mr. Javier nang biglang tawagin ng amo."Y-y....yes.... sir.""Investigate them...... I know, they are illegal syndicate."Nang makabalik sa kumpanya, pagbaba ni Chardon ng sasakyan ay saka lang naka-hinga nang maluwag si Mr. Javier. Sumunod ito sa amo nang may tatlong metro ang layo.Pagbukas ng pinto ng opisina ay bigla na lamang may humahangos papunta kay chardon. Hindi naman nagdalawang-isip ang binata na saluhin iyon."Surpris
Biglang nagkaroon ng katahimikan. Napayuko si marigold at umalis sa pagka kandong sa nobyo. Tumayo ito. "B-bakit.... Anong dahilan at kailangan mong umalis?"Hindi muna umimik si chardon, ngunit makikitang hindi nito masabi-sabi ang sagot sa katanungan ng nobya. "I'm sorry mari.... But this's highly confidential and no one should know about this–""Kahit ba ako?"Tumango ang binata. "Um, including you..... I'm sorry."Napahimutok sa inis si marigold. "Puro ka I'm sorry, I'm sorry..... Ako naman ito e, hindi naman ako ibang tao. Baka naman puwede kong malaman kung saan pupunta ang boyfriend ko para hindi naman ako mag-alala, 'di ba?"Lumambot ang mga mata ni Chardon sa sinabi ng nobya at sa pag-aangkin nito sa kanya bilang nobyo nito.Tumayo ito't niyakap ang dalaga. "Just trust and believe your boyfriend, okay? I didn't tell you about it because I don't want you to worry.... Okay....." Bumuntong-hininga ang binata. "Because I can't disclose it to you, I'm giving you a clue in
"Mari- ma'm...... here's the proposal from Wanda Group. But, they demanded 63%, because they said, they have the implementation for this project." Ani ng naka-kunot noo'ng si Mr. Javier. Mukhang hindi ito nasisiyahan sa hawak na report. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ito sana'y sa tawag niya sa 'kin. Kasi naman, sinabi ko naman sa kanyang huwag na 'kong tatawaging ma'm, e. Hindi naman kasi iyon kailangan dahil acting Ceo lang naman ako.Dalawang buwan mahigit na ang nakakalipas buhat nang umalis si Chardon. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming koneksyon at balita sa kanya. Dalawang beses siyang tumawag noon at hindi na naulit iyon. Ang huling tawag niya ay sa villa.Nagulantang ako nu'ng sabihin sa 'kin ni Mr. Javier at Mr. Villaflores na ini-appoint daw ako ni Chardon bilang acting Ceo habang wala pa siya.Tinanggihan ko kaagad iyon, kasama ng inis ko sa kanya dahil sumira siya sa pangako n'ya. Ang pangako niya ay lagi siyang tatawag pero hindi nangyari, tapos y
"Cheers!" "Cheers!" "Cheers!"Sabay-sabay nag-toast ang tatlong foreigner sa isang bar. Napa-aga ang pagbubukas ng bar na ito dahil sa tatlo. Dahil na rin sa ayos ng mga ito kung kaya hindi na tumutol ang manager ng bar nang sabihin sa kanyang mag-bukas na sila."Tu es vraiment fou! Pourquoi avez-vous décidé d'y laisser notre bombe déraillée?""C'est bon. Ce n'est pas important. en plus, c'est mon cadeau pour leur nourriture désagréable."Dahil maaga at hapon pa lang kung kaya't ang tatlong foreigner pa lang ang kustomer.Habang nag-iinuman ay panay naman ang linis ng mga staff. Bagaman mukhang hindi nila alintana ang mga foreigner, ngunit pa-simpleng lumilingon ang mga ito sa tatlo.Nakatayo ang baklang manager malapit sa pinto habang nakamasid. Nilapitan ito ng isang staff."Ma'm Georgia, sino ba'ng mga 'yan? Mukha silang mai-impluwensiyang tao a. Hindi kaya miyembro ng gang ang mga 'yan?""Ewan ko ba. Pero sa asta nila, mas tama sigurong ilarawan na goons ang mga
Maaga pa lang ay nagdudumadali nang pumasok sa kumpanya si Marigold. Pag-akyat sa top floor ay agad nitong tinungo ang opisina ni Mr. Javier. Nagulat ang assistant na noo'y kasalukuyang nagsusuklay ng basa niyang buhok, nang bigla na lang magbukas ang pinto. Sa gulat ay nabitiwan nito ang suklay.Dinampot nito ang suklay at humawak sa kanyang dibdib. "Mar-ma'm..... nakakagulat ka naman! Akala ko kung ano na e. Ano bang meron?" Tanong ni Mr. Javier sa bahagyang humihingal na si marigold."Mr. Javier.... " Lumapit ang dalaga sa mesa. "Magsabi po kayo ng totoo, tumawag na po ba siya sa inyo?"Napamaang si Mr. Javier. "S-sino?""Si chardon! Malakas kasi ang pakiramdam ko na nariyan lang siya sa tabi e. Pero nagtataka lang ako, kung totoo mang nandito na siya, bakit naman hindi siya nagpapakita?"Bumuntong-hininga si Mr. Javier. Nauunawaan nito ang pinagdadaanan ni marigold. "Ma'm, wala pa si sir. kaya sana lang ay magpakatatag ka habang hinihintay ang pagbabalik niya. Alam kong nam
"Good evening sir, nariyan pa pala kayo. Ang sipag n'yo nama–" natigilan ang nagrorondang guwardiya nang lagpasan lang siya ng kanyang binati. Napakamot ito nang ulo habang minamasdan ang nagdudumaling lalaki palabas ng building. Halos magkanda-dulas pa ito sa kama-madali. 'Anong nangyari doon kay Mr. Javier at nagmamadali iyon?' Napatingala ito, sa top floor. 'Hindi kaya...... nakakita 'yon ng multo sa itaas kaya nagmamadaling umuwi?' Biglang kinilabutan ang guwardiya. Iwinaksi nito ang takot at pangingilabot na nararamdaman. Hindi s'ya puwedeng matakot, mahaba pa ang oras ng trabaho n'ya at siya lang mag-isa sa buong gabi."Itong Bayad ko...."Napakamot na lang ng ulo si Mr. Javier pagbaba niya ng taxi sa tapat ng isang restaurant dahil, mahigit isang kanto lang pala ang layo nito sa kumpanya. Ang restaurant ang ibinigay na meeting place ng tumawag sa kanya. 'Tiba-tiba ang taxi na 'yon a! Hindi man lang sinabi sa 'kin na ang lapit lang pala ng pupuntahan ko.'Hindi alam n
Pagpasok sa kanyang opisina ay bahagyang natigilan si Mr. Javier nang makita si marigold na nakaupo sa kan'yang puwesto.Bumaba ito para kunin ang pina-deliver na pagkain ng kanyang asawa. Ilang minuto na lang din kasi ay breaktime na. Inilapag nito ang dala niyang paperbag sa mesa. "Ma'm, may kailangan ka ba?"Hindi kumibo si marigold, nakatungo lang ito na ipinagtaka ni Mr. Javier. "Ma'm..... May pro–""Mr. Javier....... meron po akong itatanong sa inyo, ang hiling ko lang, sana ay sagutin n'yo 'ko nang maayos at totoo."Kinutuban nang hindi maganda si Mr. Javier. Napasulyap siya sa kanyang mesa. Saka niya naalala ang kanyang cellphone. 'Patay! nasaan ang cellphone ko?! hindi kaya....... ginalaw niya 'yung cellphone ko at nakita ang message ni.....'Kinalma ni Mr. Javier ang sarili para hindi ito mahalata. "Um, s-sige.... A-a-ano bang.... Itatanong mo?"Seryoso itong tiningnan ni marigold. "Halata ngang may itinatago ka." "H-ha?! M-ma'm..... h-hindi a! Ano namang itatago k
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan ang mga s
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim